Kingdom Rush Vengeance TD Game

Ang Kingdom Rush Vengeance TD Vengeance ay ang ikaapat na edisyon ng seryeng Kingdom Rush, na isang tower defense game. Gagampanan mo si Vez’nan, isang masamang wizard na nagbigyang muli ng buhay at nalaman na ang kanyang kaharian ay ginawang kakaibang parke para sa mga matatanong na elves at matatalinong dwarves, na mag-uudyok sa iyong karakter na maglunsad ng isang kilusan para mabawi ang iyong nasasakupan sa tulong ng mga malalakas na mandirigma.

Features ng Kingdom Rush Vengeance TD Game

Magkakaroon ka ng 18 bagong uri ng mga defensive tower sa Kingdom Rush Vengeance TD Game na bawat isa ay may sariling espesyal na kapangyarihan. Maaari kang magtayo ng maraming tower hanggat gusto mo upang pigilan ang mga kalaban sa pag-atake. Kakailanganin mo ring makipaglaban sa 25 mahihirap na yugtong nakakalat sa tatlong kontinente na nakahanda para iyong talunin. Upang gawin ito, nandyan ang 13 magigiting na mandirigma na handang maglingkod sa iyo.

Samantala, sasabak ka sa labanan at makakaharap ang mahigit sa 60 kalaban na pipilitin kang gamitin ang lahat ng iyong diskarte upang manaig. Wasakin ang 6 na hari sa isang maigting na labanan upang protektahan ang iyong kaharian. Mayroon ding mga bagong kasanayan at pampalakas na susuporta sa iyo upang talunin ang iyong mahihirap na kalaban, gayundin ang higit sa sampung iba’t ibang uri ng kagamitan at gadget na mag-aalok sa iyo ng ilang higit pang pagkakataon na magtagumpay.

Mayroon ding 30 mga posibilidad sa pag-upgrade upang matulungan ang iyong pwersa na maabot ang pinakamataas na kakayahan nito, pati na rin ang higit sa 60 mga tagumpay, mga nakatagong misteryo, at mga kasiya-siyang bagay na matutuklasan. Walang access sa internet? Huwag mag-alala, maaari mo pa ring laruin ito offline.

Kingdom Rush Vengeance TD

Kingdom Rush Vengeance TD

I-download at Maglaro!

Sumabak sa labanan sa Kingdom Rush Vengeance TD Game at bumuo ng pinakamalakas na troops para tulungan kang kumpletuhin ang lahat ng misyon. Handa ka na ba sa mga laban? I-download ang larong ito ngayon gamit ang mga link na inihanda namin para lang sa iyo.

  • Download Kingdom Rush Vengeance TD Game on Android https://play.google.com/store/apps/details?id=com.ironhidegames.android.kingdomrush4&hl=en&gl=US&showAllReviews=true
  • Download Kingdom Rush Vengeance TD Game on iOs https://apps.apple.com/us/app/kingdom-rush-vengeance-td/id1248033433
  • Download Kingdom Rush Vengeance TD Game on PC https://repack-games.com/kingdom-rush-vengeance-free-download/

Ilang Tips sa Pagtatagumpay

Sa pamamagitan ng pag pindot sa simbolo ng skull, malalaman mo ang dapat mong gawin at ilang paghahanda sa mga paparating na mga pangyayari. Kapag nakatagpo ka ng bagong uri ng kalaban sa unang pagkakataon, awtomatikong bubuo ang laro ng notice tab na may impormasyon tungkol sa karakter. Matututuhan mong tukuyin at alalahanin ang maraming uri ng pag-atake na maaaring gawin ng bawat unit ng kalaban.

Maaari mong ilagay ang iyong barracks sa battleground upang suportahan ang iyong mga ranged troop tower sa pamamagitan ng paglalagay nito sa lugar kung saan mabilis silang makakagalaw kung mangyari ang mga pag-atake.

Kung ang gintong mayroon ka ay nagsisimula ng bumaba, isang magandang hakbang na ibenta ang isa sa iyong mga tower at gamitin ang mga nalikom na pera dito sa pagkuha naman ng dagdag na ginto. Ang ganitong diskarte ay partikular na kapaki-pakinabang sa buong huling wave ng labanan kapag ang mga kalaban ay mas malapit na sa panghuling goal. Ito ay dahil kung sa tingin mo ay medyo dehado kana, magagamit mo ang mga gold sa pagkuha ng ilang power-ups at karagdagang malalakas na tools upang masigurado ang pagkatalo ng mga kalaban at ikaw lang mismo ang aabot sa goal.

Related Posts:

Empire Warriors – Offline Game Review

ROME: Total War – BI Review

Kingdom Rush Vengeance TD

Kingdom Rush Vengeance TD

Sa laro, ang anumang Towers na may potensyal na maglabas ng malalakas na sundalong panlaban ay dapat na ilagay malapit sa panghuling goal. Bayaan ang ranged unit Towers pati na rin ang iba pang combat unit Towers na gumawa ng ilang pinsala sa simula at gitna ng seksyon ng wave. Kapag nakaligtas ang sinumang kalaban sa pag-atake, ang iyong mga tower sa dulo ng linya ay dapat na matagumpay sa madaling pagpuksa sa mga ito.

Napakahalaga ng mga power-up at maaari nitong mabilis na baguhin ang takbo ng isang laban para sa iyong kalamangan. Gamit ang Gems, maaari mong bilhin ang mga ito at magdala ng hanggang tatlong power-up sa labanan. Ang dalawa sa mga power-up na posisyon ay dapat na nakatuon sa mga kasanayan sa pagharap at pagsasaayos sa mga pinsala, samantalang ang pangatlo ay dapat na nakatuon sa isang kakayahan ng pagpapalakas ng istatistika.

Kapag nakumpleto mo na ang isang antas sa unang pagkakataon, maa-access mo ang higit pang mga opsyon. Ang mga misyon naman ay magiging mas mahirap kaysa sa mga laban sa league campaign. Mas mainam na bumalik lamang sa mga yugto o mga misyon na ito pagkatapos mong ma-level up nang maayos ang iyong mga Tower, mga heroes, at power-up. Ang Mga Gems na kikitain mo sa pagtatapos ng iba’t ibang mga mode ay dapat mong gamitin para makabili ng mga karagdagang kapaki-pakinabang na power-up.

Huwag kalimutan na maaari kang mag-click sa isang umaatakeng karakter upang makita ang kanilang mga istatistika. Makakakuha ka ng isang mas mahusay na ideya ng kanilang mga pagkukulang at matukoy kung aling mga tower ang pinakaepektibong gamitin dito.

Kingdom Rush Vengeance TD-Pros ng Laro

Maraming kasiyahan at kahirapan sa larong ito. Dito ay may masaya at maingay na voice overs at nakakamanghang graphics. Ang malaking pagtaas ng lebel ng kahirapan kumpara sa mga nakaraang laro ay ginagawang medyo mahirap na karanasan. Kung nangangailangan ka ng break o gusto mong mag-relax, ito ay isang go-to game.

Kingdom Rush Vengeance TD

Kingdom Rush Vengeance TD

Cons ng Laro

Mahirap tapusin ang ancient gate sa laro dahil humihinto na lang ang laro pagkatapos mong mapatay ang lahat. Kung ang iyong mga armas ay nakatakda sa random, hindi ka makakadiskarte ng maayos. Gayundin kapag kailangan mo ng bilhin ang ibang items sa laro, ang halaga ng mga gastos sa in-game ay nakakalula. Ang larong ito ay mas mahal kaysa sa nakaraang bersyon. Panghuli, aktwal na pera lang ang magagamit para makabili ng mga premium na heroes at tower.

Konklusyon

Kung naghahanap ka ng bagong role-playing video game na susubukan, isa itong magandang opsyon. Bukod sa mga positibong pagsusuri, mayroon itong napakahaba na listahan ng mga kahanga-hangang mga tampok na walang alinlangan na magpapataas sa iyong gana sa pakikipaglaban. Kahit na ito ay may ilang mga pagkakatulad sa iba pang mga laro, hindi mo maikakaila na mayroon pa rin itong maraming kasiyahan na naidudulot at isang magandang paraan upang maglibang. Ngayon na ang tamang oras upang mangolekta ng mga karagdagang gems, mag-upgrade ng mga kagamitan, at magawa ang mga misyon ng matagumpay sa Kingdom Rush Vengeance TD Game.

Laro Reviews

Leave a Comment

Categories
Latest Posts
Login
Loading...
Sign Up
Loading...