Tongits War: the Outdated Tongits Online App

Gustong ibahagi sa inyo ng Laro Reviews ang ilang ideya kung paano ginugugol ng ilang mga tao rito sa Pilipinas ang kanilang oras sa paglilibang sa paglalaro ng card game. Ang Tongits ay isang uri ng card game sa Pilipinas na kung saan ang mga manlalaro nito ay gumagamit ng 52 na cards na naglalaman ng Ace hanggang King. Sa larong ito maaari mong gamitin ang Joker o hindi, nakadepende sa inyo kung gusto nyo ba itong isali sa laro. Hindi na namin masyado inalam ang kasaysayan ng larong ito o kung saan o paano ba ito nagsimula ngunit lubos itong nagdudulot ng kasiyahan sa mga manlalaro lalo na sa mga taong mahilig maglaro ng ganitong klaseng card game. Kaya narito ang Tongits War upang magbigay kasiyahan para sa mga manlalarong mahilig nito.

Inilabas ang unang bersyon ng larong ito noong ika-3 Oktubre taong 2020. Ngayon ay may bagong bersyon na ito na mas pinaganda ang features at maaari mo na itong laruin online o kahit offline. Maaari mo ring imbitahan ang iyong mga kaibigan na maglaro nito at tinitiyak namin na ito ay higit mong magugustuhan dahil sa modernong graphics at features nito. Alam naman natin na ang larong Tongits ay matagal ng tinatangkilik sa Pilipinas kaya naman ang mga developer ay gumawa ng paraan na maging isa itong application na maaaring i-download ng sinuman na may nais gamit ang anumang device na mayroon ang mga ito. 

Paano Laruin ang Tongits War?

Ang paglalaro nito ay sobrang dali lamang. Kapag nakabisado mo na ang basic rules nito ay siguradong sisiw na lang sa iyo ang paglalaro nito. Sa bawat paglalaro mo nito ay nakakabuo ka ng iba’t ibang diskarte kung paano ka magkakaroon ng kalamangan sa (mga) kalaban. Kaya heto at hindi na namin patatagalin pa at ibabahagi na namin kung paano ba ito laruin.

tongits warDito, hindi lamang susubukin ang iyong kakayahang bumuo ng diskarte kundi pati na rin ang iyong swerte sa paglalaro. Ang mga card ay random na ibibigay kaya walang katiyakan ang mga posibleng card na mapupunta sa iyong kamay. Katulad ng nabanggit kanina, ito ay nilalaro gamit ang karaniwang 52-card deck. Ang layunin ay maubos ang lahat ng card na nasa iyong kamay o paliitin ang kabuuang halaga ng iyong hawak na mga card kapag nangyari ang isang Fight o kapag ang deck ay wala ng laman. Sa bawat pagkakataon, ang isang manlalaro ay maaaring:

Bumunot ng Card o Fight:

Kapag pagkakataon mo ng tumira ay maaari kang pumili ng card o Fight kung sa tingin mo ay ang hawak mong card ay posibleng manalo sa round. Maaari kang kumuha ng card mula sa deck o maaari kang kumuha ng card mula sa mga naibabang card ng kalaban at itugma ito sa hawak mong mga card upang makabuo ka ng isang Set.

Magbaba ng Set at/o I-block ang Isang Manlalaro:

Maaari kang maglagay ng Set upang matulungan kang lumaban sa iyong susunod na pagkakataong tumira. Maaari mong ikonekta ang isang card sa set para i-block ang isa pang manlalaro na gustong lumaban o mag-fight.

Magtapon ng card

Isa ito sa diskarte upang manalo sa laro, ang ubusin lahat ng card na may matataas na halaga na siguradong hindi mo naman magagamit sa pagbuo ng set.

Pangunahing Rules sa Paglalaro ng Tongits War na Dapat mong Tandaan o Malaman

Narito ang mga pangunahing rules na dapat mong malaman bago laruin ang Tongits War. Madali lamang ito at ang madalas na paglalaro nito ay makakatulong sa iyong makabisado ang mekaniks, features, at iba pang nilalaman ng larong ito. Kaya wala ng paligoy-ligoy pa, simulan na natin!

Una ay hindi mo kinakailangang magbaba ng Set hanggang sa magkaroon ang sinumang manlalaro na kabilang sa laro. Maliban na lamang kung gusto mong gamitin ang Fight sa iyong susunod na pagkakataon.

Pangalawa, dapat ay mayroon kang Set na mabuo o malapag sa mesa bago ka mag-call ng Fight o Challenge sa isang taong gusto ng Fight. Tandaan na pinahihintulutan ka pa ring maghamon kung mayroon kang Special Set sa iyong kamay, tulad ng 4-of-a-Kind o 5-card Straight Flush.

Pangatlo, kung ikaw ay may mababang halaga ng mga baraha o sa tingin mo ay hindi ka makakagawa ng isang set, maaari kang mag-call ng Fight at subukang manalo sa round na iyon.

Pang-apat na dapat mong tandaan ay kung maglalagay ka ng card sa isang Set ng ibang manlalaro o sa iyong sariling Set, maaari mong ma-block ang isang manlalaro mula sa paggamit ng Fight para sa isang round.

Panglima o panghuli, kailangan mong manalo ng dalawang sunod-sunod na round para mapanalunan ang tumataginting na Jackpot.

Narito naman ang rules sa Tongits War para sa mga manlalaro na may patas na halaga ng card na hawak nila:

Kung ang dalawa o higit pang mga manlalaro ay nagtabla, idedeklarang panalo ang manlalaro na may pinakamataas na ranggo.

  1. Sa isang Fight – ang huling Challenger ay palaging mananalo. Ang Fighter ay iraranggo sa ikatlong posisyon, ang susunod na manlalaro mula sa kanan ay pangalawa at ang susunod naman ay makakatanggap ng unang posisyon.
  2. Kapag walang natirang card sa kamay – Ang huling manlalaro na kukuha ng card ay iraranggo sa unang posisyon, ang susunod naman mula sa kanan ay makakakuha ng pangalawang posisyon at ang susunod ay magiging ikatlong ranggo.

Ngayon ay handa ka ng maglaro online kasama ang iyong mga kaibigan, mga manlalaro mula sa bawat sulok ng mundo, A.I na manlalaro o maglaro offline para sanayin ang iyong mga kasanayan. Ang Tongits War install ay pasok sa lahat ng gumagamit ng Android at PC. Sa ngayon ay hindi pa ito available sa App Store ng mga iOS users.

Tongits Wars Download para sa:

https://tongits-wars.en.uptodown.com/android

https://www.memuplay.com/how-to-use-com.codetribelabs.TongitsWars-on-pc.html

Pros at Cons ng Larong ito

Dito ay tutulungan ka naming magdesisyon kung dapat mo ba itong laruin o hindi. Base sa aming karanasan, ang larong ito ay halos katulad lang din ng aktwal na paglalaro nito. Ang kinagandahan lamang ay maaari mo itong laruin gamit ang anumang device na mayroon ka, Android o PC/Windows user ka man ay maaari mo itong i-download. Para naman sa mga iOS user, maaari mong i-download ang apk file nito kung ito ay compatible sa iyong device.

Ang larong ito ay matagal ng nilalaro ng maraming manlalaro. Isa na ito sa pinakamatagal ng online tongits na makikita mo. Kaya marami na itong updates at mga twist na idinagdag tulad na lamang na maaari mong imbitahan ang iyong mga kaibigan, makipaglaro sa iba’t ibang manlalaro, o kaya naman makipaglaro sa isang A.I player upang hasain ang iyong kasanayan. Maaari mo itong laruin offline kaya makakapaglaro ka kahit walang internet connection. 

Tiyak na magugustuhan mo ito dahil sa modernong features at graphics. Hindi ka madidismaya sa makukulay na disenyo na ito at maayos na nailapat ang bawat konsepto ng laro sa maliit na screen ng iyong device. Kaya inererekomenda namin subukan mo ito dahil maraming sorpresa ang naghihintay sa iyo rito.

Konklusyon

Sa kabuuan, ang Tongit War ay hindi maitatanggi na marami itong hatid na kasiyahan para sa mga manlalarong mahilig sa card game katulad nito. Maganda ang pagsasaayos ng bawat feature nito at ang graphics ay nakakaakit sa mata ng mga manlalaro. Hindi ka madidismayang subukan ito kaya let’s play tongits wars online na.

Sa katunayan ay maaari mo rin i-download ang Big Win Club App kung saan ay mayroon din itong online tongits. Maganda rin ang bawat graphics at features nito dahil sa mala-modernong disenyo nito. Makukulay ang bawat animation effects nito at maaayos na nailapat sa maliit na i-screen ng device ang bawat feature ng laro. Para ka lang din naglalaro sa aktwal na casino. Madali lang din ang mekaniks at katulad lang din sa aktwal na tongits ang rules nito, kaya kahit ang mga matatanda ay siguradong makakasabay dahil sa updated system nito. Walang mawawala sa pagsubok nito, kaya halika na at subukin ang iyong swerte sa paglalaro!

Laro Reviews

Leave a Comment

Categories
Latest Posts
Login
Loading...
Sign Up
Loading...