A.C.E.S Review

Ano ang A.C.E.S?

A.C.E.S – sa itong game na kailangan ng estratehiya, prediksyon, at talino para talunin ang mga kalabang eroplano. Mayroon itong mga misyon at survival game. Isa itong laro na magandang laruin dahil mapapaisip ka talaga dito. Ito ay mayroong multi-tasking feature na ginagamit sa pag-monitor ng iyong squad o grupo.

Ano ang Layunin ng A.C.E.S?

Ang A.C.E.S ay may mga misyon at ito ay isang endless survival game. Bawat level o laro ay may score. Kailangan mong lagpasan ang anumang naitalang iskor sa nakaraang level upang makapagtala ng high score. Sa bawat pagle-level up, ikaw ay magkakaroon ng reinforcement mula sa iyong nakalaban, na ngayon ay kakampi mo na, upang makadagdag o magiging kapalit ng mga nawala mong squad. Mayroon din itong iba’t ibang disenyo ng mga eroplano.

Paano Umpisahan ang A.C.E.S

Basahin ng mabuti ang instructions at alamin ang basics ng laro bago magsimula. Mag-uumpisa kaagad ang laro pagka-click ng Play button.

I-double tap ang iyong eroplano upang mapaandar ito. Kusa nitong babarilin ang mga kalaban at kailangan mo lamang i-maniubra ang galaw ng iyong eroplano. Humanap ng tamang posisyon upang ma-corner ang eroplano ng kalaban. 

A.C.E.S

A.C.E.S

Paano ito I-download?

Hindi ito pwede sa Android, Console, at PC. Magagamit lamang ito sa mga iOS devices dahil dito lang compatible ang software ng laro. Buksan ang AppStore, i-search lang ang “A.C.E.S” at i-download.

  • Download A.C.E.S on iOS https://apps.apple.com/us/app/minecraft/id479516143

Paano Gumawa ng Account?

Wala itong account compatibility, kailangan mo lang ng Apple Store account/ID sa pag-download nito. Sa oras na makagawa ka na ng Apple Store ID at maka-login ka na, pwede na itong laruin kaagad.

Tips at Tricks kung Paano Laruin ang A.C.E.S.

Ang laro ay nangangailangan ng estratehiya at pag-iisip ng mabuti. Kailangan mong mahulaan kung saan pupunta ang kalaban. Narito ang mga basic tips na maaaring makatulong sa iyong paglalaro:

Iwasan ang mga kalaban. Huwag kang masyadong lumapit sa kalaban. Hinay-hinay lang sa pag-atake. Huwag masyadong maging impulsive sa paglalaro at gumamit ng matinding estratehiya. Gumawa ka ng linya na papunta sa likod ng iyong kalaban upang ikaw ay makaatake nang palihim. Ngunit mag-iingat ka rin dahil baka hindi mo mapansin at makabunggo ka ng kalaban.

Kapag napansin mo na malapit nang mamatay ang eroplano ng isa sa mga kagrupo mo, ilayo mo muna ito sa kalaban at simulang i-repair o ayusin ang naturang eroplano. Mag-focus sa iyong squad para hindi ito masyadong magtamo ng sira o damage. Subukan mo ring lumapit sa iyong kalaban para makaatake. 

A.C.E.S

A.C.E.S

Kung alam mo ang tactic na pincer sa isang gyera, gamitin ito laban sa iyong kalaban. Ito ay magandang estratehiya dahil gagamit ito ng dalawang eroplano at paliligiran nito ang eroplano ng kalaban. Ilagay mo ang isang eroplano sa buntot ng kalaban at ang isa naman ay sa tagiliran o sa harap. Mag-ingat ka dahil baka mabangga ka din ng kalaban. 

Huwag mai-stress. Hindi naman masyadong intense o kakumplikado ng laro. Kapag nakita mo na sinusundan ng kalaban ang isa sa iyong mga kagrupo, kumilos ka at tulungan ito. Sundan mo sa likod ang iyong kalaban upang maunahan mo ito bago pa makapaminsala sa iyong mga kagrupo.

Magpahinga ka rin sa paglalaro dahil makakatulong ito sa iyong kalusugan at sa iyong isip na makabuo ng bagong estratehiya.  Kung sasalubong ka sa kalaban, maghanap ka ng mas madaling daan para ma-intercept ito nang mas madali at mabilis. Huwag mo nang patagalin ito dahil pwede kang ma-delay sa prediksyon mo kung saan pupunta ang kalaban. Mag-relax at mag-enjoy ka lang, iyan naman ang layunin ng mga laro. Mas magagandahan ka sa laro na ito kapag ikaw ay nag-eenjoy.

Ilan lang ito sa mga basic tips at tricks mula sa experience ng mga players. Marami pang iba’t ibang diskarte na pwede mong matuklasan habang naglalaro.

Related Posts:

Draw Weapon 3D Review

Pagsusuri sa K-Sniper Challenge 3D

Pros and Cons

Tunghayan ang mga ipinagmamalaki at gayundin ang di-kagandahang mga katangian na taglay ng laro. 

Pros

Maganda at nakakatuwa ang larong ito. Mayroon itong positive reviews at rating na 3.7/5, mula sa 19 na ratings. Maganda itong gawing libangan habang ikaw ay may hinihintay o nasa break. Ito rin ay magpapaunlad ng iyong multitasking skills at paggawa ng mga estratehiya base sa isang sitwasyon. Maganda ang konsepto nito dahil ramdam mong isa ka talagang komander ng Ace Squadron. Pwede ito sa lahat ng edad. Sabi ng isang player, isa din itong magandang stress reliever dahil hindi ito nakakatensyon at wala kang talo kahit ikaw ay mamatay sa isang level. 

Kapag ikaw ay namatayan o nabawasan ng squad member, pwede mo itong revive oras-oras.

A.C.E.S

A.C.E.S

Cons

Lahat naman ng laro ay may mga pagkakamali at hindi magandang feature. Ayon sa mga reviews, hindi nila nagustuhan na matatalo kaagad kahit isang eroplano lang ang bumagsak sa squad. Kaunti lang din ang content ng laro na ito. Kailangan mo lang mag-survive at tatlo lang ang misyon na ibibigay sa iyo. Ito ay isang repetitive game na madaling mapagsasawaan ng mga manlalaro. 

Ang laro ay may pagkukulang din sa updates at walang option ang developers na maglagay ng mga karagdagang features na gusto ng mga manlalaro. Wala rin itong gaanong rewards o bonuses na pwedeng maging motibasyon ng mga manlalaro na laruin pa ito nang matagal. 

Ang high score ay mananatiling high score lamang at walang espesyal na gamit o bonuses. 

Subalit kahit na kaunti lang ang updates, marami itong positive reviews na enjoyable, maganda, at maraming potensyal na content na pwedeng idagdag o i-consider ng mga developers. Magandang laro ito para sa lahat anumang edad at pampatalino rin kung tutuusin dahil sa  multi-tasking activities, at pagbuo ng mga strategy at prediction. 

Laro Reviews

Leave a Comment

Categories
Latest Posts
Login
Loading...
Sign Up
Loading...