Zombie Catchers Review

Zombie Catchers – Naisip mo na ba ang posibilidad na maaaring magkaroon ng isang zombie apocalypse? Ang mga zombie ay nagsisimula ng sakupin ang planetang Earth! Ngunit huwag kang matakot dito, sa halip, samantalahin ang pagkakataon at hikayatin ang iyong sarili na magsimula ng negosyo mula sa mga makakatas at masasarap na zombie! Manghuli at pigain ang mga zombie na gumagala sa iyong kapaligiran.

Bilisan ang panghuhuli ng mga zombie at ilagay silang lahat sa squeezer machine para kumita ng limpak-limpak na salapi. Upang maging epektibo at mabilis ang panghuhuli ng zombies, dapat na gumamit ng mga advanced na kagamitan. Mag-upgrade at magdagdag ng mga squeezer machine sa iyong underground laboratory para makagawa ng mas masasarap na produkto!

Zombie Catchers

Zombie Catchers

Ano ang layunin ng laro?

Ang layunin ng laro ay napakadali at nakakaaliw. Sa kabuuan, ang pangunahing misyon ay ang magpalago ng negosyo sa gitna ng zombie apocalypse. Sina A.J at Bud ang dalawang makakatulong sa iyo para mapalago ang iyong negosyo. Sila ang magtuturo at magbibigay ng sapat na impormasyon kung paano magsimula ng isang business para matulungan kang makamit ang iyong layunin.

Ang mundo ay unti-unti nang sinasakop ng mga zombie kaya huwag magtamad-tamaran! Gawin silang pangunahing recipe para sa mga masarap at makatas na inumin! Upang mangolekta at kumuha ng maraming zombies, dapat mong i-upgrade ang iyong mga gamit sa panghuhuli at gayundin sa laboratoryo. Tulad ng pagpatakbo ng kahit anong negosyo, ang unang dapat isaalang-alang ay kung paano tatangkilikin ng masa ang iyong produkto. Dahil ang business na iyong itatayo ay isang drive-thru, dapat ay agad mong maihanda at magawa ang orders ng mga customer.

Higit pa rito, dapat kang makakuha ng maraming plutonium at gold sa pamamagitan ng panghuhuli at pagbebenta ng mga zombie. Ginagamit ang plutonium para bumili ng bago at modernong kagamitan sa panghuhuli at maaari rin itong gamitin para mas mapabilis ang mga squeezer machine sa paggawa ng juice. Ang gold naman sa laro ay ginagamit para ma-upgrade ang iyong mga kagamitan at armas.

Paano ito laruin?

Kinokontrol ng player ang isang zombie hunter na siyang manghuhuli at gagawa ng juice na gawa sa mga zombie. Sa una, ang zombie hunter ay makikipagsapalaran sa swamp upang maghanap ng mga zombie. Ikaw ay dapat maghanap ng palatandaan na mayroon zombie na nagtatago sa swamp. Mayroon kang makikitang mga butas sa lupa na siyang taguan ng mga zombie. Sa oras na makakita ka nito, maglagay ka ng utak malapit sa butas na siyang magsisilbing pain para lumabas ang mga ito mula sa mga lungga nila. Pagkatapos ay magtago ka para tuluyan silang umahon mula sa butas at kapag natanaw mo na silang lumabas ay agarang habulin at huliin ito.

Pagkatapos makakakuha nang sapat na bilang ng zombies ay dumiretso agad sa iyong laboratoryo. Ilagay ang mga zombie sa mga squeezer machine. Tandaan na ang bawat squeezer ay nangangailangan nang tamang bilang ng mga zombie upang gumana. Kapag sapat na ang bilang, ang mga squeezer ay magsisimula ng pigain ang mga zombie para maging ganap na juice.

Ang manlalaro ay nag-iipon ng mga coins na maaaring gamitin upang i-upgrade ang kanilang mga weapon o squeezer machine. Ang laro ay may nakatalagang mga misyon para sa manlalaro. Kapag nakumpleto ng isang manlalaro ang lahat ng mga misyon, tataas ang level ng kanyang tindahan o negosyo. Mayroon ding drone na naghahanap ng mga nakatagong zombie. Kaya siguradong walang makakaligtas na zombies mula sa iyo.

Zombie Catchers

Zombie Catchers

Paano i-download ang laro

Ang mga kinakailangan para mai-download ang Zombie Catchers – Love to hunt sa Android devices ay dapat Android 4.4 o mas mataas pang bersyon ang gamit. Para sa iOS users naman, makukuha ito gamit ang iPhone 6s o anumang devices na mataas sa 10.0. Ang makukuhang space ng app para sa Android ay 77 MB at 158.6 MB naman para sa iOS.

  • Download Zombie Catchers – Love to hunt on Android https://play.google.com/store/apps/details?id=fi.twomenandadog.zombiecatchers
  • Download Zombie Catchers – Love to hunt on iOS https://apps.apple.com/app/zombie-catchers/id845918296
  • Download Zombie Catchers – Love to hunt on PC https://www.ldplayer.net/games/zombie-catchers-on-pc.html

Mga hakbang sa paggawa ng account sa larong Zombie Catchers – Love to hunt

  1. Hanapin ang anumang app store na makikita sa inyong mga device.
  2. Hanapin ang bersyon ng larong Zombie Catchers – Love to hunt. I-download at i-install ito.
  3. Buksan ang app at i-connect ito sa iyong Google Play account.
  4. Ang data ng laro ay maiingatan o masi-save kung ili-link mo ito sa isang account.
  5. Maaari mo na ngayong umpisahan ang paglalaro ng Zombie Catchers – Love to hunt!

Tips and tricks sa paglalaro ng Zombie Catchers – Love to hunt

Bilisan ang pangongolekta ng mga zombie – Nagsisilbi itong paalala na ang pangunahing sangkap sa iyong mga masasarap na produkto ay walang iba kundi ang mga zombie! Tungkulin mong huliin silang lahat. Dapat matyaga kang maghintay at akitin silang lumabas sa butas habang nagtatago sa di-kalayuan.

I-upgrade ang mga armas at laboratoryo – Ang pagbili ng mga advanced weapon ay makakatulong sa iyo upang mas maging epektibo ang panghuhuli ng mga zombie. Habang patagal nang patagal ay pahirap din nang pahirap ang paghuli ng zombies. Kaya mainam kapag nakakapag-upgrade. Ganoon din ang iyong laboratoryo sa basement. Habang nagle-level up ang iyong tindahan ay kasabay nitong maa-unlock ang iba pang features ng laro at isa na roon ang mga squeezer machine. Magdagdag ng squeezer para mas maraming produkto ang magawa.

Kumpletuhin ang mga misyon – Mag-ipon ng rewards sa pamamagitan ng pagkumpleto sa mga misyon. Ang bawat misyon ay may katumbas na gantimpala. Maaari kang umusad sa laro sa pamamagitan ng pag-unlock ng mga bagong feature, pagkakaroon ng coins at plutonium, at pagle-level up ng iyong tindahan.

Zombie Catchers

Zombie Catchers

Pros and Cons sa paglalaro ng Zombie Catchers – Love to hunt

Ang Zombie Catchers – Love to hunt ay isang nakakaaliw na laro. Nakakaengganyo ito sapagkat mahusay ang konsepto at kalidad ng produksyon. Ito ay talagang kaaya-aya at ang pagsubaybay sa lahat ng uri ng zombies ay kapanapanabik. Ang laro ay maaari ring makatulong na mapabuti ang ilan sa mga sumusunod na kasanayan:

Diskarte sa pagpaplano – Ang pagpaplano ay mahalaga sa buong yugto ng panghuhuli sa laro. Mas nagiging mahirap ang paghahanap sa mga zombies habang umuusad ang player at tumataas ang level. Ito ay nagpapahiwatig na ang manlalaro ay dapat magsimulang mag-strategize ng mga bagay tulad ng kung saan magtatago habang hinihintay lumabas ang mga zombie. Kung walang diskarte o plano, hindi siya makakahuli ng maraming zombies o makakakuha ng “perfect hunt” badges.

Related Posts:

Hopping Heads: Scream & Shout

My City: Apartment Playhouse

Pamamahala ng oras – Sa larong ito, mahalaga ang pamamahala sa oras para sa mga partikular na dahilan. Sa simula pa lang, ang manlalaro ay dapat maging maalam kung gaano katagal makakahanap ng zombies ang drone at gaano kabilis makakagawa ng mga produkto ang squeezers. Dahil kung hindi, mag-aaksaya lang sila ng maraming oras sa paglalaro nang hindi umuusad sa mga misyon. Bukod pa rito, dapat nilang alalahanin ang iba’t ibang bilis ng takbo ng mga natatanging uri ng zombie, o maging ang bilis ng paggalaw ng zombie hunter. Maaaring mahirapan sa panghuhuli ng zombies kung hindi nila isasaalang-alang ang mga natatanging hakbang na ito. 

Sa kabilang banda, ang pagkakaroon ng plutonium ay sadyang napakahirap. Napakarami ring advertisement na nagiging sanhi ng matinding pagkaudlot sa paglalaro. Sa kasakukuyan, ang laro ay wala pa ring update para sa bagong mapa o dagdag na features. 

Konklusyon

Sa kabuuan, ang kalidad ng laro at lahat ng mga feature nito ay mahusay at kahanga-hanga. Ang mga kontrol at mekaniks ay napakadali lamang. Kahit na mayroong ilang mga kadahilanan na nag-aambag sa hindi magandang performance ng laro ay marami pa rin ang tumatangkilik dito. Sana ay matugunan ng mga developer and mga isyung nabanggit upang mapahusay pa ang laro.

Laro Reviews

Leave a Comment

Categories
Latest Posts
Login
Loading...
Sign Up
Loading...