1945 Air Force: Airplane Games Review

1945 Air Force: Airplane – Labanan ang mga glider, airship, helicopter, at lahat ng sasakyang panghimpapawid ng iyong kalaban. I-upgrade ang iyong sasakyang panghimpapawid at gumamit ng modernong teknolohiya tulad ng refined ammunition, refined guns, system overclocking, at back-up fuel upang matalo ang iyong mga kaaway at pasabugin ang lahat ng ito.

Maging heneral ng Air Force at pamunuan ang buong iskwadron. Hangarin ang pinakamataas na ranggo at i-upgrade ang iyong sariling aircraft upang palakasin ang iyong mga pwersa at armas. Pumasok sa labanan ng handa at talunin ang pinuno ng kalaban!

Ano ang layunin ng laro?

Upang maging heneral ng Air Force – Ito ang pinakamataas na ranggo na maaari mong maging posisyon. Kapag nakumpleto mo ang mga misyon at nakakuha ka ng mga bituin sa bawat stage ng laro ay magagawa mong i-unlock ang ibang features, magkaroon ng EXP, at makakuha ng iba’t ibang reward.

Ubusin ang 70% na miyembro ng iyong mga kaaway – Dapat mong talunin ang hindi bababa sa 70% ng iyong mga kaaway upang magtagumpay sa mga stage o level ng laro. Kung ito ay iyong mapagtagumpayan ikaw ay makatatanggap ng mga reward.

I-upgrade ang iyong sariling aircraft – Isang kalamangan sa larangan ng digmaan ay ang pag-upgrade ng mga warplane o aircraft. Palakasin ang lahat ng mga istatistika nito at i-upgrade ito gamit ang mga modernong teknolohiya upang mas mapalakas ang atake ng iyong mga pandigmang sasakyan.

1945 Air Force

1945 Air Force

Paano laruin?

Mayroong dalawang mode ang laro: single-player at multiplayer. Magsisimula ka sa single-player dahil hindi pa available ang multiplayer. Mabubuksan mo lamang ang multiplayer nito kapag naabot mo na ang level ng staff sergeant. Kapag binuksan mo ang app, ipapakita nito ang The Deep Blue na mapa, na may sampung level. Pagkatapos mong matalo ang 70% ng iyong mga kalaban ay saka ka pa lamang makakausad sa laro at makakapag-claim ng mga reward. Maaari mong ulitin ang level o buhayin ang iyong sarili sa pamamagitan ng paggamit ng gems o manood ng mga ad para ipagpatuloy ang laro kung saan ka namatay.

Ito ay isang labanan sa himpapawid kung saan maraming mga eroplanong lumilipad. Mayroon ding mga kalaban mula sa lupa, tulad ng mga tangke at kanyon, na aatake sa iyo. Ang iyong ammo ay unlimited kaya maaari mong barilin ang mga ito nang walang katapusan. Dapat mo ring iwasan ang kanilang mga tira hanggang sa maabot mo ang panghuling kalaban – ito ay ang boss ng level. Bilang karagdagan, kapag natalo o tuluyan mong napasabog ang mga sasakyang panghimpapawid gaya ng eroplanong pandigma o mga tangke dapat mong kolektahin ang mga coin na lalabas.

Maaari mong kontrolin ang iyong warcraft sa pamamagitan ng pag-hold dito (sa screen) at pag-swipe kung saan mo gustong itutok. Ang iyong armas ay kusang bumabaril at unlimited ang supply ng ammo. Ang kailangan mo lang gawin ay itutok ito sa iyong mga kalaban, iwasan ang kanilang mga atake o bala, at kolektahin ang coins. Maaari mong i-upgrade ang iyong sasakyang panghimpapawid sa pamamagitan ng pag-claim o pagbili ng mga reward.

Paano i-download ang laro

Ang mga kinakailangan para matagumpay na ma-download ang 1945 Air Force: Airplane games sa Android devices ay dapat Android 5.0 o mas mataas pang bersyon ang gamit. Para sa iOS users naman, makukuha ito gamit ang iPhone 6s o mas mataas na iOS sa 10.0. Ang makukuhang space ng app para sa Android ay 189 MB at 402.3 MB naman para sa iOS.

  • Download 1945 Air Force: Airplane games on Android https://play.google.com/store/apps/details?id=com.os.airforce
  • Download 1945 Air Force: Airplane games on iOS https://apps.apple.com/us/app/1945-airplane-shooting-games/id1460632826
  • Download 1945 Air Force: Airplane games on PC https://www.bignox.com/appcenter/game_management/com-os-airforce-pc/
1945 Air Force

1945 Air Force

Hakbang sa paggawa ng account sa larong 1945 Air Force: Airplane games

  1. Hanapin ang anumang app store na makikita sa inyong mga device.
  2. Hanapin ang bersyon ng larong 1945 Air Force: Airplane games pagkatapos ay i-download at i-install ito.
  3. Buksan ang app at i-connect ito sa iyong Google play account.
  4. Ang data ng laro ay maiingatan o masi-save kung ili-link mo ito sa isang account.
  5. Maaari mo na ngayong umpisahan ang paglalaro ng 1945 Air Force: Airplane games!

Tips at tricks sa paglalaro ng 1945 Air Force: Airplane games

I-upgrade ang iyong sasakyang panghimpapawid – Ang USAF ay mag-aalok sa iyo ng mga gantimpala upang mas mapahusay ang iyong sasakyang panghimpapawid na bibilhin mo gamit ang totoong pera. Dapat ay madalas ang iyong paglalaro upang makakolekta ng mga reward at gamitin ang mga ito para i-upgrade ang iyong warcraft at armas. Iyon ay magbibigay sa iyo ng isang kalamangan sa isang digmaan.

Gumamit ng Advanced Techs – Mayroon itong apat na features na maaaring maging kapaki-pakinabang sa iyo sa buong digmaan: refined ammunition, refined gun, system overclocking, at back-up fuel. Huwag matakot na gamitin ang iyong mga gems sa mga items na ito. Habang ikaw ay umuusad sa laro ay mas humihirap ng talunin ang mga kalaban.

Ipanalo ang bawat laban at huwag sayangin ang iyong Dogtag – Ang Dogtag dito ang magsisilbing susi mo para simulan ang laro. Ang bawat level ay may katumbas na halaga ng Dogtag kaya kung gusto mong laruin muli ang level ay siguraduhin na maipapanalo mo ito. Mas mabuting gugulin ito nang maayos at ipanalo ang bawa’t laban para hindi ito masayang.

Pros at cons sa paglalaro ng  1945 Air Force: Airplane games

Nakatanggap ang laro ng maraming magagandang feedback dahil marami itong nakaka-excite na features. Mayroong higit sa 30 makasaysayang WWII war zones at mahigit sa 350 mahirap na campaigns. Nagtatampok din ito ng higit sa 30 makasaysayang sasakyang panghimpapawid mula sa United States, United Kingdom, Soviet Union, Germany, at Japan Air Forces na maraming naging mga pagbabago, pag-upgrade, at pagsasama-sama ng mga opsyon upang idisenyo ang iyong mga personal na super plane. Kolektahin ang iyong daily rewards sa pamamagitan ng paglalaro araw-araw upang makakuha ng mga libreng premyo at maraming misyon pati na rin ang limpak-limpak na mga libreng item! 

1945 Air Force

1945 Air Force

Kabilang dito ang magandang visual, lighting at special effects na pawang nakapagpapaganda at nagdaragdag sa isang makatotohanang gameplay experience. Maaari mo ring laruin ito sa single-player o multiplayer mode, depende sa iyong kagustuhan. Maglaro ng Player vs. Player online shooting game kasama ang iyong mga kaibigan, bumuo ng isang squad team at mapabilang sa listahan ng ranking sa buong mundo. Ito ay talagang nakaaaliw na laro. Ito ay angkop din para sa lahat ng edad. Available ang bersyon nito sa lahat ng user ng Android, iOS at PC na isang magandang balita para sa mga manlalaro.

Related Posts:

456 Squid: Survival Red Light Review

SAKURA School Simulator Review

Maaari mo itong laruin sa parehong offline at online mode. Ang gaming app na ito ay may kailangan pang i-improve. Ang ilang mga manlalaro ay nagpahayag ng kanilang negatibong karanasan sa laro. Napakaraming mga ad na lumalabas habang naglalaro at hindi ito maaaring i-skip. Sa kalaunan, ang laro ay pipilitin ang manlalaro na  bumili at gumamit ng totoong pera upang i-upgrade ang mga sasakyang panghimpapawid. Ito ay isang disadvantage para sa mga free-to-play na manlalaro.

Konklusyon

Bagama’t may ilang hindi magandang komento mula sa mga manlalaro, mayroon pa ring pumapasok na magandang feedback ng laro na nagsisilbing pangbalanse sa performance nito. Ito ay pinapabuti at ina-update pa rin upang matugunan ang ilan sa mga isyu at problema ng laro.

Laro Reviews

Leave a Comment

Categories
Latest Posts
Login
Loading...
Sign Up
Loading...