Pokémon Unite Review

Ang Pokémon Unite ay isang multiplayer online battle arena o MOBA game mula sa isang classic animation na kinagigiliwan ng lahat mula pa noon. Tulad ng iba pang mga MOBA na laro, ito ay labanan ng 5v5. Dito ay makikita kung sino ang mas mahusay na koponan.

Ang Pokémon Unite

Ang mga laban na matutunghayan sa larong ito ay umaabot hanggang 10 minuto lamang. Hindi ito katulad ng ibang mga MOBA games na maraming mga minion wave na bumabagtas sa mga linya. 

Ang Pokémon Unite ay may tatlong mode ng laro. Ito ay ang Standard, Ranggo o Ranked, at ang Mabilis o Quick. Ang Standard at Ranked mode ang nagaganap sa isang 5v5 na mapa sa Remoat Stadium. Habang ang Quick mode naman ay nag-aalok ng mas maliliit na mapa na mayroong 3v3 at 4v4 na paglalaban sa laro.

Umpisahan ang Paglalaro

Pokémon Unite

Pokémon Unite

Sa Pokémon Unite, ang karaniwang laban ay binubuo ng 10 minutong 5-vs-5 match na magaganap sa isang three-lane arena. Tulad ng iba pang MOBA, ang bawat Pokémon ay may mga espesyal na katangian. Ang isang jungler ang gumagawa sa pangongolekta ng puntos. Ang isang manggagamot naman ay sisiguraduhin na mapanatiling buhay ang lahat, at ang tangke ay tutulong sa pagdedepensa. Bilang isang koponan, haharapin ninyo ang iba’t ibang mga Pokémon na nasa mabababang antas na nakakalat sa buong field, pati na rin ang mga miyembro ng kalabang koponan upang makakolekta ng enerhiya ng Aeos na maaaring magamit upang makapuntos laban sa inyong mga katunggali.

Ang bawat manlalaro ay pipili ng isang Pokémon mula sa isang disenteng roster ng 21 na kinabibilangan nina Greninja at Garchomp na paborito ng karamihan. Ang mga karakter na katulad ng mga nabanggit ay lumalakas habang nagpapatuloy ang laban. Talagang nakakaaliw ang sagupaan ng Pokémons dahil sa mga labanang mangyayari sa mga daanan. Kinakailangan din na mapatay ang mga kalaban upang makausad patungo sa tore ng mga nito hanggang sa ang isang koponan ay maitaboy pabalik sa kanilang base, na wala ng ibang magagawa kundi ang panoorin ang unti-unting pagguho ang kanilang mga tore.

Habang lumalaban at nananalo ng real time, ang karakter ng manlalaro ay tumataas din ang level, nagbabago, at natututo ng mga bagong pag-atake. Ang mga ebolusyon ay nagre-reset pagkatapos ng bawat laban.

Pagkaraan ng isa o dalawang oras sa paglalaro, ang Pokémon ng manlalaro ay magkakaroon ng access sa tatlong Held Item slots at sa isang Battle Item na nagdaragdag ng ilang kinakailangang pre-match depth sa mahigpit na A/B na pagle-level sa laro. Maaari ring dalhin ng karakter ang mga Shell Bell, leftovers, at isang potion sa mga laban upang magamit ito sa karagdagang pagpapagaling ng mga sugat. Sa laro ay mayroon ding scope lens, ang tinatawag na x-attack at muscle band, para mapataas ang potensyal na pinsala na mailalabas ng isang Pokémon.

Ang nasa likod ng lahat ng nakatutuwang bagay sa Pokémon game ay ang isang fleshed-out na MOBA na nagbibigay ng gantimpala sa mga manlalaro na sumasabak sa arena sa unang pagkakataon.

I-download ang Laro

Mabilisan lamang ang pag-download ng larong ito sa iyong device. Kung ikaw ay gumagamit ng Android, hanapin lamang ang laro sa Play Store. At kung ikaw naman ay gumagamit ng iOS device, pumunta lamang sa App Store at hanapin ang laro. Pero kung mas gusto mong laruin ito sa isang malaking screen, maaari mo na rin itong malaro sa PC sa pamamagitan ng Bluestacks. 

Sumangguni sa ibaba para sa pagda-download:

Download Pokémon Unite Game on Android https://play.google.com/store/apps/details?id=jp.pokemon.pokemonunite&hl=en&gl=US

Download Pokémon Unite Game on iOS https://apps.apple.com/us/app/pok%C3%A9mon-unite/id1512321575

Download Pokémon Unite Game on PC https://www.bluestacks.com/apps/action/pokemon-unite-on-pc.html

Mag-sign up at Kolektahin ang Welcome Reward 

Kung ikaw ay bago pa lang sa larong Pokémon Unite, binabati nila ang kanilang mga manlalaro sa pamamagitan ng 14-araw na reward system, kapalit ng madalas na pagla-log in. Ang mga bagong manlalaro ay magkakaroon ng pagkakataong makakuha ng ilang partikular na rewards gaya ng Pokémon Licenses, Tickets, Aeos Coins at ilang mga outfits para sa players.

Sa totoo lang, maraming mga reward ang maaaring makolekta sa laro. Ilan dito ay mga gantimpala sa trainer level. Sa tuwing tataas ang trainer level, ang mga manlalaro ay makakakuha ng mga reward gaya ng mga nabanggit na at may kasama pang item enhancers at iba pang battle items.

Ang Currencies ng Laro

Sa Pokémon Unite, mayroong tatlong currency na ginagamit ang mga manlalaro:

Pokémon Unite

Pokémon Unite

Aeos coins – Ito ay ginagamit upang ma-unlock ang Unite na lisensyang kinakailangan upang ma-unlock din ang mga Pokémon na nagkakahalaga mula 6,000 hanggang 10,000 Aeos coins. Ang presyo nito ay nakadepende rin sa Pokémon. Ang mga coins ay magagamit rin ng mga manlalaro sa pagbili ng mga Held Items na maaaring gumawa o sumira ng isang arena. Ang Aeos coins ay nakukuha sa iba’t ibang paraan, hindi katulad ng Aeos gems na mabibili lamang gamit ang totoong pera.

Aeos ticket – Ang Aeos ticket ay ginagamit sa pagbili ng mga cosmetics para sa mga trainer tulad ng mga skin at damit. Maaari rin itong gamitin na pambili ng mga Held Items para sa Pokémon. Ang mga ito ay nakukuha mula sa iba’t ibang mga kaganapan sa laro o sa pamamagitan ng paglalaro ng mga ranked games. Ang isa pang paraan para makuha ang Pokémon Unite Tickets ay ang pagbili ng Battle Pass. Kapag ang isang manlalaro ay bumili ng battle pass, ang mga misyon na ina-update nang lingguhan, araw-araw at pana-panahon ay nagbibigay ng gantimpala sa manlalaro at tumataas din ang antas ng battle pass nito.

Aeos gems – Ito ang tinaguriang premium currency ng laro. Magagamit ang mga ito para bumili ng ilang partikular na items na hindi mabibili ng coins at tickets. Halos lahat ng items sa shop ng laro ay mabibili gamit ang mga gems na ito. Sa ngayon, ang tanging paraan upang makakuha ng gems ay sa pamamagitan lamang ng pagbili ng mga ito gamit ang totoong pera. Ito ay nagkakahalaga ng $0.99 hanggang $99.99.

Related Posts:

Candy Crush Saga Review

Lily Diary Review

Ang Ranking sa Laro

Mahaba-haba ang ranking na pagdadaanan ng mga manlalaro bago maabot ang pagiging Pokémon Master. Ang mga ito ay ang sumusunod:

Baguhan – Mayroong tatlong klase.

Mahusay – Mayroong apat na klase.

Eksperto – Mayroong limang klase.

Beterano – Mayroong limang klase, kagaya ng Eksperto.

Ultra – Mayroong limang klase, katulad ng Eksperto at Beterano o Veteran. 

Master – Ito ay may mataas na rating hanggang 99,999.

Ang Pros ng Pokémon Unite

Isa sa mga mahalagang bagay na dapat taglay ng isang laro ay isang masaya, nakakasorpresa at mapaghamong gameplay. Ito ang dahilan kung bakit nananatili ang mga manlalaro sa Pokémon Unite, at marami pang tao ang nahuhumaling dito. Ang laro ay hindi lamang nagtataglay ng mga cute na Pokémon, talagang mayroong mga natatangi at espesyal na  katangian at kakayahan ang bawat isa sa kanila. Ang mga kakayahang ito ay ang pangunahing mga armas o asset ng manlalaro upang manalo sa laro. Syempre, ang isang laro ay hindi magiging isang mapanghamon at nakaka-thrill kung ang bawat karakter ay pareho-pareho lamang.

Samantala, karamihan sa mga larong MOBA na mahahanap online ay may mga laban na tumatagal ng halos 30-40 na minuto. Minsan, ito ang dahilan kung bakit naiinip ang ibang mga manlalaro at napipilitan na maghanap na lang ng ibang laro. Ngunit sa Pokémon Unite, hindi mo kailangang gumugol ng mahabang oras sa isang round. Ang bawat labanan ay nagtatagal lamang ng 10 minuto. Mas napapadali pa ito kung mayroon kang na-upgrade at mas malalakas na mga Pokémon. Talagang pambihira ang sayang mararamdaman mo sa tuwing may naipapanalo ang iyong Pokémons. Para mo na rin kasing mga “alaga” na maituturing ang mga ito. Ang espesyal na koneksyong ito sa mga karakter ang dahilan kung bakit nahigitan ng larong ito ang iba pang MOBA games. 

Pokémon Unite

Pokémon Unite

Bilang panghuli, pwede ang larong ito sa parehong mga bata at matatanda. Kailangan lamang ng gabay sa mga kabataan pagdating sa mga pagbabayad ng mga items na bibilhin sa laro.

Ang Cons ng Pokémon Unite

Sa kabilang banda, ang mga sumusunod naman ay mga posibleng dahilan kung bakit may ilang umaaayaw sa paglalaro ng Pokémon Unite: (1) Masyadong maraming currencies ang gamit sa laro na minsa’y nakakapagpalito sa pagkuha ng gusto ng mga manlalaro; (2) Mayroong limit o caps sa rate ng Aeos coins; at (3) May pay-to-win mechanics sa pamamagitan ng Item Enhancers na mabibili lamang gamit ang bayad na currency.

Konklusyon

Ang Pokémon Unite ay nagtagumpay sa paggawa ng isang mahusay na labanan at pagbibigay ng kapanapanabik na pakiramdam sa mga manlalaro. Dahil isa itong laro na binubuo ng mga grupo, mas pinapatibay pa nito ang pakikipag-ugnayan ng mga magkakaibigan sa isang koponan. Ang Pokémon Unite ay maaaring maging isang bagong libangan para sa iyo at sa iyong mga kaibigan. Pwedeng-pwede rin ito sa mga bagong gamer na naghahanap ng mas kaswal at nakakatuwang laro.

Laro Reviews

Leave a Comment

Categories
Latest Posts
Login
Loading...
Sign Up
Loading...