DIY Makeup Review

Isang taon na ang nakalipas nang magkaroon ng trend sa social media kung saan sinubukan ng mga tao ang paggawa ng sari-saring Do-It-Yourself na mga bagay.  Ang madalas na ginagawan ng mga DIY ay mga home repairs, pagkain, at makeup. Speaking of makeup, dahil sa trend na ito, nakaisip ang game developer na Crazy Labs ng isang laro kung saan maaari kang makagawa ng sarili mong makeup at ito ay pinangalanang DIY Makeup. 

Ayon sa CrazyLabs, ang larong ito raw ang numero unong makeup game sa Google Play.  Noong unang release ng DIY Makeupay, tungkol lamang ito sa paggawa ng makeup pero nang tumagal, gumawa na rin sila ng levels para sa iba pang klase ng beauty products. Sa ngayon, mayroong ng 50 milyon downloads ang DIY Makeup sa Google Play. 

Sa larong ito, may pagkakataon kang gumawa ng face masks, foundation, lipsticks, buhok, at minsan ay full-blown makeover pa. Dito ay kailangan mong mag-eksperimento sa mga ingredients upang magawa mo ang pinaka-akmang make up para sa iyong kliyente. Sa bawat serbisyong matatapos mo, kukuha ng isang selfie ang kliyente at ipo-post nila ito sa kanilang social media account. 

DIY Makeup

DIY Makeup

Mga Features ng DIY Makeup 

Sa unang bahagi ng laro, mamimili ka ng iyong avatar. May apat na avatar kang maaaring pagpilian sa DIY Makeup. Kung sino man ang mapili mo sa mga magagandang babae na ito, siya ang magiging modelo para sa mga gagawin mong produkto. Mayroon ding feature ang larong ito kung saan makikita mo ang followers at mga likes mo sa social media. 

Pagdating sa mga kontrol, madali lang laruin ang DIY Makeup.  Kailangan mo lang sundin ang mga panutong lalabas sa screen at gawin ang item na ipinagagawa gamit ang listahan ng iba’t ibang rekado. Karamihan sa mga rekadong ito ay prutas, pulot, at mga bagay na makikita lamang sa paligid. Natural na produkto ang makeup sa DIY Makeup. 

Pagdating sa pag-usad ng laro, may pitong lebel ka na maaari mong marating sa casual game na ito. Magsisimula ka muna bilang beginner. Bago ka makarating sa susunod na lebel, kailangan mo munang gumawa ng maraming beauty products. Ang VIP Superstar na lebel ang pinakamataas na maaari mong makamit sa larong ito. 

Kapag nakagawa ka na ng isang beauty product, ite-test ito ng iyong avatar.  Kapag nagustuhan niya ito, kukuha siya ng selfie at magpo-post ng kanyang larawan sa social media. Matapos nito, may makikita kang magko-comment dito at pupurihin ka kapag maganda ang beauty product na nagawa mo. 

May bahagi rin sa laro kung saan may magmemensahe sa iyo.  Ang mga mensaheng ito ay mga tanong tungkol sa pagpapaganda na kailangan mong sagutin. Kapag tama ang iyong kasagutan, mas darami ang followers at likes mo sa social media. Magkakaroon ka rin ng mas maraming coins bilang rewards sa bawat round. 

DIY Makeup

DIY Makeup

Saan maaaring i-download ?

  • Download DIY Makeup for android https://play.google.com/store/apps/details?id=com.crazylabs.diy.make.up&hl=en&gl=US
  • Download DIY Makeup for iOS https://apps.apple.com/us/app/diy-makeup/id1543000744

Tips at Tricks sa DIY Makeup

Wala kang dapat masyadong alalahanin sa paglalaro. Isa lang naman itong casual game sa paggawa ng beauty products. Ang kailangan mo lang gawin talaga ay sumunod sa mga panuto kung ano ang sunod na gagawin. May meter din dito kapag maghahalo o maghihiwa ka ng ingredients at dapat mong haluin itong mabuti hanggang maging tama ang consistency nito. 

May isang bahagi rin kung saan kailangan mong mamili ng ingredients para sa iyong beauty products. Madali lang itong gawin at kahit bata ay hindi magiging mali sa pagpili ng mga ingredients na kailangan. Ang dapat mong gawin lang sa bahaging ito ng laro ay kunin ang ingredients na kailangan mo. Nakalagay na sa taas ng screen kung ano ang mga ito. 

Kung gusto mo ng mas mataas na points, mas mainam kung manunood ka ng mga ads. May mga ingredients, lalagyan ng makeup, at bonus na makukuha mo lang sa panonood ng mga ito. May mga “complete makeovers” din na tinatawag kung saan kailangan mong pagandahin ng sobra ang iyong kliyente. Mas malaki ang makukuha mong rewards dito. 

Isipin mo ring mabuti kung ano ang isasagot kapag may nagtanong sayo. Madali lang naman ang mga tanong sa DIY Makeup at kailangan mo lang ng common sense para masagot ito. Kung nahihirapan kang sagutin ang isang tanong, manghula ka na lang ng isasagot dahil hinid naman ganoong kalaking kabawasan kapag may hindi ka nasagot ng tama. 

DIY Makeup

DIY Makeup

Pros at Cons 

Okay naman ang graphics at direksyon kung paano laruin ang DIY Makeup, ngunit isang malaking kasinungalingan ang sinasabi ng developers nito na ito ang numero unong makeup game sa Google Play. Maraming kailangang baguhin ang DIY Makeup at siguradong marami ka pang makikitang mas magandang makeup games para sa iyong mobile phone. 

Una, sobrang daming ads ng DIY Makeup. Isipin mo, isang minuto lang ang itinatagal ng bawat paggawa ng isang beauty product. Sa isang minutong ito, may tatlo o limang steps kang kailangang sundin. Madali lang sana ito pero sobrang pinatatagal ng mga ads. Hindi ka pa tapos sa isang step ay may ad agad na bubungad sa harap mo. May mas magandang paraan kung gusto ng developers ng ads, iyon ay ang pagtadtad nito sa isang level na nasa isang minuto ang tagal.

Related Posts:

Will it Crush? Review

Words of Wonders: Crossword to Connect Vocabulary Review

Ikalawa, sobrang simple lang ng gagawin sa larong ito. Maganda siguro ito kung ang maglalaro nito ay isang batang babae. Pero kung tutuusin, baka maghanap rin ng ibang makeup game ang batang maglalaro nito. Pare-pareho lang ang gagawin mo sa DIY Makeup. At kung maglalaro ka naman para sa levels, walang kahirap-hirap kang makararating sa dulo. 

At panghuli, walang mangyayari sa’yo kapag nagkamali ka. Kahit ilang beses kang magkamali sa mga ingredients, proseso, at sagot sa mga tanong, matatapos mo pa rin ang mga levels nito. Kung pagre-relax ng manlalaro ang intensyon ng DIY Makeup, hindi rin nito natupad ang mithiing ito dahil walang tao ang mare-relax kapag may sumusulpot na ad sa bawat tatlong pindot. 

Konklusyon 

Kung maglalaro ka ng DIY Makeup, mas maganda na ibang makeup game na lang ang laruin mo. Sa pagkakagawa pa lang ng laro, masasabi mong ginawa lang ito para sa ads. Hindi DIY Makeup ang pinakamagandang laro na nagawa ng CrazyLabs. Mas marami pang laro mula sa developer na ito na maaaliw ka. 

Laro Reviews

Leave a Comment

Categories
Latest Posts
Login
Loading...
Sign Up
Loading...