Zombie Tsunami Review

Ang Zombie Tsunami ay isang masaya at kakaibang laro na kakikitaan ng walang katapusang pagtakbo. Ito ay may mahigit sa tatlong daan na iba’t ibang misyon na magdadala ng ilang bagong karanasan na may mga kakambal pang sorpresa sa gameplay nito. Bukod pa dito, ang graphics ng laro ay ginawang mas kaakit-akit at mahusay kumpara sa iba.

Ano ba ang Zombie Tsunami?

Ang Zombie Tsunami ay isa lamang sa mga runner games na matatagpuan online. Gayunpaman, nagawa pa rin nito na magdala ng bago sa genre. Sa halip na kontrolin ang isang tao lamang, gagabayan mo ang isang pulutong ng zombies na minsan ay lumiliit at lumalaki depende sa bilang ng mga taong madadaanan at makakagat mo.

Ang Layunin sa Laro

Ang tanging layunin lamang sa laro ay ang tumakbo hanggang maubos ang lahat ng tao at maging zombies na rin ang mga ito. Hindi tulad ng karamihan sa mga runner games, ang Zombie Tsunami ay mayroong side-scrolling view na matatagpuan rin sa ilang mga klasikong laro tulad ng Mario, Contra at Sonic. Tumakbo ka at kumain ng mga sibilyan upang madagdagan ang iyong uri. Dapat ding mangolekta ng coins at power-ups upang tumagal sa laro hangga’t maaari.

Ang Gameplay

Sa panahon ng pagtakbo, makakatagpo ka ng mga ilang tao na nag-iisa sa daan. Ito ang unang madaling gawing target. Makakatagpo ka rin ng mga hadlang tulad ng iba’t ibang klase ng sasakyan na nangangailangan ng partikular na bilang ng mga zombie kung gusto mo itong malagpasan at magpatuloy sa pagtakbo sa laro.

Halimbawa, maaaring kailanganin ng apat na zombie sa iyong tsunami upang malampasan ang isang kotse at maidagdag ang mga sakay nito sa iyong grupo. Kung iilan pa lamang ang zombies na nasa tsunami ay kailangan mong iwasan muna ang mga sasakyang ito dahil mababawasan pa ang mga zombies na mayroon ka.

Kasama rin sa karaniwang laro ng Zombie Tsunami ang iba’t ibang power-ups para gawing mas malakas ang iyong mga zombie. Maaring sila ay maging ninja zombies, football player zombies, pati na rin ang dragon zombies.

Related Posts:

Among Us Review

Kingdom Rush Frontiers TD Review

Ang Zombie Tsunami ay itinuturing din na party game kung saan ay 3 hanggang 6 na manlalaro ang pwedeng maglaro na tatagal ng 30 minuto. Sa laro, ang bawat players ang magiging pinuno ng kanya-kanyang grupo ng mga zombie na susugod sa lungsod. Kailangan nilang magtulungan at kung minsan ay traydurin ang isa’t isa upang manalo sa laro. Tiyak na magiging puno ng katatawanan ang paglalaro nito.

Zombie Tsunami

Zombie Tsunami

Mga Tampok ng Zombie Tsunami

Sa gameplay ng laro ay one-touch lang ang kailangan upang kontrolin ang isang pulutong. Mayroon ding 10 na mga nakakatuwang bonus at nakakamanghang upgrades na maaaring i-unlock. Nandyan din ang tinatawag na zombie birds na may angking kapangyarihan upang tulungan kang lagpasan ang mahigit sa 300 na mga misyon sa loob ng 11 na iba’t ibang set na lalakbayin.

Ang mga Power-Ups

Ang pinagkaiba ng mga runner sa isa’t isa ay ang kanilang mga power-ups, at ang Zombie Tsunami ay talaga namang hindi nagkulang sa bahaging ito.

Ang Tsunami ay isang power-up na lumilikha ng isang malaking tidal wave at inaaanod nito ang lahat ng iyong madadaanan. Isa ito sa mga kapaki-pakinabang na power-up dahil kinokolekta nito ang lahat ng madadaanan, kabilang na ang mga tao sa anumang uri ng sasakyan at hindi na rin kinakailangan ng sapat na bilang zombies para makuha o magawa ang iyong pakay.

Ang Dragon ay babaguhin ang iyong anyo bilang isang Chinese New Year Dragon na may kakayahang mapabagal ang iyong pagbaba pagkatapos ng isang mataas na pagtalon.

Ang Ninja power-up naman ito ay nagbibigay ng kakayahang mag-double jump at hatiin ang isang bagay sa ikalawang antas. I-upgrade ito sa lalong madaling panahon dahil ang tampok na Double Jump ay maaaring maging isang disadvantage.

Ang Giant Zombie ay bubuo ng isang single multi-eyed alien na tumitira ng laser mula sa mata nito para maalis ang ilang mga pagbabanta. Gayunpaman, iwasan na masaktan sa ganitong form dahil bababa pa rin ang bilang ng zombie mula sa iyong pangkat kapag nangyari ito.

Ang UFO, para sa akin, ay isang walang katuturang power-up. Lumilipad ang isang UFO at naglalabas ng mga zombie. Tila sa mundong ito, ang mga zombie ay nanggaling na sa kalawakan at hindi sa mga libingan.

Ang Quarterback naman, gaya ng ipinahihiwatig ng pangalan, ay magbibigay ng kakaibang lakas. Tulad ng isang Quarterback, walang pinalalagpas na bagay sa landas ng mga zombies kapag nakuha ang power-up na ito. Ang tanging kahinaan lamang nito ay ang pagtalon.

Ang Gold ay isang kakaibang power-up. Ginagawa nitong isang nilalang ang Zombie tulad ng isang Greek figure na si Midas na ginagawang gold ang lahat ng mahawakan nito. Nakuha rin nito ang kalakasan ng Quarterback at hindi nito kahinaan ang pagtalon! Kaya tiyak na ma-eenjoy mo ang yugtong ito ng laro.

Ang Balloon naman ay pinapalaki ang ulo ng iyong zombies na nagbibigay sa kanila ng kakayahang makalipad. Maaaring kapaki-pakinabang ito para sa mga bahagi kung saan maraming pagtalon ang dapat gawin.

Zombie Tsunami

Zombie Tsunami

I-download na ang Zombie Tsunami!

Maaari mo na ngayong simulan ang paglalaro at pagtangkilik sa mga natatanging tampok na hindi kailanman bago para isulong ang iyong hukbong zombie at masakop ang mundo.

  • Download Zombie Tsunami Game on Android https://play.google.com/store/apps/details?id=net.mobigame.zombietsunami&hl=en_US&gl=US&auao=false&referrer=utm_source%3Dgoogle%26utm_medium%3Dorganic%26utm_term%3Dzombie+tsunami+android&pcampaignid=APPU_1_3MirYaC9HrOGr7wP65quuAU
  • Download Zombie Tsunami Game on iOs https://apps.apple.com/us/app/zombie-tsunami/id529652920
  • Download Zombie Tsunami Game on PC https://www.malavida.com/en/soft/zombie-tsunami/#gref

Ilang Tips sa Paglalaro ng Zombie Tsunami

Huwag bumili ng anumang mga bagay sa market kung hindi mo naman kailangan ang mga ito. Ang mga bagay sa market ay sobrang mataas ang presyo at maaaring wala din ito gaanong maging tulong sa iyong pagalalaro.

Ang mga tiket naman ay ang iyong tiket sa mga items sa market. Kung kailangan mong kumuha ng background, maglaro lamang upang makakuha ng ticket.

Ugaliing magtabi ng humigit-kumulang 10,000 na mga coins. Ito ay magagamit mo sa mga misyon kung saan kailangan mo ang paggamit ng Last Chance dagdag pa ang dalawang Power-up na nagkakahalaga ng 5,000 na mga coins.

Mas mabuti na bumili lamang ng mga kagamitan kung ang isang misyon ay nangangailangan na gawin mo ito. Nakakadismaya na magkaroon ng mga misyon tulad ng Have Top Hat in Paris kung saan ang mga Zombie na may mga sumbrero ay bihirang lumitaw at ang posibilidad ng isang Zombie na may Partikular na Sombrero sa isang Partikular na site ay napakaliit, mababawasan mo lamang ang posibilidad na iyon kung marami ka nang naka-hats up.

Ang Pros ng Zombie Tsunami

Dahil mayroon ng tonelada laro na kagaya nito, maliban na lang kung nakatira ka sa isang kweba, imposibleng hindi mo alam kung paano laruin ang genre na ito. Ang Zombie Tsunami ay mayroong isang kakaibang dating at mga cute na visual. Ang background naman ay patuloy na nagbabago at ang mga Zombie ay talagang maayos ang pagkakagawa. Hindi maipagkakaila ang oras at galing na ginugol ng mga developers sa paglikha nito, na sa una palang ay kitang-kita na sa graphics ng laro.

Ginagawang madali ng mga tiket at misyon ang pagkolekta ng mga coins para sa mga upgrade at iba pang gamit. Mayroon ding maraming mga misyon na dapat gawin. Ang mga misyon na ito ay simple at madali lamang kung saan ay madali mo ring maabot mo ang isang layunin.

Zombie Tsunami

Zombie Tsunami

Ang Cons ng Zombie Tsunami

Ang tunog o musika marahil ang isa sa mga mahihinang parte ng laro. Siguro nga ay simple lang ito at kahit papaano ay catchy naman din, yun nga lang, ito ay paulit-ulit lamang na minsan ay umaabot na sa punto na ito’y nakakaumay na. Sa mga manlalaro naman na naghahanap ng mas malalim na karanasan sa paglalaro, ito ay hindi mo mahahanap dito.

Konklusyon

Ang mga zombie ngayon ay tila isa sa mga pinakasikat na mga nilalang o karakter na nakahanap ng daan patungo sa napakaraming laro, pelikula at mga serye. Inirerekomenda kong subukan ninyo ito. Bukod sa cute pa rin naman ang mga zombies, ito ay talaga namang nakakahumaling. Ang genre ay maaaring masyadong ginagamit na ng maraming beses, ngunit ang pagpresenta sa larong ito ay hindi tulad ng karamihan sa hanay ng mga runner games.

Laro Reviews

Leave a Comment

Categories
Latest Posts
Login
Loading...
Sign Up
Loading...