Word Connect Review

Ano ang Word Connect?

Word Connect – Isa itong game na kailangang hulaan ang mga letrang naka-scramble at bumuo ng mga salita mula rito. Maganda ito para sa pagpapaunlad ng creativity o pagkamaparaan. Isa rin itong pampatalas ng isip sa pamamagitan ng pagbuo ng mga salita, gamit ang iilang mga letra. Ang larong ito ay classic at patuloy na tinatangkilik ng mga mahilig sa puzzles. Marami itong levels, daily challenges, daily rewards, at real money conversion. 

Ano ang Layunin ng Word Connect?

Kailangan mong bumuo ng mga salita mula sa mga naka-scramble na titik at ilagay ito sa mga empty word boxes o crossword. Mayroon din itong mini-games na pamparelax kapag kailangan na ng break sa pag-iisip ng mga salita. Ang layunin ng laro ay mapaunlad pa ang iyong kaalaman, lalo na sa mga salitang hindi pamilyar o ngayon mo pa lang nakita. Isa itong magandang English learning game at pwede ito sa kahit anong edad.

Paano Umpisahan ang Word Connect?

Pagkatapos mong i-download ang Word Connect, i-click mo lang ang app at pwede mo na itong laruin. 

Paano ito I-download?

Mayroon itong bersyon na nasa Play Store (Android) at AppStore (iOS). Gumagana lamang ang app na ito sa mobile devices. Kung pipiliin mong maglaro sa mas malaking screen, may paraan din para magawa ito. Ang mga sumusunod na download link ay pwedeng mong gamitin para masubukan ang laro:

  • Download Word Connect on Android https://play.google.com/store/apps/details?id=com.wordgame.words.connect
  • Download Word Connect on iOS https://apps.apple.com/us/app/word-connect-%C2%A4/id1226926872
  • Download Word Connect on Windows PC and Mac https://pcmacstore.com/en/app/1326006314/word-connect-fun
Word Connect

Word Connect

Paano Mag-create ng Account?

Step 1: Gumawa ng account sa Play Store o AppStore gamit ang iyong email at password.

Step 2: Pag-log in ay hanapin ang Word Connect gamit ang search bar.

Step 3: I-download ang laro at hintaying matapos ang pag-install ng app.

Step 4: Pagkatapos ng download ay i-click lang ang app icon at pwede ka nang maglaro ng Word Connect. Hindi na kakailanganin ng iba pang account o detalye para makapag-log in.

Extra Step: Pwede mo ring i-connect ang iyong Facebook account sa Word Connect para makakuha ng free coins sa pagsi-share nito.

Tips at Tricks sa Paglalaro

Ang Word Connect ay madaling laruin at nakakatulong pa sa mga tao para maging magaling sa pagbuo ng mga salitang Ingles. Narito ang mga basic na tips at tricks para sa mga bagong players:

Masdan ang mga titik at simulang bumuo ng mga salita

Tingnan ang mga letra sa screen upang sanayin ang koordinasyon ng mata at isip sa pagbuo ng mga salita. Kapag nakuha mo ang unang salita, kailangang pag-isipan kung ano pang mga salita ang nakakubli sa mga tiles. 

Related Posts:

Royal Match Review

Genshin Impact Review

Maging maparaan

Gamitin ang shuffle feature. Ang pagsa-shuffle ay magandang gawin kapag hindi ka na makaisip ng panibagong salita. Baka sa pag-shuffle mo ay may makita kang clue at makabuo muli. Maari ring gumamit ng naipong coins. Kung stuck ka na talaga sa isang word ay maaari mong gamitin ang coins na naipon mo para alamin ang susunod na word. Pero huwag ding panay ang gamit para hindi ka maubusan ng coins. Kung hindi pa sapat ang clues, gumamit ng diksyunaryo. Pwedeng hanapin sa dictionary kung duda ka sa binubuong salita upang makita rin ang kahulugan nito. Maaari kang makatuto ng mga bagong salita habang ginagawa ito. Isa pang mabisang paraan para makausad nang mabilis sa laro ay manghila ka ng kaibigan. Maaaring humingi ng tulong sa mga iyong kaibigan, mas masaya itong laruin kapag mayroon kang kasabay na nanghuhula ng mga salita. Gamitin ang Facebook o social media para matulungan ka ng iba pang naglalaro kung saan ka nahihirapan. Magandang alternatibo ito dahil hindi mo kailangang gumamit ng coins.

Word Connect – Mag-enjoy at mag-relax habang naglalaro

Kailangang relax lang habang naglalaro dahil mas makakapag-isip ng mabilis kapag hindi tense ang utak. Dahil din stress-reliever ang habol ng karamihan kung bakit sila naglalaro, huwag masyadong problemahin kapag may hindi mahulaang mga salita. Ito ay isang casual game kaya ang layunin nito ay panatilihin kang kalma. Hindi naman paunahan ang sistema ng laro (walang timer) kaya okay lang na matagalan ka sa isang level. Hinay-hinay din minsan, pasasaan ba’t makukuha mo rin ang sagot. Iminumungkahi rin ang pagbi-break kapag pagod na sa pagsagot ng puzzles. Kailangan mo talagang iwan ang laro dahil ang pagpapahinga ay isa ring mabisang paraan para tumalas ang pag-iisip. 

Huwag pahirapan ang sarili, gamitin ang imahinasyon

May pagkakataong may makikitang mga repeated words mula sa mga letrang nakalatag, tandaan ang mga ito para madaling makilala kung sakaling mapasamang muli sa nasa scrambled letters. Minsan ay magandang gamitin ang iyong imahinasyon sa larong ito. Isipin mong pagkabit-kabitin ang mga letrang nakikita sa screen at kung ano ang maaring mabuo mula rito. 

Word Connect

Word Connect

Iba pang diskarte na maaring gawin

Makakakuha ka ng “doublers” kapag naglaro ka sa iba’t ibang levels. Ang feature na ito ay pangdoble sa nakukuhang coins. Makakatulong ang maraming coins para makuha ang mahihirap na salita at matapos ang isang level. Gamitin ang doublers palagi. Kapag naubusan ka ng coins, manood ka lang ng advertisement para makakuha ng karagdagang coins bilang reward sa panonood.

 Ito ang mga basic tips kung paano maglaro ng Word Connect, ito ay mga rekomendasyon lamang at maaaring hindi maging mabisa para sa lahat. Gayunpaman, isa itong magandang laro para mapalawak ang iyong talasalitaan.

Pros and Cons

Nalaman na natin ang mga tips at tricks sa larong ito. Ngayon talakayin natin ang mga magagandang at di-kagandahang bagay na mayroon ang larong Word Connect. Ito ay makakatulong upang malaman mo kung ida-download mo ba ang laro o hindi. 

Pros

Ang Word Connect ay pwedeng gawing libangan lalo na kung ikaw ay walang ginagawa o nagpapalipas-oras lamang. Ang mga instruction at detalye ng larong ito ay madaling sundin at unawain. Ang Word Connect ay isang laro para sa lahat ng edad. Mapabata o matanda man ay pwedeng maglaro nito. Tunay na nakakawala ito ng stress at hahasain nito ang iyong isip. Magandang ipalaro ito sa mga bata dahil ito ay isang educational game na makakatulong mapahusay ang pagbasa at pag-intindi ng Ingles. Bibihira lang ang mga laro na wala o kakaunti ang advertisement at isa ang Word Connect dito kaya hindi ka mauumay o maiinis sa kakahintay para sa sunod na level.

Word Connect

Word Connect

Cons

Ang Word Connect ay para lamang sa mga taong okay lang ang paulit-ulit na sistema o tema ng laro. Hindi ito para sa mga taong naghahanap ng ‘sangkaterbang challenges at aksyon dahil siguradong mauumay dito ang mga taong sanay sa action games at hindi nakakatagal sa mga larong walang thrill o suspense. Ito ay walang reward system at walang masyadong content. Kung ano ang iyong nakikita at nilaro mo sa umpisa ay iyon din ang lalaruin mo hanggang sa matapos ang level. 

Konklusyon

Ang Word connect ay isang educational, stress reliever, at nakakaaliw na laro. Isa itong tool na pampalawak ng kaalaman dahil matututo ka ng mga bagong salita! Mayroon din itong built-in dictionary para malaman mo ang ibig sabihin ng iyong sagot sa puzzle. Ngunit ang game na ito ay maituturing na “repetitive”, lalo na para sa mga taong madaling ma-bore. Limitado ang reward system dito. Walang ibang mapaggagamitan ng naipong mga coins bukod sa hint. Wala itong masyadong content bukod sa word scramble at crossword. Pero ito ay magandang laro para sa mga naghahanap ng libangan kapag may libreng oras. Ito ay pampatalino at pwede sa lahat. Maganda rin itong stimulus para sa imahinasyon. Inirerekomenda ito para sa mga taong nag-aaral ng Ingles at sa mga gusto lang ng simpleng laro. 

Laro Reviews

Leave a Comment

Categories
Latest Posts
Login
Loading...
Sign Up
Loading...