88 Fortunes Slots Casino Game Review

Hindi lang basta-basta ginaya ng 88 Fortunes Slots Casino Game ang Chinese slots ng Macau o ang Golden Casino ng Las Vegas, nakipag-coordinate din ang game developers sa malalaking machine brands sa buong mundo at ang pinakasikat na slot games, tulad na lang ng Bally Slots at WMS Slots, para maisabuhay ang larong ito. Masusing pinili at pinag-aralan nang mabuti ang lahat ng slot machines upang makagawa ng isang koleksyon na ang tanging laman ay ang pinaka nakasisiyang slot machines. Halimbawa na rito ang Dragon Slots na patok sa Las Vegas na bumagay at sumakto sa kabuuang East Asian na tema ng laro. 

Bagamat ito ay pawang katuwaan lang, hindi pa rin ito mairerekomendang laruin ng mga may edad 18 pababa sapagkat ang casino games ay isang uri pa rin ng sugal. Hindi nagbibigay ng aktwal na pera ang 88 Fortunes Slots Casino Game at hindi rin maaaring i-convert ang iyong mga napanalunan sa anumang porma ng salapi. 

Features ng 88 Fortunes Slots Casino Game 

Casino Slots – Habang patuloy na tumataya at nananalo, tataas din ang iyong level upang ma-unlock ang iba’t ibang machine slots. Halimbawa sa mga ito ay ang Infinity Slots, Good Fortune Babies sa Fu Dao Le, Ruler of Luck, Dragon Slots, Wishing You Fortune, Tree of Wealth, at maraming pang iba. 

88 Fortunes Slots Casino Game Review

Auto Mode – Gamit ang feature na ito, maaaring patuloy na mag-spin nang mag-spin sa slot machines kahit hindi pindutin nang paulit-ulit ang spin button. 

Leveling System – I-unlock ang iba’t ibang casino slots sa pamamagitan ng pagtaya sa mga available na machine slots. Kapag mas mataas ang halaga ng iyong tinataya, mas bibilis ang iyong pag-level up. 

Saan Pwedeng I-download ang 88 Fortunes Slots Casino Game?

Basahing maigi mula sa Laro Reviews kung paano. Gamit ang iyong smartphone, pumunta sa Google Play Store para sa mga Android user at sa App Store naman para sa mga Apple user, at ilagay sa search bar ang 88 Fortunes Slots Casino Game. Bilang libre ang laro, hindi kailangan magbayad ng kahit anong halaga bago makapag simula. Matapos nito, maghintay na ma-download at kumpletuhin ang sign-in details para masimulan ang paglalaro. 

Narito ang mga link kung saan pwedeng i-download ang laro:

Download 88 Fortunes Slots Casino Game on Android.

Download 88 Fortunes Slots Casino Game on iOS.

Tips at Tricks sa Paglalaro

88 Fortunes Slots Casino Game Review

Sa umpisa ng laro, makakakuha ka ng chips na iyong magagamit sa pagtaya. Sa Fu Dao Le na slot, makikita ang spin button na iyong pipindutin para mapaikot ang slot machine. May chance rin na makapaglaro sa ibang slot sa pamamagitan ng Features Slots. Kapag mababa pa ang kabuuang halaga ng iyong chips, mainam na babaan muna ang itatayang chips. Makikita ito sa Total Bet section ng iyong screen. Pindutin lang ang left arrow para bumaba ang halaga ng itataya, at ang kanang arrow naman para mapunta sa mas malaking halaga. Kung ikaw ay high-risk taker, i-max ang value na iyong itataya. Mas malaki nga lang ang magiging kabuuang kaltas nito sa iyong kasalukuyang chips. Sa Win section, makikita ang iyong panalo sa bawat spin. Tuwing ikaw ay tumataya, nadadagdagan ang value ng porsyento na kailangan punuin bago mapataas ang level. Kapag mas malaki ang tinaya, mas malaki rin ang dagdag na value. Marapat din na huwag kalimutang kunin ang rewards na makukuha mula sa daily logins feature ng laro. 

Makakatanggap ka ng libreng chips sa bawat pagtaas ng iyong level. Hindi lang ito, maaari ring ma-unlock ang mga panibagong slot machine game at pataasin ang max value ng iyong Total Bet. Kagaya ng tipikal na casino machines, siguraduhing hindi mauubos ang iyong chips dahil hindi ka na makakapaglaro kung mas mababa na ang halaga ng iyong chips sa value na pwedeng itaya. Halimbawa, kung nasa 70,000 na lang ang chips na mayroon ka at ang pinakamababang pwedeng itaya ay nasa 90,000, hindi ka na makakapag-spin. May mga pagkakataon namang nagiging mapagbigay ang laro at bibigyan ka ng libreng chips bilang bonus para patuloy kang maglaro. Kapag naubos na ang iyong chips, maaaring bumili gamit ang iyong aktwal na pera.

Walang tiyak na estratehiya sa paglalaro ng 88 Fortunes Slot Casino Game. Kagaya ng karamihang slot machines sa casino, nakadepende ang iyong panalo sa swerte at risk na kayang i-tolerate. Kung ikaw ay free-to-play (F2P), magandang sa pinakamababang halaga ng Total Bet tumaya. Pero kung ikaw naman ay pay-to-play (P2P), mas malawak ang option kung pababain o dadagdagan ang tinayang halaga. 

Pros at Cons ng 88 Fortunes Slots Casino Game 

88 Fortunes Slots Casino Game Review

Pagtimbangin ang mga ito ayon sa Laro Reviews. Pag-usapan muna natin ang positibong aspekto ng laro. Isa sa kagandahan nito ay walang makikitang pekeng slot machine. Lahat ng slot machines na iyong malalaro ay makikita sa aktwal na casino. Samakatuwid, maaaring gamitin ang laro bilang practice at balansehin ang iyong inaasahan bago itaya ang pinagpagurang pera sa casino. Maayos at cute rin ang graphics ng laro. Makikita ang direktang impluwensya ng East Asian culture sa kabuuang visual nito. Hindi masasabing hindi maganda ang graphics nito, ngunit hindi mo rin masasabing may espesyal o kakaiba sa graphics at audio ng laro. 

Para naman sa mga kailangan pag-ibayuhin ng laro, masyadong nagiging madalas ang losing streak ng mga manlalaro. Lalo na sa mga nagbayad para makakuha ng dagdag na chips, maraming pagkakataong nasasayang lang ang mga ito at madalas ay nauubos din kinalaunan. Dahil dito, mapipilitan na namang bumili ng panibagong set ng chips para makapaglaro muli. Dagdag pa rito, nagiging paulit-ulit na rin ang kabuuang laro kaya hindi ko ito marerekomenda na laruin sa isang upuan.

Konklusyon 

Sa madaling sabi, kung ikaw ay nakalaro na sa casino o may balak pa lang maglaro, magandang subukin muna ang swerte sa 88 Fortunes Slot Casino Game. Makikita rin dito ang kalakaran sa casino games at magkakaroon ng ideya sa posibleng maging takbo ng iyong kapalaran. Kung gusto mo ng mas makatotohanang karanasan, maaaring bumili ng chips gamit ang iyong aktwal na pera. Ang pagkakaiba nga lang, hindi pwedeng ma-convert sa anumang uri ng salapi ang iyong mga napanalunan sa larong ito.

Leave a Comment

Categories
Latest Posts
Login
Loading...
Sign Up
Loading...