My City: NewYork Trip Review

Ang My City: NewYork Trip ay isang family-oriented role playing mobile game na binuo ng My Town Games Ltd. Ang larong ito ay bahagi ng award-winning na serye ng larong My Town. Katulad ng iba pang mga laro sa serye, ang My City: NewYork Trip ay isa ring open world digital dollhouse game na nagtataguyod ng pagkamalikhain at malayang paglalaro para sa mga bata anuman ang kanilang edad. Ang bersyon na ito ng serye ay nagtatampok ng pinakamasiglang lungsod sa buong mundo: ang New York City! Maaari na ngayong tuklasin ng mga bata ang New York at magsaya sa larong ito. Basahin ang pagsusuring ito ay mula sa Laro Reviews.

Paano i-download ang laro?

Ang larong ito ay maaaring i-download dito:

  • Download My City: NewYork Trip on Android https://play.google.com/store/apps/details?id=mycity.newyork
  • Download My City: NewYork Trip on iOS https://apps.apple.com/us/app/my-city-new-york/id1539373615

Mga Gabay para sa mga Baguhang Manlalaro

Ang My City: NewYork Trip ay isang virtual dollhouse. Maaari nilang gawin ang anumang gusto nila, anumang oras na gusto nilang gawin ito. Sa pagiging open-ended nito, walang layunin o storyline para sa laro. Ang mga bata ay maaaring lumikha ng kanilang sariling storyline. Sa kabila ng pagiging open-ended nito, maaari mong tuklasin ang New York at maghanap ng mga mini games sa siyudad. Ang laro ay walang mga tutorial dahil may kalayaan ang mga bata na i-explore ang siyudad.

My City NewYork Trip - Laro Reviews

My City NewYork Trip – Laro Reviews

Sa simula ng laro, ididirekta ka sa paliparan. Kailangan mo lang i-tap ang arrow button na matatagpuan sa poster ng Statue of Liberty. Pagkatapos nito ay may lalabas sa iyong screen na isang maikling video ng isang lumalapag na eroplano patungo sa New York. Sa kaliwang sulok sa itaas ng iyong screen, makakakita ka ng button ng family characters. Kapag na-click mo ito, magpa-pop up ang mga icon ng mga karakter sa iyong screen. Maaari mong i-click ang icon ng karakter na gusto mong ilagay sa isang partikular na eksena.

Mapapansin mo na maraming bagay ang maaaring gawin habang ine-explore mo ang siyudad. Halimbawa, maaari mong i-tap ang mga ilaw sa kalye upang sindihan ang mga ito. Maaari kang mag-tap sa ilang mga pindutan upang gawin ang ilang mga bagay. Kailangan mo lang i-tap ang arrow button kung gusto mong pumasok sa isang gusali o isang lugar.

My City: NewYork Trip – Tips at Tricks sa Paglalaro

Bagama’t ang larong ito ay isang open-ended na laro, tutulungan ka pa rin ng gabay na ito na i-maximize ang iyong pagpunta sa New York. Nakalista sa ibaba ang mga tips at tricks upang magsaya sa larong ito:

  • Puntahan ang mga pasyalan

Ito ay New York at hindi mo dapat palampasin ang mga tourist spot sa siyudad na ito! Maaari kang pumunta sa Times Square, maaari mong bisitahin ang Statue of Liberty at magkaroon ng isang nakakarelaks na paglalakbay sa Central Park. May mga nakatagong minigame sa Times Square at maaari mong pasayawin ang Statue of Liberty. Dagdag pa rito, maaari kang mag-piknik kasama ang mga kaibigan, kilalanin ang penguin family at lumikha ng sining sa Times Square.

  • Mag-shop sa mall

Hindi mo rin dapat kaligtaan ang mga damit sa New York City Fashion District. May mga fashion mini game sa lugar na ito. Maaari mong subukan ang mga pinaka-magagarang damit at maging isang fashionista sa shopping district. Wala kang masasabi sa mga damit at accessories dito dahil talagang topclass lahat ng makikita mo! Maaari mo ring subukan ang ilang pabango, bag, kasuotan sa paa at eyewear sa lugar na ito.

  • Subukan ang mga pagkain

Maaari mo ring bisitahin ang klasikong New York City dinner restaurant kung saan maaari mong kainin ang lahat ng pagkain na nais mo. Bigyan ang iyong mga karakter ng mga pinakamasarap na pagkain sa mundo! Maraming uri ng pagkain ang pagpipilian dito tulad ng mga dessert, fast food, street food at marami pang iba.

My City NewYork Trip - Laro Reviews

My City NewYork Trip – Laro Reviews

  • Maging isang moviestar

Maaari kang manood ng mga live na pagtatanghal ng mga klasikong pelikula sa Broadway tulad ng Wizard of Oz at Cats Broad Show. Ngunit maaari ka ring maging isang moviestar! I-drag lang ang iyong mga karakter sa entablado at maaari nilang subukan ang mga costume, ang mga theatrical effect tulad ng mga usok, at ang mga stage lights. May apat na pelikula na pagpipilian kaya subukan ang lahat ng ito at magsaya!

My City: NewYork Trip – Pros at Cons ng Laro

Katulad ng iba pang virtual na dollhouse gameplay mula sa My Town Games Ltd, ang My City: New York Trip ay nagbibigay ng ligtas na kapaligiran sa mga bata at malaya silang mag-isip, mag-explore, at makihalubilo sa ibang tao ng hindi sila obligado sa anumang mapanghamong sitwasyon. Makakatulong ito sa mga bata na matutong makihalubilo sa mga aktibidad ng mag-anak tulad ng mga laro ng pamilya. Itinuturo din nito sa mga bata ang tungkol sa mga bagay na maaari nilang mabatid mula sa paglalakbay sa buong mundo.

Related Posts:

Papa’s Pancakeria To Go! Review

PAW Patrol: Rescue Run Review

Ang isa pang cool na bagay tungkol sa laro ay ang pagiging open-ended nito. Ang mga bata ay maaaring maglaro ng kahit anong gusto nila. Sa kabila ng katotohanan na malayang nakapaglalaro ang mga bata, natitiyak ng kanilang mga magulang na ligtas ang nilalaman ng larong ito. Na-upgrade ng mga developer ang bersyong ito ng laro sa pamamagitan ng pagdaragdag sa bilang ng mga karakter na maaari mong laruin. Ngayon ay mayroon na itong 20 na karakter na maaari mong isama sa mga minigames.

Ang pagiging open-ended ng laro ay sumasaklaw sa mga ekspresyon ng mukha ng mga karakter, ang mga damit na kanilang sinusuot, ang kanilang kinakain, ang kanilang mga ginagawa, maging ang kapaligiran kung saan sila naninirahan. Sa bersyong ito, maaari ng baguhin ng mga bata ang panahon tulad ng pag-set kung gusto nilang maging maaraw o maulan. Maaari mo ring baguhin ang setting ng kapaligiran tulad ng gabi o araw. Ang mga karagdagang ito sa laro ang nagbigay daan upang mas maakit ang mga batang manlalaro. Ang laro ay maaaring nagkakahalaga ng $2.99 ​​ngunit masasabi mo na ito ay talagang sulit.

My City NewYork Trip - Laro Reviews

My City NewYork Trip – Laro Reviews

Ang larong ito ay lubos na inirerekomenda para sa mga magulang na gustong unahin ang kaligtasan ng kanilang mga anak. Katulad ng iba pang mga laro sa seryeng My Town, ang My City: NewYork Trip ay sumusunod sa mga itinakda ng Children’s Online Privacy Protection Act. Tiyak na walang marahas o temang sekswal na nilalaman ang laro. Ang tanging maipupuna sa laro ay hindi ito gaanong inirerekomenda para sa mga nakakatanda. Ang laro ay hindi sulit sa kanilang oras at pera maliban kung meron silang mga anak na maaaring maglaro sa larong ito. Hindi ito magugustuhan ng mga matatandang manlalaro dahil walang itinalagang layunin ang laro.

Konklusyon

Ang My City: NewYork Trip ay isang perpektong rekomendasyon para sa mga bata na sumisibol pa lang ang pagkamalikhain o mga batang mahilig tumuklas ng mga bagay-bagay sa mundo. Maaaring matiyak ng mga magulang ang kaligtasan ng kanilang anak kahit na maaaring gawin ng mga bata ang anumang nais nila sa mga karakter ng larong ito. Ito ay isang mahusay na laro at masayang aktibidad na nagbibigay aral sa mga bata! Para sa iba pang kapanapanabik na mga pagsusuri ng mga laro, bisitahin ang Laro Reviews.

Laro Reviews

Leave a Comment

Categories
Latest Posts
Login
Loading...
Sign Up
Loading...