Siege of Dragonspear Review

Kung isa ka sa mga avid fan ng larong nilikha ng Beamdog na Baldur’s Gate Enhanced Edition, tiyak kong magiging interesado ka ring laruin ang Siege of Dragonspear. Ang kwentong nakapaloob sa larong ito ay naka-set kung saan natapos ang Baldur’s Gate 1 at sa kung saan naman nagsisimula ang Baldur’s Gate 2. Dahil dito, sinasabing nilikha ang larong ito upang isalaysay ang kwentong hindi nabigyang-pansin noon sa naunang series. 

Sa oras na simulan mo ang larong ito, isasalaysay ang isang maikling kwento kung saan ilang linggo pa lamang ang nakakalipas ng lumikha si Sarevok ng malawakang pagwasak sa Baldur’s Gate hanggang sa kung paano mo siya natalo gamit ang iyong sariling mga kamay na naging dahilan upang kilalanin ka bilang bayani ng Baldur’s Gate. Ngunit hindi pa nagtatapos ang lahat dito dahil isa na namang panibagong banta ang muling sisibol sa siyudad ng Baldur’s Gate mula sa isang mandirigmang tinatawag nilang Shining Lady, si Caelar Argent. Walang nakakaalam ng tunay niyang pakay ngunit isa lamang ang sigurado, kailangan mo siyang pigilan sa kung ano man ang kanyang pinaplano.

Sa larong ito, kasama ang sinasabing iba pang heroes ay kailangan mong pasukin ang iba’t ibang mga dungeon at kalabanin ang mga naiwang tagasunod ni Sarevok at ilang mga ‘boss’. Gamit ang iyong tactical skills, lagpasan ang iba’t ibang quest na makikita dito. Habang binabaybay ang laro, unti-unti mo ring makikilala ang Shining Lady, ang tunay niyang motibo at sa kung ano ang kaya niyang gawin bilang lider ng nasabing krusada at kilala bilang isang malakas na mandirigma.

Siege of Dragonspear

Siege of Dragonspear

Features ng Siege of Dragonspear 

Gameplay – Mayroong pitong pwedeng pagpilian ang bawat manlalaro pagdating sa magiging difficulty ng laro. Bagaman iba’t iba ito ng level, walang dudang ma-e-enjoy mo pa rin ang mga ito. Narito ang mga maaari mong pagpilian sa oras na simulan mo ang laro:

  • Story mode kung ang nais mo ay masubaybayan ang kwento ng hindi namamatay sa bawat laban. 
  • Easy naman kung saan pinadali ang lahat ng mayroon sa laro. 
  • Normal naman kung saan 25% lamang ang natatamo ng kalaban at hindi nila ginagamit ang pinaka malakas nilang spell at items sa bawat labanan. 
  • Core Rules ang kalimitang ginagamit ng lahat dahil para ito sa mga veteran players.
  • Hard naman kung ang hanap mo ay kakaibang labanan. Kumpara sa ibang gameplay, higit na mas marami at mas malakas ang iyong makakalaban dito.
  • Insane naman ang tawag sa gameplay kung saan mas pinarami ang mga kalaban at mas pinalakas kaysa Hard dahil gumagamit ang ito ng advanced combat tactics.
  • Legacy of Bhaal naman ay katulad lamang ng sa Hard ngunit para bang sinikap ng larong ito na tanging ang skilled players lamang ang makakalagpas dito.

Dialogue – Sa larong ito, may kalayaan kang piliin ang dialogue na maaari mong bitawan sa bawat usapan. Gaya ng ibang laro na may ganitong feature, maaaring maka-impluwensya ang bawat pinipiling dialogue sa magiging daloy ng kwento.

Quest – Sa bawat lugar na iyong mapupuntahan, palaging mayroong mga quest na kailangan mong pagdaanan. May iba’t ibang level of difficulty sa bawat lugar dahil iba’t iba rin ang dami ng quest na narito at talaga namang susubukin ang iyong strategic skills.

Character chart – Isa sa masasabing kapaki-pakinabang sa laro dahil maaari mong makita sa chart na ito ang stats nila, skills, abilities at iba pang impormasyon na may kinalaman sa bawat karakter o grupo na mayroon ka.

Inventory – Dito naman makikita ang lahat ng mga armas at sandata na mayroon ka maging ang eksaktong bilang ng mga iyon. Maaari ring maganap dito ang pagpaparte-parte ng mga item sa bawat karakter na mayroon ka.

Multiplayer – Maaari mo ng malaro ang Siege of Dragonspear kasama ang iyong mga kaibigan at iba pang manlalaro nito. 

Extra Class – Upang maging kakaiba ang Siege of Dragonspear sa mga naunang series ng Baldur’s Gate, naglagay ang developer nito ng bagong player class, ang spirit-calling Shaman.

Siege of Dragonspear

Siege of Dragonspear

Saan maaaring i-download ang Siege of Dragonspear ?

I-click lamang ang mga link sa ibaba, depende sa device na gamit:

  • Download Siege of Dragonspear on Android https://play.google.com/store/apps/details?id=com.beamdog.siegeofdragonspear
  • Download Siege of Dragonspear on iOS https://apps.apple.com/ca/app/siege-of-dragonspear/id1298734617

Tip kung nais laruin ang Siege of Dragonspear 

Isa sa kagandahan ng larong ito ay mayroong option dito kung saan maaari mong makita ang lahat ng impormasyon tungkol sa iyong mga tauhan. Malaya mong masisilip ang skills, abilities, charisma, spells o kung ano-ano pa na mayroon sila. Kaya naman, isang magandang estratehiya na palagi mong binibisita ang mga ito upang makilala ng lubos ang iyong mga tauhan. Mahalaga ito lalo na kung nasa pagkakataon ka na kung saan kailangan mong i-distribute sa mga ito ang iba’t ibang item na pandigma. Alamin kung saan eksperto ang mga ito, kung sino sa kanila ang maaring pagkatiwalaan ng specific na armas. Sa ganito, posible ang pagkakaroon mo ng lamang sa bawat labanan dahil matalino mong naibigay sa kanila ang armas kung saan sila sanay.

Pros at Cons ng larong Siege of Dragonspear 

Para sa Laro Reviews, isa ang Siege of Dragonspear sa larong mayroong kakaiba at kamangha-manghang graphics. Napaka-detalyado nito pagdating sa mga lugar kung saan umiikot ang mga tauhan. Ganoon din ang bawat karakter na talaga namang makikilala mo pa rin dahil perpektong iginuhit ang pigura’t suot nila kahit pa maliliit lamang ang mga ito dito. Hindi maitatanggi na sobrang invested ang developer nito pagdating sa maliliit na detalye sa graphics na kahit ang cursor ng larong ito ay binigyan ng pasadyang disenyo. 

Kung lalaruin ang Siege of Dragonspear, mapapansin mong maraming features ang nilagay dito at naka-organize ito sa magkabilang gilid ng screen. Mayroong nilaan na option para makita ang bawat skills at ability ng bawat karakter, mayroon din sa mga item o armas na maaaring ibigay sa bawat isa, may iba’t ibang option din na may kinalaman sa laro gaya ng pagpapa-improve sa sound at graphics na kung baguhan ka pa lamang ay hindi mo agad mapagtutuunan lahat ng pansin dahil sa dami nito. Wala namang problema rito dahil sa bawat option na hindi ka gaanong pamilyar, palaging may instructions na binibigay dito upang malaman mo kung para saan ang mga ito.

Related Posts:

The Room Two Review

Granny Smith Game Review

Siege of Dragonspear

Siege of Dragonspear

Kung tunog naman ang pag-uusapan, mayroon din namang ibubuga ang larong ito. Sinasabing ang mga orihinal na nagbigay boses sa mga karakter sa Baldur’s Gate series ang muling nagbalik para sa version na ito. Kaya naman, kung fan ka ng game series na ito, agad mong mapapansin ang pagiging pamilyar ng audio dito. Hindi tunog OA ang mga voice actor na mga narito at tagumpay naman nilang binigyan ng justice ang bawat karakter ng laro. Akma din naman ang bawat sound effects na maririnig sa bawat combat scene. 

Ang pagkakaroon ng iba’t ibang level of difficulty ay mainam naman sa bawat laro dahil dito nasusukat ang galing ng bawat manlalaro. Gayunpaman, dito sa Siege of Dragonspear, may mga nilagay silang game mode kung saan para bang imposible na itong malampasan ng bawat manlalaro dahil sa sobrang hirap ng mga challenges na nilagay dito. Wala namang problema sa ganito dahil ito ang nakakapagbigay ng aliw sa bawat manlalaro. Ngunit kung titingnan, may ilang mga game mode na para bang walang intensyon na panalunin ang mga naglalaro. Masyado ring nagla-lag ang laro at ito ang isa sa masasabing dapat na paghusayin dito.

Konklusyon

Para sa Laro Reviews, ang ideya kung saan naka-set ang larong ito sa gitna ng Baldur’s Gate 1 at 2 ay masasabing magandang estratehiya dahil unti-unting natatagpi ang bawat kaganapan dahilan upang lubos na maunawaan ng bawat manlalaro ang kwentong nakapaloob dito. Kung hihimayin din ang dialogue ng bawat karakter sa larong ito, unti-unti mo ring nauunawaan o nakikilala pa ang ilan sa mga ito. Marami na ang nahumaling sa mga naunang series ng larong ito at walang dudang mahuhulog din ang loob nila sa Siege of Dragonspear dahil napatunayan at napanindigan ng developer na may igaganda pa ang kwento ng Baldur’s Gate. Kaya para sa isang magandang experience sa paglalaro ng role playing game, hindi ka magsisisi na i-download ang larong ito.

Laro Reviews

Leave a Comment

Categories
Latest Posts
Login
Loading...
Sign Up
Loading...