Water Sort Puzzle Review

Ano ang laro?

Nasubukan mo na bang pagbukud-bukurin ang iba’t ibang bagay sa isang test tube? Nasa mobile phones na ang ganitong klase ng laro. Ang Water Sort Puzzle ay isang 2D water sorting puzzle arcade game. Hindi mo kailangang mag-alala tungkol sa iyong pag-unawa sa liquids. Sa pangkalahatan, ang iyong layunin ay ayusin ang lahat ng may kulay na likido sa mga tubes o tubo na may apat na seksyon.

Isaalang-alang ang kwentong ito bilang isang panimula sa backstory ng sobrang kapanapanabik na larong ito.

Pinayuhan ka na maging isang guro sa Chemistry at tiniyak sa iyong ito ay magiging kasiya-siya. Ngunit, kung titingnan kung gaano karumi ang laboratoryong pagtatrabahuhan mo, parang hindi mo ikatutuwa ang nakuha mong trabaho. Kailangang itama mo ang pagkakamali na ginawa ng mga estudyante mo sa pamamagitan ng paghahalo ng mga likido.

Hindi naman natin gustong pasabugin ang paaralan, hindi ba? Sa screen, maaari kang makakita ng dalawa o higit pang tubes na puno ng iba’t ibang kulay na likido. Ang iyong layunin ay pagbukud-bukurin ang mga likido at ibuhos ang parehong kulay na mga likido sa isang lalagyan.

Upang gawin ito, mag-click sa isa sa mga lalagyan at pagkatapos ay ibuhos sa isa pang tube ang likido. Paalala: Maging maingat sa paglilipat! Ang paglipat ay posible lamang kung ang mga likido ay magkapareho ang kulay at ang tube ay may sapat pang espasyo.

Water Sort Puzzle

Water Sort Puzzle

Maaari kang magpatuloy sa susunod na level kung napaghiwa-hiwalay mo ang mga likido ayon sa kulay nang walang sablay. Habang umuusad sa laro, kakailanganin mong uriin ang mga karagdagang kulay na magpapahirap sa kalaunan. 

Naniniwala ka bang malalampasan mo ang lahat ng levels sa laro?

Katulad ng nabanggit, ang larong ito ay karaniwang para sa mga bata, ngunit walang pumipigil sa mga matatanda na subukan din ito. Ito ay isang napakahusay na stress reliever at talagang tumutulong din sa pamamahala ng focus at pagsasanay ng konsentrasyon. Makakatulong din ito sa kasanayan sa paglutas ng mga lohikal na problema.

Ang Water Sort Puzzle ay isang mapanghamon at kasiya-siyang larong puzzle. Pagbukud-bukurin ang may kulay na likido sa kanya-kayang lalagyan, hanggang sa magkakasama ang may pare-parehong kulay. Isang larong mapanukso na mahirap ngunit nakapapawi naman ng pagod!

Isang bagay ang sigurado, kapag naglaro ka ng Water Sort Puzzle, maaadik ka sa larong at hindi mo na mamamalayan ang paglipas ng oras. Ang larong ito ay hindi lamang para sa mga bata, bagama’t maraming sa kanila  ang tiyak na makikinabang sa paglalaro nito. 

Related Posts:

Tongits Go Review

Lily Diary Review

Ano ang mga layunin ng laro?

Ang layunin ng laro ay napakasimple. Gaya ng nabanggit, ang kailangan mo lang gawin ay pagsama-samahin ang magkakakulay na likido sa mga tubo upang matiyak na pare-pareho ang kulay ng nasa bawat lalagyan. Mahalagang makapaglipat agad ng mga likido, sa pamamagitan ng pag-click sa isa sa mga lalagyang may laman patungo sa gustong punuing tube o bote. Ito ay isang mapanghamon at nakakarelaks na larong pang-utak!

Water Sort Puzzle

Water Sort Puzzle

Paano simulan ang paglalaro?

Hayaan mo akong gabayan ka sa mga hakbang kung paano laruin ang Water Sort Puzzle:

Una ay pumili ng likidong may kulay at subukang ilipat ito sa panibagong lalagyan. Maaari kang pumili alinman sa 5 lalagyan na nasa screen. Pangalawa, dapat mong tandaan na maaari ka lamang magbuhos ng likido patungo sa isa pang lalagyan kung ito magkapareho ng kulay at may sapat pang espasyo sa paglalagyan. Sa madaling salita, makakapaglipat lamang  kung ang nasa ibabaw ng paglilipatang lalagyan ay kapareho ng kulay na nais mong ilipat. Pangatlo, subukang huwag ma-trap at iwasang ilipat ang mga item kung ayaw mong mapunta sa dead end. Ang larong ito ay simple, ngunit ito ay nangangailangan ng madiskarte at listong pag-iisip upang makausad sa laro. 

Napakadaling tandaan ng mga dapat gawin sa laro: tap, lipat, buhos. Kaya naman maraming tao ang nagpapahintulot sa kanilang mga anak na maglaro nito. Ang mga tagubilin ay napakasimple na nangangahulugang ang mga bata ay kailangan lamang na magkaroon ng konsentrasyon at pag-unawa upang ma-enjoy ang laro. 

Paano i-download ang laro?

Ang water sort puzzle ay available sa iOS, Android, at maaari ring i-download para sa Windows sa PC. 

Buksan lamang ang AppStore (o Play Store para sa Android) at hanapin ang Water Sort Puzzle. Walang dapat ipag-alala dahil ang app ay 100% na libre! Mayroon itong mga in-app items ngunit optional lamang ang mga ito at makakapagpatuloy pa rin sa laro kahit na ito ay hindi kunin o pansinin. Mada-download ang laro sa pamamagitan ng links sa ibaba:

  • Download Water Sort Puzzle on Android https://play.google.com/store/apps/details?id=com.gma.water.sort.puzzle&hl=en&gl=US
  • Download Water Sort Puzzle on iOS https://apps.apple.com/us/app/water-sort-puzzle/id1514542157
  • Download Water Sort Puzzle on PC https://www.microsoft.com/en-us/p/water-sort-puzzle/9ph3d49qqprw?activetab=pivot:overviewtab

Mga kalamangan sa paglalaro ng Water Sort Puzzle

Ang laro ay talagang napakasimple. Kailangan mo lang itugma ang kulay kung saan mo ililipat ang mga nilalaman. Ang trick sa pagiging matagumpay sa larong ito ay diskarte. Kailangan mong makabuo ng pinakamahusay na diskarte upang matiyak na matapos mo ang bawat level at makausad sa susunod. 

Gamit ang iyong imahinasyon, kailangang makita at malaman mo ang resulta ng iyong gagawing hakbang sa laro. Magkaroon ng “back-up” sakaling mang ma-trap o magkamali ng tira o paglilipat. Panatilihing tuluy-tuloy ang daloy ng paglilipat hanggang sa maitugma mong lahat ang kulay ng mga likido sa kani-kaniyang lalagyan at makausad na sa susunod na level.

Maging masigasig sa paghahanap ng paraan. Minsan, kailangan mong itambay ang laman ng isang tube para magbigay-daan sa iba pang galaw o hakbang. Maaring dumating ka sa puntong nagkakahalo-halo na ang mga kulay na kadalasang nangyayari kapag nasa mataas ka nang level – pahirap din nang pahirap ang mga puzzles. 

Subalit, hindi kailangang mag-alala dahil hindi limitado ang oras ng paglutas ng puzzle at masisiyahan ka sa challenge ng pag-iisip ng pinakamahusay na diskarteng gagawin.

Water Sort Puzzle

Water Sort Puzzle

Bakit gusto kong maglaro ng Water Sort Puzzle?

Gustung-gusto kong  panoorin ang mga bata na naglalaro nito. Ang mga bata ay maaaring napakasimpleng mag-iisip, ngunit kapag sila ay nakatutok sa isang gawain ay mas lumilinaw ang mga hakbang na gusto nilang gawin at nagagawa nilang lutasin ang mga palaisipan. Minsan ay daig pa nila ang mga nasa hustong gulang na dahil masyadong pinag-iisipan ng mga nakakatanda ang solusyon.

Gayundin, para sa mga nasa sapat nang gulang, ito ay isang mahusay na paraan upang i-declutter ang utak. Sa larong ito, kailangan mong matutong mag-pace, at umatras kung kinakailangan, upang mas maunawaan ang sitwasyon at makabuo ng pinakamahusay na diskarte at mga hakbang upang matiyak na ikaw ay mananalo at magle-level up.

Kahinaan ng larong Water Sort Puzzle

Sa katunayan, walang masasabing kahinaan sa larong ito bukod sa paminsan-minsang pagha-hang at bigla na lang humihinto sa paggana. Madalas itong nangyayari kapag nakaabot ka na sa mas matataas na levels. Ngunit huwag  mag-alala, naayos na ng mga developer ang isyung ito. Posibleng ang Water Sort Puzzle app ay hindi gagana kapag ang app ay hindi compatible  sa iyong device o maaari ring sadyang mahina lang ang internet connection. Maaari mong subukang isara muna ang app at i-refresh ang Wi-Fi connection. Pagkatapos ay muling buksan ito at magpapatuloy ito nang maayos. Hindi dapat ikalungkot ang pagkakaantala ng laro dahil sa mga nabanggit na sitwasyon. Ang pagre-restart ay hindi magre-reset ng laro at makakapagpatuloy ka pa rin sa pinakahuling level na sinusubukan mong tapusin.

Laro Reviews

Leave a Comment

Categories
Latest Posts
Login
Loading...
Sign Up
Loading...