RFS – Real Flight Simulator Review

Ano ang RFS?

RFS – Real Flight Simulator – Isa itong simulator para sa mga eroplano. Pwede mong paliparin ang iba’t ibang uri ng eroplano. Gamit ang iyong napiling model, pwede kang mag-explore, masdan ang mga tanawin, siyudad, at iba’t ibang airports. Pwede kang mag-roleplay, makipag-chat sa iyong mga kaibigan, at sumali sa mga communities na naglalaro ng game na ito. Isa itong realistic simulator na nagtuturo kung paano maging piloto. Maraming klase at modelo ng eroplano ang makikita rito at masusubukang imaniobra bilang isang piloto. Mayroon din itong multiplayer mode para pwede kang makipaglaro kasabay ng mga kaibigan o kung gugustuhin mong sumali sa online community. 

Ano ang layunin ng RFS?

Nagbibigay ito ng makatotohanang karanasan sa pagiging piloto at kung paano sila kumikilos habang ginagampanan ang kanilang trabaho. Ito rin ay nagpo-promote ng exploration sa iba’t ibang lugar sa mundo katulad ng Europe, America, at Asia. Mayroon din mga hamon sa loob ng laro katulad ng weather system at ang iba’t ibang landscape na nagpapahirap sa pagpapalipad ng eroplano. 

Paano simulan ang RFS?

Kailangan bilhin ang laro. Pagkabili o pagka-download nito, i-click lang ang app at mayroon itong option na “fly now”, “real-time flights” at “multiplayer”, pumili ka lang ng nais na mode at para makapag-umpisa sa laro. 

Paano ito i-download?

Maaaring i-download and RFS sa Android at iOS devices. Hanapin lang ang “RFS – REAL FLIGHT SIMULATOR” at bilhin ito. 

  • Download RFS on Android https://play.google.com/store/apps/details?id=it.rortos.realflightsimulator&hl=en_IN&gl=US
  • Download RFS on iOS https://apps.apple.com/us/app/rfs-real-flight-simulator/id1444761746

Paano mag-create ng account?

Wala itong partikular na account maker at umaayon lamang ito sa iyong gamit na store account (e.g. AppStore, Play Store). Magregister lang at pwede ka nang maglaro. Mayroon din itong sharing feature kaya pwedeng-pwede maglaro kasama ang iyong mga kaibigan.

Tips at tricks kung paano ito laruin

Para sa ilan ay maaring mahirap maintindihan ang laro, lalo na kung hindi naman ito isa sa kanilang mga hilig. Kaya narito ang tips galing sa ilang players para matulungan ang sinumang interesado na makapagsimula:

Ang pagbabasa na ilang artikulo sa internet ang isa sa mga importanteng tip ng game. Kailangang basahin at intindihin ang mga ito para malaman ang controls at features ng laro. Narito ang link sa Wikipedia na makakatulong sa iyong paglalaro.

Dahil may pagkateknikal ang ilang bagay sa laro, iminumungkahi na maghanap muna ng tutorial kung paano mo makokontrol ang iyong eroplano. Ito ay makakatulong sa iyong visual training sa pagkontrol ng laro.

Sa oras na mabasa mo na ang  mahahalagang impormasyon, hindi naman inaasahang maging magaling kaagad sa unang sabak sa laro. Kapag may nagawang mali, hanapin lamang kung saang bahagi nagkamali para malaman kung ang pagtatama na dapat gawin sa susunod. 

Gamitin ang iba’t ibang camera angles para makontrol mo ang iyong eroplano ng maayos at makita ang iyong lokasyon – kung lalagas na pa sa itinakdang distansya o kung nakalayo ka na. 

Huwag na munang pumasok sa multiplayer mode sa pagsisimula ng laro. Mapraktis muna gamit ang single-player option at alamin kung ano ang mga dapat gawin sa pag-take off, pag-landing, at iba pa. Mayroong ding mga tutorial at impormasyon sa Wiki kung paano gawin ng tama ang mga ito.

Related Posts:

Hide ‘N Seek! Review

Among Us! Review

Pros and Cons

Ang laro ay parehong may pros and cons. Isa itong game na magtuturo sa iyo o maaring makahikayat sa iyo na subukan ang pagiging piloto. Mayroon itong 4.4/5 rating mula sa 120,665 reviews sa Play Store na may positive at negative na reaksyon galing sa mga taong nakagamit na nito. 

Pros:

Isa ito sa mga pinaka-realistic na mobile simulator, meron itong mga modeled airports at cities na pwede mong puntahan. Mayroon din magagandang multiplayer servers na nakaabang para sa role play games. Isa rin ito sa mga pinakamurang flight simulator sa market na pumapatak lang na Php29 o $0.99 ang halaga. Maganda itong teaching material para sa mga gusto maging piloto dahil maraming uri ng mga eroplano ang makikita at maaaring paliparin dito. Ito rin ay isang open world kaya maraming mai-explore na lugar sa simulation tulad ng America, Europe, at Asia. Realistic din ang role play experience nito dahil sa mga organized ATC, ground crew, at iba pa. Pwede ka ring makapaglaro kasabay ang mga kaibigan. Ito rin ay may magandang graphics at pwede ito magamit kahit pa sa lower-end devices. Sa pangkalahatan, mapapakinabangan mo talaga ang pagsubok sa laro dahil ito na ang most realistic flight simulator sa mobile.  

Cons:

Kung mayroong magagandang katangian ang laro, hindi mawawala ang mga hindi kanais-nais na bahagi o cons, dahil wala namang perpektong laro. Isa ito sa mga laro na mahirap matutunan dahil sa maraming controls at may pagkakumplikadong instructions. Kailangan mo talagang pagdaanan ang tutorial at pagbabasa para matutunan mo ang basics at kailangan mo rin ng practice para makasanayan mo ang pagpapalipad. Kailangan mo ring magbayad muli para ma-access ang lahat ng eroplano o magamit ang “Pro” feature. Hindi ito mae-enjoy ng casual gamers at wala itong masyadong reward system. Kapag walang subscription, malamang na maging boring ito dahil hindi mo rin makikita ang maaangas na itsura ng iba pang eroplano. Nagkaroon din ng mga reklamo na marami itong loading screen at crash issues. May mga complains din na kaunti lang ang players na pwedeng maging Air Traffic Controller para magkaroon ng realistic roleplay experience. 

Konklusyon

Ang RFS ay maituturing na best flight simulator sa market at bukod-tangi ito. Kapag nabili mo na ang Pro subscription, mae-enjoy mo ang laro with full experience. Marami itong mga eroplano at maganda ang graphics nito, user-friendly din ang review team nito at makikitang pinagtutuunan ng pansin ang mga tanong at reviews mula sa mga users. Makakabuti ito para sa mga gustong matutong magpiloto at sa mga experienced gamers na gusto ng realistic simulator sa mobile devices. Marami rin itong online communities na maaaring salihan at i-explore. Ngunit hindi ito para sa lahat, complicated ang controls at kailangan mo ng guide o tutorial para ito maintindihan kung ikaw ay isang beginner. Marami kang matutuklasan at matututunan dito at isa din itong malaking open world na pwede mong galugarin – mapa-Asia, America, at Europa man iyan. Marami itong challenges katulad ng paiba-ibang weather at terrains na magpapahirap ng iyong paglipad! Sa kabuuan, maganda ang laro at maraming positive reviews mula sa mga nakagamit na nito.

Laro Reviews

Leave a Comment

Categories
Latest Posts
Login
Loading...
Sign Up
Loading...