Pooking – Billiards City Review

Kung mahilig ka sa billiards at pool game, ito ang perpektong laro para sa iyo. Ang Pooking-Billiards City ay nilikha ng Mountain game at ginawang available para ma-download sa lahat ng mga mobile device na may mga Android at iOS.

Mayroong humigit-kumulang 100+ na antas upang kumpletuhin at i-pasa. Hindi tulad ng ibang billiards o pool table games, wala kang kalaban dito. Ito ay isang single player game.

Ang Pooking-Billiards City ay isang madaling laro dahil hindi mo kailangang matutunan ang mga panuntunan ng billiards dahil ginagamit lang nito ang parehong mga tool sa paglalaro, ang cue stick, ang cue ball na puting bola at ang billiard table.

Ano ang Layunin ng Laro?

Pooking - Billiards City - Laro Reviews

Pooking – Billiards City – Laro Reviews

Ang layunin ng laro ay i-shoot ang lahat ng mga bola sa mesa sa mga butas na malapit sa kanila. Siguraduhing huwag i-shoot ang cue ball sa butas kung hindi ay matatalo ka. Ito ay tinatawag na scratch sa billiard game.

Bawat antas, ang bilang ng mga bola na kailangan mong ishoot ay nadaragdagan at ang disenyo ng billiard table ay nagbabago.

Pooking – Billiards City: Paano Simulan ang Laro?

Kung alam mo kung paano maglaro ng billiard at pool table games, ang larong ito ay dapat na madali para sa iyo. Kung hindi naman, tutulungan ka ng Laro Reviews na alamin ang mga mahahalagang bagay tungkol sa laro at may mga karagdagang tips ka pang matututunan.

Ang bilyar ay may iba’t ibang larong gaya ng 9 balls, 8 balls, carom at pockets. Ang bawat uri ay may mga panuntunan at gameplay na dapat sundin.

Sa 9 na bola, ang mga manlalaro ay kailangang mag-shoot simula sa pinakamababa hanggang sa pinakamataas na number na naka-numerical order. ang ika-9 na bola ay kailangang ang huling ishoot. Gayunpaman, kung ang 9 na bola ay naishoot gamit ang isang kumbinasyon, kahit na ang ibang mga bola ay naroroon pa rin, panalo ang manlalaro na nakashoot nito.

Pooking - Billiards City - Laro Reviews

Pooking – Billiards City – Laro Reviews

Ang Pooking – Billiards City ay may parehong ideyal ng isang larong bilyar. Ito ay may 2 lever sa magkabilang panig na kakailanganin mong kontrolin upang ayusin ang lakas at posisyon ng cue stick sa pagtama ng cue ball at pagshoot ng bola sa butas.

Sa sandaling nagawa mong i-shoot ang lahat ng mga bola sa mga bulsa, panalo ka. Sa bawat scratch naman at kapag hindi mo napashoot o natamaan ang bola, mawawalan ka ng isang puso o buhay at mababawasan ka ng iskor.

Paano I-download ang Laro?

Ang laro ay pwedeng i-download ng libre sa iOS at Android na mga mobile device.

Maaari mo itong i-download sa pamamagitan ng Google Play Store para sa mga gumagamit ng Android at Apple Store para sa mga gumagamit ng iOS.

Maaari kang mag-click sa mga link sa ibaba upang i-download ang laro sa iyong mga mobile device.

Download Pooking – Billiards City on Android https://play.google.com/store/apps/details?id=com.billiards.city.pool.nation.club

Download Pooking – Billiards City on iOS https://apps.apple.com/us/app/pooking-billiards-city/id1299421779

Mga Hakbang para Gumawa ng Bagong Account sa Laro

Ang laro ay hindi nangangailangan ng anumang mga pag-login o pag-sign-up kapag naglalaro. Ngunit kung magustuhan mo ang laro at nagdesisyon kang magbigay ng rating o review dito, pwede kang pumunta sa settings menu sa kaliwang bahagi ng screen ng laro at i-click ang thumbs-up button. Dadalhin ka nito sa Google Play Store page at doon ay pwede ka ng mag-rate. Ngunit kailangan naka login ka sa iyong Play Store account upang magawa ito.

Tips at Tricks kapag Naglalaro

Para sa Laro Reviews, ang laro ay madaling maunawaan. Para sa mga baguhan, kailangan mo munang malaman ang pangunahing ideya at panuntunan ng paglalaro ng bilyar, na i-shoot ang lahat ng bola sa mesa para manalo.

Pooking - Billiards City - Laro Reviews

Pooking – Billiards City – Laro Reviews

Sa paglalaro, siguraduhing ayusin ang posisyon ng cue stick sa tamang direksyon papunta sa butas o bulsa malapit sa bola na iyong tinatarget. Kapag naitakda na ito, itakda ang lakas ng cue stick. Hindi ito dapat masyadong malakas o masyadong mahina. Ang pagpapalakas nito ay magpapa-shoot ng cue ball sa butas na siyang magpapatalo sa iyo. Ang pagiging masyadong mahina ay hindi makaka-shoot ng bola o makakatama man lang sa cue ball.

Related Posts:

Money Honey! Review

S-Games – 456 Survival Review

Piliin ang tamang unang bola na iso-shoot. Dapat malapit sa butas para mas madaling i-shoot. Tantyahin ang distansya o ang lakas ng hit upang ang cue ball ay maiposisyon sa tamang direksyon upang mas madali rin matamaan ang susunod na bola. Pwede kang gumamit ng mga kombinasyon dito.

Mawawalan ka ng puso o buhay kung hindi mo ma-shoot ang bola. Kaya dapat mong planuhin ng mabuti ang iyong mga tira.

Huwag mabigla o magulat kung ang bilang ng mga bola ay tumataas. Sa bawat antas, nag-iiba ang difficulty. Hindi sa lahat ng oras ay bibigyan ka nito ng madaling set-up.

Mga Kalamangan at Kahinaan ng Pooking – Billiards City

Ang billiard city ay isang laro para sa parehong pro at baguhan dahil ang gameplay ay madaling maunawaan at sundin. Kahit na, mayroong isang tutorial sa set ng laro, ito ay magiging pinakamahusay pa rin kung mayroong isang tagubilin o gabay na babasahin.

Ang laro ay may isang malakas na simulation na makakatulong sa iyong gumawa ng isang mahusay na diskarte sa kung paano maglaro. Gayunpaman, ang pagshoot ng bola ay napakadali at malapit mo itong makakasanayan. Kung mangyari iyon, ang hamon at ang pagkasabik sa laro ay mawawala na ng tuluyan.

Ang animation ay maganda dahil ito ay nasa 3D ngunit kung minsan ay nagpapabagal ito sa buong laro.

Ang laro ay nasa single-player mode. Para sa mga nais ng single player mode, kung gayon ito ang larong ito ay para sa iyo. Gayunpaman, ang mga bilyar at mga pool table game ay nakatadhana na laruin ng dalawa o higit pang manlalaro. Nagbibigay ito ng masaya at kapanapanabik na pakiramdam sa lahat ng manlalaro.

Ang mga kontrol ng laro ay kasingdali ng 1,2,3 dahil ang touch control nito ay napakakinis at madali. Mayroon kang kontrol upang itakda ang lakas at direksyon o posisyon ng cue stick at cue ball.

Hindi available ang mga customization sa larong ito. Maaari mong baguhin ang mga cue sticks mo ngunit kailangan mong magbayad ng totoong pera upang magkaroon nito. Hindi sila murang bilihin.

Napakaraming ads. Magpapalabas ng ads ang bawat pag-click na gagawin mo. Sa sandaling laktawan mo ang isang ad, magpi-play ulit ito ng isa pa at kailangan mong maghintay hanggang sa ipakita nito ang X button o ang Skip button.

Ang Pagsusuri

Ang laro ay mada-download sa anumang device at ito ay maaari rng laruin offline dahil naka-single player mode at hindi na kailangang maghanap o maghintay para sa makakalaban. Gayunpaman, ito ay magiging kapanapanabik kung inaasahan mong manalo sa laro laban sa isang malakas na kalaban tulad ng sa isang tunay na laro ng bilyar.

Laro Reviews

Leave a Comment

Categories
Login
Loading...
Sign Up
Loading...