Chat Master Review

Chat Master – May chat apps kang pwedeng i-download kung gusto mong magkaroon ng kausap. Marahil, narinig mo na ang WhatsApp, Telegram, Bumble, at Tinder kung saan maaari kang humanap o magkaroon ng mga kausap na tao. Sa kabilang banda, may mga mobile game naman kung saan nasa isang simulation ka ng isang chat server. 

Kung naabutan mo ang pag-usbong ng Cleverbot at Simsimi noong 2010s, malamang alam mo na ang karanasan na makipag-usap ka sa isang Artificial Intelligence. Sa kabilang banda, may mga games naman kung saan makikita mo ang usad ng istorya sa pamamagitan ng chat. Isang magandang halimbawa dito ang larong Seen. 

Madalas na dina-download ito ng mga taong hindi makahanap ng kausap. Hindi kami mapanghusga dito sa Laro Reviews kaya kung lehitimo kang nasisiyahan sa mga ganitong laro, ipagpatuloy mo lang ang paglalaro nito. Sa katunayan, may isa pang laro na halos pareho lang ang gagawin mo, sadyang marami lang kaibahan pagdating sa layunin ng laro. 

Ang larong tinutukoy ko ay Chat Master. Sa larong ito, kailangan mong mamili sa dalawang dialogue kung ano ang mas magandang chat response para sa iyong kausap. Dapat, matupad mo ang iyong goal para sa level. May bonus level sa larong ito pagkatapos ng ilang rounds. 

Chat Master

Chat Master

Game features ng Chat Master 

Hindi ganon karami ang feature ng Chat Master. Ang una mong mapapansin dito ay ang dalawang choices na meron ka sa bawat level. Makikita mo sa taas ang iyong goal, ang pangalan ng iyong kausap, at kung ano ang dapat mong gawin. Sa baba naman, makikita mo ang mga maaari mong isagot sa iyong kausap. 

Ang isa pang feature ng larong ay ang madaming levels nito. Sa bawat limang levels, may isang espesyal na level kung saan magiging mahirap diumano ang mga ito. Halimbawa sa mga special levels na ito ay ang Noob, Hacker, Lion, Vampire, Snake, hanggang sa makarating sa Chat Master level. 

May mini-games din ang Chat Master. Iba-iba ang mini-games dito pero lahat ay may kinalaman sa mobile phones, social media, at emails. Halimbawa, may mini-games kung saan kailangan mong burahin lahat ng spam emails sa isang inbox. Minsan, kailangan mo ring mag-edit ng mukha ng isang taong may hindi kaaya-ayang itsura upang gumanda ito. 

May mga mini-games din kung saan kailangan mong sumira o bumuo ng mobile phones. Kailangang magawa mo ang mga mini-game at mga regular levels nang tama kung hindi ay mababawasan ang iyong followers. Samantala, madadagdagan naman ang mga ito kapag nagawa mo nang tama ang bawat level. 

Saan maaaring i-download ?

Gamitin ang sumusunod na links para mai-download ang laro:

  • Download Chat Master for Android https://play.google.com/store/apps/details?id=com.RBSSOFT.HyperMobile&hl=en&gl=US
  • Download Chat Master for iOS https://apps.apple.com/us/app/chat-master/id1522899035
Chat Master

Chat Master

Tips at Tricks para laruin ang Chat Master 

May levels sa larong ito kung saan may lalabas na red at green na dialog box. Kasinungalingan ang nasa red at katotohanan naman ang nasa green. Lagi mong pipiliin ang dialog box na mas magiging convenient para sayo. Halimbawa, kung kailangan mong magsinungaling para lang matapos ang level, gawin mo. 

Walang consequence na mangyayari sayo kung magsisinungaling ka sa larong ito. Ang pinakamahalaga, nagawa mo ang pinapagawa sayo na layunin. Kung kailangan mong sabihin sa nanay mo na hindi ka lumabas ng bahay pero ang totoo ay nasa bahay ka ng iyong nobyo, kailangan mong magsinungaling kung ang goal ay isipin niyang nasa bahay ka. 

Pagdating naman sa mini-games, wala kang alalahanin dahil madali lang naman ang halos lahat ng mini-games ng Chat Master. Kung hindi mo naman kaya ang mini-games, maaari kang manood ng isang ad upang malampasan ito. 

Pros and Cons

Huwag ninyong i-download ang Chat Master. Gustuhin ko mang patuloy na i-build up ang laro, kailangan kong sabihin na wala kang mahihita rito. Ito ang mga dahilan. 

Kung naghahanap ka ng laro na ang tema ay chats, mas maganda kung subukan mo ang Seen o kaya’y Episodes kung gusto mo ng interaction. Bukod sa mas marami kang interaksyon dito, maganda rin ang graphics ng mga larong ito. Ayos lang sana ang minimalistic na graphics kaso hindi ito justified ng kanyang gameplay, na aking babanggitin mamaya. 

Related Posts:

Ultimate Custom Night Review

Metal Slug 2 Review

Bukod sa hindi consistent ang font, sobrang generic din ng 3D art na ginamit sa mini-games. Hindi rin nakatulong sa laro na matapos lang ang isang pindot, may ad agad na lalabas. Mabuti sana kung may makukuha kang magandang laro kapag binili mo ang premium version nito pero wala. Ang pagbili sa premium version ng Chat Master ay parang pagbabayad ng mahal sa isang restaurant kahit na tap water lang ang iyong nakuha. 

Chat Master

Chat Master

Pagdating maman sa gameplay, hindi ka mahihirapan sa larong ito. Kahit umabot ka pa sa dulo ng Chat Master, pare-pareho lang ang difficulty ng mga kailangan mong i-chat. Oo, maaari kang mawalan ng followers kapag hindi ka nakasagot ng tama sa chats. Kahit ganito ang mangyari, wala namang silbi ang bilang ng followers dahil umabot man sa puntong mag-zero pa ‘yan, walang mangyayari. 

Sa sobrang dali ng larong ito, mas mauubos pa ang oras mo sa pag-close ng ads dahil literal na ilang segundo lang ang kailangan mo para matapos ang levels. Wala ring sounds ang Chat Master kaya tatamarin ka talaga. Gusto ko sanang maging neutral tulad ng iba pang nasubukan ko ng laro para sa Laro Reviews pero walang sinuman ang dapat na makaranas maglaro nito. Matutuwa pa ako kung malalaman kong hindi ka naglaro ng Chat Master dahil sa review na ito. 

Mapapatawad mo pa ang ibang laro sa spamming ng ads pero hindi ito dahil wala man lang ginawang effort ang developers nito para gawin man lang nakakaaliw ang laro nila. Hindi man lang nila pinahaba ang conversations sa Chat Master. Kung lalaruin mo ito offline, kaya mong tapusin ang Chat Master ng wala pang tatlong oras. Sa kasamaang palad, walang tao na nasa matinong pag-iisip ang magtitiis sa larong ito. 

Konklusyon 

Sa sobrang boring ng larong ito, ni hindi ako nakatagal ng isang oras at in-uninstall ko na agad. Naghanap ako ng ibang reviews online at pare-pareho ang aming tingin sa larong ito. Hayaan ninyo ng ako ang maging huling biktima ng spamware na ito na nagpapanggap na isang mobile game. Sa sobrang bland ng Chat Master, asahan mong makakaramdam ka agad ng pakaumay sa laro. 

Laro Reviews

Leave a Comment

Categories
Latest Posts
Login
Loading...
Sign Up
Loading...