Hand Strike Review

Sa larong Hand Strike, kinokontrol mo ang isang kamay at kailangan mong mahuli ang mga lalaking kulay pula at patayin sila. Sa larong ito, may mga environmental objects sa bawat level at kailangan mong dalhin doon ang mga nakuha mong kaaway upang mailigpit sila. Maraming malikhaing paraan kung paano mapapatay ang mga kaaway mo. 

Ayon sa game description ng Hand Strike sa Google Play, ang mga kailangan mong makuha at mapatay ay mga masasamang tao. Madali lang kontrolin ang kamay. May mga tools rin na maaari mong gamitin kung sakaling hindi mo gusto ang pagpatay sa iyong mga kaaway gamit ang mga makikita mo sa iyong paligid. 

Maraming paraan upang mapatay mo ang mga lalaking kulay pula sa Hand Strike. Maaari mo silang dalhin sa isang inidoro at hampasin ang kanilang ulo, ipabugbog sa isang gumagalaw na monumento, ipakain sa mga piranha, ipakagat sa mga bubuyog, at marami pang iba. Samantala, maaari ka ring gumamit ng chainsaw, taser, baseball bat, at iba pang bagay upang matapos ang trabaho. 

Hand Strike

Hand Strike

Fan Theory sa Hand Strike 

Ito ay sarili kong teorya lang noong nilaro ko ang Hand Strike. Maniwala ka o hindi, ang tanging paraan para malaman kung totoo ang teoryang ito ay subukann mong laruin. 

Sa kasamaang-palad, hindi ikaw ang bidang karakter. Sa halip, ikaw ay isang sadistang halimaw na nangto-torture ng mga taong walang kalaban-laban. Narito ang mga basehan kung bakit ko nasabi ito:

  • Una, mga kamay ng demonyo, alien, zombie, at mga halimaw na kung iisipin mo ay mga antagonista sa mga pelikula at libro ang makikita mo. Dito pa lang magkakaroon ka na ng hinala kung sino ka sa larong ito at kung ano ang gampanan mo. 
  • Pangalawa, sinabi sa game description na masasamang tao ang kailangan mong paslangin sa Hand Strike pero oras na laruin mo na ito, wala kang makikitang backstory o kahit anong reference para patunayan na masama sila. Sa halip, makikita mo sa mga mata nila na natatakot sila sa oras na sila ay makuha mo na. 
  • At panghuli, hindi makatao ang mga paraan ng pagpaslang. Wala sa mga paraan ng pagpatay ang gagawin ng isang protagonista. Karamihan dito ay gumagamit ng torture at ang tanging dahilan kung bakit 12+ ang rating ng laro ay dahil walang dugong ginagamit dito. 

Game Features

May ilang game features ang Hand Strike. Una, may mga weapons ka na pwedeng gamitin sa larong ito para mapatay mo ang mga kalaban. Mayroong chainsaw na kapag binili mo ay maaaring gamitin para pugutan ng ulo ang iyong mga kalaban. May taser pang kasama na kukuryentehin sila hanggang matusta, at pangatlo ang baseball bat na ipanghahampas mo. 

At dahil Hand Strike ang pangalan ng laro, ang mga kamay na pwede mong magamit ang game feature na dapat mong abangan. Sa Hand Strike, may common, epic, at legendary skins ka na pwedeng magamit. Sa mga skins na ito, ang pag-unlock sa Legendary skin ang dapat mong magawa dahil may mga special effects ang skin na ito. 

Halimbawa, mapapalutang mo sa ere ang iyong kalaban kapag suot mo ang infinity gauntlet hand. Para ma-unlock ang skins na ito, kailangan mong manood ng isang ad pero masasabi mo naman na sulit ang panonood mo dahil sa iyo na ang skin habambuhay. 

Nasabi sa artikulong ito na bayolente ang mga pamamaraan ng pagpaslang. Gayunpaman, masasabi mong malikhain ang mga paraang nabanggit at isa ito sa mga features ng laro na dahilan kung bakit naaaliw ang mga manlalaro nito. 

Hand Strike

Hand Strike

Saan maaaring i-download ang Hand Strike?

  • Download on Android https://play.google.com/store/apps/details?id=com.HookGames.HandStrike
  • Download on iOS https://apps.apple.com/sc/app/hand-strike/id1559046720

Tips at Tricks para 

Ang isa sa mga katangian ng Hand Strike ay ang pagiging malaya mo sa pagpili ng traps kung saan mo ilalagay ang mga nahuli mong kaaway. Ang pinakamagandang gawin sa larong ito ay hanapin mo kung anong trap ang pinakanakakaaliw para sa iyo upang mas maging maganda ang gaming experience at hindi ka magsawa sa larong ito. 

Mas maganda rin kung manonood ka ng ads para magkaroon ng magagandang skins. Sa skins option, pumunta ka sa legendary section at doon ka manood ng ads upang makakuha ng legendary skins. Para sa extra points, pwede mong banggain ang mga bakod at iba pang bagay sa Hand Strike. 

Related Posts:

Granny Review

PK XD – Play with your Friends Review

Pros at Cons ng Hand Strike 

Pwede mong sabihin na ang Hand Strike ay isang paraan upang ikaw ay maglabas ng emosyon kapag nakakaramdam ka ng inis o galit. Isipin mo na lang na ang kalabang inilalagay mo sa traps ay ang iyong kaaway. Dito mo ilabas ang lahat ng iyong galit at gigil. 

Kung titingnan ang graphics ng laro, masasabi mong maganda ang pagkakagawa ng 3D ng mga ito. Maganda rin ang background music. Subalit kinulang ang Hand Strike pagdating sa mismong gameplay. Parehas lang ang ginagawa mo rito sa bawat level at walang kahirap-hirap ang larong ito. Okay lang sana kung may mga bagong magaganap sa laro. 

Pagdating mo sa matataas na levels, alam mo na lahat ng traps na maaaring gamitin sa iyong kalaban at nakakasawa na ito sa kalaunan. Kung iisipin, pwede mong ipalagay na ginawa lang ang Hand Strike para lang pakitaan ka ng ads. Casual game lamang ito. Mas maganda sana kung may totoong challenge ka na pwedeng makuha dito. 

Isang malaking puna para sa Hand Strike ang mararahas na pagkilos na ipinapakita sa laro,  pero 12+ ang rating nito. Gaya ng nabanggit kanina, dugo at sapat na ambiance na lang ang kulang ay ibang-iba na ang larong ito. Mas maganda kung tataasan ang allowed age to play para sa laro. Subalit kapag ganon naman ang ginawa, marahil ay wala nang maglalaro nito dahil wala obvious na dahilan para laruin ito ng isang matanda o kahit pa ng isang teenager lang. 

Hand Strike

Hand Strike

Konklusyon 

Ang pinakamalaking problema ng Hand Strike ay masyado itong pambata pagdating sa packaging at marketing pero pangmatanda naman ang tema ng mismong laro. Oo, may mga maglalaro nito pero hindi mo masasabi kung sino ang magtatagal na humabol sa mga taong kulay pula at ilagay sila nang paulit-ulit sa mga trap na ilang beses mo nang nakita. Siguro, isa ang Hand Strike sa mga lalaruin mo kapag wala ka lang talagang magawa o kapag nawalan ka ng internet at gusto mo itong subukan bilang pampalipas-oras. 

Laro Reviews

Leave a Comment

Categories
Login
Loading...
Sign Up
Loading...