ePSXe for Android Review

ePSXe for Android – Narito na ang pinakamahusay na Playstation emulator para sa mga Android phone at tablet! Mataas ang kalidad ng graphics at visual control buttons nito na gumagana nang katulad sa mga switch o joystick controllers. Ito rin ay napakadaling i-set up at may mataas na compatibility sa mga smartphone.

Subukan ang PS emulator na ito at tingnan kung gaano kahusay ang performance nito habang ginagamit. Mahahanap ito sa mga app store kung saan maaari mong i-download at i-install ito sa iyong mga device. Ang application na ito ay hindi naglalaman ng anumang mga laro; ang mga user ang maghahanap ng ROM file ng mga paborito nilang laro.

Ano ang layunin ng laro?

Gumagana ang program na ito bilang isang virtual na Playstation na angkop para sa iyong mga Android device. Ito ay tumanggap ng maraming papuri mula sa mga gumagamit bilang isang mahusay at kahanga-hangang Playstation emulator. Maraming itong kapaki-pakinabang na feature at mahusay na gumagana bilang isang PS simulator. Maaari mong i-adjust o baguhin ang mga pindutan at mapping control upang gawing  mas kumportable at simple ang paggamit. Karaniwan para sa isang emulator application na hindi kasama ang mga ROM file ng mga laro. Kaya’t ikaw mismo ang maghahanap nito para maumpisahang magamit ang application na ito.

ePSXe for Android

ePSXe for Android

Paano laruin?

Upang magamit ang app, kailangan mo munang i-set up ito at tiyaking tugma ito sa iyong device. Kung sigurado na ito ay compatible sa iyong device, maaari ka ng magsimula kaagad. Kung mayroon ka ng ROM file, maaari mong i-click ang Run game button; kung wala ka pang ROM file ay maghanap at mag-download na nito para magamit na ang app. Kapag binuksan mo ito, lalabas sa iyong screen ang iba pang mga pagpipilian sa setting.

Ito ay ginawa para sa mga smartphone at tablet na pasok para sa 1-4 na manlalaro at may kasamang 2P game na may split-screen mode. Sinusuportahan nito ang virtual touchscreen controllers, external key mapping, Bluetooth o USB external controllers gaya ng WiiMote, Sixaxis, Xbox 360, Moga, Ipega, at manual sticks. Gayundin ang ARM at Intel Atom X86 compatibility. Nagtatampok ito ng pinahusay na HD visuals, kasama ang isang 2x/4x software renderer at dalawang OpenGL renderer. Maaari ka rin gumamit ng mga cheat code, mag-sync ng progress sa save states at compatibility ng memory card sa bersyon ng PC.

Paano i-download ang laro?

Ang mga kinakailangan para matagumpay na ma-download ang ePSXe for Android sa Android devices ay dapat Android 2.3 o mas mataas pang bersyon ang gamit at ang makukuhang space ng app para sa Android ay 11 MB. Ito ay wala pang bersyon para sa iOS users.

  • Download ePSXe for Android on Android https://play.google.com/store/apps/details?id=com.epsxe.ePSXe
  • Download ePSXe for Android on PC https://epsxe.en.uptodown.com/windows

Hakbang sa paggawa ng account sa ePSXe for Android

  1. Hanapin ang anumang app store na makikita sa inyong mga device.
  2. Hanapin ang bersyon ng larong ePSXe for Android. Pagkatapos ay i-download at i-install ito.
  3. Maaari mong i-save at ipagpatuloy ang progress ng iyong laro gamit ang save states.
  4. Maaari mo na ngayong umpisahan ang paglalaro ng ePSXe for Android!
ePSXe for Android

ePSXe for Android

Tips at tricks sa paglalaro ng ePSXe for Android

Dahil compatible ito sa karamihan ng mga Android device, malinaw na ipinapakita nito na gumagana ito nang mahusay habang ginagamit ito. Dahil ang program na ito ay isang Playstation emulator, walang mga taktika na babanggitin dito. Gayunpaman, ang application ay magbibigay-daan sa iyo para hindi na mag-alala pagdating sa hardware controllers dahil ito ay naka-display na sa iyong mobile phone. Nagtatampok ito ng virtualized touchscreen controller.

Gaya ng nabanggit, maaari mong ikonekta ang mga external joystick at i-set up ito sa pamamgitan ng mag-mapping control. Pinahusay ang HD visual graphics nito para makapagbigay ng mas kasiya-siyang karanasan sa mga user. Tandaan na walang larong kasama sa application. Ikaw mismo ang magda-download ng ROM file ng iyong paboritong laro sa Playstation.

Related Posts:

DraStic DS Emulator Review

METAL SLUG 3 Review

Pros at cons sa paglalaro ng ePSXe for Android

Maraming manlalaro ang labis na natuwa nang ang ePSXe para sa Android app ay naimbento at nag-debut sa gaming world. Bigyang pansin mo na ito ay nakatanggap ng mataas na rating sa mga app store. Dahil gumagana ito bilang isang PS emulator, nagbibigay ito ng maraming benepisyo sa mga manlalaro. Dahil ang ePSXe ay may mataas na compatibility rate, mayroong mataas ang posibilidad na magagamit mo ang program na ito. Ang programang ito ay gumagana bilang isang virtual na Playstation para sa mga Android device at tablet. Pinupuri ito ng mga gumagamit bilang isang kamangha-mangha at mahusay na Playstation emulator. Mayroon itong ilang mga kapaki-pakinabang na tampok. Maaari mong baguhin ang button layout at mag-mapping control. Ito ay kumportable at ginawang mas madali ang pag-set up ng external hardwares sa app na ito.

Sinusuportahan din nito ang save states, na kung saan maaari mong i-save at ipagpatuloy ang iyong laro. Iyan ay isang magandang balita para sa isang gaming app. Mahalagang ma-save ang mga progress ng laro upang hindi ka mag-alala kung may mangyari sa iyong mga gadget. Maaari ding isaksak ang mga external controller. Talagang idinisenyo ito para sa 1-4 na tao, kabilang ang isa pang opsyon para sa 2P game na may split-screen mode. Mayroon din itong makatotohanang tunog na nagdaragdag sa entertainment value nito. Tumatanggap din ito ng mga cheat code, na nagpapahintulot sa mga manlalaro na kumpletuhin ang laro nang mas mabilis at tulungan sila sa kanilang mga gawain. Ito ay hindi lamang naa-access para sa mga Android device, kundi pati na rin para sa mga PC.

ePSXe for Android

ePSXe for Android

Konklusyon

Para sa huling komento sa programang ito, tiyak na nagpapakita ito ng magandang performance at nagbibigay ng napakaraming benepisyo sa mga gumagamit nito. Ito ay madaling ibagay at nag-aalok ng iba’t ibang features upang diskubrihin. Ang mas nakakaakit sa mga manlalaro ay ang rate ng compatibility nito ay napakataas, at ang visual graphics ay nakalulugod sa mata. Ang sound effects ay nagdaragdag din sa entertainment value nito.

Mayroon itong minor downside, ang app ay dapat bayaran bago ito ma-download sa iyong mga device at PC. Hindi ito libre. Gayundin, huwag mong asahan na makakita ng mga laro kapag binuksan mo ang app; kailangan mong maghanap at mag-download ng ROM file ng iyong paboritong laro sa Playstation para masimulan mo itong gamitin.

Kung nahihirapan kang tapusin ang laro, huwag mawalan ng pag-asa dahil sinusuportahan nito ang mga cheat code. Ito ay makakatulong sa iyo sa pagkumpleto ng lahat ng mga misyon ng laro nang mabilis at simple. Hindi ka magsisisi kung ida-download mo ang app na ito.

Laro Reviews

Leave a Comment

Categories
Login
Loading...
Sign Up
Loading...