XCOM®: Enemy Within Review

Para harapin ang mga bagong kalaban at panganib na dala ng mga alien, ang XCOM®: Enemy Within ay nagbibigay ng mga bagong kasanayan, upgrade, at armas para matalo ang mga ito. Kasama rin sa pinakabagong pagpapalawak nito ang mga mapa, mga taktikal na gameplay, at mga feature ng multiplayer. Ang lahat ng ito ay nagbibigay ng bagong karanasan sa laro. Ang XCOM®: Enemy Within ay isang extension pack ng larong XCOM: Enemy Unknown. Ang larong ito ay nagdaragdag ng mga extra feature ng gameplay sa orihinal na laro. Ito rin ay lumikha ng mga iba pang konsepto ng transhumanism sa pamamagitan ng matinding gene therapy.

Ano ang layunin ng laro?

Ang pangunahing pokus ng laro ay ang pakikipaglaban sa mga alien. Ito ay isa sa mga karaniwang alien invasion kung saan kailangan mong labanan ang lahat ng mga halimaw at subuking iligtas ang sangkatauhan sa anumang panganib. Sa pag-usad sa laro, matutuklasan mo ang iba’t ibang misyon.

Naglalaman din ito ng feature kung saan ay maaari mong baguhin ang Genetic code ng iyong karakter upang mapalakas ang kanilang mga kakayahan. Habang umuusad ka sa laro, ang mga kapangyarihan at kakayahan ng iyong mga kalaban ay lumalakas at nagiging mahirap para sa iyo na talunin sila kung hindi mo ia-upgrade ang iyong karakter. Kaya protektahan ang planeta mula sa pag-atake ng mga nilalang na ito.

XCOM® Enemy Within

XCOM® Enemy Within

Paano ito laruin?

Ang larong XCOM®: Enemy Within ay available sa mga app store sa mga device. Ang programa ay hindi libre upang i-download. Kung gusto mong malaro ang buong aksyon ng pakikipaglaban sa mga alien at protektahan ang mundo at mga tao, kailangan mo itong bilhin. Marami kang features na matutuklasan sa app na iyong kasasabikan.

Ang mga pagbabago sa genes (“Gene Mods” o “G-mods”) na natuklasan mula sa mga alien autopsy ay maaaring ibigay sa Genetics Laboratories. Available ang Gene Mods sa lahat ng sundalo maliban sa MEC Soldiers. Ang pagsusuri sa Psi ay maaaring isagawa sa isang sundalong binago ang genes, at ang mga pagbabago ay naglalaman ng kapangyarihan ng Psi. Ang mga sundalo na may Gene Mods ay nakakakuha ng mga customized na bersyon ng mga pangunahing uri ng armor pati na rin ang access sa walong natatanging mga pagpipiliang disenyo ng gear.

Ang mga medalya ay maaaring makuha sa pamamagitan ng pagtapos sa mga misyon at ibigay sa mga miyembro ng armed forces. Ang mga medalya ay may limang kategorya. Maaaring palitan ang pangalan ng mga ito na ang bawat uri ay nagpapahintulot sa iyo na pumili sa pagitan ng dalawang boost. Mayroon ding multiplayer mode kung saan maaaring i-customize ng mga manlalaro ang kanilang koponan at mag-save ng maraming load kahit offline.

Paano i-download ang laro?

Ang mga kailangan para matagumpay na mia-download ang XCOM®: Enemy Within sa Android devices ay dapat Android 4.0 o mas mataas pang bersyon ang gamit. Para sa iOS users naman, makukuha ito gamit ang iPhone 6s o mas mataas na bersyon sa 9.0. Ang makukuhang space ng app para sa Android ay 21 MB at 3.5 GB naman para sa iOS.

Maaari ring i-download ang laro sa pamamagitan ng pag-click lamang sa mga link sa ibaba.

  • Download XCOM®: Enemy Within on Android https://play.google.com/store/apps/details?id=com.tt2kgames.xcomew
  • Download XCOM®: Enemy Within on iOS https://apps.apple.com/us/app/xcom-enemy-within/id881270303
  • Download XCOM®: Enemy Within on PC https://raidofgame.com/5182-xcom-enemy-within-download-pc.html
XCOM® Enemy Within

XCOM® Enemy Within

Hakbang sa Paggawa ng Account sa XCOM®: Enemy Within

  1. Hanapin ang anumang app store na makikita sa mga device.
  2. Hanapin ang bersyon ng larong XCOM®: Enemy Within. Pagkatapos ay i-download at i-install ito.
  3. Buksan ang app at direktang dadalhin ka nito sa laro. Hindi na kailangang i-link ang laro sa anumang mga account. Sa oras na inalis na ito sa mga device, hindi na mase-save ang progress ng laro.
  4. Maaari mo na ngayong umpisahan ang paglalaro ng XCOM®: Enemy Within!

Tips at tricks sa Paglalaro ng XCOM®: Enemy Within

Ang XCOM®: Enemy Within ay nagbibigay sa ng mga makabagong armas. Ang mga karagdagang tampok at eksperimento sa larong ito ay mga pagbabago ng passive genetics at mga parang gumagalaw na tanke ng MEC Troopers. Dahil mas malalakas ang mga armas dito, malalakas din ang iyong mga kahaharaping mga kalaban. Mas nakatatakot na mga halimaw ang iyong sasagupain kaya kailangan mo ang lahat ng suportang makukuha mo sa anumang paraan para mailigtas ang buong sangkatauhan.

Related Posts:

DamonPS2 Pro 64bit – PS2 Emulator Review

Riptide GP: Renegade Review

Kapag sumabak ka sa digmaan, dapat ay mayroon kang matatag na plano. Upang manalo sa bawat laban na haharapin, mahalaga na magsagawa ng ilang pagpaplano bago sumabak. Gamitin ang satellite ng bawat rehiyon at tukuyin ang pinakamahalaga, pati na rin kung aling mga bansa ang handa mong isuko nang maaga. Iminumungkahi na magsimula sa Africa dahil ang 30% na pagtaas sa iyong rewards ay magiging mahalaga, lalo na sa umpisa. Ang Europe at Asia ang ilan sa may pinakamagandang satellite coverage, kaya dapat mong isaalang-alang ang proteksyon ng mga lugar na ito.

Ang pangunahing tuntunin ng laro ay ang magtago sa iyong unang aksyon at ang i-activate ang gamit mong Overwatch. Manatili sa perimeter ng mapa hanggang sa kailangan mo nang magsimulang pumasok patungo sa loob ng area. Sa ganitong paraan, maaari mong patayin ang lahat ng kalaban mula rito nang hindi nalalaman ng iba pang kalaban na nasa area. Panghuli, laging i-check ang dami ng balang mayroon ang iyong mga miyembro upang makapaghanda nang mabuti at hindi lusob nang lusob.

XCOM® Enemy Within

XCOM® Enemy Within

Pros at Cons sa Paglalaro ng XCOM®: Enemy Within

Ang XCOM®: Enemy Within ay patuloy na ina-update ang interface at pinahuhusay ang karanasan sa gameplay para sa mga manlalaro nito. Napakaraming features na maaari mong tuklasin sa larong ito. Mayroon ditong mga intense na aksyon at pakikipaglaban sa extraterrestrial invaders na sumasalakay sa planetang Earth. Ang visual effects ay mahusay na naipakita. Ang voice-over ng mga karakter ay nagdaragdag sa intensity ng laro.

Ang pinakakaakit-akit na aspeto ng laro ay ang kakayahang i-personalize ang iyong mga karakter. Maaaring ibigay ang Gene Mods sa mga sumusunod na bahagi ng katawan ng isang sundalo: utak, mga mata, dibdib, balat, at mga binti. Sa bawat uri, mayroong dalawang alternatibo na maaaring pagpilian. Ang mga mandirigma na may Gene Mods ay makakukuha ng mga customized na bersyon ng mga pangunahing uri ng armor pati na rin ang access sa walong natatanging mga disenyo ng armor na pwedeng pagpilian. Ang Mechtoids at Seekers ay dalawang bagong uri ng kalaban na kasama sa bagong update ng laro. Matapos ang operasyong ito, ang bawat nabubuhay na miyembro ng koponan ay makakukuha ng karanasan na sapat lang para sa lahat ng mga baguhan na umabante kahit na wala silang kills. 

Kasama rin sa laro ang multiplayer mode kung saan maaaring baguhin ng mga manlalaro ang kanilang koponan at mag-save ng ilang mabibigat na load para sa offline na paggamit. Bilang karagdagan, walong bagong mapa ang mayroon sa Multiplayer. Dahil available na ito sa mga mobile phone, maaari mo na itong laruin kahit saan at kahit kailan.

Konklusyon

Ang mga pangyayari sa larong XCOM®: Enemy Within ay hindi kapani-paniwala, ngunit dito ay mararanasan mo kung paano o ano ang mangyayari kung sakaling magkaroon ng alien invasion sa mundo. Ito ay may makatotohanang visual effects na siyang naghahatid ng sabik at intense sa laro. Hinding-hindi mo pagsisisihan na bilhin ito dahil sa magagandang features para sa mga manlalaro.

Laro Reviews

Leave a Comment

Categories
Latest Posts
Login
Loading...
Sign Up
Loading...