Rome:‌ ‌Total‌ ‌War‌ ‌Reviews‌ ‌

Ang Rome:‌ ‌Total‌ ‌War‌ ay isang laro tungkol sa digmaan na nangyari noong 270BC hanggang 14AD sa bansang Roma. Isa itong strategic-war game. Matutulungan ka ng Laro Reviews na tuklasin ang mga mahahalagang bagay tungkol sa laro at may mga karagdagang tips ka pang matututunan.

Ito ay nilikha ng kumpanyang Creative Assembly at inilabas ng Activision. Ngunit lumipas ang panahon at ipinasa rin ang karapatan ng paglalathala sa laro sa Sega.

Gaganap ang manlalaro bilang isa sa mga prominenteng pamilya sa Roma. Ang laro ay nahahati sa dalawang mode. Ang real-time tactical battles at ang turn-based strategic campaign. Sa Campaign mode, pamumunuan ng player ang gobyerno, ang pwersa ng militar, at ang paglago ng ekonomiya sa kanyang nasasakupan. 

Rome:‌ ‌Total‌ ‌War‌ - Laro Reviews

Rome:‌ ‌Total‌ ‌War‌ – Laro Reviews

Ang laro ay may mga misyon din na gagawin sa bansang Europa, Near East at North Africa. Ang manlalaro rin ang magbibigay ng mga utos sa kanyang hukbong militar sa gitna ng giyera.

Ano ang layunin ng Rome:‌ ‌Total‌ ‌War‌ ?

Ang layunin ng laro ay kailangan mong sakupin ang iba’t ibang parte ng bansang Europa gamit ang iyong mga heneral at mga kawal. Ikaw ay magsisilbing isang lider ng isang bansa at pwede mo pamahalaan ang iyong teritoryo upang mapalago ito sa lahat ng aspeto – mapa-pinansyal man o pang-militar. 

Maraming paraan kung paano mo masasakop ang iba’t ibang bansa. Kailangan mo lang talunin ang iyong mga kalaban. 

Paano Laruin ang Rome:‌ ‌Total‌ ‌War‌ ?

Ang laro ay may dalawang bahagi: ang Campaign at Battle mode. Bawat mode ay may kanya-kanyang paraan ng paglalaro.

Para sa Campaign mode, ikaw ay pipili ng isa sa tatlong pamilya sa Roma. Ito ang mga Bruitti, Julii, at Scipii. Sa oras na makumpleto mo ang misyon ng campaign mode, magkakaroon ka ng kontrol para laruin ang ibang karakter ng laro. Magagawa mo ito kapag nilaro mo ang mga mini-games ng campaign mode at magawang matalo ang kampo ng ibang nasyon.

Ang kasunduan ay magsisilbing simbolo ng pagsakop mo sa isang bansa. Kontrolin mo ang isang bansa sa pamamagitan ng pagpasok mo ng iyong mga sundalo upang magsimula ng giyera sa bansang nais sakupin o magbigay ng suhol upang sila ay umanib sa iyo.

Ang progreso ng iyong nasasakupan ay depende kung paano mo ito pinamumunuan. Ang bawat bansa na iyong masasakop ay may kanya-kanyang klase ng gusali na pwede mong itayo at i-level up. Ang mga ito ay pwedeng magkakaiba ng itsura, maaaring maging kwartel, templo o teatro. 

Bawat pangkat ay binubuo ng isang pamilya. Ang ama ang nagsisilbing pinuno at sinuman sa pamilya na may edad 16 pataas ay nakatakdang maging susunod na pinuno sa oras na mamatay ang ama o ang kasalukuyang lider ng pangkat. Ang mga kalalakihan na edad 16 ang siyang mangangasiwa sa pamamalakad ng mga kasunduan at magiging komandante ng hukbong militar ng kanilang pangkat. Sila ang nagsisilbing heneral.

Bawat miyembro ng pamilya ay may iba’t ibang mga katangian na pwede nilang namana mula sa kanilang ninuno o natutunan mula sa karanasan. Bawat katangian ay nakakaapekto sa bawat karakter. Pwede itong magkaroon ng negatibo o positibong epekto sa kanila.

May mga espesyal ding karakter sa laro na pwede mong makuha sa iba’t ibang bansa. Ang mga espesyal na karakter na ito ay pwede mong gamitin bilang spy, assassin o diplomat.

Rome:‌ ‌Total‌ ‌War‌ - Laro Reviews

Rome:‌ ‌Total‌ ‌War‌ – Laro Reviews

Sa battle mode naman, mararanasan mo dito ang 3D type na real-time war. Ang battle mode ay pwedeng laruin sa maraming paraan katulad ng customized na pakikipaglaban sa mga AI Robots, bilang parte ng campaign mode, isang makatotohanang labanan ng mga hukbo ng sundalo o multiplayer na labanan o PVP. Hindi katulad ng campaign mode, ang mga giyera o battle mode ay pwedeng mangyari sa battlefield ng kalaban mismo.

Saan Pwedeng I-download ang Laro?

Ang laro ay pwedeng i-download sa Android, iOS, Mac OS at Windows PC. Inihanda ng Laro Reviews ang sumusunod na links na naaayon sa gamit na device sa paglalaro:

Download Rome: Total War on Android https://play.google.com/store/apps/details?id=com.feralinteractive.rometw&hl=en&gl=US

Download Rome: Total War on iOS and Mac OS https://apps.apple.com/us/app/rome-total-war/id1106831630

Download Rome: Total War on PC https://store.steampowered.com/app/4760/Rome_Total_War__Collection/

Gayunpaman, ang laro ay may bayad na $9.99 o ₱500.

Paano Gumawa ng Account?

Para malaro ang Rome: Total War, mag-sign in gamit ang Google Play account para sa mga gumagamit ng Android devices at Apple ID account naman para sa Mac at iOS.

Ang laro ay may bayad at kakailanganin mo ng Paypal o bank account para rito.

Tips at tricks kung Paano Laruin ang Rome:‌ ‌Total‌ ‌War‌

Ito ay isang laro na gumagamit ng estratehiya. Pag-aralan mabuti kung paano magmulti-task at ano ang susunod na galaw ng iyong kalaban upang magawa mo silang matalo.

Rome:‌ ‌Total‌ ‌War‌ - Laro Reviews

Rome:‌ ‌Total‌ ‌War‌ – Laro Reviews

Sa pagsisimula ng Campaign mode, magtayo ka muna ng mga kalye at mga dambana para makamit mo ang katapatan ng iyong mga nasasakupan. Kakailanganin mo rin ang mga ito sa pagsakop ng ibang bayan. Ang mga kalye at iba’t ibang imprastraktura ay makakatulong sa iyo para maiwasan ang pagrerebelde ng mga tao. I-upgrade at palakasin din ang mga kalye para sa aspetong kalakalan ng bansa. 

Magsanay ng mga hukbo na magsisilbing tagapagmasid laban sa mga kalaban. Sila rin ang magbibigay babala sa iyo sa oras na may kalaban na gustong sakupin o nagtangkang pumasok sa iyong teritoryo.

Huwag kang masyadong bumili ng mga kawal baka ikaw ay maubusan ng pera. Bumili lamang ng kailangan mo. Ang pagbili ng tagamasid o espiya ay makakatulong sa iyo para malaman mo kung anong klase ang kalaban, anong kahinaan nila at ano ang mga sandatang gamit nila sa pakikipaglaban.

Kapag nasakop mo na ang isang bayan o bansa, ikaw ay mamimili kung gagawin mong alipin o papatayin mo lahat ng nakatira dito. Maari ring manirahan ka sa bago mong teritoryo. Kung nais mo madagdagan ang buwis ng iyong bansa, pwede mo gawing alipin ang mga tao at ipasok sila ng trabaho sa ibang bayan na iyong nasakop. Kung ang lugar ay gagawin mong bagong tirahan, magtayo ng mga gusali rito. Kung papatayin mo naman ang buong populasyon, pwede kang makaiwas sa posibleng pagrerebelde ng mga tao at gumawa ng bagong reporma.

Related Posts:

JCheater San Andreas ‌Review‌ ‌

Moon Pioneer Review

Palagi mong gawin ang mga misyon na binigay sa iyo ng mga senador para tumaas ang pampinansyal na aspeto ng iyong bansa.

Maghanap ng iyong magiging kakampi para matulungan ka sa pagsakop ng mga bansa. Sa oras na ikaw ay lumakas, pwede mo ring kalabanin ang iyong kakampi.

Ang mga Positibo at Hindi Positibong Aspeto ng Laro

Ang laro ay nakakuha ng maraming tagahanga mula sa iba’t ibang panig ng mundo. Ito ay magandang laruin ng mga mahihilig sa larong pansundalo o mga mahihilig sa kasaysayan. 

Ang laro ay maraming bagay na nilalaman patungkol sa kasaysayan ng Roma at siguradong marami kang malalaman at matututunan. Ito ay nakakuha ng mataas na pagkilala bilang pinakamagandang laro sa larangan ng estratehiya. Ang laro ay napakaraming mods at pwede mo itong malaro kasama ang iyong mga kaibigan nasaan man silang panig ng mundo. 

Ang pagkatawan nito sa kasaysayan ng Roma ay tugma sa totoong pangyayari ng panahon ng giyera sa bansa. Nakadepende sa iyo kung gusto mong sundin ang kwentong ito o ibahin ang magiging kwento ng laro. 

Ang laro ay napakaraming serye at bersyon na talagang kinagigiliwan ng maraming manlalaro. Ginawa rin itong accessible sa lahat ng platform kaya kahit ano pa mang device ang iyong gamitin, pwedeng-pwede ito. 

Ang laro ay may 3D battlefields kaya mararamdaman mo ang pinakamatinding labanan sa gitna ng battlefield. May dagdag din itong mga mini-game para magdagdag-interes sa mga manlalaro. Ang paraan ng paglalaro ay hindi ganoon kahirap. Kailangan mo lang ng pangmalakasang estratehiya at pagdedesisyon para magawa mo ng maayos ang iyong tungkulin bilang isang lider. 

Ang pagpapalakas ng mga kagamitan, sandata at ng iyong hukbo ay madali lamang at hindi ka gagastos ng napakalaki. 

Sa battle mode, ang iyong hukbo ay may iba’t ibang hit points, moral at kakayahan sa pakikipaglaban na maaaring magbigay sa iyo ng lamang upang manalo sa laro. Pwede kang gumamit ng iba’t ibang taktika sa paglalaro para makamit mo ang iyong tagumpay.

Ang modification feature naman ng laro ay magbibigay sa iyo ng kakayahang manipulahin ang kakayahan ng laro katulad ng text files at tekstura nito. 

Ngunit sa kabila ng parangal dito bilang isang napakagandang laro ng taon, ang Rome:Total Wars ay nakatanggap rin ng kabi-kabilang pagbatikos o mga negatibong tugon mula sa ilang manlalaro. 

Ayon sa kanila ang kontrol ng laro at ibang katangian nito ay nakakalito. Hindi ito malinaw para sa kanila. Ang laro ay mayroong ding bugs at errors na nagiging dahilan ng pagkasira ng mismong app. Ang AI naman ay hindi tumutugon sa kanilang utos kahit ilang beses mo pa itong i-click o subukang pagalawin. Ang animasyon at graphics ng laro, kahit pa ito ay naka-3D, ay masyado ng makaluma. 

Konklusyon

Ang laro ay isang magandang RTS o strategic game. Ito ay isa sa pinakamahusay na laro. Ang larong ito ay kumita ng $16.8 milyon sa bansang Amerika sa loob lamang ng isang taon. Ang laro ay nakakuha rin ng napakaraming parangal katulad ng All-Time 5th Best PC Game in PC Gamer, Editor’s Choice Award, 4th placer on Best PC Game of All-Time IGN at marami pang iba. Ito ay nangangahulugan lamang na ang laro ay masaya at napakaganda.

Laro Reviews

Leave a Comment

Categories
Latest Posts
Login
Loading...
Sign Up
Loading...