Punchy Race: Run & Fight Game Review

Punchy Race: Run & Fight – Ihanda ang iyong blob para sa isang malawakang laban sa loob ng arena! Upang maging mas maskulado, tumuon sa pagkolekta ng mga dumbbells na tugma sa kulay ng iyong blob. Huwag basta-basta makipaglaban at maging maingat sa pagkuha ng mga dumbbells para mag-level up dahil may iba pang blobs sa arena na nangongolekta rin para maging malakas. Kung ikaw ay nasa mas mataas na level kaysa sa kanila, maaari mong suntukin at talunin sila. Kung sapat na ang iyong level ay maaari mo na ngayong subukang labanan ang lahat ng mga blob na nagbabantay sa daan patungo sa final arena. Kailangan mo lamang mag-level up, lumakas, at makakuha ng maraming dumbbells hanggang matapos ang laro. Habang umuusad ka sa laro, ito ay nagiging mas nakakaaliw at nakalilibang laruin.

Ano ang layunin ng laro?

Ang pangunahing layunin ng Punchy Race: Run & Fight Game ay gawing mas malaki at mas malakas ang iyong blob upang manalo sa bawat level nito at ma-unlock ang mga karagdagang feature ng laro. Ang laro ay walang kahirap-hirap at may isang pangunahing layunin lamang, ito ay ang mangolekta ng mga kagamitan sa gym tulad ng mga maliliit na dumbbell na kusang nagre-respawn sa loob ng arena. Kokolektahin mo ang lahat ng dumbbells na tugma sa kulay ng iyong blob, mas maraming dumbbells ay mas magiging malakas ito. Maaari mong talunin ang iba pang blobs sa loob ng arena na nasa mas mababang level kaysa sa iyo. Halika at subukan ang larong ito na tiyak mong kahuhumalingang laruin!

Punchy Race: Run & Fight – Paano ito laruin?

Punchy Race: Run & Fight - Laro Reviews

Punchy Race: Run & Fight – Laro Reviews

Ang mekaniks ng laro ay simple at hindi komplikado. Hindi na kailangan ng tutorial dahil kahit ang mga baguhang manlalaro ay makakasabay sa takbo ng laro. Narito ang Laro Reviews upang bigyan ka ng ilang ideya tungkol sa kung ano ang maaari mong matuklasan sa larong ito. Upang mag-level up, ang kailangan mo lang gawin ay kunin ang lahat ng maliliit na dumbbells na tugma sa kulay ng blob. Upang kontrolin ang iyong blob, i-swipe lang ang iyong screen at itutok ito sa direksyon ng mga dumbbells.

Ang mga dumbbell ay patuloy na lalabas sa loob ng arena. Ang iba pang mga blob ay nangongolekta rin ng mga dumbbell upang maging mas malaki at mas malakas. Maaari kang makipag-clash sa iba pang mga blob, ngunit dapat ikaw ay nasa mas mataas na level kaysa sa kanila dahil kung hindi ay matatalo ka. Para manalo, dapat ikaw din ang unang makaabot sa final arena. Mayroong ilang mga blob na nagbabantay sa mga daanan patungo sa final arena, kaya ipagpatuloy mo lang ang pag-level up at pagkolekta ng dumbbells kung gusto mong matalo sila.

Kapag nakumpleto mo ang isang level, ang laro ay bibigyan ka ng coins bilang rewards. Maaari mo itong gamitin para bumili ng mga bagong skin, kulay, at sticker. Maaari mo ring makuha ang mga ito sa pamamagitan ng panonood ng ads. Ang gameplay ay nakatuon lamang sa pangongolekta ng mga item, pag-level up, at pagkumpleto ng mga level. Habang umuusad ka, lalong nagiging mahirap ang bawat level ng laro.

Paano i-download ang laro?

Ang mga kinakailangan para matagumpay na mai-download ang Punchy Race: Run & Fight Game sa Android devices ay dapat Android 5.0 o mas mataas pang bersyon ang gamit. Para sa iOS users naman, makukuha ito gamit ang iPhone 6s o mas mataas na iOS sa 11.0. Ang makukuhang space ng app para sa Android ay 78 MB at 359.6 MB naman para sa iOS.

Maaari ring i-click ang mga link sa ibaba upang mag-download:

Download Punchy Race: Run & Fight Game on Android https://play.google.com/store/apps/details?id=com.dopamine.punchyrace3d

Download Punchy Race: Run & Fight Game on iOS https://apps.apple.com/us/app/punchy-race-run-fight-game/id1566909216

Download Punchy Race: Run & Fight Game on PC https://www.mumuglobal.com/en/games/casual/punchy-race-run-fight-game-on-pc.html

Punchy Race: Run & Fight - Laro Reviews

Punchy Race: Run & Fight – Laro Reviews

Hakbang sa Paggawa ng Account sa Punchy Race: Run & Fight Game

  1. Hanapin ang anumang app store na makikita sa inyong mga device.
  2. Hanapin ang bersyon ng larong Punchy Race: Run & Fight Game. Pagkatapos ay i-download at i-install ito.
  3. Buksan ang app at direktang dadalhin ka nito sa laro. Hindi na kailangang i-link ang laro sa anumang mga account. Sa oras na inalis na ito sa mga device, hindi na masi-save ang progress ng laro.
  4. Maaari mo na ngayong umpisahan ang Punchy Race: Run & Fight Game!

Punchy Race: Run & Fight – Tips at Tricks sa Paglalaro

Ang Laro Reviews ay humanga sa pagiging simple ng laro ngunit challenging ang bawat level na binibigay nito sa mga manlalaro. Upang manalo sa laro, kailangan pa rin ng ilang mga diskarte. Narito ang ilang mga tip na maaaring magamit mo sa hinaharap. Maaaring naguguluhan ka sa una tungkol sa kung paano tumatakbo ang mga bagay dito. Upang makumpleto ang isang level, dapat mong maabot ang final arena at para magawa ito ay dapat mong i-level up nang i-level up ang iyong blob para labanan ang iba pang mga blob.

Ang iyong priyoridad ay ang makakolekta. Mangolekta ng mga dumbbell habang nag-iingat na hindi mabangga sa iba pang mga blob. Iwasan ang mas malalakas na blobs at pagkatapos ay mag-clash kapag nakita mong mas mataas ka kaysa sa kanila. Walang limitasyon sa kung ilan ang maaari mong makolektang dumbbells basta’t matalo mo ang iba pang mga blob na nagbabantay sa mga daanan patungo sa huling arena. Walang mga upgrade sa larong ito, magle-level up ka lamang sa pamamagitan ng pangongolekta ng dumbbells. Palagi kang nagsisimula sa level 1. Maaari ka ring bumili ng mga skin, blob, at sticker para naman gumanda o ma-customize ang iyong blob.

Related Posts:

Pull the Pin Review

Painter Master Review

Punchy Race: Run & Fight - Laro Reviews

Punchy Race: Run & Fight – Laro Reviews

Pros at Cons sa Punchy Race: Run & Fight Game

Ang Punchy Race: Run & Fight Game ay lubos na kapanapanabik at nagtatampok ng mga pangunahing mekaniks at kontrol na kahit ang mga baguhang manlalaro ay kayang makisabay agad sa takbo ng laro. Layunin mong mangolekta ng dumbbells para lumakas at lumaki ang iyong blob. Ito ay isang kamangha-manghang time-killer app na nagbibigay-daan sa mga manlalarong makapagpahinga o makapag-relax. Kahit na ito ay napakasimple, ito ay nagiging mas mahirap habang ikaw ay umuusad. Palagi kang magsisimula sa level 1 at habang lumalawak ang arena, mas maraming dumbbell ang muling lalabas ng sabay-sabay. Maaari ka ring makatagpo ng iba pang blobs habang tumatakbo at lumilibot sa paligid ng arena. Ang visual designs pati na rin ang mga nakakakalmang sound effects ay mahusay na nailapat sa maliliit na screen ng mga device. Naaangkop din ito para sa lahat ng edad at available para sa mga user ng Android, iOS, at PC.

Kahit na nakatanggap ito ng ilang positibong review mula sa ilang manlalaro, ang laro ay may mga isyu o problema pa rin. Kulang ito sa features at kakaunti lang ang iyong matutuklasan. Ang pagkakaroon lamang ng isang layunin sa buong laro ay nakakabagot at nakakasawa. Ang ilang mga manlalaro ay nakaranas din ng poor performance, mga malfunction, at mga problema tulad ng bug kapag nilalaro ito. Gayundin, maraming advertisement ang lumalabas sa gitna ng laro at hindi maaaring i-skip ng mga manlalaro. Dapat nilang bawasan ito para maging mahusay ang karanasan sa laro at magdagdag ng ilang mga pagbabago sa susunod na mga update para masiyahan din ang mga manlalaro. Upang gawin itong mas interactive at kalibang-libang, maaari silang maglagay ng mga karagdagang upgrade o hamon. Gayunpaman, maaari pa rin itong kapulutan ng kasiyahan para sa mga free-to-play na mga manlalaro dahil maaari kang makakuha ng mga reward sa pamamagitan lamang ng matiyagang panonood ng mga ad dito.

Konklusyon

Kailangan pa rin ng kaunting pagsasaayos ang laro lalo na sa gameplay performance nito. Ang performance ng laro ay naaapektuhan ng mga bug at mga advertisement na lumalabas sa gitna nito. Ang mga manlalaro ay maaari pa ring malibang at gawing pampalipas-oras ang paglalaro nito. Nagbibigay pa rin naman ito ng aliw at saya para sa mga manlalaro at ito ay libre lamang laruin kaya hindi na rin masama na subukan ito.

Laro Reviews

Leave a Comment

Categories
Latest Posts
Login
Loading...
Sign Up
Loading...