Zoom Out 3D Review

Subukang tukuyin ang mga item o celebrity sa Zoom Out 3D image. Ito ay isang nakaeenganyong quiz o panghuhula kung ano ang bagay na nasa ipinapakitang bahagi ng larawan. Simple ang laro at maraming mga kawili-wiling hints na magiging dahilan ng pagbababad mo sa app na ito. Kaya huwag nang magpatumpik-tumpik pa! I-install na ang Zoom Out 3D para sa Android upang masimulan na ang araw-araw na kasiyahan!

  • Download Zoom Out 3D on Android https://play.google.com/store/apps/details?id=com.BanditBears.ZoomOut3D&hl=en&gl=US
  • Download Zoom Out 3D on iOS https://apps.apple.com/us/app/zoom-out-3d/id1582805037
  • Download Zoom Out 3D on PC https://thecasualappgamer.com/zoom-out-3d/

Ano ang Zoom Out 3D?

Ang Zoom Out 3D ay isang laro kung saan dapat mong malaman kung ano ang isang bagay mula sa isang naka-zoom-in na imahe. Maaaring ito ay isang logo, bagay, hayop, o isang kilalang tao. Dapat maging maliksi sa pagsagot upang matalo ang mga kalaban. Alam kong mas madali lang itong sabihin kaysa gawin, kaya naman naisip kong isulat ang artikulong ito. Marami na ang nakapaglaro ng Zoom Out 3D at nakatuklas ng ilang paraan na magiging kapaki-pakinabang kapag naging mahirap ang mga bagay-bagay.

Zoom Out 3D

Zoom Out 3D

Paano makasigurado ng panalo sa Zoom Out 3D?

Gamitin ang common sense. Ayon sa karamihan, ang mga hint sa laro ay maliwanag naman. Suriin lamang ang larawan, isaalang-alang ang mga posibilidad, at pagkatapos ay ilapat ang iyong sentido komun sa pagpili ng tamang sagot. Mayroong ilang mahihirap na tanong na maaaring matitigilan ka ng sandali. Susubukan ko ring makapagbigay ng ilang tips kung paano malalampasan ang mga ito.

Huwag pansinin ang iba pang mga manlalaro. Dapat tandaan na ang ibang players ay madalas na panggulo at hindi rin tiyak sa kanilang mga sagot. Kaya kung duda ka o hindi mo talaga alam ang isasagot, iwasang magpatangay sa agos at gumawa ng sarili mong sistema upang matumbok ang tamang sagot. 

Mga kasanayan kapag naglalaro ng Zoom Out 3D

  1. Kinakailangan ng talento sa paglutas ng puzzle. Ang laro ay para sa mga hindi marunong sumuko sa mga palaisipan. Huwag tumigil sa paggawa ng paraan hanggang sa magkatugma-tugma ang mga piraso.
  2. Kakayahang umintindi habang nag-iisip habang nilulutas ang mga crossword puzzle.
  3. Mahabang pasensya.

Ang tatlong pangunahing mga kakayahan na ito ay pundasyon ng isang mahusay na tao. Ang paglalaro ng puzzle kasama ang isang miyembro ng pamilya o kaibigan, batay sa tatlong prinsipyong ito, ay nagbibigay-daan sa pagbuo ng mga kasanayang panlipunan habang nakikipag-ugnayan at nakikipag-usap tungkol sa mga teknik at clues sa laro. Anumang aktibidad na kinasasangkutan ng mahigit sa isang tao ay maghahatid ng kalamangang ito.

Zoom Out 3D

Zoom Out 3D

Mga Benepisyo ng Paglalaro Zoom Out 3D

Siguradong mapapahanga sa kapanapanabik na gameplay ng Zoom Out 3D, lalo na ang mga gustong makakuha ng pagkilala sa entertainment industry. Kapag napansin ang galing, maaaring manguna ang mga manlalaro sa ilang idol group at indibidwal at magpatakbo ng sarili entertainment club. Habang nagiging matagumpay, magagawa mong magbahagi ng iyong ultimate trivia adventures at patuloy pang palawakin ang iyong online club.

Sa pagkahumaling ngayon ng mga tao sa apps at mga laro sa mobile devices, mamangha ka sa pakinabang ng isang larong halos hindi na ginagamit, basic ngunit may kahirapan – tulad ng larong ito. Ang panghuhula ay maaring tumpak o mali. Dapat na paganahin ang critical thinking upang masagot ng tama ang mga hamon. At kagandahan pa sa ganitong uri ng laro ay hindi maaaring makapandaya, kaya lamang ang talagang may alam! Ipinapahiwatig nito ang kahalagahan ng mga palaisipan sa pag-unlad ng kaisipan. Maaaring ikaw mismo sa dumaan sa puntong nahilig ka sa pagbuo at paglutas ng mga puzzles, gayun din ang iyong mga magulang, at maging anak, kung mayroon man. Sa pamamagitan ng madali, nakahuhumaling at may kahirapang Zoom Out 3D game, maaaring mahikayat ang mga batang players para matuto at patuloy na tumuklas ng mga kaalaman.

Maging mahusay sa pakikisalamuha

Ang Zoom out 3D ay isang akmang laro na dapat mong subukan kasama ang mga kaibigan. Karamihan sa mga manlalaro ay niyayakap ang pakiramdam ng pagkabalisa na dulot ng paglutas ng mahihirap na puzzles. Nagdudulot rin ito ng payapang paligsahan sa pagitan ng makakaibigang players –  isang kasanayan sa buhay na maaaring dalhin hanggang sa pagtanda. Magsaya kapag nananalo at chill lang kapag hindi nakukuha ang sagot o nauungusan ng iba.

Related Posts:

Candy Bomb: Puzzle Game

Cat Paradise Review

Sa pamamagitan ng larong ito nabibigyan ng pagkakataon na makapag-bond ang mga manlalaro, anuman ang edad na kinabibilangan – bata, matanda, minsan pati isip-bata. Patok ito para sa lahat! Kaya ayain ang iyong mga kaibigan at kumuha ng makakatulong mo sa paglalaro. Magkakaalaman na kung sino ang natural na maparaan para mahulaan ang ibinibigay na mga clue. Higit pa sa thrill na dulot ng kompetisyon, ang masayang sandali habang tulung-tulong ang bawat isa sa paghula ng tamang mga sagot ay tiyak na magbibigay ng malugod na diversion para sa lahat ng manlalaro.

Ito ay perpekto para sa pagpapatalas ng iyong memorya.

Ang laro ay umiikot lang sa paglutas ng anumang palaisipan na ipinakita o ibibigay sa iyo. Kilalanin ang tao o item sa mga naka-zoom-in na larawan. Mapapaisip ka talaga sa mga bugtong at clues. Pahirap din ng pahirap ang mga ito habang umaangat ang iyong level. Kung sakaling magkamali ka ng naibigay na sagot, hindi dapat mag-alala dahil hindi ka mauubusan ng pagkakataon! Kapag nasanay ka na sa laro, hindi mo mamamalayang unti-unti na pa lang dumadali ang pagbibigay ng tamang tugon. Kakaibang kasiyahan ang mararamdaman mo sa tuwing makakatukoy ng tamang sagot at ito rin ang hihikayat sa iyo para magpatuloy at abangan ang mga susunod pang larawan. Ang mga puzzle, tulad ng iba pang teknik, ay nagsisilbing isang mahusay na tool sa pagkatuto at pagpa-praktis ng iyong utak at memorya.

Zoom Out 3D

Zoom Out 3D

Hinihikayat ang pagkakaroon ng healthy competition.

Ang mga pinahuhulaan sa Zoom Out 3D game ay nagpapatibay ng pakikipagtulungan habang ang mga manlalaro ay sama-samang lumulutas ng mga hamon upang bigyang-buhay ang mga nakakubling larawan. Maaari ring gawing team competition ang tema ng laro maging mas masigla at masaya ang lahat habang nag-uunahan sa panghuhula.

Sa larong ito pinaiiral ang healthy competition. Maaaring ibahagi ang iyong pag-unlad at mga nagawa sa mga kapwa manlalaro at iyong mga kaibigan. Ang pangunahing layunin ay makamit ang mga personal at team goals. Dahil sa kompetisyon, pinagbuti ang pagpapaganda ng mga tema sa laro. Kung sa iba ay kamatayan o paglalaho ang resulta ng pagkabigo, pagkakataon at karagdagang tyansa naman tungo sa tagumpay ang ibinibigay ng Zoom Out 3D tuwing magkakaroon ng maling tugon. Bukod sa teamwork, itinuturo rin nito ang pagiging “sport” kahit pa laging talo o nahuhuli sa pagsagot. 

Ang mga puna sa paglalaro ng Zoom Out 3D

Ang visual elements ay tipikal. Karamihan sa mga sikat na laro sa app store ay may ganitong mga aesthetics, na hindi ko gusto. Makikita mo na hindi masyadong pinag-isipan.

Bukod pa roon, walang masyadong appeal para sa akin ang larong walang katambal na musika. Una sa lahat, walang background music. May ilang partikular na tunog kapag nai-lock na ang sagot. SUbalit kapag hindi mo nahulaan ang tamang sagot, may maririnig kang tila nilalamon ng pating. Pwede na rin!

Sa pangkalahatan, ang ideya ng laro ay kasiya-siya. Normal lang kung matitigilan ka paminsan-minsan dahil nahihirapang ma-imagine kung ano o sino ang naka-zoom-in na larawan. Gayunpaman, mas higit na nakakasira ng focus at konsentrasyon ang mga patalastas at kakulangan ng nakakaintrigang aesthetics para sa akin.

Laro Reviews

Leave a Comment

Categories
Latest Posts
Login
Loading...
Sign Up
Loading...