1945 Airplane Shooting Game Review

Tungkol sa laro

1945 Airplane Shooting Game – Papalapit na ang kalaban. Dumadagundong ang kulog ng digmaan! Palawakin natin ang iyong mga pakpak na bakal, simulan ang isang solong misyon, at kontrolin ang kalangitan NGAYON!

Sa kapanapanabik na combat flying action game na ito, kinokontrol ng manlalaro ang isang warplane na kabilang sa digmaang 1945 AIR FORCE. Sa maaksyong  larong ito, gagampanan mo ang papel ng isang pinuno ng squadron ng isang piling yunit ng air force na kabilang sa pandigmang kampanya ng 1945 AIR FORCE. Maaaring ang laban ay binubuo ng isang pangkat o maaari ring solo lamang.

Mula sa mga klasik na sasakyang pandigma tulad ng Grumman F6F Hellcat, Lockheed P-38 Lightning, Su-5, P-51, P-36 Hawk, Schwalbe “Swallow”, Mitsubishi A6M Zero, B-17 Flying Fortress hanggang sa mga sasakyang panghimpapawid ng militar ng kasalukuyang henerasyon, lalaban ka lulan ng astig at makasaysayang eroplano.

Storyline at Gameplay ng 1945

Ang 1945 Air Force ay isang mahirap na shooting game na itinakda sa setting ng World War II (WWII). Ang gameplay nito ay nagsisilbing inspirasyon ng mga vintage arcade game. Nagbibigay-pugay ito sa mga pangyayari nang magkaroon ng malawakang digmaan at ipinakikita ito sa pamamagitan ng mga nakamamanghang graphics na tapat sa mga orihinal at pakiramdam mo ay totoong-totoo habang nasa loob ka ng laro.

1945 Airplane Shooting Game

1945 Airplane Shooting Game

Ang pag-master ng gameplay ng 1945 Air Force ay napakasimple, dahil wala naman itong masyadong pinagkaiba kung ihahambing sa iba pang laro sa genre na ito: ang iyong jet ay awtomatikong nagpapaputok ng mga missile, at ang iyong tanging dapat gawin ay i-drag ang iyong daliri sa screen upang magpalipad ng eroplano. Kapag nabaril mo ang mga kalaban, makakatanggap ka ng pera at mga ekstrang items na maaari mong gamitin sa pagbili ng mga bagong eroplano o pagandahin ang mga yunit na mayroon ka na.

Isa sa mga pinakanakakaintrigang katangian ng 1945 Air Force ay ang tatlong difficulty levels ng laro na maaaring angkop sa kakayahan ng bawat manlalaro. Kapag nalampasan mo ang unang level, maa-unlock ang panibagong level na may mga bagong hamon. Ang sistemang ito ay nagbibigay ng gantimpala sa pagsisikap at pasensya ng player, kapalit ang maraming pera at pambihirang pinagkukunan ng mga materyal para sa pagpapahusay at pagpapaganda pa ng iyong mga eroplano.

Paano mag-download 1945 Airplane Shooting Game?

Magandang balita! Kahit sino ay maaaring maglaro nito, dahil ito ay magagamit sa iOS o Android devices. I-click lamang ang mga link sa ibaba upang makapag-download:

  • Download 1945 – Airplane Shooting Games on Android https://play.google.com/store/apps/details?id=com.os.airforce&hl=en&gl=US
  • Download 1945 – Airplane Shooting Games on iOS https://apps.apple.com/us/app/1945-airplane-shooting-games/id1460632826
  • Download 1945 – Airplane Shooting Games on PC https://pcmac.download/app/1460632826/1945-airplane-shooting-games
1945 Airplane Shooting Game

1945 Airplane Shooting Game

Mga Pro sa Paglalaro ng 1945 Airplane Shooting Games

Isa sa mga pinakamahalagang bentahe ng paglalaro ng mga ganitong uri ng libangan ay ang pagpapahusay nito ng memorya. Tulad ng sa 1945 Airplane shooting game, dapat mong alalahanin ang mga lokasyon pati na rin ang mga pahiwatig kung nasaan ang mga kalaban. Ang hudyat ng mga kalaban ay lilitaw sa mapa. Ang signal na ito ay nagbabago ng distansya at nagbabago rin ang kulay. Makakatulong ng malaki sa paglalaro kung makakabisado mo ang mga palatandaang ito.

Ang isa pang mabuting dulot nito ay maaari mong sanayin ang iyong utak na mag-isip nang mabilis. Upang mabuhay sa larong ito, kakailanganin mo ng liksi ng isp at kakayahang mag-react nang mabilis. Hindi ka makakaligtas sa panganib kung mabagal ang iyong mga reflexes. Pinapataas nito abilidad ng utak upang makapag-isip at makakilos ng mas mabilis.

Cons sa laro

Ang 1945 ay hindi isang perpektong laro, bagama’t ito ay nakakitaan naman ng mga pagbabago mula nang unang mailabas ito, mayroon pa ring bugs at mga isyu mula sa orihinal na laro. Marami pa ang pwedeng mapabuti para manatiling tinatangkilik ito. 

Maraming mga manlalaro ang nagkomentong na nagla-lag ito paminsan-minsan sa kainitan ng paglalaro at nagdudulot ng pagkaantala. Karaniwan itong nangyayari habang sumusulong ka at nagkapaglaro na ng matagal-tagal.

Bagama’t nasabi nang ginagawan ito ng paraan ng mga developers, mas mainam pa rin kung kakikitaan ng magandang pagbabago sa aspetong ito upang mas maging sulit at mahusay ang gaming experience na maibigay sa mga manlalaro.

Related Posts:

Bridge Race Review

Genshin Impact Review

Mga Tampok ng 1945 Airplane Shooting Game

Ang 1945 Air Force ay isang karapat-dapat na pamagat para sa pagkilala ng mga tagahanga ng genre na ito na pinahahalagahan ang napakarilag, nakakaenganyong visuals at tuluy-tuloy na gameplay.

Upang pangalanan ang ilan sa maraming positibong tampok ng laro, kabilang dito ang pagpapakita ng mahigit 30 na kilalang WWII fighting zones. Maraming fighting zone ang madadaanan at ang bawat isa ay sadyang napakahirap. Higit pa rito, naglalaman ito ng humigit-kumulang 350 na mapaghamong kampanya. Kung ito ay isang serye, maituturing na “binging” ang resulta kung pipilitin mong matapos ang laro sa isang upuan lamang.

1945 Airplane Shooting Game

1945 Airplane Shooting Game

Nagtatampok din ito ng humigit-kumulang 30 na makasaysayang eroplano mula sa Air Forces ng United States, United Kingdom, Soviet Union, Germany, at Japan. I-customize, pagandahin, at pagsama-samahin ang mga eroplano para gumawa ng sarili mong mga super plane. Dagdag pa rito ang shooting arcade game na may iba’t ibang mga mode, kabilang ang Bombarding, Bosses, Protect, Stealth, at Assault.

Ano ang Aking Paboritong Feature?

Ito ang pang-araw-araw na bonus. Kung maglalaro ka araw-araw, magkakaroon ka ng pagkakataong manalo ng mga libreng regalo, pang-araw-araw na gawain, at iba pang goodies! Ang kailangan mo lang gawin ay gampanan ang mga pang-araw-araw na tungkulin at i-upgrade ang iyong mga gamit!

Ang mga sumusunod ay maidagdag pa sa checklist: Mayroon itong mga nakamamanghang visual, liwanag (lighting), at mga special effects.

Ang laro ay maayos ding mapapagana kahit de-kalidad o hindi na smartphone na gagamitin. Pareho itong suportado ng software ng laro.

Ang pinakamaganda pa nito, ganap na LIBRE ang pagda-download ng laro! Wala kang babayaran ni isang kusing.

Kontrolin ang isang eroplanong pandigma at sumapi sa pakikidigma ng 1945 AIR FORCE sa nakakatuwang larong ito maaksyong labanan sa ere. Halika, laro na tayo!

Laro Reviews

Leave a Comment

Categories
Latest Posts
Login
Loading...
Sign Up
Loading...