Moon Pioneer Review

Moon Pioneer – Ang kalawakan ay isang malawak na rehiyon ng sansinukob. Ang ilang mga planeta dito ay kilala na ngunit karamihan sa mga ito ay isang misteryo pa rin. Ang kalawakan ay binubuo ng mga planeta, bituin, araw, asteroid, meteor, kometa at walang-hanggang kawalan.

Isang US Government Organization ang palaging nakatakdang tuklasin ang misteryo sa likod ng kalawakan. Palagi silang nagpapadala ng mga astronaut o mga manlalayag sa kalawakan upang tuklasin at tumuklas ng mga bagong bagay sa kalawakan.

Marami sa atin ang nangarap na maging isang astronaut. Gusto nating maranasan kung ano ang pakiramdam ng paglalakbay sa kalawakan at kung paano nabubuhay ang mga astronaut sa kalawakan. Hindi lahat ay may pagkakataong maabot ang pangarap na ito dahil aabutin ng maraming taon at maraming masinsinang pagsasanay upang maging isang astronaut. Higit sa lahat, dapat mayroon kang hilig at pagnanais na maging isang astronaut.

Sa kabutihang palad, ang kumpanya ng Voodoo ay lumikha ng isang laro na magbibigay-daan sa iyong makita at maranasan kung paano ang maging isang astronaut.

Moon Pioneer - Laro Reviews

Moon Pioneer – Laro Reviews

Ang Moon Pioneering ay isa sa mga pinakabagong laro ng kumpanya ng Voodoo. Ito ay isang laro tungkol sa mga astronaut na naglalakbay sa maraming planeta upang mangolekta ng mga langis at iba pang materyales bago paandarin ang kanilang spaceship patungo sa susunod na planeta, sa pamamagitan ng pagbuo ng ilang kagamitan at imprastraktura.

Ano ang Layunin ng Laro?

Matutulungan ka ng Laro Reviews na alamin ang mga mahahalagang bagay tungkol sa laro at may mga karagdagang tips ka pang matututunan.

Ang manlalaro ay gaganap bilang isang astronaut at ang iyong layunin ay sipsipin ang lahat ng likas na yaman ng planeta kung saan ka napadpad. Kapag mayroon ka nang mga materyales tulad ng mga langis, ay bubuo ka ng mga kagamitan na maaaring magpadali ng iyong gawain at makakatulong sa iyong mangalap ng higit pang mga mapagkukunan ng mga langis bago paandarin ang spaceship sa susunod na planeta at gawin ang parehong bagay.

Kaya, ang layunin mo ay ang mangalap ng mga langis, magtayo ng mga imprastraktura o pabrika at sakahan, pagkatapos ay galugarin ang buong kalawakan o sansinukob!

Paano Laruin ito?

Sa simula ng laro, lalapag ang iyong spaceship sa Buwan. Magsisimula ka munang mag-isa hanggang sa makaipon ka ng sapat na mga langis upang makabuo ng mga kagamitan na magsipsip ng mas maraming langis sa lupa. Pagkatapos ay magkakaroon ng mga bakanteng lote sa paligid. Ang mga loteng ito ang iyong mga layunin. Dito mo itatayo ang iyong sakahan, ang mga kagamitan na gagawa ng mga asukal, ang crafting area at ang mga treadmill kung saan magtatrabaho sa pamamagitan ng pagtakbo sa treadmill ang iyong mga co-space pilot. Ang bawat kagamitan ay nangangailangan ng langis o asukal upang maitayo.

Moon Pioneer - Laro Reviews

Moon Pioneer – Laro Reviews

Kapag ang kagamitan sa pagsipsip ay makagawa na ng mga langis sa isang bariles, dadalhin mo ang mga langis sa unang lote na gusto mong itayo tulad ng treadmill. Kapag nakatayo na ang unang treadmill, isa pang astronaut ang lalabas sa spaceship at palalakasin ang treadmill.. Tinutulungan ng treadmill ang mga kagamitan sa pagsipsip na makagawa ng mga langis nang mas mabilis. Maaari kang magdagdag ng isa pang treadmill o dalhin ang mga langis sa spaceship at pumunta sa susunod na planeta sa sandaling mapunan ang mga kinakailangan upang mapaandar ang spaceship. Ito ang unang antas ng laro o ang kinakailangan ng unang pagdaong sa kalawakan, ang Buwan.

Ang gawain ay halos pareho sa mga susunod na antas ng laro o sa iba pang mga planeta. Ang pagkakaiba lang ay magkakaroon ka ng mga karagdagang kagamitan at gusaling itatayo na makakatulong sa iyong mangalap ng mga materyales sa pagpapaandar ng spaceship.

Habang sumusulong ka sa laro, makakagawa ka ng mga karagdagang treadmill na papaganahin ng mga karagdagang astronaut. Bumuo ng isang taniman ng mansanas para pakainin ang mga astronaut at laboratoryo o ang crafting area kung saan maaari kang lumikha ng stroller para tulungan kang magdala ng mga langis at asukal at ipamahagi ang mga ito sa bawat pabrika. Magagawa mong lumikha ng isang robot upang mangalap ng mga mansanas mula sa bukid at ipamahagi ang mga ito sa mga gutom at pagod na mga astronaut sa treadmill.

Maaari mo ring i-upgrade ang kagamitan upang mapabilis ang mga ito at makagawa ng mas maraming langis at asukal. Ang pag-upgrade ng kagamitan ay maggugugol sa iyo ng mga langis at asukal. Bawat antas, ang mga kinakailangang langis o asukal upang punan ang spaceship ay nag-iiba. Tumataas ito habang nagpapatuloy ka sa susunod na mga antas.

Kapag napuno na ang mga kinakailangang langis, ang spaceship ay handa nang paliparin muli at pumunta sa susunod na planeta. Ang iba pang mga astronaut at ang dalawang AI robot ay sasama sa iyo upang tulungan ka sa susunod na paglalakbay sa kalawakan.

Moon Pioneer: Paano I-download ang Laro?

Ang laro ay maaaring i-download ng libre sa mga Android, iPhone at iPad device. Maaari mong i-download ito sa pamamagitan ng Google Play Store o Apple Store o maaari mo lamang i-click ang mga link sa ibaba.

Download Moon Pioneer on Android https://play.google.com/store/apps/details?id=com.norwichsidegames.tothemoon&hl=en&gl=US

Download Moon Pioneer on iOS https://apps.apple.com/us/app/moon-pioneer/id1586844471

Paano Gumawa ng Account sa Laro?

Ang laro ay hindi nangangailangan ng anumang mga pag-login o account para maglaro ka. Ito ay isang simpleng laro lamang. Diretso at madaling laruin. Sa sandaling isara mo ang laro, ang progreso mo ay nai-save na at malalaro mo pa rin ang parehong antas sa oras na buksan mo ulit ito.Ngunit sa sandaling i-uninstall mo ito at muling i-install ito lahat ng progreso mo sa laro ay mawawala. Kailangan lang itong laruin sa parehong mga device upang ipagpatuloy ang antas kung saan ka tumigil.

Related Posts:

Mafia City Review

MONOPOLY – Classic Board Game Review

Tips at Tricks sa Paglalaro ng Moon Pioneer

Pagkatapos itayo ang mga kagamitan sa pagsipsip, lubos na inirerekomenda na itayo muna ang mga treadmill. Ang pagbuo ng treadmill ay makakatulong sa proseso ng pag-iipon ng mga langis ng mas mabilis dahil ang siphoning machine ay nangangailangan ng higit na lakas upang maging mas mabilis. Kapag ito ay tapos na, lumipat sa crafting o laboratoryo. Ang lugar na ito ay lilikha ng AI at mga stroller at rollerblade para sa iyo upang malaya kang makagalaw at mas mabilis at makapagdala ng mas maraming langis at asukal. Isasa-aktibo din ng crafting o laboratoryo ang iba pang mga pasilidad tulad ng greenhouse farm para sa mga mansanas, ang sugar machine at ang metal machine. Isa sa mga mahahalagang gawain sa larong ito ay tiyaking pinapakain mo ang mga astronaut na tumatakbo sa treadmill. Ang pagkain ang nagpapanatili sa kanila ng lakas upang magpatuloy sa pagtakbo. Siguraduhing ibigay ang pagkain sa tamang astronaut dahil may mga pagkakataong napupunta ito sa maling astronaut. Pakainin mo sila o titigil sila sa pagtatrabaho at babagal ang produksyon ng mga langis at asukal.

Moon Pioneer - Laro Reviews

Moon Pioneer – Laro Reviews

Itayo muna ang lahat bago punuin ang spaceship.Tutulungan ka ng mga pasilidad na ito na makolekta ang lahat ng kinakailangang materyales nang mas mabilis. Mas mainam din na magdagdag ng ilang ekstrang langis sa spaceship upang magamit mo ito sa susunod na antas o susunod na planeta.

Ang isa pang astronaut ay bibisita sa lugar upang bigyan ka ng tulong sa pamamagitan ng pagbibigay ng maraming mga langis at asukal sa pamamagitan lamang ng panonood ng mga ad.

Gamit ang tips at tricks na ito, magagawa mong tapusin ang lahat ng mga misyon at malalaman kung aling mga pasilidad ang dapat mong unahin na itayo.

Positibo at Hindi Positibong mga Puna

Para sa Laro Reviews, sobrang simple lamang ng Moon Pioneer. Wala itong gaanong mga pindutan kaya ang gameplay ay madaling maunawaan at masundan. Hindi ka nito bibigyan ng tutorial o gabay dahil simple lamang laro. Kakailanganin mo lang na sundin ang mga bakanteng lote para magsimula.

Ang laro ay paulit-ulit ngunit ito ay nakakaaliw na kawili-wili. Siguradong pupukawin nito ang iyong interes at patuloy kang maghihintay para sa susunod na antas dahil maraming iba’t ibang kagamitan ang maa-unlock. Magiging mausisa ka kung ano ang magagawa nito kung i-upgrade mo ang kagamitan.

Walang mga partikular na misyon ngunit malalaman mo naman kung ano ang gagawin at kung saan magsisimula at kung paano mag-estratehiya. Walang talo dito dahil ang kailangan mo lang gawin ay punan ang spaceship ng mga materyales. Hindi ka mauubusan ng mga mapagkukunan ng materyales dahil sa mga ad na video na hatid ng astronaut na dumadaan paminsan-minsan upang bigyan ka ng maraming langis at asukal.

Maraming mga ads ang larong ito na nakakainis dahil sa tuwing ikaw ay gagalaw ang laro ay maglalabas ng ads. May mga pagkakataon na pupunta ka lang sa isang partikular na lugar o nangongolekta lamang ng langis ay bigla na lamang lalabas ang ads

Ang astronaut na kinokontrol mo ay medyo mahirap kontrolin kung saan mo ito gustong pumunta, lalo na kapag ginagamit na nito ang stroller o ang roller blades. Maraming beses na napupunta ka sa maling lugar at nakakakuha ka ng maling item o nagpapakain sa maling astronaut ng mansanas dahil palagi itong napupunta sa ibang direksyon na gusto mo.

Ang Review

Ang laro ay hindi ganoong kapanapanabik ngunit hindi naman din boring. Ito ay may kalidad upang pukawin nito ang iyong interes at maglaro ng maglaro. Ang animation at graphics ay hindi naman ganun kaganda ngunit hindi rin naman ganoon kapangit. Ang laro ay ligtas para sa anumang edad. Walang gabay ngunit ito ay madali lamang. Kapag nasanay ka na, magagawa mong mag-strategize kung paano mo pupunuin ang spaceship.

Laro Reviews

Leave a Comment

Categories
Latest Posts
Login
Loading...
Sign Up
Loading...