Cyber Fighters: Offline Game Review

Sa tuwing pag-uusapan ang salitang “future” ay hindi papahuli ang mga usaping tungkol sa spaceships, makabagong teknolohiya, robots, at marami pang iba. Ganito ang tema ng Cyber Fighters: Offline Game na kung saan futuristic ang setup ng laro. Ito ay isang action role-playing game (RPG) na kung saan ay maaari kang maging isang maalamat na cyber fighter. Ito ay binuo ng Zitga, isang kumpanyang mula sa Vietnam. 

May istilong cyberpunk ang graphic design upang maging akma sa futuristic nitong tema. Maaaring i-customize ang iyong mga karakter gamit ang mga costume na iyong nabili at samahan ng mga cyber weapon na makadaragdag ng lakas sa iyong napiling hero. Malawak din ang pagpipilian ng mga karakter ayon sa tipo mong gameplay. Kapag online, maaaring makipaglaban sa ibang manlalaro mula sa iba’t ibang parte ng mundo o ‘di naman kaya’y hamunin ang iyong sarili sa walang hanggang hanay ng mga kalaban upang masubok ang iyong angking galing sa pakikipaglaban. Handa ka na bang simulan ang laro? 

Cyber Fighters

Cyber Fighters

Features ng Cyber Fighters: Offline Game 

Five Playable Characters – Mayroong limang karakter na maaaring laruin na may iba’t ibang play style at sandatang gamit. Ang mga karakter na ito ay sina Brandon (Cyber Official Swordsman), Hachi (The Queen Bee Senseless Archer Assassin), Czerno 21 (Cyborg Senseless Killer), Inferno (Punisher of God Thunder), at Nala (Deathly Shadow Panther). 

Player Versus Player (PvP) – Makipaglaban sa ibang mga manlalaro mula sa iba’t ibang parte ng mundo gamit ang feature na ito. 

Offline Mode – Maaaring laruin ito kahit walang internet connection o mobile data. Ngunit tandaan na ang PvP feature ng laro ay hindi magiging available. 

Comrade in Arms System – Bukod sa iba’t ibang play style na iyong pagpipilian sa mga karakter, bawat hero ay may kakayahang mag-summon ng comrade in arms upang tulungan kang magapi ang mga kalaban. 

Saan pwedeng i-download ang Cyber Fighters: Offline Game?

Basahing maigi mula sa Laro Reviews kung paano. Gamit ang iyong smartphone, pumunta sa Google Play para sa mga Android user at sa App Store naman para sa mga iOS user, at ilagay sa search bar ang Cyber Fighter. Kailangang bayaran muna ang laro para sa mga Android user sa halagang $0.99 bago makapagsimula. Samantalang libre itong makukuha naman para sa mga iOS user. Matapos nito, hintaying ma-download at kumpletuhin ang sign-in details para masimulan ang paglalaro. 

Narito ang mga link kung saan pwedeng i-download ang laro:

  • Download Cyber Fighters: Offline Game on Android https://play.google.com/store/apps/details?id=com.zitga.cyberfighters.shadow.hunter.legends
  • Download Cyber Fighters: Offline Game on iOS https://apps.apple.com/sa/app/cyber-fighter-cyber-ninja-rpg/id1505972284
  • Download Cyber Fighters: Offline Game on PC https://www.bluestacks.com/apps/action/cyber-fighters-on-pc.html#:~:text=How%20to%20Download%20and%20Play%20Cyber%20Fighters%20on,Cyber%20Fighters%20icon%20on%20the%20home…%20See%20More.

Kung sa PC mo naman napiling maglaro ng Cyber Fighters, i-download at i-install muna ang Bluestacks sa iyong PC. Kumpletuhin ang sign-in details ng iyong Google account upang ma-access ang Play Store. Matapos nito, i-type ang Cyber Fighters sa search bar. Pindutin ang install Cyber Fighters na iyong nakita sa search results at hintayin itong ma-download. Hanapin ang Cyber Fighters icon sa iyong home screen at simulan nang maglaro. 

Cyber Fighters

Cyber Fighters

Tips at Tricks sa Paglalaro

Mahalagang mag-ipon ng coins na iyong magagamit upang pataasin ang level ng iyong attacks, defense, HP, at critical damage. Sa unang bahagi ng laro, pagtuunan munang palakasin ang karakter. Mainam na i-max out ang maaaring level ng ng bawat stat sapagkat malaki naman ang bigayan ng coins sa bawat adventure. Kasabay nito ang pag-unlock ng mga skill na iyong kakailanganin upang magapi ang mas malalakas pang kalaban. 

Sa gameplay, parami nang parami ang iyong kalaban habang umuusad sa bawat stage. Mahalagang pagsabayin ang jump button at attack upang matalo ang mga archer at mga lumilipad na kaaway. Pindutin ang attack button nang sunud-sunod upang patuloy na umatake sa kalaban. Pwedeng gamitin ang dash kapag naiipit na sa isang sulok para makalipat sa kabilang dulo. Kapag puno na ang iyong attack, gamitin ito kapag maraming kalaban ang nakapaligid sa iyo para mas magkaroon ng combo. Siguraduhin ding kunin ang lahat ng coins, titanium piece, iron cogs, at iba pang mga dropped items na makukuha sa pagkitil ng kalaban. Maging maingat din na hindi umabot sa 0 ang iyong HP sapagkat ito ang iyong kabuuang buhay sa laro. Hangga’t maaari, maliit lang dapat ang magiging bawas nito dahil mas malaki ang damage at HP ng gigantic bosses sa hulihang parte ng bawat stage. Bukod sa stats, maaari ding gumawa ng equipment at material na iyong magagamit upang mas mapalakas ang iyong karakter. Ito ay makikita sa Inventory sa ibabang bahagi ng iyong home screen. Magandang mag-invest sa bahaging ito matapos mapalakas ang iyong stats. 

Related Posts:

Rusty Lake Paradise Reviews

PJ Masks Racing Heroes Reviews

Makakukuha ng three stars kapag natapos mo ang stage na may natitirang isang minuto o higit pa. Two stars naman kung may natirang 30 hanggang 60 segundo. Kung mas mababa pa sa 30 segundo, ay One star na lang ang iyong makukuha. Mapapabilis ang bawat labanan kung maayos na nabahagi ang resources at napataas ang stats na akma sa kasalukuyang stage. Kapag mas mataas na bilang ng stars ang nakuha, mas maraming rewards ang matatanggap. 

Cyber Fighters

Cyber Fighters

Pros at Cons ng Cyber Fighters: Offline Game

Maganda ang disenyo at graphics ng laro. May anim na distritong may tema ng cyberpunk ang makikita. Ito ay ang Northwest District, Southwest Town, Western Harbor, Neto Tokyo, Xin Wo Warehouse, at East Downtown. Makulay ang design concept at akma ang background music na ginamit para sa isang futuristic na tema. 

Sa kabilang banda, habang tumatagal sa paglalaro ay mapapansing nagiging paulit-ulit na ito. Pahirap man nang pahirap ang stages, makikita ang pagkakatulad ng battle play ng darkness shadow force. Mula sa zombie, yakuza, gangster, cyber monster, assassins, hanggang sa cyber dark angel, kung kaya’t nawawala na ang thrill sa paggapi sa mga ito. 

Kinakailangan ding manood ng mga ad kung gustong makuha ang mga free item o kaya naman ay maparami ang pabuyang matatanggap. Bukod pa rito, kinakailangang magbayad ng aktwal na pera kung gustong ma-enjoy ang ibang features ng laro tulad ng mas advance na armas, costume, at drones. 

Konklusyon

Masasabing nakalilibang ang Cyber Fighters: Offline Game dahil sa cyberpunk na tema nito. Makulay rin ang design concept na ginamit. Ngunit, kung hilig mo ang mga larong may malalim na istorya at mas komplikadong gameplay, ay hindi para sa iyo ang larong ito. Bukod pa rito, napakarami ding ads sa laro na minsan ay nakakasagabal na at mas nauungusan pa ang tuwang hatid ng laro. Mainam ang Cyber Fighters: Offline game para sa mga mas batang manlalaro at mga nagpapalipas ng oras dahil maaari itong laruin offline. Kaya kung ikaw ang isa sa mga tinutukoy ko, i-download na at laruin ang Cyber Fighters: Offline game!

Laro Reviews

Leave a Comment

Categories
Latest Posts
Login
Loading...
Sign Up
Loading...