Peppa Pig: Holiday Review

Ang Peppa Pig: Holiday ay isang sikat na animated television show na nakilala sa buong mundo at kinagigiliwan ng mga bata. Si Peppa ay isang malambing ngunit medyo bossy at maliit na pink baboy na nakatira kasama ng kanyang Daddy Pig, Mummy Pig, at ang bunsong kapatid na lalaki na si George. Ang palabas na ito ay umakit sa mga bata gayundin sa kanilang mga magulang dahil sa enthusiasm, sense of humor, kinship, at kasimplehan ng istorya, at dahil sa patuloy nitong pagsunod sa pamilya sa pang-araw-araw na buhay. Mahilig maglaro si Peppa kasama ang kanyang mga kaibigan, pumasok sa paaralan, mag-aral ng ballet, bisitahin si Granny at Grandpa Pig, at alagaan si George, ngunit ang pinakagusto niya sa lahat ay ang magtampisaw sa putikan.

Ang laro ay umiikot sa all-around title role at kasama ang kanyang mga kapamilya at kaibigan sa isang mundo kung saan ang cast members ay mga hayop din. Ang mga kaibigan niya ay iba’t ibang uri ng mga hayop. Magkakaedad silang magkakaibigan; maging si George ay may kaibigan na pareho rin ng edad niya. Ang cast members ay nakabihis, nakatira sa bahay, nagmamaneho ng sasakyan, subalit napapanatili pa rin ang mga katangiang taglay ng hayop kung saan sila nagmula. Si Peppa at ang kanyang pamilya ay nag-ii-snort katulad ng karaniwang mga baboy habang nagsasalita ng English dialogues. Ang iba pang mga hayop ay ginagawa rin ang kanilang natural na tunog sa gitna ng kanilang pagsasalita na may karagdagang features, tulad ng Rabbit family na gumagawa ng squeaky sounds at mahilig pa rin sa carrots. Ang Rabbit at pamilya ng Mole ay special cases ng paghahambing sa mga tunay na tao dahil nakatira pa rin sila sa mga lungga sa bundok na may bintana at may dekorasyon na katulad din sa ibang mga bahay. Kapag nahihiya, ang cast members ay nagba-blush, ang mga bibig nila ay nagpapakita ng mga emosyon tulad ng pagkatuwa, discomfort, pagtataka, at kawalang katiyakan. Ang Peppa Pig: Holiday ay nakasentro sa mga aktibidades nila Peppa sa kanilang bakasyon.

Mag-enjoy at makakuha ng dagdag na kaalaman sa iba’t ibang educational at entertaining na laro, read-along, at events. May mga aktibidad na tumutulong sa pagkamalikhain sa pamamagitan ng pagtulong kay Peppa at sa buong pamilya na gawing masaya at hindi malilimutan ang kanilang bakasyon. Dahil laging may mga nadadagdag na mga content, laging may mga bagong aabangang laruin.

Ang larong ito ay aprubado ng KidSAFE at COPPA, at nagbibigay ito ng ligtas at ad-free setting at angkop sa edad na mga paksa upang maging panatag ang mga magulang habang nilalaro ng mga bata ang Peppa Pig: Holiday. 

Peppa Pig Holiday

Peppa Pig Holiday

Mga Dapat Gawin sa Peppa Pig: Holiday

Kailangang gabayan ang buong pamilya ni Peppa sa pag kumpleto ng mga dapat gawin sa airport para makasakay ng eroplano at makarating sa pinakaaabangang destinasyon ng kanilang bakasyon.

Tulungan si Peppa at ang buong pamilyang makumpleto ang paligsahan sa paglangoy. Simulan ang paggawa ng pizza kasama si Peppa at matuto kung paano magluto ng pizza. Sanayin pa ang mga kakayahan nina Peppa at George sa dagat sa pamamagitan ng pagtulong na ihiwalay ang mga kasuotang nararapat sa dagat at ang mga hindi angkop na isuot sa ganitong lugar.

Pag-download ng Peppa Pig: Holiday

Tulungan si Peppa at ang kanyang buong pamilya na ma-enjoy ang kanilang bakasyon! Mag-download ng Peppa Pig: Holiday mula sa Google Play Store para malaro ito sa Android devices at sa App Store para naman sa iOS devices. Para malaro ito sa PC, gumamit ng emulator upang ma-download ang laro.

Mag-download ng laro gamit ang sumusunod na links:

  • Download Peppa Pig: Holiday on Android https://play.google.com/store/apps/details?id=com.peppapig.holiday&hl=en&gl=US
  • Download Peppa Pig: Holiday on iOS https://apps.apple.com/us/app/peppa-pig-holiday/id1060085514
  • Download Peppa Pig: Holiday on PC https://www.bluestacks.com/apps/educational/peppa-pig-holiday-on-pc.html
Peppa Pig Holiday

Peppa Pig Holiday

Gawing Mas Masaya ang Paglalaro 

Sumali sa mga paligsahan sa paglangoy. Tutulungan ka nina Peppa at George na gumawa ng pizza. Tulungan si Aunty Goat sa paggawa ng napakasarap na ice cream para sa lahat. Tapusin ang gawain sa airport. Gawing angkop ang kasuotan nina Peppa at George para sa dagat. Gumawa ng postcard upang maging hindi malilimutan ang bakasyon ni Peppa. Sumabay sa pagkanta ng “Sky High Song.”

Game ReviewspPara 

Ang Peppa Pig: Holiday ay nilikha na may simple at high-resolution colors at kabuuang anyo. Ang players na may malalabong mata ay makapagsasanay ng simpleng navigation at eye-hand coordination at balanse sa mga gawain sa airport, eroplano at swimming pool. Gayundin, maaaring i-scan ang events tab page para hanapin ang gusto nilang laro. Ang mga larawan ay hindi sobrang laki o sobrang makukulay ngunit makapagbibigay sa mga players ng pagkakataong ma-scan ang mga ito gamit ang hand-held magnifiers. Ang Peppa Pig: Holiday ay nagbibigay ng maraming pagkakataon sa mga batang may malalabong mata na magamit ang poor vision device upang tukuyin ang mahahalagang impormasyon sa larawan.

Swimsuits, suitcases, rolling pins, at mga damit ang ilan sa mga karaniwang bagay na matatagpuan sa larong ito lalo na sa airport games. Maaaring gamitin ito ng mga guro upang matanong ang mga bata kung ano ang ginagawa ng character sa laro.

Walang pagkakataong masanay ang mga manlalaro na kumilala ng patterns, numero, at mga salita.

Related Posts:

Galaxy Attack: Alien Shooter (Premium) Review

Shadow Fight 2 Special Edition Review

Ang larong ito ay isa sa mga epektibong app na magagamit ng players para matulungan silang maisaayos ang kanilang functional vision at graphical motor control. Ang mga litrato ay may malalaking pagkakaiba ngunit ipinapakita ng mas simple. Ang gameplay nito ay madali, interactive, at nakalilibang para sa kahit anong edad. Isa itong magandang app para matuto ang mga bata kung paano gamitin ang zoom ng iPad at ang magnification functions nito. May mga pagsasanay sa laro na madaling tapusin at nakadaragdag sa intellectual at sensory expertise ng mga bata.

Ang Peppa Pig: Holiday ay nakakalibang at isang magandang opsyon para sa mga bata kahit na may glitches ito tulad ng mahinang sensitivity sa control keys dahil ang ilan sa functions ng laro ay hindi gumagana at paminsan-minsang may lags.

Peppa Pig Holiday

Peppa Pig Holiday

Konklusyon

Ang Peppa Pig: Holiday ay angkop sa mga bata mula sa edad na dalawa hanggang pitong taong gulang. Ang bawat player ay maaaring gumawa ng kanilang profile para ma-track ang kanilang performance sa mga gawain sa app. Ito ay magiging kapaki-pakinabang sa mga naglalakbay na mga guro, o guardians na gustong gamitin ang app sa higit sa isang estudyante o bata. Lahat ng profile ay may kasamang five-holiday activities na na-enjoy ni Peppa at ng buong pamilya habang nasa bakasyon.

Ang mga batang mahilig manood ng Peppa Pig sa television ay siguradong mawiwili sa larong ito dahil bida rito ang paborito nilang character at maiuugnay nila ang tv series sa laro. Sa mga aktibidad sa laro, makakapag-interact ang mga bata sa kanilang bestfriend na pink baboy pati na rin ang pamilya ni Peppa at mga kaibigan, habang natutulungan ang mga bata na masanay ang mga kakayahan tulad ng eye-hand coordination at reflex. Dahil sa pagkasimple ng laro, nababagay ito sa mga mas batang manlalaro dahil ang mas may edad na mga bata ay maiinip sa ganitong klase ng laro.

Laro Reviews

Leave a Comment

Categories
Latest Posts
Login
Loading...
Sign Up
Loading...