EverMerge: Merge 3 Puzzle Review

Ang EverMerge: Merge 3 Puzzle ay isang free puzzle game na available para sa mga user ng Android at iOS. Ang App ay binuo at nai-publish ng Big Fish Games at ito ay inilabas noong Mayo 6, 2020. Sa kasalukuyan, ang larong ito ay may bersyon ng 1.28.0 mula sa pinakabagong update ng laro na ginawa noong Pebrero 1, 2022. Ang Merge 3 Puzzle ay nakakuha ng 4.6 / 5 na rating mula sa parehong Google Play Store at Apps Store at nakakuha din ito ng mahigit 10,000,000 plus install mula sa buong mundo. Ang mga manlalaro ay maaaring maging bahagi ng lumalagong mahiwagang mundo ng EverMerge at maging bahagi ng isang puzzle na bumubuo sa mundo. Ang bawat pagtuklas ng player ay tumutulong sa EverMerge na maging mas malaki. Sa EverMerge ang player ay maaaring maglaro ng walang limitasyon at maglaro ng mga sandbox-style na walang katapusang mga posibilidad at kumbinasyon. Ang mga pangunahing tampok ng EverMerge ay: ang mga manlalaro ay maaaring gumamit ng kanilang sariling diskarte, ang mga manlalaro ay maaaring maging Merge Master at bumuo ng kanilang sariling koleksyon, minahan at iba pa. Marami pang pwedeng matuklasan, at malaro sa mga espesyal na kaganapan. Ang larong ito ay sumusuporta din sa iba’t ibang mga wika gaya ng English, French, German, Japanese, Korean, Russian, Simplified Chinese, at Traditional Chinese. Kung kailangan ng mga manlalaro ng tulong, mahahanap nila ang EverMerge: Merge 3 Puzzle sa Facebook, Instagram, Tweeter sa pamamagitan ng username na evermerge at maaari ring manood ng EverMerge: Merge 3 Puzzle sa YouTube ang mga manlalaro, i-type lang ang www.youtube.com/c/EverMerg.

Layunin ng Laro ng Merge 3 Puzzle

Kailangang kumpletuhin ng player ng EverMerge ang puzzle quest para mahayag ang mga bagong lupain at mahanap ang mga bagong mergeable na item at para makilala ang mga klasikong karakter at nilalang. Dapat ding iangat ng mga manlalaro ang Cursed Fog sa itaas ng mga lupain sa EverMerge sa pamamagitan ng pagtutugma at pagsasama-sama ng parehong mga piraso ng kumpol.

EverMerge: Merge 3 Puzzle - Laro Reviews

EverMerge: Merge 3 Puzzle – Laro Reviews

Paano laruin ang App?

Para sa lahat ng bagong manlalaro ng EverMerge dapat alam nila ang dalawang uri ng item sa laro. Ang una ay ang Special Item. Ang item na ito ay maaaring mag-unlock ng mga character tulad ng maliit na sirena, ang mga manlalaro ay makakapag-unlock lamang kapag pinagsama nila ang mga Special item. Ang pangalawang item ay ang Resource item, ang item na ito ay makakatulong sa player na gumawa ng iba pang mga item at makapagtayo ng mga gusali tulad ng bato, puno, sprouts, barya, at rubi. Para mailipat ng mga manlalaro ang mga bagay, kailangan nilang hawakan ang mga ito gamit ang kanilang daliri o mouse kung nilalaro nila ito sa computer. Pagkatapos, nang hindi binibitawan ang bagay mula sa daliri ng manlalaro, nagagawang ilipat o i-drag ng manlalaro ang bagay sa lugar kung saan nila ito kailangan o upang pagsamahin. Ang karagdagang impormasyon ay ang pagsasama-sama ng 5 parehong item ay makakatulong sa player na makatanggap ng bonus item, ang player ay makakatanggap ng 2 bagong item sa halip na 1.

Paano Mag-download ng EverMerge: Merge 3 Puzzle?

Ayon sa pagsusuri ng Laro Reviews, ang EverMerge: Merge 3 Puzzle ay isang libreng electronic dance music game na pwedeng mai-download ng lahat. Para sa sinumang gustong maglaro ng EverMerge: Merge 3 Puzzle maaari nilang i-download ang laro sa parehong mga user ng Android at iOS. Para sa mga Android user, maaari nilang hanapin ang laro sa pamamagitan ng kanilang Google Play Store at para naman sa mga iOS users maaari nilang mahanap ang laro gamit ang App Store. Dahil ito ay isang libreng laro, hindi na kakailanganin ng mga customer na gamitin ang kanilang credit card para i-download ito maliban na lamang kung ikaw ay mag-aavail ng mga in-app purchases na kung saan makakatulong sa mga manlalaro na mapanalunan ang mga misyon o tasks. 

Download on Android https://play.google.com/store/apps/details?id=com.bigfishgames.mergetalesgoog

Download on iOS https://apps.apple.com/us/app/evermerge-merge-and-match/id1446344746

EverMerge: Merge 3 Puzzle - Laro Reviews

EverMerge: Merge 3 Puzzle – Laro Reviews

Mga Hakbang sa Paggawa ng Account para sa Merge 3 Puzzle

Para sa lahat na kailangang gumawa ng account para sa EverMerge: Merge 3 Puzzle, kapag na-download na nila ang laro kailangan nilang mag-sign up o mag-log in sa kanilang account. Para sa lahat ng user ng Android, maaari silang gumawa o mag-log in sa kanilang Google Play Store account habang para sa mga iOS user naman ay maaari silang gumawa o mag-log in sa kanilang Apple ID account.

Para sa mga Android user, ang kanilang mga device ay dapat na meron 5.0 o mas mataas na bersyon ng Android at dapat ay may sapat na espasyo para sa 129 MB.

Para sa mga gumagamit naman ng iOS, ang kanilang mga device ay dapat na 9.0 o mas bago at dapat ay may sapat na espasyo para sa 310.1 MB.

Related Posts:

My Cafe: Restaurant Management Review

Star Trek™ Fleet Command Review

Tips at Tricks sa Paglalaro ng EverMerge: Merge 3 Puzzle

Ang EverMerge: Merge 3 Puzzle ay tungkol sa pagsasama-sama ng iba’t ibang elemento. Kung ang manlalaro ay wala nang mga bagay na pagsasamahin pagkatapos ay wala na silang mga galaw. Samakatuwid, dapat matuto ang mga manlalaro ng iba’t ibang paraan kung paano kumuha ng iba’t ibang item para magsimulang kumonekta ang manlalaro, makakuha ng higit pang karanasan, at i-upgrade ang antas ng mga elemento. Narito ang ilang mga paraan upang makakuha ng mga bagong item. Ang una ay mangolekta ng mga item. Ang ilan sa mga item ay maaaring kolektahin ng manlalaro mula sa iba tulad ng kahoy, bato, at bronze shaving. Ang pangalawa ay kunin ang item mula sa iba pang chain. Ang pangatlo ay bilhin ang item mula sa merkado. Ang ikaapat na paraan ay sa pamamagitan ng pagbubukas ng mga baul at bag. Ang ikalima ay sa pamamagitan ng pagtuklas ng isang bagong lupain. Ang ikaanim ay mula sa koleksyon ng mga aerial object at ang huling paraan ay sa pamamagitan ng pagsali sa mga promo. Ang mga manlalaro ay makakahanap ng mga chest at bag mula sa pagbili sa market, araw-araw na chest, pag-kumpleto ng mga event, pagkuha ng mga bag ng pagkain para sa menagerie mula sa mga kastilyo, at sa pamamagitan ng pagkuha ng mga resource capacities mula sa mga minahan at resource facility.

EverMerge: Merge 3 Puzzle - Laro Reviews

EverMerge: Merge 3 Puzzle – Laro Reviews

Kalamangan at Kahinaan ng EverMerge: Merge 3 Puzzle

Napag-alaman ng Laro Reviews, maraming manlalaro ng EverMerge: Merge 3 Puzzle ang nasisiyahan dito dahil ito ay isang magandang laro upang magpalipas ng oras at hindi nagdudulot ng stress sa mga manlalaro. Madaling matutunan at maging pamilyar sa bawat bagay sa EverMerge. Ang mga graphics ng EverMerge: Merge 3 Puzzle ay maganda at kahanga-hanga. Hindi lang iyon, gustong-gusto ng mga manlalaro ang larong ito dahil suportado ito ng maraming iba’t ibang wika. Sa negatibong bahagi ng laro, maraming manlalaro ang nakakaranas ng patuloy na pag-crash ng game app na ito. Kahit na-update na nila ang EverMerge: Merge 3 Puzzle, patuloy pa rin itong nagsasara ng kusa kahit anong gawin nila, kahit na i-restart ang telepono, i-uninstall at i-install muli ang laro, nag-crash pa rin ito. Mabuti na tumugon ang mga developer sa mga reklamo at mungkahi ng mga customer, ngunit ang gusto ng mga manlalaro ay isang aksyon upang ayusin ang isyu.

Ang Pangkalahatang-ideya ng Laro

Ang EverMerge: Merge 3 Puzzle ay isang mahusay na larong puzzle na minamahal ng mga manlalaro lalo na sa mga mahilig sa mga puzzle. Mayroon itong magagandang graphics na mukhang napakakinis at maganda. Bukod sa isyu na nakikita ng mga manlalaro, ang larong ito ay may malaking potensyal na maging isang perpektong larong puzzle.

Laro Reviews

Leave a Comment

Categories
Latest Posts
Login
Loading...
Sign Up
Loading...