MONOPOLY – Classic Board Game Review

MONOPOLY – Classic Board Game – Mahigit isandaang taon nang namamayagpag sa kasikatan ang board game na Monopoly. Isa itong laro na may temang pagbebenta at pagbili ng real estate properties na halos lahat ng tao ay kinawiwilihan itong laruin dahil sa pagkakaroon ng pagkakataong maranasan ang pakiramdam ng isang mahusay na negosyante. Sa paglalaro nito ng mas matagal na panahon, mas maiintindihan ang kabutihang dulot nito sa tamang paghawak ng pera na maaaring magamit sa totoong buhay lalo na pagdating sa pag-i-invest.

Ito ay isa sa mga larong karaniwang natatandaan na nilalaro natin noong mga panahon ng ating kabataan. Hindi man ang orihinal na bersyon, marami-rami na rin ang nakasubok ng modernong bersyon nito. Matutulungan ka ng Laro Reviews na alamin ang mga mahahalagang bagay tungkol sa laro at may mga karagdagang tips ka pang matututunan.

Ang Layunin sa Paglalaro ng MONOPOLY – Classic Board Game

Ang layunin sa paglalaro nito ay manatiling financially stable habang sinusubukang magawan ng paraan na ma-bankrupt ang mga kalaban sa pamamagitan ng pagbili ng mga ari-arian.

MONOPOLY - Classic Board Game - Laro Reviews

MONOPOLY – Classic Board Game – Laro Reviews

Pagsisimula ng Laro

Ang bawat panig ng game board ay nahahati sa mga parisukat na kumakatawan sa mga property, kulungan, utilities, railroad, at iba pa. Ang players ay binibigyan ng kaukulang halaga bilang capital sa pagsisimula ng laro, iikot sila sa board na nakabase ang bilang ng pag-abante sa lalabas sa dice. Kapag tumapat ang player sa property ng kalaro, kailangang magbayad ng itinakdang renta sa may-ari. May mga espasyo na walang nakalagay na property dahil nakalaan ito sa card at bubunot ang sinumang matapat dito, ang nakasaad sa card ay maaaring pabor o hindi sa bubunot. Kapag nakakuha na ng monopoly ang isang player o ibig sabihin ay siya na ang nagmamay-ari nang halos lahat ng properties, maaaring siyang magbayad para sa progreso ng property para pataasin ang renta sa nasabing property. Tuluy-tuloy lang ang pag-ikot ng mga player hanggang sa magkaubusan na ng pera. Ang unang ma-bankrupt ang matatalo sa laro. Ang mananalo ay ang matitirang may pera at properties.

Pag-download ng MONOPOLY – Classic Board Game

Nakakatuwang malaman na ang board game na minahal ng lahat ay available na sa online para mas maging madali ang access sa paglalaro nito.

Upang masimulan na ang paglalaro ng MONOPOLY – Classic Board Game sa PC, mada-download ito ng diretso sa website. Maaaring i-download sa Google Play Store ng mga Android players at sa App Store naman para sa iOS players. Inihanda ng Laro Reviews ang links sa ibaba para sa agarang pagda-download:

Download MONOPOLY – Classic Board game on Android https://play.google.com/store/apps/details?hl=fil&id=com.marmalade.monopoly

Download MONOPOLY – Classic Board game on iOS https://play.google.com/store/apps/details?id=com.marmalade.monopoly&hl=en_SG&gl=US

Download MONOPOLY – Classic Board game on PC https://en.softonic.com/downloads/classic-monopoly

Mga Epektibong Kasanayan sa MONOPOLY – Classic Board Game

Bumili ng maraming properties hanggang sa makakakaya, ngunit tiyaking may matitira pang pondo para sa pagpapatuloy ng laro. Sisimulan ang laro sa pagbili ng mas maraming property na magkakasya sa perang nakalaan. Dahil unti-unti naman itong babalik sa pagbabayad ng renta ng mga kalaban habang sila ay nauubusan ng pera. Kailangang maging maingat sa pagbili dahil hindi lahat ng properties ay may malaking kapakinabangan at ang pagkakaroon ng hawak na pera hanggang sa huli ay may malaking pagkakaiba. Huwag pag-interesang bilhin ang mga nasa unahang property dahil hindi ito masyadong hinihintuan ng players at hindi ito makakapagbigay ng malaking kita. Sikaping mabili ang mga corner properties dahil ito ay magbibigay ng mas malaking tyansa ng panalo. Huwag gamitin ang lahat ng pera nang minsanan dahil kailangang may hawak laging pera para ipambayad sa renta kung matatapat sa property ng kalaban o kung may property na may magandang kita ang matatapatan na maaaring bilhin.

MONOPOLY - Classic Board Game - Laro Reviews

MONOPOLY – Classic Board Game – Laro Reviews

Bumili ng mga property para mapigilan ang kalaban na makabuo ng monopoly. Makakamit ang monopoly sa pagbili ng properties na may magkakaparehong kulay at pagtatayo ng building doon. Kaya kailangang pigilan na makabili ng may pare-parehong kulay na property ang kalaban. Bantayan ang mga property na binibili ng kalaban dahil pwedeng makipagpalit sa ibang player para mabili ang property na ito. Mapipigilan nito na makapagtayo ng building sa property na iyon. Kung desperado na ang kalaro na bilhin ang property mo, ibenta ito sa presyo na magkakapagpabankrupt sa kalaban sa sandaling panahon.

Ang railroads ay mistulang money machines. Kung oobserbahan, maraming players ang patuloy na humihinto sa railroads. Ang pagkakaroon ng mahigit sa isa nito ang magpaparami ng kita nang hindi na kailangang magtayo ng building. Mas malaki pa ang ibinabayad dito kaysa sa ibang mga property sa board. Ang utilities naman ay hindi nakakapagbigay ng magandang kita kaya hindi ito magandang bilhin, hindi tulad ng railroads.

Simulan ang bidding habang wala pang kakayahan ang mga kalabang gumawa rin nito. Sa una ay marami pang mga pondo ang lahat kaya huwag munang magbebenta ng mga property maliban na lang kung ang layunin ay lituhin ang kalaban na mag-invest agad at matalo. Kapag dalawa hanggang tatlo na lang ang natitirang property at wala ng pondo ang kalaban, ibenta ang properties na ito dahil maaaring mabili ito ng mas mababa o maaaring pataasin ito para ma-bankrupt ang kalaban.

Related Posts:

JCheater San Andreas ‌Review‌ ‌

Rome:‌ ‌Total‌ ‌War‌ ‌Reviews‌ ‌

Reviews para sa MONOPOLY – Classic Board Game

Ang MONOPOLY – Classic Board Game para sa smartphone ay may cross-platform multiplayer gameplay na nagpapahintulot na maimbitahang maglaro ang mga kaibigan.

Ang multi-player video chat ay available na rin sa game app. Maaaring gumawa ng free personal account, mag-imbita ng mga kaibigan, maglaro ng matches mula sa nilikhang chatrooms, at awtomatikong ililipat nito sa ito video chat kapag nagsimula na.

Ang larong ito ay nagbibigay ng highly interactive game experience at kahanga-hangang animations at graphics. Ang kabuuang laro ay ma-eenjoy ng walang advertisements kaya tiyak na malilibang ang lahat sa paglalaro ng walang istorbo.

Hindi binigo ng MONOPOLY – Classic Board Game online ang mga tagahanga ng popular na board game. Nanatili itong katulad ng klasik na bersyon na mas pinaganda ang graphics at nilagyan ng automated banker para mapabilis ang laro. May iba’t ibang pagpipilian para sa paggawa ng customized Basic Rules para sa gustong mas pagandahin ang laro sa pamamagitan ng mga bagong alituntunin. Ang multi-player mode ay nagbibigay ng convenient mobile options para sa lahat.

MONOPOLY - Classic Board Game - Laro Reviews

MONOPOLY – Classic Board Game – Laro Reviews

Kahit na ang controls ay mahirap makita pagdating sa iPad o iPhone wala namang magiging problema sa paglalaro nito sa maliit na screen.

Konklusyon

Ang laro ay nakakapagturo ng financial skills tulad ng pagtatabi ng pera para magamit sa tamang panahon, pagkakaroon ng mas mahabang pasensya na matututunan sa paghihintay ng tamang pagkakataon para gamitin ang inihandang estratehiya, pag-monitor ng cash flow, pagpili ng tamang investments na mas kapaki-pakinabang at paghahati-hati ng perang hawak.

Ang MONOPOLY – Classic Board Game ay available sa multiple selections of modes para sa paglalaro online man o offline. I-enjoy ang pakiramdam na magawang ma-bankrupt ang mga kalaban at maging pinakamayamang property tycoon sa board!

Laro Reviews

Leave a Comment

Categories
Latest Posts
Login
Loading...
Sign Up
Loading...