Count Masters – Stickman Clash

Count Masters – Stickman Clash – Isa ang stickman sa mga pumatok na game genres noong nauso ang Flash games sa internet. Isa sa mga dahilan ay dahil sobrang versatile ng stickman genre. Hindi man ito ang pinakamaganda pagdating sa graphics, kahit anong laro naman ay pwede mong magawa gamit ang stick figures. Mura din ang budget para sa stickman games kumpara sa iba kaya may mga developers na pinipili ito. 

Karamihan sa stickman games ay umiikot sa genre ng fighting games. Ilan sa mga halimbawa nito ang Stick Fight, Stickman Sword Fighting 3D, Last Stickman Battle Royale, at The Spearman. May iba namang old school stickman games na naging cult classic, gaya ng Sift Heads series at Johnny Rocketfingers series. Ngayon, marami ng uri ng stickman games ang malalaro. 

Kung ayaw mo ng mga larong nabanggit, may isang stickman game na maaaring mong subukan at ito ay ang Count Masters. Malamang ay nakita mo na ang larong ito sa mga social media ads. Sa artikulong ito, malalaman mo kung dapat mo bang i-download ang Stickman Clash o hindi. 

Count Masters - Stickman Clash

Count Masters – Stickman Clash

Paano maglaro ng Count Masters – Stickman Clash?

Sa Count Masters, may isang platform kung saan may isang grupo ng mga stickmen na kailangan mong kontrolin upang makarating sa finish line. Subalit, hindi magiging madali ang pagpunta mo sa finish line dahil may mga kalaban at mga hadlang na kailangang malampasan at matalo. 

Ang layunin ng Stickman Clash ay makarating ang iyong mga stickmen sa finish line nang hindi nauubos. May mga gate na may naka-display na numero sa platform. Kung saan ka pumunta, doon nakasalalay ang bilang ng iyong stickmen. Halimbawa, kung may 10 stickmen ka at pumunta ka sa gate na may naka-display na x10, magkakaroon ka ng 100 stickmen. 

Game features ng

Sa unang game mode ng Count Masters kailangan mong makalampas sa mga balakid at makarating sa finish line nang hindi nauubos ang iyong stickmen, gaya ng nabanggit kanina. Ang mga kakaharapin mong balakid dito ay razor blades na pahalang na tumatakbo, mga martilyo, at mga gap sa platform kung saan pwedeng mahulog ang mga stickmen mo. 

Pagdating sa mga kalabang stickmen, minsan ay may mga pana ang mga ito kaya mababawasan na agad kayo bago ninyo sila makuyog at maubos. May mga pagkakataon ding mas mahirap silang ubusin dahil may archer tower na nakapalibot sa kanila. Kapag natapos mo na ang obstacle course, mas mataas ang bonus mong matatanggap kapag mas maraming stickmen ang natira sa iyo. 

Minsan, may bonus round sa Stickman Clash kung saan may boss kang dapat matalo upang magkatanggap ng bonus. Sa kabilang banda, may isa pang game mode ang Count Masters – Stickman Clash. Sa game mode na ito, kailangan mong magtayo ng mga istruktura upang makapag-recruit ng stickmen. Maihahalintulad mo ito sa mga istruktura sa strategy games upang magkaroon ka ng mga sundalo. 

Matapos magkaroon ng sapat na sundalo, kailangan mong salakayin at ubusin ang mga teritoryo ng katunggaling grupo. Hindi ito multiplayer kung saan may mga makakalaban kang ibang manlalaro pero magbibigay ito ng ibang game mode. Marami ka ring mabibiling skins sa Count Masters – Stickman Clash. Pagdating sa graphics, 3D graphics ang makikita sa larong ito. 

Count Masters - Stickman Clash

Count Masters – Stickman Clash

Saan maaaring i-download?

  • Download on Android https://play.google.com/store/apps/details?id=freeplay.crowdrun.com&hl=en&gl=US
  • Download on iOS https://apps.apple.com/nz/app/count-masters-clash-race-3d/id1568245971

Tips at tricks para sa Count Masters – Stickman Clash

Upang makalampas ka sa mga levels ng Count Masters – Stickman Clash, kailangan ay mabilis ang iyong pag-iisip sa matematika para malaman mo kung saang gate ka dapat pumunta. Kung hindi ka biniyayaan ng pagiging mabilis sa pagkukwenta ng numero, mas mainam na sa operational symbol na lang tumingin at ibase ang desisyon. 

Halimbawa, kung nakita mong may multiplication at plus sign, mas mataas ang tsansa mo na magkaroon ng mas maraming stickmen kapag sa (x) sign ka pumunta kumpara sa (+). Kailangan mo ring tandaan na may mga obstacles talaga na hindi mo maiiwasan sa Count Masters – Stickman Clash. Kapag ganito ang nangyari, pumunta ka sa gilid kung saan kakaunti lamang ang maaaring mabawas sa hanay ng mga stickmen. 

Pros at cons ng 

Ang maganda sa Count Masters – Stickman Clash ay mas maeengganyo ang mga bata na matuto ng matematika kapag sinubukan nila itong laruin. Maliit na bagay lang ang apat na basic operations sa math pero kapag nabihasa ka rito, malaki ang maitutulong nito sa buhay mo. Pwede mong sabihin na ang Count Masters ay math game na nag-aanyong isang fighting game. 

Magandang katangian rin ng Stickman Clash na kung ano anuman ang nasa ads na ipinakikita sa social media, iyon din ang eksaktong nasa laro. Hindi naman talaga dapat sinusuportahan ang false advertisements. Madaming laro ang tugma ang ad sa gameplay, kaya saludo ko sa pagiging matapat ng ads para sa Stickman Clash. 

Sa kasamaang palad, may mga aspeto na kung saan ay kinulang ang laro. Una, walang masyadong progression ang difficulty ng Count Masters – Stickman Clash kaya nagmumukhang pareho lang ang ginagawa mo bawat level. Mas maganda sana kung mas darami pa ang patibong o mas magiging kumplikado ang mga math equation na kailangan mong pag-isipan para mas maging nakakaaliw ang larong ito. Kalaunan, mawawalan ka ng thrill sa Count Masters.

Related Posts:

Rec Room – Play and build with friends! Review

Tile Connect – Classic Match Review

Ikalawa, literal na walang musika ang Stickman Clash. Naiintindihan ko kung may mga manlalarong ayaw ng background music pero maski sound effects ay wala sa larong ito. Malaking bahagi ang musical scoring sa lahat ng content dahil nagbibigay ito ng buhay. Mas maganda sana kung binigyan na lang ng opsyon ang mga manlalaro na hinaan o lakasan ang music sa laro.

Count Masters - Stickman Clash

Count Masters – Stickman Clash

Konklusyon 

Samakatuwid, madaling mapagsasawaan ang Count Masters – Stickman Clash ng mga manlalaro dahil sa mga kakulangan nito. Maganda na ang gameplay at konsepto ng larong ito, sadyang kailangan na lang talaga na bigyan ng rason ang mga manlalaro nito na maglaro pa lalo at masubok ang kanilang galing. 

Sa larong ito, ang pagkakaroon ng progression ang kinulang na pagbabago at ang background music ang maaari mong ituring na personalidad. Subalit, kailangan mo pa ring bigyan ng papuri ang larong ito dahil kahit papaano ay ginawa nitong nakakalibang ang math. 

Laro Reviews

Leave a Comment

Categories
Login
Loading...
Sign Up
Loading...