Dungeon Maker Review

Ang Dungeon Maker ay isang uri ng strategy game na nilikha ng GameCoaster. Ito ay sinasabing nagkamit na ng ilang mga parangal gaya ng Best Indie in Google Play Best noong 2018 sa ilang mga bansa gaya ng Japan, Korea at Thailand. Ito rin ay kabilang sa Top 10 sa Google Indie Game Festival sa Korea sa parehong taon. Kaya kung titingnan, masasabi talagang may ibubuga ang larong ito sa iba pang mga strategy game.

Sa larong ito, kailangan mo lamang protektahan ang iyong dungeon mula sa mga heroes na gustong sirain ito. Oo, tama ang iyong nabasa, heroes ang mga kalaban mo dahil ikaw ay isa ritong Dark Lord. Para maprotektahan ang iyong teritoryo mula sa mga ito, kailangan mo lang gumawa ng mga patibong at magsama ng mga monster na maaari mong maging katulong upang labanan ang mga heroes.

Kung sisimulan mo nang laruin ang Dungeon Maker, agad na bubungad sa iyo ang ilang mga Dark Lord na pwede mong pagpilian. Kasunod nito ay ang mga cards kung saan maaari kang makapili ng mga laban na gusto mong pasukin. Ang larong ito ay nangangailangan ng talino, kakayanin mo ba? Handa ka na bang protektahan ang iyong nasasakupan? 

Dungeon Maker

Dungeon Maker

Features ng Dungeon Maker

Dark LordsTinatayang sampung Dark lord na may iba’t ibang espesyal na abilidad ang nilikha ng GameCoaster para sa Dungeon Maker. Ilan sa mga ito ang magagamit mo na sa simula pa lamang ng laro habang ang iba ay nangangailangan ng panahon upang ma-unlock. Gaya ng ibang mga laro, ang mga ito ay nangangailangan ng upgrade upang mas lumakas pa.

Mga halimawMayroong mahigit sa 100 mga halimaw ang nilikha para ritong maaari mong pagpilian upang maging katuwang sa pagprotekta ng iyong teritoryo. Ang ilan sa mga ito ang maaari mong pagsamahin upang maging panibagong halimaw. 

HeroesKung marami ang bilang ng mga Dark Lords at mga halimaw, paniguradong ganoon din ang bilang ng mga heroes dito. Mayroong mahigit 100 heroes ang nandito. Ang mga ito ay may kani-kanya ring lakas na depende sa kanilang laki at posisyon gaya ng normal na heroes, legends, myths at goddesses na talagang susubukin ang iyong galing sa pakikipaglaban.

Mga patibongSa larong ito, ang mga trap o patibong ay mga hugis parisukat na makikita sa tuwing makikipaglaban ka. Kung sinisimulan pa lamang ang laro, ilan sa mga iyon ang blangko at kailangang punan. Mainam ang pagkakaroon ng patibong na ito upang mabawasan ang buhay ng mga heroes sa tuwing umaapak sila sa teritoryo.

Fate CardsIto ay isang uri ng laro kung saan araw-araw kang makakapili ng ilang mga laban. Sa tulong ng mga Fate Cards, ang mga larong narito ang makapagbibigay sa iyo ng ilang mga gantimpala upang ma-upgrade mo ang iyong Dark lord, monsters o kaya para sa mga pasilidad at patibong.  

Saan pwedeng i-download ang Dungeon Maker?

I-click lamang ang mga link sa ibaba para i-download ang laro depende sa ginagamit na device:

  • Download Dungeon Maker on PC https://www.bluestacks.com/apps/strategy/dungeon-maker-on-pc.html#:~:text=Play%20Dungeon%20Maker%20on%20PC%20Dungeon%20Maker%20is,think%20about%20having%20a%20dungeon%20of%20your%20own%3F
  • Download Dungeon Maker on Android https://play.google.com/store/apps/details?id=com.GameCoaster.DungeonMaker
Dungeon Maker

Dungeon Maker

Tips at Tricks sa Paglalaro 

Madalas na layunin ng mga strategy game ay ang pag-isipin ka nang maigi para makaangat sa laro kaya naman tungkol diyan ang ilan sa mga tips ng Laro Reviews na maaari mong sundin sa paglalaro ng kagaya ng Dungeon Maker.

Dito sa Dungeon Maker, nakalalamang ka, hindi lang dahil sa iyong lakas kundi kailangan mo ring gumamit ng matinding pag-iisip. Kaya naman, isang magandang hakbang na pag-aralan mo sa larong ito ang iyong mga kalaban. Sinu-sino sila? Anu-ano ang mga kalakasan at kahinaan nila? Paano mo sila kakalabanin? Sino ang maaaari mong pantapat sa kanila? Anu-ano naman ang mga kalakasan at kahinaan ng aking mga monster at Dark lord? Sa oras na masagot mo ang mga tanong na ito, tiyak akong ikaw ang magiging malaking  adbentahe sa laro.

Pagdating naman sa mismong labanan, mahalaga ang pagkakaroon ng mga trap dahil nakatutulong din ito upang bawasan ang lakas ng mga heroes sa tuwing nagtatangka ang mga itong tumapak sa iyong teritoryo. Kaya naman isang magandang hakbang din na isiping saan mo maaaring ilagay ang mga trap na ito. Tandaan na mahalagang pinag-iisipan mo ang bagay na ito, dahil sa tuwing mananalo ka rito’y may mga gantimpalang pwede mong makamit na siyang magagamit mo upang ma-upgrade ang ilan sa iyong mga gamit at tauhan.

Sa larong ito, posible ang pagkakaroon ng trial and error. Kung gusto mo talagang maging magaling na mandirigma at gumaling sa pagdepensa pagdating sa mga mananakop, isang mabuting gawi ang tanggapin na may mga plano na talagang pumapalya at dapat kapulutan ng aral. Ito ang kagandahan sa mga strategic game, kaya sa oras na mapagtanto mo ang bagay na iyon, malaki na ang kalamangan mo sa larong ito. 

Related Posts:

Lucid Dream Adventure 3 Review

Stickman Master: Shadow Fight Review

Dungeon Maker

Dungeon Maker

Pros at Cons ng larong Dungeon Maker

Kung sisimulan mo ang laro, para ka na ring dumaan sa tutorial session dahil bawat kilos ay nilalagay na nila rito. Nakatutulong iyon upang hindi ka makaramdam ng pagkalito bago at habang naglalaro nito. Isa pang kalamangan nito ay hindi mahirap kontrolin ang bawat tauhan mo rito dahil magagawa mo na lamang iyon sa pamamagitan ng simpleng pag-tap lamang sa screen ng iyong gadget. Marami ring inihanda ang Dungeon Maker na mga event dito na talaga namang kagigiliwan mo. Isa itong magandang estratehiya upang mapanatili ang pagkalibang ng mga manlalaro. 

Dahil mahaba ang takbo ng laro, ito’y sapat na upang gawing pamatay ng oras. Maaari ring laruin ito nang offline kaya talaga namang kahit saan ka magpunta at kahit kailan mo gusto ay talagang malalaro mo ito. Kaya naman, isa itong maituturing  na disadbentahe kung dito na umiikot ang mundo ng mga tao. Ang bawat laro ay maaaring umabot sa ilang oras na talaga namang ikababahala mo dahil tunay ngang nakakaadik ang mga ito. Walang kontrol ang developer dito ngunit may kapangyarihan itong bigyan lamang ng limitasyon ang bawat misyon sa laro. 

Kung usapang graphics naman, maihahalintulad ito sa ibang larong sumikat noong kabataan mo kaya naman nostalgia ang hatid nito sa ilan. Hindi rin naman gaanong naiiba ang gameplay nito kung titingnan ngunit kahit papaano ay nagawang maging iba ng Dungeon Maker dahil sa ginawang itsura ng mga tauhan dito. Maliliit lamang ang mga ito kaya may mga pagkakataon na low quality ang mga ito na siyang maituturing kong kawalan.

Konklusyon

Ang isang dapat mong bantayan sa larong ito ay ang presyo. Sa ganitong paraan,  masusuportahan mo ang mga taong nasa likod nito at hindi problema kung maglabas ka ng pera para lamang ipagpatuloy ang paglalaro. Gayunpaman, ang laging paalala ng Laro Reviews, gaya ng kung paano ka tinutulungang mag-isip nang kritikal ng laro, sana’y magamit mo rin ito sa labas ng virtual na mundo. Gumastos nang matalino. Laruin ang Dungeon Maker nang naaayon lamang sa iyong oras at bulsa.

Laro Reviews

Leave a Comment

Categories
Latest Posts
Login
Loading...
Sign Up
Loading...