Five Nights at Freddy’s – HW Review

Ang Five Nights at Freddy’s – HW ay binuo ng Steel Wool Studios na hango sa pangunahing prangkisa ng FNAF. Ang FNAF:HW ay unang inilabas noong Nobyembre 26, 2020. Ito ay isang koleksyon ng mga klasiko at orihinal na minigame na itinakda sa orihinal na prangkisa. Ito ay isang First Person Horror game na ginanap sa paligid ng isang pizzeria na pinangalanang “Freddy’s Fazbear”. Ang kwento ay kinuha mula sa orihinal na FNAF kung saan mayroong mga masamang animatronics na manghuhuli sa iyo sa buong gabi habang ikaw ay nasa iyong mga unang gabi sa trabaho. Kailangan mong mabuhay sa mga gabi upang maabot ang pagtatapos ng laro. Maraming gabi at minigames ang maaari mong pagpilian at ang mga ito ay napakasaya at nakakatakot.

Five Nights at Freddy’s

Five Nights at Freddy’s

Ano ang mga Layunin ng laro?

Ang layunin ng laro ay ang makaligtas sa mga gabi kung saan sumasalakay ang mga animatronics at manalo sa mga minigames na ibinibigay sa iyo upang maabot mo ang tagumpay sa huli. Ikaw ay nasa iyong unang gabi sa iyong trabaho bilang isang night watcher at narinig mo mula sa nakaraang night watcher na ang animatronics ay gumagala at pumapatay ng mga tao sa gabi. Bilang isang night watcher, kailangan mong bantayan ang mga animatronics at pigilan ang mga ito sa pagpatay sa iyo sa pamamagitan ng paggamit ng mga kinakailangang console o kagamitan tulad ng pagsasara ng mga pinto, pagbubukas ng mga ilaw, at pagsusuri sa mga camera. Kailangan mo ring bantayan ang iyong paggamit ng kuryente dahil pag ito ay naubusan kailangan mong maghintay ng ilang sandali upang mag-recharge dahil manghihina ka laban sa animatronics. Kailangan mong makaligtas sa lahat ng 4 na gabi mula sa FNAF 1, FNAF 2, at iba pang mga minigame na may mas kaunting levels.

Paano Laruin ang FNAF:HW?

Kailangan mong gamitin ang mga gadget na ibinigay sa iyo tulad ng mga camera, ilaw, at mga pinto. Panatilihin ang animatronics na malayo sayo sa pamamagitan ng paggamit ng mga ilaw at pagsasara ng mga pinto pati na rin ang paggamit ng mga camera upang tingnan ang kanilang lokasyon. Kailangan mong mabuhay hanggang pagsapit ng ika-anim na umaga sa orasan dahil yun ang magpapahayag na nanalo ka laban sa animatronics. Pagkatapos mong matagalan ang isang gabi, bibigyan ka ng reward para sa iyong koleksyon. May mga minigame na batay sa orihinal na prangkisa rin ang larong ito at kailangan mong hanapin ang mga kahinaan ng animatronic upang maging epektibo sa paggamit ng mga gadget. Huwag mag-alala, may tagubilin kung paano laruin ang mga mini game sa simula ng gabi para hindi ka malito.

Five Nights at Freddy’s

Five Nights at Freddy’s

Paano I-download ang Five Nights at Freddy’s:HW?

Ang FNAF:HW ay may bayad. Para ma-download ang larong ito, kailangan itong bilhin ng mga manlalaro na nagkakahalaga ng ₱240.00. Para sa mga user ng Android, maaari nilang hanapin ang Five Nights at Freddy’s: Help Wanted sa pamamagitan ng Google Play Store at para sa mga iOS user naman maaari nilang mahanap ang Five Nights at Freddy’s: Help Wanted sa pamamagitan ng kanilang App Store. Dahil ito ay may bayad para ma-download, kailangan ng mga user na ibigay ang mga detalye ng kanilang credit card. Para sa PC, kailangan mong bilhin ito sa halagang ₱289.95 sa steam.

  • Download FNAF:HW for Android https://play.google.com/store/apps/details?id=com.steelwoolgames.fnaf.hw
  • Download FNAF:HW for iOS https://apps.apple.com/us/app/five-nights-at-freddys-hw/id1531524438
  • Download FNAF:HW for PC https://store.steampowered.com/app/732690/FIVE_NIGHTS_AT_FREDDYS_HELP_WANTED/#:~:text=About%20This%20Game-,Five%20Nights%20at%20Freddy%27s%3A%20Help%20Wanted%20is%20a%20collection%20of,and%20fun%20come%20to%20life

Mga Hakbang para Gumawa ng Account para sa FNAF: HW

Ang FNAF:HW ay walang built in na account maker. Ang iyong piniling Play Store ay sapat na upang mabili at malaro ito. Kailangan mo ring ilagay ang impormasyon ng iyong credit card upang makapagsimula ng transaksyon sa App Store na iyong ginagamit.

Tips at Tricks sa Paglalaro ng Five Nights at Freddy’s:HW

Napakahalaga na alam mo kung ano ang gagawin at kung kailan ito gagawin kapag nilalaro ang larong ito. Kailangan mong maging pamilyar sa mga gadget at kontrol upang malaro ito nang mabuti.

Makakatulong ang pagkakaroon ng mabilis na reaksyon sa gabi dahil ito ang oras na madalas aktibo at gumagala ang animatronics. Kailangan mong manatiling kalmado upang makayanan ang sitwasyong ito at dapat mong bantayang maigi ang camera upang makita kung saan patungo ang animatronics at kung ano ang gagawin upang maihanda ang iyong sarili.

Malaki ang maitutulong sa iyo ng paglalaro ng paulit-ulit upang maging pamilyar sa mga gadget at kontrol. Mas magiging mahusay kapag nagsasanay. Siguruhin na hindi pinanghihinaan ng loob pag natatalo dahil ito ay normal at maraming tao ang nahihirapan sa larong ito.

Related Posts:

My City: My Friend’s House Review

WitchSpring Review

Five Nights at Freddy’s

Five Nights at Freddy’s

Ang Pros at Cons ng Five Nights at Freddy’s:HW

Ang FNAF:HW ay isang mahusay na laro para sa mga beterano na sa prangkisang ito at sa mga manlalaro na sumusunod lamang sa uso. Inipon ang mga laro upang makabuo ng isang solong laro para sa nostalgia na dulot nito. Ang mga manlalaro ay nakakaramdam ng pagbalik sa nakaraan sa tuwing ito ay lalaruin. Ito ay may 3.3/5 na ratings mula sa 4,316 na nagbigay ng reviews sa Google Play.

Ang laro ay nakakatakot at kuhang-kuha nito ang mga tamang eksena at tema. Ito ay naghahatid ng saya at excitement para sa mga datihan ng manlalaro na nakapag laro na ng orihinal na prangkisa. Mayroon itong mahuhusay na character, voice acting, graphics, at performance. Ang laro ay nagtataglay ng maraming jumpscares at sadyang hindi inaasahan na mga sitwasyon na manggugulat talaga para sa mga nagsisimula pa lamang maglaro nito.

Para sa mga kahinaan, ang laro ay maraming tinanggap na mga reklamo dahil sa pag-crash na nararanasan ng mga reviewer kapag binubuksan ang laro. Mayroon din itong mga problema sa mga kontrol dahil mahirap gumalaw gamit ang isang touchscreen. Maliban diyan, karamihan ay may magandang reviews para sa gameplay nito.

Ayon sa Laro Reviews, kung mayroon kang anumang mga medikal na sintomas o di kaya’y matinding pagkatakot, ang larong ito ay hindi inirerekomenda dahil sa jumpscares at nakakatakot na vibe.

Konklusyon

Ang Laro Reviews ay nagbigay ng magandang feedback sa larong ito na nagsasabi na ang laro ay napakasaya, nakakatakot, nakaka excite, at magpapabalik sayo sa nakaraan. Mayroon itong magagandang puntos at kaaya-ayang mapa. Nasa tamang vibe ang soundtrack pati na rin ang tema ng gameplay. Ang graphics at ang pagganap ay mahusay at maraming nilalaman na nagpapanatili sa iyo sa paglalaro. Ang laro ay may mahusay na koneksyon sa orihinal na mga franchise. Bagama’t may mga problema ang larong ito sa mga kontrol at startup nito, maganda pa rin ito. Hindi ito pinapayagan para sa mga batang wala pang 12 taong gulang dahil ito ay nakakatakot. Ito ay magandang laruin ng players na mahilig sa horror games.

Laro Reviews

Leave a Comment

Categories
Latest Posts
Login
Loading...
Sign Up
Loading...