The Room Two Review

Kung puzzle na talaga namang pipigain ang iyong utak ang pag-uusapan, mayroon niyan ang Fireproof Games, ito ang laro nilang The Room. Isa ang The Room sa pinakasikat na puzzle game na makikita mo sa iyong google play at app store. Bukod kasi sa agaw-pansin ang pagiging detalyado ng graphics nito, naglalaman ito ng unique puzzle gameplay na talaga namang magtutulak sa iyo na ipagpatuloy at tapusin ang larong ito.

Ang The Room Two ay ang ikalawang installment ng mystery puzzle series na nilikha ng Fireproof. Kung natapos mo na ang The Room, mapapansin mong karugtong lamang nito ang ikalawang series na ito. Kumbaga, sa pagpasok mo sa huling pinto na mayroon ang unang series, dito magsisimula ang setting ng The Room Two. May pagkakatulad ang laro na ito sa movie na Escape Room kung saan kailangan mong talasan ang iyong pag-iisip upang masagot ang bawat puzzle na ibibigay dito. Kailangan mong malagpasan ang lahat ng mga iyon dahil iyon ang magiging susi upang makalabas mula sa pagkaka-trap.

Sa pagpapatuloy mo ng mystery game na ito, muli kang makatatanggap ng mga sulat mula sa isang hindi pinakilalang scientist at itinago lamang sa initial nitong A.S. Siya ang magsisilbing gabay mo upang tuklasin ang bawat misteryong nakapaloob dito gaya ng tungkol sa Null. Muling pasukin ang iba’t ibang pinto, muling maghanap ng iba’t ibang clue, muling mag-solve ng bawat puzzle na narito upang makita ang daan palabas dito. 

The Room Two - Laro Reviews

The Room Two – Laro Reviews

Features ng The Room Two

Locations – Para sa pangalawang installment ng larong ito, mayroong seven rooms na nilaan para rito gaya ng Crypt, Ship, Stone Temple, Séance, Crossing, Laboratory hanggang pabalik sa Cog Room kung saan nagsimula ang lahat (simula ng unang series, The Room). Ang bawat room na ito ay mapapasok lamang sa oras na matapos ng manlalaro ang bawat puzzle at madiskubre ang misteryosong Null. 

Letters from A.S – Narito pa rin ang isang unknown scientist na sinasabing kaibigan at magiging gabay ng bawat manlalaro para malagpasan ang bawat mission dito. Sa tulong ng kanyang mga iniwang liham, nagkakaroon ang bawat manlalaro ng hint upang sagutin ang mga puzzle sa bawat room.

Clue – Kung sakali mang mahirapan ka na sa pagsagot, ang larong ito ay mayroong nilagay na option na may itsurang question mark kung saan maaari kang humingi ng hint upang magkaroon ka ng ideya kung ano ang susunod na dapat mong gawin.

Inventory – Dito nakaimbak ang bawat bagay na makukuha mo habang sinusubukan mong sagutin ang bawat puzzle sa laro.

Eyepiece – Gaya ng Inventory Object, makatutulong din ito upang masagutan mo ang bawat puzzle. Maaaring gamitin ito upang makita ang bawat bagay na invisible o hindi kayang makita ng sariling mga mata gaya ng fingerprints at iba pa.

Profile – Maaari mo na ring makasama ang iyong pamilya o mga kaibigan sa larong ito dahil mayroon na itong feature kung saan pwede ang multiplayer.

The Room Two - Laro Reviews

The Room Two – Laro Reviews

Saan maaaring i-download ang The Room Two?

I-click lamang ang mga link sa ibaba, depende sa device na gamit:

  • Download The Room Two on Android here
  • Download The Room Two on iOS here

Tips at Tricks sa Paglalaro ng The Room Two

Ang tips na makikita rito sa Laro Reviews ay hindi iyong tipong makikita mo sa iba’t ibang site o platform kung saan tinuturuan ka ng step by step upang makumpleto mo ang bawat mission sa laro. Ang mga narito ay general tips lamang kung saan binibigyan ka pa rin ng kapangyarihang laruin ang The Room Two ayon sa sariling desisyon, kuryosidad at kakayanan.

Sa pagsisimula ng laro, mayroong nilagay ang developer na isang mandatory tutorial dito. Isa iyong magandang simula upang turuan ang kanilang mga manlalaro na malaman kung paano ang dapat gawin sa laro. Sa ganitong pagkakataon din tinuturuan ang bawat manlalaro na obserbahan kahit ang maliliit na detalye ng bawat gamit na makikita sa silid. Mainam iyon dahil magagamit mo ang mga ito oras na pumasok ka na sa aktwal na laro. Hindi biro ang bawat puzzle na makikita mo rito kaya isang mainam na paraan na magkaroon lagi ng kuryosidad na silipin ang mga maliliit na detalye sa bawat silid na iyong mapupuntahan dahil kahit dito ay maaari kang makakita ng mga bagay na pwedeng magamit upang masagot ang bawat puzzle na hinain dito. Walang itinakdang oras para sa laro kaya zoom lang nang zoom sa bawat gilid at bawat gamit dito hanggang sa makahanap ng clue.

Isang magandang gawin din ang pag-eksperimento sa bawat inventory object na iyong makikita habang naglalaro. Maaari mo itong subukang ilagay sa kahit saan mo maisipan. Paulit-ulit itong gawin hanggang sa madiskubre mo kung saan talaga ito nakalagay dahil hindi naman limitado ang bawat kilos mo rito. Ganoon din, maging sa paggamit ng iyong eyepiece.

May nakalaan na hints sa loob ng laro at nagkalat ang mga online tutorial na pwede mong gamitin upang makalagpas sa bawat level ng laro. Gayunpaman, mainam na gamitin lamang ito bilang iyong last choice. 

Related Posts:

Granny Smith Game Review

Siege of Dragonspear Review

The Room Two - Laro Reviews

The Room Two – Laro Reviews

Pros at Cons ng larong The Room Two

Hindi naman na maitatanggi na isa ang pagkakaroon ng 3D at detalyadong graphics nito sa nakapagpaganda ng laro. Kung papasukin mo nga ang larong ito, lalo na kung baguhan ka pa lamang, ay una kang mabibighani sa itsura nito bago ang bawat puzzle. Kumpara sa naunang series nito, mas mahaba at maraming rooms ang nilagay dito dahilan kung bakit isa ito sa inabangan ng lahat. Mapapansin mong talagang pinag-isipan ang bawat disenyo mula sa malalaking bahagi ng kwarto hanggang sa pinakamaliit na parte nito. 

Hindi rin nagpahuli ang bawat musikang nilapat dito upang dagdagan ang nakakatakot at misteryosong dating ng laro. Saktong-sakto ang bawat nilagay dito na hindi mo maiiwasang makaramdam din ng takot habang naglalaro. Ngunit ganun pa man, may mga bahagi rin ng laro kung saan may ilang mga nilapat na nakagugulat na tunog kahit wala namang nakagugulat na parte sa nilalaro mo. Hindi mo maiwasang ma-distract dahil dito.

Maganda ang intensyon ng developer na pagtagni-tagniin ang mga rebelasyon ng kwento sa bawat parte ng laro. Gayunpaman, isang disadbentahe pa ring maituturing kung biglaang ipapasok ang bawat manlalaro sa isang laro kung saan wala silang ideya kung ano ang mayroon dito. Mainam sana kung sa bawat simula ng laro ay may kahit katiting na pahapyaw kung para saan ito at ano ang pinaka-misyon nila rito. Ganito ang nangyari sa unang series ng larong ito kung saan agad na lamang itong nagsimula sa isang madilim na kwarto, nag-solve ng puzzle hanggang sa hindi na nila namamalayan na nakulong na pala sila sa isang pagsubok at wala silang ibang pagpipilian kundi ang ipagpatuloy ang laro upang muling makalabas dito.

Konklusyon

Kung titingnan ang kabuuang laro, masasabi mo talagang worth it ang subscription mo rito dahil hitik ang larong ito ng magagandang features at mga puzzle na sapat na upang masubok ang iyong galing sa pag-iisip. Para sa Laro Reviews, ang The Room Two ay isang uri ng larong may kapangyarihang papasukin ka sa isang mundo at tanging ang talas ng iyong isip ang susi upang makalabas dito. Puno ang larong ito ng mga pagsubok na para bang matagal ka nang hinihintay upang iyong masagutan. Kaya kung nais mong ma-experience ang larong ito, i-download mo na ang The Room Two!

Laro Reviews

Leave a Comment

Categories
Latest Posts
Login
Loading...
Sign Up
Loading...