Township Review

Isang Sulyap sa Township

Sa modernong panahon, karamihan ng mga tao ay nakatira na malapit sa siyudad at ang pagpunta sa mga lugar kung saan may mga bukirin ay bibihira na. Kadalasan ay mangangailangan pang bumiyahe ng malayo at matagal bago marating ang mga lugar na ito. Buti na lang at nakaimbento na ng mga larong may temang farming at building. Sa mga larong katulad ng Township, magkakaroon ng pagkakataong maranasan ang pagbuo at pamamahala ng sariling bukirin kasama na ang pagpapaganda ng buong nasasakupan kahit na online lang.

Isa itong kaswal na laro na nilikha ng Playrix na dalubhasa sa mga casual games. Kung sawa na sa mga 3-match puzzles, maaaring subukang lumikha ng una mong town at palaguin ito sa Township.

Ano ang mga Kailangang Magawa sa Township?

Sa paglalaro ng Township, magsisimula ang lahat sa isang farm na nakakapagbigay ng mga produktong maaaring magamit upang makagawa ng mga paninda na magiging pangunahing pinanggagalingan ng panggastos para magtagumpay sa pangunahing layunin, ang mapaunlad ang sariling town. Ang mga makukuhang produkto ay makakatulong din sa pagtatayo ng mga bagong gusali na makakagawa ng mga bagay na maibebenta upang mabuksan ang mga bagong materyales para sa farm.

Kailangan ng malakihang produksyon, pamahalaan ang iba’t ibang mga planta, at paramihin ang mga tao sa komunidad, gayundin ang mga bahay at mga gusali para sa pagkumpleto ng mga pangangailangan ng nasasakupan.

Township

Township

Pagsisimula ng Sariling Town

Ang pagsisimula sa Township ay hindi magiging mahirap dahil ang mga player ay gagabayan ni “Ernie”. Kailangan lang na intindihing mabuti ang mga bilin na ibibigay sa umpisa ng laro. Ipapaliwanag din ni Ernie kung paano lalaruin ang Township, kasama na dito ang pagbibigay ng pangalan sa iyong town, pagpapakain ng mga alagang hayop, at pagtulong sa mga kaibigan. Ituturo din niya ang mga gusaling mayroong zoo, airport, mine, at iba pa sa pag-angat sa susunod na mga level.

Simulan ang paggawa ng mga produkto sa mga factory na nakatayo na. Makakatulong ito na matugunan ang mga pangangailangan ng mga kaibigan, gayundin ang pag-load ng subway cars at crates sa mga eroplano at pagkumpleto ng mga order sa helipad. Maaaring itabi ang mga sobrang produkto sa mga racks na available. Para kapag kinailangan, maaari makakuha ng mga produkto agad-agad.

Pagkuha ng Larong Township

Ang Township, katulad ng iba pang mga available online games, ay maaaring malaro sa PC, Android, at iOS devices.

Ang PC download at installation ay mangangailangan ng Android emulator, at para sa mga Android at iOS devices, makukuha ito diretso sa Google Play o AppStore. Ang mga gumagamit ng Android ay matutulungan din ng APK installer kung nais nila itong gamitin.

Hintayin lang na matapos ang download at installation para makakapagsimula sa nakakalibang na farming at building game na ito.

Maaaring ma-download ang laro sa mga sumusunod:

  • Download Township game on Android https://play.google.com/store/apps/details?id=com.playrix.township&hl=en_SG&gl=US
  • Download Township game on iOS https://apps.apple.com/us/app/township/id638689075
  • Download Township game on PC https://www.microsoft.com/en-us/p/township/9nblggh3vrmz#activetab=pivot:overviewtab

Mga Epektibong Ideya sa Mas Mabilis na Paglago ng Town

Habang nagsisimula pa lang sa Township, unahing tugunan ang mga pangangailangan ng mga nasa town. Karaniwang mangangailangan ito ng raw materials kaya importante ang tuluy-tuloy na produksyon nito – gagamitin man ito agad o hindi. Halos lahat ng mga produktong maibebenta ay nanggagaling dito. Ginagawa ito sa mga farm structures. Sa farm naman ay makakapagtanim ng mga nagmumungang pananim gaya ng carrots, wheat, corn, at iba pa. Mayroon ding mga hay barn na mapagkukunan ng mga produkto katulad ng gatas na makukuha sa pamamagitan ng paggatas sa mga baka ilang minuto matapos itong pakainin.

Tandaan na ang wheat ang pinakamurang paraan para makakuha ng XP. Siguraduhing palagiang may tanim na wheat at magtanim hangga’t posibleng magawa ito. Sa pag-angat ng level mabubuksan ang mga bagong pananim at mga kagamitan na makakatulong sa produksyon at sa pagpapakain ng mga alagang hayop sa farm.

Township

Township

Ang coins at mga citizen ay mahalaga sa pagtatayo ng mga bagong gusali kaya kailangang siguraduhin muna na marami na nito bago magsimula ng pagtatayo ng bagong mga gusali. May itinakdang bilang ng coins at citizen na kinakailangan bago masimulan ang pagtatayo. Ang mga residente at komunidad ang nakakapagdala ng maraming citizen sa town. Ang mga factory ang nagbibigay ng mga produkto at ang mga gusaling pang-agrikultura ay nakakatulong para mapadali ang mga gawain sa farm. Magtayo ng maraming kabahayan para magkaroon ng maraming citizen na magtatayo ng mga gusali. Kahit anong gusali ay nakakapagbigay ng karagdagang XP.

Lahat ng mga itatayong gusali para sa pagpapalago ng town ay kailangang bayaran ng gold. Ito ang currency na pangunahing ginagamit sa pagbabayad sa Township. Makukuha ito sa pagkumpleto ng mga tungkulin sa bawat stages.

Tuwing lilisanin ang laro, mag-iwan ng mga gawaing matagal bago makumpleto at ugaliing mag-log in ng 5 araw na magkakasunod upang makakolekta ng bonus.

Mga Komento sa Larong Township

Ang Township ay maituturing na isa sa maganda ang pagkakagawa kumpara sa ibang laro na may katulad na tema. Kaakit-akit ang mga town at farmland, maraming pagpipilian at patuloy ang pagdi-develop rito. Ang mga graphics ay nakakahalina kahit na hindi ito naka-3D. Ang disenyo ng animation ay maganda rin.

Namumukod-tangi ito sa iba pa dahil sa maraming mga aktibidad na magagawa bukod sa pangkaraniwang pag-iipon ng mga produkto at pagbili ng mga items. Maaari ring malaro ang Township kasama ang mga kaibigan at maikonekta ang Facebook dito.

Subalit kung ang hinahanap mong laro ay makapagbibigay ng agarang kasiyahan, maaaring hindi ito para sa iyo maliban na lang kung handa kang gumastos para dito. Nangangailangan ng mahabang pasensya sa paghihintay kung maglalaro ng Township dahil dapat hintaying tumubo at mamunga ang mga pananim, gayundin ang pagkatapos ng mga pinapatayong gusali. Kung wala ka ring mga kaibigan na naglalaro nito ay medyo magiging mabagal ang progreso mo sa laro dahil walang makakapalitan ng mga produkto.

Related Posts:

Word Flipper Review

A.C.E.S Review

Township

Township

Konklusyon

Ang farming at pagtatayo ng sarili mong town ay isang nakakalibang na laro kung saan makakapili ng mga pananim, makakapag-ani at makakapagbenta nito. Idagdag pa dito na maaaring gumawa ng sariling komunidad na ikaw mismo ang magdidisenyo habang nagtatayo ng mga bahay, gusali at iba’t ibang bagay sa buong town.

Maaaring mahirapan sa umpisa dahil magsisimula sa isang blank farm, ngunit habang nagpapatuloy sa laro ay mararamdaman ang pagkatuwa sa mga natatapos na gawain lalo na kapag nagsimula nang mamunga ang mga pananim, gayundin ang mga hayop na nagiging kapaki-pakinabang at pati ang mga factory na nagkakagawa na ng maramihang produkto. Makakapagpa-develop ito ng kakayahang mamahala ng farm at factory.

Sa pagpapaunlad ng town, walang shortcut na uubra. Katulad din sa tunay na mundo ng farming at construction, mangangailangan ito ng panahon. Kahit na ang layunin ng mga naglalaro ay malibang lang, ang mga nakatuon sa paglalaro ay may mas malaking potensyal na ang pagtaas ng level.

Laro Reviews

Leave a Comment

Categories
Latest Posts
Login
Loading...
Sign Up
Loading...