Bridge Race Review

Kung ikaw ay naghahanap ng laro na pampalipas-oras at may kakaibang challenge, sagot na ng Bridge Race ang entertainment mo. Ito ay mayroong disenteng gameplay at iba’t ibang mga items sa shop na maaari mong bilhin. Ilan sa mga ito ay ang mga kulay, skins, blocks at mga karakter.

Ang Gameplay ng Bridge Race

Ito ay isang napakasimple ngunit kawili-wiling laro. Habang naglalaro, dapat kang mangolekta ng tinatawag na bloke. Mayroong nakatakdang kulay para sa bawat manlalaro. Siyempre, hindi mawawala ang iyong mga kakumpitensya. Mayroon pang tatlong manlalaro na makakalaban mo sa race na ito. Upang manalo sa laro, kinakailangan mong maunahan ang iyong mga kalaban na makarating sa dulo ng laro. Magagawa mo lang ito nang hindi nag-aaksaya ng oras  sa pamamagitan ng pangongolekta ng maraming bloke hangga’t maaari.

Sa larong ito ay wala naman masyadong maraming gagawin at aalalahanin. At para sa mas malinaw na mga detalye sa kung ano ang gagawin, maaari mong i-drag ang iyong karakter upang gumalaw ito sa laro at sa iyong screen. Habang patuloy ang pagkilos, paglakad o pagtakbo ng iyong karakter sa laro, makikita nito ang mga bloke na mayroong kulay. Ito ay awtomatikong kokolektahin ng iyong karakter. Kung sa tingin mo ay sapat na ang dami ng mga bloke na iyong nakolekta, maaari mo ng gabayan ang iyong karakter sa pag-akyat sa isang hagdan. Sa oras na matagumpay mong maabot ang dulo nito, ikaw ay nakapasa at makakapaglaro sa susunod na yugto.

Ang Susunod na Yugto

Isang magandang balita naman ang mahabang hagdan sa umpisa ng laro ay magiging mas maikli na. Kaya mas madali mong maaabot kaagad ang dulo ng pangalawang hagdan. Sa pangatlong hagdan naman ay magiging mas pinaikli pa kung ikukumpara sa pangalawang hagdan na iyong inakyat. Ang mabuting gawin dito ay ang magpatuloy lamang sa pagsulong at huwag nang umatras pa sa iyong nadaanan. Ngunit laging tandaan na sa bawat pagsulong ay dapat na mag-ingat – lalo na habang nangongolekta ng mga bloke. Sa pagkakataon na magkasalubong kayo ng ibang manlalaro at bumagsak ka, maaaring mawala lahat ng bloke na iyong nakolekta. Maaari namang magsimulang muli sa pangongolekta ng bloke, ngunit ito ay makakapagpahina sa iyong tyansang manalo sa laro.

Bridge Race

Bridge Race

Syempre, kung ang iyong istilo sa paglalaro ay magaling, maaaring ikaw ang laging mauuna na makarating sa dulo ng bawat laro. Kapag nagkataon, ikaw ay makakatanggap ng gantimpala na mga gintong barya.

Tulad ng nakikita sa itsura ng laro, ito ay hindi kumplikado at medyo mahirap ihambing sa ibang laro. Gayunpaman, hindi rin madali ang maging isang master sa pagkolekta mga bloke. Bukod pa rito, hindi rin dapat maliitin ang difficulty level ng laro.

I-Download ang Bridge Race

Madali lamang ang pag-download ng larong ito. Para sa mga Android users, hanapin lamang ito sa Play Store. Para sa mga iOS users naman ay hanapin ito sa AppStore. Wala na ring iba pang karagdagang gawain basta’t gamit mo lang ang iyong active Google account o Apple ID.

Para sa libreng pag-download ng laro, sundan ang mga link sa ibaba:

  • Download Bridge Race Game on Android https://play.google.com/store/apps/details?id=com.Garawell.BridgeRace&hl=en_US&gl=US&auao=none&referrer=utm_source%3Dgoogle%26utm_medium%3Dorganic%26utm_term%3Dbridge+race+android&pcampaignid=APPU_1_cHeSYfvqMO_f2roPqfadkAQ
  • Download Bridge Race Game on iOS https://apps.apple.com/il/app/bridge-race/id1543845882
  • Download Bridge Race Game on PC https://www.bluestacks.com/apps/casual/bridge-race-on-pc.html

Ang Mapa ng Laro

Ang makikita sa mapa ng laro ay iba’t ibang kalsada na aabot hanggang sa Hawaii, hanggang sa Amsterdam, Istanbul at pati na rin sa Atlantic. Kaya tuwing ikaw ay umaabante sa laro, matutunghayan mo ang iba’t ibang lugar na tiyak na magbibigay rin sa iyo ng kakaibang karanasan.

Gawing Mas Epektibo ang Paglalaro

Kolektahin ang Bloke Ayon sa Iyong Kulay

  • Sa umpisa ng laro ay na i-set na ang iyong kulay at pati na rin ang pwesto ng iyong bloke. Dapat ay maging mabilis sa pagkolekta ng mga ito sa pamamagitan ng paglalakad o pagtakbo patungo sa mga bloke. Bumalik lamang kung sinubukan ng iba pang mga karakter na magtayo rin ng kanilang tulay sa kinalalagyan ng iyong tulay o kapag kinulang ka sa mga bloke para matapos ang iyong binubuong tulay.

Palaging Mangolekta ng Maramihang Bloke

  • Mangolekta ng maraming bloke hangga’t maaari upang hindi magkulang sa pagbuo ng tulay at hindi na rin magpabalik-balik sa pagkuha ng mga ito na magiging sanhi lamang ng pagkaantala sa paglalaro.

Kumpletuhin ang Unang Tulay

  • Sa pagkumpleto ng mga unang tulay sa bawat level, maaring magpabalik-balik ka ng hanggang tatlong beses upang ganap na makumpleto ito. Pagkatapos, tsaka ka lamang pwedeng lumipat sa susunod na hagdanan kung saan mas maliit na tulay na ang iyong kailangan buuin.
Bridge Race

Bridge Race

Mag-ingat para Hindi Makabangga ng Player na Mas Marami pa ang Blokeng Dala sa iyo

  • Sa pangongolekta ng bloke, ito ang isa sa mga bahaging dapat pakaingatan sa laro. Dahil kapag nabangga mo ang isang manlalaro na mas marami ang blokeng dala kumpara sa hawak mo, maaaring mawala lahat ang mga bloke na iyong nakolekta. Bukod pa rito, ikaw ay mapag-iiwanan sa laro dahil kinakailangan mong bumalik upang mangolekta ulit ng mga bloke.

Sapawan ang Kulay ng Kaaway

  • Kung ang ilan sa ibang mga manlalaro ay sinusubukan na bumuo ng mga blocks mula sa iyong binubuo at malapit nang matapos na tulay, ang mabuting gawin dito ay bumalik na lang sa iyong mga dinaanan at mangolekta ng napakaraming bloke na ayon sa iyong kulay. Pagkatapos nito ay balikan ang mga blocks na nilagay ng iyong kalaban at sapawan ito ng iyong mga nakolektang bloke. Sa paggawa nito, mapapanatili na buo ang tulay na iyong naumpisahang buuin hanggang sa makumpleto mo ito at makakapagpatuloy ka na sa susunod na hagdan.

Related Posts:

Genshin Impact Review

Word Connect Review

Ang Bridge Race Pros

Sino ang nagsasabi na hindi ka maaaring magsaya sa mga simpleng laro? Mapapatunayan ng Bridge Race na mali ang impresyong ito. Ang laro ay simple ngunit may nakakatuwang gameplay. Bukod dito, madaling ding maintindihan at gamitin ang game interface. Sasanayin nito ang iyong pagtuon ng pansin at konsentrasyon dahil sa laro ay mas tututok ka sa pag-iipon ng mga bloke na pare-pareho ang kulay, pagtutuon ng atensyon sa paggawa ng tulay at pag-abot sa dulo ng hagdan upang umabante sa laro. Susubukan din nito ang iyong strategic gameplan dahil kailangan mong maghanap ng mas mabilis na paraan upang mangolekta ng sapat na mga bloke, sirain ang tulay ng iyong mga kakumpitensya at maabot ang dulo ng hagdan. Higit pa rito, ito ay isang masaya at kapanapanabik na paraan upang maglaro ng mga kulay at karera.

Bridge Race

Bridge Race

Ang Bridge Race Cons

Tulad ng sinasabi nila, ang pagiging simple ay madalas na nakakabuti. Ngunit hindi ito ang kaso ng larong Bridge Race. Ang itsura ng laro ay napakasimple na kadalasang napagkakamalang walang kalatoy-latoy o boring. Malalaman mo lamang na masaya pala itong laruin kapag nasubukan mo na. Subalit, mas higit pa ang magiging kasiyahan kung magdaragdag ng isang pandaigdigang karera na mayroong leaderboard. Mas marami ang interaksyon, mas marami ang magkakainteres at lalong magiging exciting ang laro. Bukod pa rito, ang laro ay may limitadong mga tools o extra na inaalok. Talaga namang nakakaapekto ito sa takbo ng laro. Kung maaari sana ay makapagdagdag pa ng mga gintong bloke na mahirap basagin o mga espesyal na bloke na hindi madaling mapapalitan ng iba pang mga manlalaro, pati na chainsaw o iba pang mga kagamitan upang pasiglahin ang mga manlalaro mula sa pagkolekta ng mga bloke at isang freeze na makakapaghinto ng ibang mga manlalaro na magpatuloy sa pagbuo ng kanilang tulay sa loob ng ilang segundo.

Konklusyon

Sa simula ay medyo may kahirapan ang paglalaro ng Bridge Race. Ngunit hindi dapat huminto at magpatuloy pa rin sa paglalaro. Kapag ginawa mo ito, unti-unti mo nang makakabisado ang laro at makukuha mo rin ang teknik. Kahit na ikaw ay mayroong mga kasabayan sa laro, mabuting huwag na lang itong intindihin hanggang ma-master mo na ang iyong ginagawa. Makikita mo rin sa kalaunan na magiging madali na lang para sa iyo na maipanalo ang bawat round. Ito man ay isang simpleng laro, tiyak na matatanggal pa rin nito ang iyong pagkabagot at maaaring maging daan ng panandaliang pagtakas sa stress ng buhay. I-download na ang libreng app na ito at umpisahan na ang pagbuo ng mga tulay tungo sa pagkapanalo.

Laro Reviews

Leave a Comment

Categories
Latest Posts
Login
Loading...
Sign Up
Loading...