NBA JAM by EA SPORTS™ Review

NBA JAM by EA SPORTS™ – Kilala ang basketball bilang isa sa mga pinakasikat na sports sa buong mundo. Bukod sa masaya itong laruin, tunay ngang mararamdaman mo ang bilis ng pagdaloy ng dugo kahit nanonood lamang nito. Walang kupas ang kasikatan ng basketball sapagkat maaari itong laruin sa kahit anumang panahon, mapaloob o labas man ng establisyimento. Kaya hindi na nakagugulat kung pati sa mga video games ay pumatok ito.

Ang NBA JAM by EA SPORTS™ ay isang sports video game na kung saan ay makapaglalaro ka ng basketball kasama ang iyong mga paboritong manlalaro mula sa 30 teams ng NBA. Makipaglaro kasama nila sa over-the-top, high-flying, at 2-on-2 arcade basketball. Marami pang features ang laro na tatalakayin ng artikulong ito mula sa Laro Reviews kaya siguraduhing tapusin ang pagbabasa nito hanggang sa dulo.

Hango ang larong ito sa klasikong NBA Jam, ang pinakamatagal na basketball video game series base sa National Basketball Association o NBA. Ang NBA JAM by EA SPORTS ay mayroong natatanging visual style dahil gumagamit ito ng 3D models na may high-resolution na mga larawan para magsilbing ulo ng bawat NBA player. Ang kanilang katawan ay dinisenyo na may 3D look, samantalang ang ulo naman nila ay naka-2D. Makikita rin dito ang ilang features mula sa orihinal na laro tulad na lamang ng nakakapangilabot na slam dunks at nag-aapoy na bola. Pati na rin ang announcer na si Tim Kitzrow ay nagbabalik kasama ang pinagsama-samang linya mula sa mga nakaraang NBA Jam na pamagat.          

NBA JAM by EA SPORTS™

NBA JAM by EA SPORTS™

Features ng NBA JAM by EA SPORTS™

4 Modes of Play – Kalabanin ang iyong kaibigan sa paglalaro ng basketball. Pumili ng alinman sa apat na modes ng laro:

  1. Play Now: Pumili ng grupong nais mong salihan at maglaro kaagad sa loob ng basketball court.
  2. Classic Campaign: Talunin ang ibang mga teams para manalo sa championship. Dagdag pa rito, pwede kang makapag-unlock ng legends, hidden players, at cheats.
  3. Local Multiplayer: Maglaro ng head-to-head na kalaban ang iyong kaibigan gamit ang WiFi or Bluetooth.
  4. Online Multiplayer: Pwede mong hamunin ang iyong mga Google+ friends para kalabanin sila ng head-to-head sa online. Para ma-optimize ang inyong gameplay, mainam na lahat ng online multiplayer ay nakapag-update na sa pinakabagong bersyon ng NBA JAM. 

Sync Option – Maaari mong i-sync ang NBA JAM by EA SPORTS sa iyong Google+ account para maipakita ang in-game na mga panalo mo. Bukod pa rito, pwede mong masubaybayan ang iyong pinakamatataas na puntos at ihalintulad ito sa iyong mga kaibigan at manlalaro mula sa iba’t ibang parte ng mundo gamit ang leaderboards. 

Play On Your Android TV at Gamepad – Maglaro ng NBA JAM by EA SPORTS sa iba’t ibang paraan gamit ang iyong Android TV. Mamili kung maglalaro ka ng solo mode o multiplayer mode gamit ang Android TV laban sa Android mobile device. Kinakailangan nitong gumamit ng compatible na gamepad sa paglalaro. 

Saan pwedeng i-download ang NBA JAM by EA SPORTS™

Narito ang mga link kung saan pwedeng i-download ang laro: 

  • Download NBA JAM by EA SPORTS™ on Android https://play.google.com/store/apps/details?id=com.eamobile.nbajam_row_wf
  • Download NBA JAM by EA SPORTS™ on iOS https://apps.apple.com/us/app/nba-jam-by-ea-sports/id402370879
NBA JAM by EA SPORTS™

NBA JAM by EA SPORTS™

Tips at Tricks sa Paglalaro

Bahagyang may pagkakumplikado bago ka tuluyang masanay sa paglalaro ng NBA JAM by EA SPORTS. Maaaring magkaroon ka ng ilang pagtangka upang maisagawa ito nang maayos. Narito ang mga tips at tricks mula sa Laro Reviews. Kung gumagamit ka man o hindi ng gamepad, ang kaliwang analogue stick ang gagamitin mo para tumakbo, habang ang kanang kamay mo naman ang para sa pagpindot ng Turbo, Shoot o Block, at Pass o Steal buttons. Upang makagawa ka ng stunts gaya ng dunk at alley-oop, aralin nang mabuti kung paano mag-slide mula sa pagpindot ng Turbo papuntang Shoot, kasabay ng agarang pagdepensa sa pamamagitan ng stealing o shoving. Ngunit malaki ang posibilidad na mahirapan ka sa iyong depensa dahil ang kalaban mo ay mga AI players na may kakayahang umepekto nang sobrang bilis batay sa iyong galaw.  

Isa sa mga feature na mayroon ito mula sa orihinal na NBA Jam ay ang eksaherada nitong mga galaw, kabilang na rito ang kakayahan ng manlalaro na tumalon nang napakataas at tumira ng imposibleng slam dunks. Wala ring fouls, free throws, o violations sa laro. Mayroon lamang ay defensive goaltending at shot clock violations. Ibig sabihin nito ay may kakayahan ang manlalaro na sikuhin at itulak ang kanyang kalaban. Dagdag pa rito, mayroong “on fire” feature ang laro kung saan kapag nakatatlong sunud-sunod na basket ka, magiging “on fire” at magkakaroon ka ng unlimited turbo, walang goaltending, at lalakas ang abilidad mong mag-shoot. Titigil lamang ito kapag nakapuntos na ang kabilang koponan o ‘di kaya ay kapag tuluy-tuloy na nakapuntos ka ng siyam habang ikaw ay “on fire.”

Related Posts:

Small Farm Plus – Growing Vegetables and Livestock Review

Cultist Simulator Review

NBA JAM by EA SPORTS™

NBA JAM by EA SPORTS™

Pros at Cons ng NBA JAM by EA SPORTS™

Kung mahilig ka sa ganitong laro tulad ng mga naunang NBA Jam, tiyak na magugustuhan mo rin ito. Mapapansin mong malaki ang pagkakahalintulad nila sa isa’t isa at ang mga upgraded features nito. Tiyak na kasiya-siyang laruin ito lalo na kung talagang ikaw ay mahilig sa basketball. Sa kabila ng pagiging kumplikado ng mga galaw na dapat mong matutunan sa laro, hindi naman ito imposibleng magawa. Kailangan lamang ng sapat na pagsasanay upang maging pamilyar dito.

Walang co-op o multiplayer mode ang larong ito kaya hindi ka makapaglalaro nang sabay kasama ang iyong kaibigan. Mapapansin ding paulit-ulit lamang ang background music nito. Isa rin sa kadalasang inaangal ng iba ay ang wala gaano nitong pinagkaiba sa orihinal na larong NBA Jam kaya hindi sila nasisiyahan sa kanilang nakukuha mula sa binayad nilang $4.99. Hindi rin nagagalak ang mga user sa bawat update na nilalabas ng game developer dahil tila ba hindi nila binibigyang konsiderasyon ang reviews at feedback mula sa mga taong naglalaro nito.

Konklusyon 

Sa kabuuan, magandang laruin ang NBA JAM by EA SPORTS™ ng mga taong mahilig sa basketball o kahit sa panonood ng mga laban sa NBA. Bagama’t wala itong co-op o multiplayer mode, marami pa rin itong ibang features na ma-eenjoy ng manlalaro. Ikatutuwa rin ng manlalaro ang pagsasagawa ng basketball moves na lampas sa kakayahan ng tao sa totoong buhay. Tiyakin lamang na tandaan ang mga tips at tricks na isinaad dito upang makatulong ito sa iyong laro pagkatapos i-download ang NBA JAM by EA SPORTS™.

Laro Reviews

Leave a Comment

Categories
Latest Posts
Login
Loading...
Sign Up
Loading...