Underworld Office Review

Ang Underworld Office ay isang makabago, offline, at interactive story game. Ito ay gawa ng Buff Studio (Story Games, Calm Games), isang Android developer na nakabase sa South Korea. Ang kumpanyang ito ay naging aktibo sa game development sa nakaraang pitong taon at sa kasalukuyan, mayroon itong 31 na mga laro. Karamihan sa mga ito ay sikat at kilala. Sa katunayan, napabilang ang ilan sa top 100 ng Google ranking sa higit sampung mga bansa. 

Ang mga manlalaro ay gaganap bilang Eugene, ang bida sa kwento. Kailangan niyang lutasin ang mga misteryosong kaso na kinasasangkutan ng mga multo at iba pang paranormal na kaganapan. Ang mga manlalaro ang siyang may kontrol sa takbo ng kwento. Sila ay pipili ng mga angkop na kilos o reaksyon sa iba’t ibang mga sitwasyon. Kailangan nilang tiyakin na ang pipiliin nila ay magdudulot ng kanais-nais na resulta. Ito ay chat-based kaya mararanasan ng mga manlalaro na tila sila ay nakikipag-ugnayan talaga sa mga karakter sa pamamagitan ng mga chat o text.

Paano I-download ang Laro?

Bago ang lahat, kailangan mong malaman na ang Underworld Office ay isang larong may bayad. Kailangan mong gumastos upang mai-download ito sa iyong device. Pwede itong laruin gamit ang Android o iOS devices kaya hanapin ito sa App Store o kaya ay sa Play Store. Maaari din itong ma-enjoy sa mga lehitimong gaming sites. Kailangan mo namang gumamit ng isang emulator kung gusto mong i-download ang app sa iyong laptop o desktop computer. I-click lang ang angkop na link para sa iyong device kung nais mo itong mai-download kaagad:

  • Download Underworld Office game on PC https://www.bluestacks.com/apps/adventure/underworld-office.html
  • Download Underworld Office game on iOS https://apps.apple.com/us/app/underworld-office-ghost-story/id1533392283
  • Download Underworld Office game on Android https://play.google.com/store/apps/details?id=com.buffstudio.uwoffice
Underworld Office - Laro Reviews

Underworld Office – Laro Reviews

Underworld Office: Gabay para sa mga Manlalaro

Ang Underworld Office ay isa sa mga pinakamagandang interactive visual story game sa kasalukuyan. Pagkatapos mong mai-download at ma-install ang laro, kailangan mong gumawa ng username. Pagkatapos nito ay maaari ka ng maglaro at pumasok sa isang madilim at misteryosong mundo. Ikaw ay magkakaroon ng pagkakataon na bigyan ng wakas ang kwento sa pamamagitan ng pagpili ng angkop na tugon sa bawat mahahalagang kaganapan. 

Ang laro ay may pitong katapusan at ito ay nakadepende sa gagawin mong pakikipag-usap o pakikitungo sa ibang mga karakter. Gayunpaman, hindi ka pwedeng pumili ng desisyon nang libre. Kailangan mong magbayad ng limang ticket para rito. Huwag mag-alala, makakakuha ka ng mga ticket sa pamamagitan lamang ng panonood ng 30-segundong mga patalastas. Kung gusto mong magkaroon ng maraming tickets dahil sa dami ng pag gagamitan mo nito, pwede kang manood ng mga patalastas hangga’t gusto mo. Hintayin lamang na matapos ang 60 segundo pagkatapos ng isang patalastas para sa kasunod. Tiyaking may sapat kang mga tickets, ang kabuuang bilang nito ay makikita sa kaliwang itaas na bahagi ng iyong gaming screen. 

Magbibigay ng kaunting tips ang Laro Reviews para mas maging mahusay ka sa laro. May mga espesyal na kaganapan dito bawat pitong araw. Tapusin ang lahat ng gawain para makakuha ka ng dobleng bilang ng mga ticket. Sa bawat antas o kabanata ng laro na iyong matatapos, makakatanggap ka rin ng mga koleksyon. Maaari kang mangolekta ng hanggang 60 album illustrations at 25 titles. 

Para mas makilala mo pa ang mga multo na iyong nakakasalamuha, maaari mong tingnan ang kanilang profile sa Character Section. May karagdagang tampok din ang laro na tawag ay ‘Album’ kung saan maaari mong tignan at i-save ang iyong mga screenshot. Kumuha ng mga snippet ng iyong di malilimutang mga sandali at i-share ito sa iyong social media account.

Nakatala sa Timeline Section ang mga kabanatang natapos mo. Dito mo rin makikita ang mga mahahalagang kaganapan sa kwento. Pwede mong baguhin ang kinalabasan ng mga kabanata ngunit mawawala ang data ng iyong naunang laro.

Underworld Office - Laro Reviews

Underworld Office – Laro Reviews

Ang Kwento ng Underworld Office

Ang sumusunod ay ang maikling pagpapakilala sa kwento ng laro mula sa Laro Reviews. Ito ang magbibigay sayo ng konting ideya tungkol sa takbo ng laro. Sa unang kabanata, makikilala mo si Eugene. Siya ay isang tahimik na bata na nakatulog sa isang lumang tren. Siya ay dadalhin ng tren na ito sa isang misteryoso at nakakatakot na underworld office. Dito magsisimula si Eugene sa kanyang pambihirang karanasan sa paglutas ng mga kakaiba at misteryosong kaso na may kaugnayan sa mga multo at supernaturals. 

Sa Kabanata 2 naman makikilala ang isa pang karakter na si Lucas, kaklase ni Eugene. Siya ay nakakaranas ng mga bangungot at nakakarinig ng mga kakaibang mga tunog. May mahalagang papel siyang gagampanan sa laro. 

Ang sumusunod pang mga kabanata ay tungkol na sa pagtulong ni Eugene sa mga multo upang mahanap ang hustisya. Kasama niya dito ang mga katrabaho niya sa underworld office. Ang iba’t ibang kwento ng mga kliyenteng multo ay talagang nakakaantig ng puso. Ang larong ito ay player-oriented dahil binibigyan nito ng kalayaan na pumili at bumuo ng kwento ang sinuman.

Laro Reviews

A Dance of Fire and Ice Review

RUSTED WARFARE – RTS STRATEGY Review

Underworld Office - Laro Reviews

Underworld Office – Laro Reviews

Underworld Office: Mga Pros at Cons ng Laro

Isa sa magandang aspeto ng laro ay ang kakayahan ng mga manlalaro na baguhin ang takbo ng kwento. Maaari rin silang makipag-ugnayan sa NPCs sa anumang paraan na nais nila. Ang mga ito ang pangunahing dahilan kung bakit ito ay nakaka-enganyo ng marami. Ang sining na ginamit dito ay napakaganda at bago sa paningin ng karamihan. Nakadaragdag din sa saya at sabik na dala ng larong ito ang pagkakaroon nito ng elementong katatakutan at misteryo. Sa pangkalahatan, ang konsepto ng kwento ay kakaiba at makabagbag damdamin. 

Kakaunti lamang ang mga isyu ng larong ito, tulad ng pagkakaroon ng ilang bugs na nagiging sanhi upang ma-restart ang laro. Nangangailangan din ang app upgrade upang maitama ang ilang mga mali sa auto text nito. Gayunpaman, ang mga ito ay napakaliit at simpleng problema lamang kung ikukumpara sa mga magandang aspeto ng laro.

Konklusyon

Ang Underworld Office ay isang sikat at kilalang interactive game. Ang app ay nai-download ng higit sa isang milyong beses sa Play Store. Ito ay isang visual novel din. Ang kwento ng laro ay talagang nakakaluha at nakakaantig ng puso. Kung gusto mo ang mga misteryosong kwento, ang larong ito ay tiyak na bagay sa’yo. Isa ang larong ito sa talaga namang inirerekomenda ng Laro Reviews. Ang graphics, disenyo at animations nito ay dekalidad kaya sulit ang iyong bayad. 

Laro Reviews

Leave a Comment

Categories
Latest Posts
Login
Loading...
Sign Up
Loading...