Dead Cells Review

Ang mga laro tulad ng Castlevania ay maaaring panatilihin kang maaliw sa loob ng maraming oras. Maaari kang makakuha ng mga puntos at makaipon ng mga health points upang mapanatili kang buhay. Mayroon din itong magagandang kwento at backstory na maaari mong subaybayan habang umuusad ka sa laro. Ngunit ang pinakaaabangan sa lahat ay ang pagkitil sa Final Boss at ang pagtalo sa kanila ang isa sa mga nakakatuwang bahagi ng laro. Ito ang naging inspirasyon ng maraming mga laro, at Dead Cells ang isa sa kanila. Ang larong ito na tulad ng rouge vania ay may katulad na mga elemento mula sa larong Castlevania, tulad ng pagpatay sa iba’t ibang monsters sa paggalugad ng mga dungeon, pixilated-like na graphics, at ang mga final boss. Ngunit mas marami ka pang matutuklasan sa mga impormasyong ibabahagi ng Laro Reviews.

Ang Dead Cells ay pinagsama-samang roguevania at action platformer ngunit mas pinabuti. Nagsisimula ang laro sa ilang sentient slime na nahuhulog sa Prisoner Quarters sa pamamagitan ng mga tubo at gumagapang papunta sa bangkay na walang ulo at sinasaniban ito. Mukhang magandang plot ito para sa horror movie, pero ang reanimated undead na bangkay ang iyong pangunahing karakter. Kapag nasanay ka na sa pagmamaniobra at pagkontrol sa iyong host, makalalabas ka sa bilangguan at matatagpuan ang isang kabalyero. Sinasabi nila na kilala ka nila noon at hindi nag-atubiling sabihin sa iyo na ikaw ay isa nang undead dahil marami kang makikilalang halimaw habang ginagalugad mo ang iba’t ibang yugto ng mundo. Sa iyong paggalugad, makakarating ka sa mga silid at makakatuklas ng mga kuwento ng mga tao at kanilang mga karanasan. Gamit ang impormasyong ito, matutuklasan mo ang misteryo kung paano kumalat ang sakit na nakasira ng mundo.

Dead Cells

Dead Cells

Features ng Dead Cells

Ang orihinal na laro ay magagamit lamang sa PC at mga console, ngunit nakarating na ito sa mobile. Isa sa mga pagkakaiba nito mula sa iba pang mga platform ay ang touch controller na maaaring i-customize ayon sa iyong kagustuhan.

Maaari mong i-on o i-off ang Floating pad. Depende ito sa kung ano ang angkop para sa iyo. Kung gusto mong naka-on ito, lalabas lang ang D-pad sa kaliwang bahagi ng screen sa tuwing hahawakan o pipindutin mo ito nang mahabang panahon – ito ang default na opsyon. Kapag pinili ang iba pang alternatibo ay ilalagay ang D-pad sa isang nakapirming posisyon, ibig sabihin ay hindi mo maaaring i-customize ang lugar nito at kailangan mong maniobrahin ang controller sa isang lugar.

Ang swipe to dodge ay isang default setting. Sa pamamagitan nito, kailangan mong pindutin ang dodge button upang maiwasan ang mga kaaway. Ang pag-on nito ay nag-aalis ng button at kailangan mong mag-swipe sa kanang bahagi ng lugar upang maiwasan ang mga halimaw. Kung magsu-swipe ka sa kaliwang bahagi, ang iyong karakter ayiiwas sa kaliwa, at kapag mag-swipe pakanan, ito naman ay iiwas sa kanan.

Maaari ka ring pumili sa pagitan ng on o off ng auto-hit mode. Malinaw at madali lamang ang mga pagpipilian. Kailangan mong pindutin ang button ng pag-atake kapag gusto mo, at ang karakter ay awtomatikong aatake sa pinakamalapit na kaaway kung ito ay naka-off.

Saan Pwedeng i-download ang Dead Cells?

Gamitin ang sumusunod na links para sa pagda-download ng laro:

  • Download Dead Cells on Android https://play.google.com/store/apps/details?id=com.playdigious.deadcells.mobile
  • Download Dead Cells on iOS https://apps.apple.com/us/app/dead-cells/id1389752090
Dead Cells

Dead Cells

Tips at tricks sa Paglalaro 

Hindi madali ang larong ito. Ngunit bago mo ihagis ang iyong telepono o i-uninstall ang laro, gamitin ang sumusunod na tips mula sa Laro Reviews upang matulungan kang umusad sa paglalaro.

Sundin ang bilis na nababagay sa iyo. May ilang mga pinto na lumabas sa pagitan ng mga mundo. Maaari mong ma-access ang mga ito gamit ang mga partikular na requirements kung saan ay maaari kang manalo ng mga loot na makakatulong sa iyo. Maaari mong buksan ang Time Doors kapag nakarating ka na sa tamang oras. Maa-access mo ang Perfect Doors kapag natugunan mo ang kondisyon, gaya ng pagpatay sa isang hanay ng mga mob nang hindi nakatatanggap ng damage. Maaari ka nitong hikayatin na magmadali sa iyong laro, ngunit maaari mo ring makaligtaan ang mga importanteng scroll at mamatay sa laro. Kung malaki ang tiwala mo sa sarili, pwede kang mag-speedrun. Kung hindi naman ay maaari kang maglaan ng oras at makuha ang mga scroll na magpapalakas sa iyong karakter.

Ipunin ang iyong pera. Oo, nakaaakit na i-upgrade ang iyong mga armas at bumili ng mga pagkain. Kaya mong pagalingin ang iyong sarili at i-maximize ang iyong mga lakas, ngunit sa anong halaga? Lahat ng ipon mo. Ang paghahanap ng mga synergy at pag-upgrade ng iyong mga armas ay mahalaga, ngunit i-upgrade lamang ang isa na nababagay sa iyong istilo ng pakikipaglaban.

Related Posts:

R.B.I. Baseball 21 Review

Papa’s Wingeria To Go Review

Ang pagdepensa, kung minsan, ay ang pinakamahusay na pag-atake. Maraming manlalaro ang binabalewala ang mga kalasag at umaatake gamit ang mga armas dahil mas gusto nilang makipaglaban sa kanilang mga kaaway. Kapag ginamit mo ito nang maayos, maaari mabawasan ang pinsala at maaari mo ring kontrahin ang kanilang pag-atake. Para maisagawa ito, tingnan ang dilaw na tandang padamdam o exclamation point at orasan ng iyong pakikipaglaban.

Dead Cells

Dead Cells

Pros at Cons ng Dead Cells

Maaaring magastos ang humugit-kumulang P400 para sa isang mobile game. Ngunit sa Dead Cells ay sulit sa iyong pera dahil marami itong maiaalok.

Kahit na ito ay mobile version lamang, hindi nagbago ang art style nito. Ang ilang mga developer na gumawa ng mobile version ng mga laro sa PC ay nagkukulang sa mga graphics. Minsan tinatanggal nila ang ilang feature na nag-aalis ng saya sa larong ito. Ngunit nagsikap ang Motion Twin na gumawa ng mobile version ng laro. Maaari mong i-customize ang iyong touchpad sa pamamagitan ng pag-on at pag-off sa mga button na gusto mo. Maaari mo ring i-resize at i-reposition ang mga action button kung sa tingin mo ay masyadong maliit ang mga ito para sa iyong screen. Dahil available ito sa mobile, maaari mo itong laruin kahit saan.

Wala akong nakikitang hindi maganda rito. Maaari kang mabigo sa paglalaro dahil maaaring hindi ito patas. Ngunit ang pagkabigo ay bahagi ng tagumpay. Habang namamatay ka sa laro, maaari mong i-unlock ang mga bagong level at piliin ang builds na angkop sa iyong istilo. Kailangan mong laruin ito muli gamit ang iyong mga armas at synergies hanggang sa makagawa ka ng mas malinis na gameplay.

Kaya kung nag-iipon ka ng iyong pera para sa isang laro, maaari kang bumili ng Dead Cells.

Konklusyon

Kung sa tingin mo ay madali ang larong ito, mangyaring pag-isipan mo ulit, dahil ang pamagat nito ay nagbabadyang palagi kang mamamatay habang naglalaro. Matututo ka sa iyong mga pagkakamali sa pamamagitan ng pagkamatay sa laro. Maging ang mga kalaban ay mga mamamayan ng kaharian, ngunit lahat sila’y mamamatay dahil sa nabigong pamamahala ng kanilang hari. “Dead Cells”, kung saan ang lahat ng bagay ay namamatay ang naging ending ng adventure ko sa pagsabak sa larong ito. Imposible talagang manalo ako rito, o baka hindi lang talaga ako marunong. Kung napanood ng mga naglalaro ng speedrun ang gameplay ko, malamang matatawa o maaawa sila sa akin. Ngunit huwag mong pagdudahan ang iyong sarili dahil lamang sa aking kapalpakan, magkakaiba naman tayo ng kakayahan pagdating sa paglalaro. Bilhin at subukan ang larong ito dahil ang Dead Cells ay nakatutuwang laruin. Marahil ay kailangan lamang ng maraming oras upang magsanay at makabisado ang pagmamaniobra ng mga kontrol.

Laro Reviews

Leave a Comment

Categories
Latest Posts
Login
Loading...
Sign Up
Loading...