R.B.I. Baseball 21 Review

Ipinaranas sa iyo ng 2K, Inc. ang paglalaro ng Basketball sa NBA 2K20. Nakipaglaban sa arena sa mobile game ng nWay Inc. na WWE Undefeated at nag-goal sa laro ng Electronic Arts FIFA Soccer. Ngayon, makikipagsabayan ang MLB Advanced Media sa mga nauusong larong-pampalakasan sa mobile phone. Ang mga kinahihiligan mong laro noon sa arcade ay malalaro mo na sa iyong mobile phone dahil sa larong R.B.I. Baseball 21. Huwag hayaang makapuntos ang iyong kalaban kung ikaw ay isang pitcher bagkus ay ituon ang iyong pansin sa bola para maka-home run kung ikaw naman ang naatasang maging batter. 

Sa umpisa ng laro, makikita mo ang lineup ng mga manlalaro. Maaari ka ring mamili kung sino sa kanila ang gusto mong maging pitcher. Oras na nakagawa ka na ng desisyon, mag-uumpisa ang laro na mistulang totoong baseball tournament. Mula sa pagbati ng sports commentator hanggang sa pagpapakita ng mga angulo kung saan naghahanda ang mga manlalaro, mararamdaman mong ikaw ay tila nanunuod ng laro sa telebisyon. Tulad ng mga huling installment ng R.B.I. baseball games, layunin ng R.B.I. Baseball 21 na maiparanas muli ang paglalaro ng orihinal na arcade game noong 80s. Halos pareho lang ang mechanics nito sa mga naunang laro, ngunit sinubukan ng MLB Advanced Media na mas pagandahin ang animations at graphics. Sa larong ito ay mabibigyan ka ng pagkakataong makapaglaro ng baseball sa iyong mobile phone. 

R.B.I. Baseball 21

R.B.I. Baseball 21

Features ng R.B.I. Baseball 21

Dahil sa Create Player Mode, maaari ka nang gumawa ng manlalaro na pinakamalapit sa itsura mo o i-customize sila sa itsura na ninanais mo. Sa Laro Review na ito mo malalaman ang mga features sa R.B.I Baseball 21. Maaari mong baguhin ang kanilang pangalan, edad, at iba pang pangunahing detalye sa Basic Info. Kung gusto mo namang ibahin ang itsura ng iyong player, pwede mong i-adjust ang kulay at itsura ng kanilang buhok sa Appearance. Nasa sa’yo rin kung anong klaseng katawan meron sila, ganun na rin ang kulay ng balat at itsura ng kanilang ulo. 

Isa sa mga magagandang feature na nagbigay buhay sa larong ito ay ang play-by-play commentary, kung saan inihahayag ng announcer ang mga nangyayari sa laro. Ang American Personality mula sa MLB Network na si Fran Charles ang nagboses dito. Malaking pagpapabuti ang pagkakaroon ng iba’t-ibang mga anggulo ng camera dahil makikita mo ang iba’t ibang POV ng laro. Marami ring mga paraan ng paglalaro ang pwede mong pagpilian, tulad ng pakikipagtagisan ng galing sa pagpalo ng home run sa Home Run Derby. Ngunit sa Franchise Mode mo dapat ibuhos ang karamihan ng iyong oras upang makasama sa contenders sa World Series.

Paano I-download ang R.B.I. Baseball 21?

Sa kasamaang palad, hindi ko na mahanap ang laro sa Play Store, ngunit dati ay available ito sa naibigay na link sa ibaba:

  • Download R.B.I. Baseball 21 on Android https://apkcombo.com/r-b-i-baseball-21/com.mlb.RBIBaseball21/
R.B.I. Baseball 21

R.B.I. Baseball 21

Tips at Tricks sa Paglalaro 

Ang R.B.I. Baseball 21 ay may larong istilo ng arcade. Sa Laro Review na ito, malalaman mo ang ilang mga diskarte na maaaring magbigay sa iyo ng isang kalamangan sa laro.

Tulad sa totoong baseball game, mahalaga ang pagsasanay para mas gumaling sa paglalaro. Sa kabutihang palad, mayroong practice mode ito. Ito ay dahil maaari mong ma-customize at pwede kang mamimli kung anong klaseng pagsasanay ang gagawin mo. Kung nahihirapan kang mag-pitch ng bola o kung kailangan mong mas pagbutihin ang pagpalo ng bola, makatutulong ang practice mode.

Related Posts:

Papa’s Wingeria To Go Review

60 Seconds! Atomic Adventure Review

Kung ikaw ay naatasan bilang hitter, obserbahan ang susunod na pagbato ng pitcher. Mag-ingat sa klase ng pag-pitch na gagawin ng iyong kalaban at huwag magmadaling mag-hit ng bola dahil maaari itong mauwi sa foul. Malaki rin ang tulong sa pagpili ng wastong camera angle. Isa sa mga epektibong anggulo ay ang strike zone cam dahil mas madali mong malaman kung ang ibabato sa iyo ay aabot sa official stike zone. Maaari mong ibahin ang batting view at mamili ng nais na anggulo sa pitching. Pwede mo ring palitan ang In-Play view defense o kaya ang In-Play view offense. Ngunit hindi sa lahat ng oras ay epektibo ang ganitong camera view dahil minsan ay mahirap masukat ang layo kung masyadong malapit ang pinapakita ng camera, kaya huwag matakot magpalit ng mga view. 

R.B.I. Baseball 21

R.B.I. Baseball 21

Pros at Cons ng R.B.I. Baseball 21

Kung ikukumpara mo ang larong ito sa pixelated art styles noong 80s, makikita mo ang malaking pagbabago at mga improvement nito. Kung limitado sa iisang point of view lamang ang mga nakaraang laro, sa larong R.B.I. Baseball 21 ay maraming anggulo o camera shots na pwedeng pagpilian. Mas nabigyan din ng buhay ang laro dahil sa mga sound effect ng mga manonood. Naging mas makatotohanan ang bawat liga dahil sa boses ni Fran Charles. Makikita rin ang pag-usad ng oras dahil sa paglubog ng araw habang tumatagal ang iyong paglalaro.

Sa unang tingin ay mistulang makatotohanan ang graphics ng laro at mapapahanga ka sa laki ng ikinaganda ng animation nito. Ngunit kung titignan nang mabuti at kung ikaw ay matagal nang fan ng mga baseball game, may makikita kang mga dapat ayusin dito. Isa na rito ang pagsalo ng mga infielder sa pinalong bola ng batter. Minsan naman ay mas mapagtatanto mong recorded ang audio ng commentator dahil sa madalas na pagbibigay niya ng feedback sa laro. 

Sa kabila ng mga dapat ayusin sa laro, malaki na rin ang ikinaganda at na-improve ng R.B.I. Baseball 21. Maaari pa nilang iwasto at gawan ng mas maayos na animation ang bawat manlalaro. Mas mabuti kung daragdagan nila ng replay option upang mapag-aralan ang nagawang moves sa laro.

Konklusyon

Nagkakahalaga ng mahigit na P200 ang larong ito, ngunit hindi na rin ito masama para sa isang mobile game. Hindi lahat ay makaa-access ng laro sa android dahil sa hindi ito compatible. Ngunit maaari mo itong mabili sa iba pang mga platforn tulad ng PC, Xbox, at Nintendo Switch. Mayroon mang mga maliliit na bagay na kailangang pagtuunan ng pansin tulad ng mga animation, mga feedback ng tagapamahayag, at kakulangan ng replay options, ginawa pa rin ng MLB Advanced Media ang kanilang makakaya upang magawa ito. Hindi man ito ang laro na magugustuhan ng lahat, may mga manlalaro pa ring matutuwa rito. 

Laro Reviews

Leave a Comment

Categories
Latest Posts
Login
Loading...
Sign Up
Loading...