Golf Peaks Review

Ang larong Golf Peaks ay binuo at inaalok ng Afterburn. Ang Golf Peaks ay nasa ilalim ng kategorya ng mga larong puzzle at inilabas noong Nobyembre 3, 2018. Sa ngayon, ay mayroon ng mahigit 50,000 plus install, mayroong 4.7 / 5 na rating at maaaring laruin sa Android, iOS, Xbox One, Microsoft Windows, macOS, Nintendo Switch at Macintosh operating system. Ang pinakabagong update ng Golf Peaks ay noong Enero 22, 2020 sa kasalukuyan nitong bersyon na 3.10. Masisiyahan ang mga manlalaro sa pag-solve ng isang maliit na puzzle kung saan umaakyat sila sa mga bundok sa pamamagitan ng paglalaro ng golf at sa paggamit ng mga sasakyan ay nagagalaw nila ang bola. Nagtatampok ang Golf Peaks ng 120 plus levels at sampung mundo para gawing perpekto at mayroon din itong maraming block kinds para mag-eksperimento. Ito ay may kakaibang card based movement system at nakaka-relax na atmosphere na may mga minimalist na tanawin. Ang laro ay one-handed play, walang IAP, walang ads at panghuli, hindi kailangang ma-stress ang gamers para maglaro nito, dahil okay lang na laruin ito kahit hindi naiintindihan ang golf. Dahil sa lahat ng magagandang feature, ang larong ito ay ginawaran ng Best Casual Game of 2019 sa Google Play Store, Top 10 Google Play Indie Games Show, 1st place sa The Big Indie Pitch sa PGA 2018 at naging nominee sa 15th IMGA Awards.

Layunin ng Larong 

Ang layunin sa paglalaro ng Golf Peaks ay mai-shoot ang bola sa butas tulad ng paglalaro ng totoong golf. Ang mga manlalaro ay dapat umakyat sa mga bundok gamit ang maliliit na puzzle at dapat ilipat ang mga bola sa pamamagitan ng paggamit ng mga card upang maipasok ang bola sa loob ng butas. Ang layunin ng manlalaro ay malutas ang higit sa 120 na mga antas at makaranas ng maraming mga summit.

Golf Peaks

Golf Peaks

Paano Maglaro ng Golf Peaks?

Sa simula ng paglalaro ng Golf Peaks, lahat ng manlalaro ay nagsisimula sa unang puzzle. Ang mga card sa ibaba ng screen ang nagsasabi kung gaano karaming mga paggalaw ang maaaring ilapat ng manlalaro sa bola. Ang pangunahing layunin ng manlalaro ay maipasok ang bola sa loob ng butas. Magkakaroon ng iba’t ibang antas kung saan ang puzzle ay may dalawa o higit pang magkakaibang card. Ang mga card na iyon ay may iba’t ibang direksyon ng paggalaw upang ma-shoot ang bola sa loob ng hole. Ang card ay mayroon ding numero sa loob nito, ang mga numerong iyon ay nagpapahiwatig kung gaano karaming mga kahon o tile ang maaaring marating ng bola. Matapos makumpleto ng mga manlalaro ang mga puzzle sa unang mundo ay maaari na silang sumulong sa paglalaro sa susunod na mundo.

Paano mag-download ?

Ang Golf Peaks ay isang bayad na larong puzzle. Para sa sinumang nagnanais, ang Golf Peaks ay maaaring ma-download ngunit kailangan itong bilhin. Ayon sa Laro Reviews, mayroon itong presyong ₱150.00 sa Google Play Store. Sa Apps Store naman, ito ay nagkakahalaga ng $2.99. Para sa Android users, maaaring hanapin ang Golf Peaks sa pamamagitan ng pagbubukas ng Google Play Store at App Store naman para sa iOS users. Dahil isa itong bayad na laro, kailangang ibigay ng user ang kanilang mga detalye ng credit card para mabili ang laro.

  • Download on Android https://play.google.com/store/apps/details?id=com.Afterburn.GolfPeaks
  • Download on iOS https://apps.apple.com/us/app/golf-peaks/id1419542293
Golf Peaks

Golf Peaks

Mga Hakbang para Gumawa ng Account para sa Golf Peaks

Ang laro ay nangangailangan ng pag-log in o pag-signup mula sa mga manlalaro. Para sa lahat ng Android users, maaaring mag-log in gamit ang kanilang Google Play Store account habang Apple ID account naman para sa iOS users.

Para sa Android users, ang kanilang mga device ay dapat na 5.0 o mas mataas at dapat ay may sapat na espasyo para sa 39 MB.

Para sa mga gumagamit ng iOS, ang kanilang mga device ay dapat na 9.0 o mas bago at dapat ay may sapat na espasyo para sa 182.3 MB.

Tips at Tricks sa Paglalaro ng Golf Peaks

Sa paglalaro ng Golf Peaks, dapat ma-shoot ng mga manlalaro ang bola sa loob ng butas. Kung ang mga manlalaro ay nahihirapang mai-shoot ang bola sa loob ng butas, ang mga numero sa mga card at direksyon ng arrow nito ay magiging gabay sa mga manlalaro kung anong card ang unang gagamitin. May mga antas kung saan ang mga manlalaro ay kailangang gumawa ng simpleng matematika tulad ng pagbabawas ng mga numero upang malaman kung ano ang unang gagamitin upang mai-shoot ang bola sa loob ng butas.

Related Posts:

My City: Mansion Review

Bloodstained: Ritual of the Night Game Review

Sa mga kahon o tile sa Golf Peaks, ito ay may mga arrow na nagpapahiwatig ng direksyon ng golf ball. Halimbawa, sa mundo 1: antas pito, ang mga kahon/tile sa mga puzzle ay may mga arrow. Magkakaroon ng paggalaw kung saan tataas ang bola ngunit bababa muli ito at ang mga paggalaw na iyon ay nakasaad na sa mga kahon o tiles, kaya gamitin ang mga arrow na iyon para mas gabayan ka sa paglalaro ng Golf Peaks.

Golf Peaks

Golf Peaks

Ang Mga Kalamangan at Kahinaan ng Golf Peaks

Ayon sa Laro Reviews, ang Golf Peaks ay isang malinaw at walang stress na laro. Ito ay magandang laruin kung nagpapalipas ng oras at hindi rin nangangailangan na magkaroon marunong maglaro ng golf ang manlalaro. Ang pagiging natatangi ng mga puzzle ay kamangha-mangha, lalo na dahil ito ay madaling matutunan kung saan kailangan ng mga manlalaro na i-play ito batay sa paggalaw ng card at marami ang talagang nalilibang sa puzzle challenge.

Ang pagpili ng musika ng Golf Peaks ay maganda at napaka-relaxing. Ang graphics nito ay kaaya-aya sa mga mata at nakakatulong ito sa mga manlalaro na magkaroon ng stress-free game time. Ang simple at maayos na disenyo ay isa sa mga dahilan kung bakit ito ay minamahal ng marami. Napakaganda ng epekto kapag lumubog ang bola sa buhangin o di kaya’y sa tubig at ang pagsabog ng confetti ay napaka-rewarding para sa mga manlalaro kapag naipasok nila ang bola sa butas. Marami ang natutuwa na may iba’t ibang nakakatuwang paraan para maipasok ang bola sa butas at kailangang planuhin ang paggalaw ng bola upang maiwasang mabigo. Ang Golf Peaks ay isang nakakahumaling na laro, kung saan tatapusin ng mga manlalaro ang lahat ng antas at mundo. Nais ng mga manlalaro na magkaroon pa ng mga dagdag na antas hindi sila nagsasawa. Kung ang Golf Peaks ay makapagdaragdag ng higit pang mga antas para sa mga manlalaro, gagawin nitong perpekto ang larong ito. Sa panghuli, marami ang umaasa na ito ay makukuha sa mas murang presyo at tiyak na makakakuha ito ng mas maraming subscriber.

Ang Pangkalahatang-ideya ng Laro

Ang Golf Peaks ay isa sa mga pinakamahusay na puzzle game at nakaka-relax na mga laro bukod pa sa isa rin itong award winning na laro. Ang palaisipan, kapaligiran at kalinisan ng larong ito ay ganap na perpekto. Ang Golf Peaks ay isang madali at nakakatuwang laro para sa lahat ng edad.

Laro Reviews

Leave a Comment

Categories
Latest Posts
Login
Loading...
Sign Up
Loading...