456 Survival Challenge Game Review

456 Survival Challenge – Matapos maipalabas ang serye sa Netflix, inulan ito ng mga papuri. Ang lahat ay pinag uusapan na ang mga laro na natunghayan sa palabas. Hindi lamang dahil sa kakaibang motif nito kung bakit maraming nahuhumaling dito, kundi dahil din sa ideya ng buhay ay kamatayan na mga laro na tampok nito. Ibabahagi ng Laro Reviews ang iba pang detalye tungkol sa mga hamon na dapat mong paghandaan.

Ang 456 Survival Challenge

Kamakailan, isang malaking surpresa sa larangan ng telebisyon ang lumabas mula sa Squid Game. Umiikot ang kwento sa brutal at nakakabaliw na libangan ng mga mayayaman na kailanman ay hindi na makatao. Nagtayo sila ng isang tinatawag na “playing club”, kung saan ay tinipon ang mga pinaka desperado na mga tao na walang paraan upang lumaban, at namumuhay na mas miserable pa kaysa kamatayan.

456 Survival Challenge - Laro Reviews

456 Survival Challenge – Laro Reviews

 

Dinala ang mga ito sa isang isla upang lumahok sa isang mortal na arena kung saan ay isang tao lamang ang maaaring makaligtas sa 6 na rounds ng laro at ang tanging makakapag-uwi ng malaking halaga ng pera. Ang mga mayayaman ay uupo lamang sa labas na nanginginig ang kanilang mga hita habang nanonood ng mga pagkamatay, nag-eenjoy sa mga nakamamatay na sitwasyon, pinapanood ang mga manlalarong yumuyurak at nagpapatayan upang makuha ang tanging tiket upang makatakas sa kamatayan at magbukas ng bagong buhay.

Ang 456 Survival Challenge Gameplay

Ang Red Light at Blue Light ay isa lamang sa mga pinaka kapanapanabik na hamon sa laro. Inilunsad ang larong 456 Survival Challenge para mabigyan ka ng tsansa na maging isang pangunahing karakter na mayroong numero na 456 at maranasan ang mga laro ng kamatayan.

Kapag ikaw ay nagkatawang-tao na bilang isang player na numero 456, kailangan mong gawin ang lahat para mabuhay at maiuwi ang malaking premyo. Kailangan mong harapin ang daan-daang iba pang kalaban sa bawat round. Upang madagdagan ang saya, kakailanganin mong makipaglaban sa iba pang mga manlalaro at lilitaw sila sa interface ng mga pamilyar na character sa bawat round.

Sa lahat ng minigames, kaunting kapabayaan lang, matatalo ka na rito at mamamatay. Bukod pa diyan, ang malaking halaga ng pera ay mawawala sa iyong mga palad at mahuhulog sa kamay ng iba. Kaya ituon ang lahat ng iyong atensyon sa iyong galaw upang makapasa sa lahat ng mga laro at maging ang huling manlalaro na nakaligtas.

456 Survival Challenge - Laro Reviews

456 Survival Challenge – Laro Reviews

I-download na ang 456 Survival Challenge at Umuwing Panalo!

Magagawa mong mag-download at mag-enjoy ng napakaraming mobile na laro na inspirasyon ang Squid Game ngayon. Ang 456 Survival Challenge ay isa lamang sa mga ito. Kapag nakapag-download na, makakakuha ka ng isang laro na puno ng maaksyon na mga eksena, na swabeng gumagana sa karamihan ng mga Android device. Ito ay na-download na rin nang 11,571,032 na beses mula noong unang paglabas nito, at mayroon itong patuloy na pag-update. Mas lalo itong gumanda kapag napagtanto mong ang huling update nito ay kamakailan lamang, noong Nobyembre 24, 2021.

Download 456 Survival Challenge Game on Android https://play.google.com/store/apps/details?id=com.survivallight.survivalgame.candychallenge.survivalchallenge&hl=en_US&gl=US&auao=false&referrer=utm_source%3Dgoogle%26utm_medium%3Dorganic%26utm_term%3D456+survival+challenge&pcampaignid=APPU_1_fkG2YYDkM8msmAWQyoiYCw

Download 456 Survival Challenge Game on PC https://www.bluestacks.com/apps/action/456-survival-challenge-on-pc.html

Paghandaan ang mga Larong ito!

Ang Red light Green light: Ang tanging layunin ng mga manlalaro ay ang tumakbo at umabot sa finish line bago matapos ang 1 minutong. Ngunit kapag tumatakbo, ang malaking manika na nakadamit na dilaw ay kakanta na naaayon sa green na ilaw, ngayon ay kailangan mong kumilos nang mabilis at matatag. At kapag ang manika ay huminto sa pagkanta na naaayon sa red na ilaw, kailangan mong huminto at huwag kumilos sa anumang kadahilanan, o ikaw ay babarilin hanggang sa mamatay. At kung sino ang hindi umabot sa finish line pagkatapos ng takdang oras ay mamamatay din.

Ang Honeycomb: Hahawakan ng manlalaro ang isang piraso ng sugar candy na mayroong pre-cut na linya ng isang partikular na hugis sa gitna nito. Kailangan mong ihiwalay ang hugis na ito sa kabuuang candy nang hindi nasisira. Kung masira mo ito o nagawa ng lampas sa oras na binigay, ang pagtatapos nito ay alam mo na, kamatayan.

Ang Tug of War: Iba ito sa mga laro na nabanggit sa itaas. Dito ay maglalaro ka bilang isa ring manlalaro. Sa paglalaro ng tug of war, ang buong natitirang bilang ng mga tao ay hahatiin sa iba’t ibang mga koponan, pagpapares, at pakikipaglaban sa ibang nabuong koponan. Ang iyong gawain sa larong ito ay patuloy na i-swipe ang screen upang matulungan ang iyong grupo na manalo sa pakikipag hilahan ng lubid laban ang ibang koponan.

Related Posts:

YoYo‌ ‌Doll:‌ ‌Dress‌ ‌Up‌ ‌Game‌ ‌Review‌ ‌

Yes‌ ‌or‌ ‌No?!‌ ‌-‌ ‌Food‌ ‌Pranks‌ ‌Review‌ ‌

456 Survival Challenge - Laro Reviews

456 Survival Challenge – Laro Reviews

Ang Pagtawid sa Glass Bridge: Ito na yata ang pinakamahirap na hamon sa serye ng mini-games ng 456 Survival Challenge. Ang kakayahan ng memorya o ang abilidad sa pagtanda ang tumutukoy kung sino ang mananalo o matatalo. Pipila ang lahat para tumawid sa isang mahabang tulay na may dalawang gilid at ang bawat gilid ay nahahati sa maliliit na parisukat na gawa sa glass. Ang isa sa dalawang parisukat sa parehong hilera ay isang tempered glass kung saan ay maaari mong kumportableng ihakbang ang iyong mga paa at kakayanin ang iyong bigat. Yung isa naman ay normal na salamin lamang, kung saan ay pagtapak pa lang ay mahuhulog ka na agad sa ilalim nito. kailangan mong kabisaduhin ang lahat ng mga ito nang mabilis upang makatapos sa yugtong ito. 

Isang maling hakbang lang, mamamatay ka na, o di naman kaya ay mabaril kapag hindi mo ito natapos sa loob ng oras na binigay.

Ang Pros ng 456 Survival Challenge

Ang 3D graphics ng laro ay nakakadagdag sa ganda nito, at maaari kang magsaya sa larong ito anumang oras na gusto mo. Ang ibang kagandahan din ng larong ito ay nasa mga simpleng kontrol na nagbibigay-daan sa iyo na kontrolin ang iyong karakter kahit ang gamit ay isang kamay lamang.

Tiyak na tatangkilikin mo rin ito kung gusto mo ang Minecraft dahil sa mga bloke na aspeto ng laro. Bukod dito, ang higit na nakapag pampasigla sa laro ay ang maaari mong laruin ito kasama ng mga totoong tao at malalaro mo nang libre.

Ang Cons ng 456 Survival Challenge

Ang kahirapan ng laro ang tanging dahilan kung bakit ang ibang mga manlalaro ay nadismaya sa larong ito. Ang mga mahirap na antas ay nangangailangan ng maraming pagsubok bago ka pa tuluyang magtagumpay. Ang mataas na antas ng kahirapan nito ay talagang nagpapahirap sa mga nakikipag kompetensya. Idagdag pa ito sa mga mapanghamong yugto, at makakakuha ka ng ilan pang mga minuto sa paulit-ulit na paglalaro upang ipasa lang ito.

Konklusyon

Ang larong 456 Survival Challenge ay kapanapanabik din sa multiplayer mode. Iminumungkahi ng Laro Reviews na subukan mo rin ito. Maaari kang mag-imbita ng mga kapamilya at mga kaibigan na sumali sa laro upang gawing mas exciting ito at katawatawa na rin.

Kung gusto mong lumahok sa mga laro mula sa Squid Game na walang nakamamatay na kahihinatnan, pwes, ito na ang laro na matagal mo nang hinahanap.

Laro Reviews

Leave a Comment

Categories
Latest Posts
Login
Loading...
Sign Up
Loading...