Poppy Rope Squid Playtime Review

Poppy Rope Squid Playtime – Ang Squid Game ay sumikat na series na nilikha ng bansang South Korea. Ito ay inilabas sa publiko noong Setyembre 17, 2021 sa Netflix at kalaunan ay nakilala sa buong mundo dahil sa pagkakaroon nito ng kakaiba at makapigil-hiningang mga eksena. Umiikot ang series na ito sa mga indibidwal na may malalaking pinagdadaanan pagdating sa pera. Dahil dito, ito ang nag-udyok sa kanilang sumabak sa isang kakaibang paligsahan kung saan sila ay maglalaro ng mga larong pambata kapalit ang premyong mag-aahon sa kanila sa problemang pinansyal. Simple man ang mechanics ng laro, buhay naman ang nakasalalay sa oras na matalo sila rito. 

Dahil sa pagiging patok ng korean series na ito, iba’t ibang larong hinango rito ang nagsilitawan upang muling maranasan ng mga manlalaro ang kakaibang thrill na pakiramdam at kung saan sila naman ang gaganap bilang kalahok. Isa na sa mga larong ito ay ang Poppy Rope Squid Playtime, isang action-role playing game na nilikha ng Zego Global Publishing kung saan ang ilang mga karakter at tema ng laro ay talagang katulad mula sa Squid Game. Ganun pa man, sinikap maging kakaiba ng laro dahil ang mga mission na narito ay malayo sa kung anong nasa loob ng nasabing series. May pagka-brutal at marahas din ang larong ito na talaga namang susubukin ang tapang ng lahat ng magtatangkang maglaro nito. 

Marami kang maaaring gawin sa larong ito dahil minabuti ng developer nito na siksikin ito ng iba’t ibang klaseng quest upang mapanatili ang pagkalibang ng bawat manlalaro. Sa larong ito, maaari kang maging isang hero at kalabanin ang sinasabing mga gangster sa Crime City gamit ang iba’t ibang abilidad gaya ng pag-atake gamit ang laser. Lumipad, tumalon sa matataas na lugar, sumabit sa kung saan na para bang isang gagamba. Talunin ang mga boss o villain dito kagaya ng isang doll na naging popular dahil sa Squid Game.

Poppy Rope Squid Playtime - Laro Reviews

Poppy Rope Squid Playtime – Laro Reviews

Features ng Poppy Rope Squid Playtime

Sa oras na simulan mo ang laro, dadalhin ka muna nito sa isang section kung saan nakahilera ang limang character na maaari mong gamitin dito. Kung baguhan ka pa lamang, isa lamang ang available na character para sa iyo. Marahil ang layunin ng laro ay ipakita muna sa iyo pansamantala ang mga karakter na maaari mo pang magamit kung magpapatuloy ka pa sa laro. Sa kabuuang bilang, lima ang character na narito at mayroon silang iba’t ibang skills, ability at type gaya ng common at epic. Ilan sa kanila ang nangangailangan pa ng pag-unlock gamit ang panonood ng ads o pera na mayroon ka sa laro.

Gaya nga ng sinabi ko sa itaas, hindi ka mauumay sa larong ito dahil siksik ito ng iba’t ibang quest na dapat malagpasan ng bawat manlalaro. Mayroong tatlong game mode ang Poppy Rope Squid Playtime gaya ng GTA Mode na para bang ito ang sinasabing normal sa laro, Boss Mode naman ang mahirap sa lahat dahil kailangan mong patayin ang itinuturing na villain dito. Panghuli ay ang Mission na kung ikukumpara sa dalawang nauna ay mas marami at mas mahaba. Bawat isa sa mga game mode na ito ay may nakalaang reward na kung ipagpapatuloy ay palaki ng palaki. Bukod pa rito, may daily reward pang ibinibigay ang laro na maaari mong magamit bilang pang-unlock sa iba pang feature ng laro.

Walang tutorial ang laro ngunit hindi ito maituturing na isang problema sa oras na laruin mo ito dahil hindi naman gaanong komplikado ang control na mayroon dito. Kahit walang nagtuturo sa iyo ay matututunan mo rin itong gamitin. Habang naglalaro, maaari mong i-explore ang control para sa laser, sa pagtalon, pagtakbo maging sa paggamit ng mga sapot ala-spiderman. Bukod pa rito, bagaman malawak ang lugar sa loob ng laro, hindi ka naman agad maliligaw dahil mayroong nilagay na map para rito kung saan makikita mo kung gaano ka na kalayo sa lugar kung saan dapat mong gawin ang iyong mission.

Saan maaaring i-download ang Poppy Rope Squid Playtime?

Ang Poppy Rope Squid Playtime ay nangangailangan lamang ng 109 MB sa iyong mobile phone bago ito mai-download. Kung nais mo itong laruin, i-click lamang ang link sa ibaba:

Poppy Rope Squid Playtime - Laro Reviews

Poppy Rope Squid Playtime – Laro Reviews

Download Poppy Rope Squid Playtime on Android https://apkpure.com/vn/poppy-rope-squid-playtime/com.poppyrope.squidplaytime22

Tips at Tricks sa Paglalaro ng Poppy Rope: Squid Playtime

Isa ang Poppy Rope Squid Playtime sa mga larong mas ma-eenjoy mo kung lalakbayin mo ito ng mag-isa lang at lalaruin mo ito ayon sa sarili mong kagustuhan. May iba’t ibang game mode. Iba’t iba rin ang level ng difficulty na paniguradong kakayanin mong malampasan. Gayunpaman, kung naghahanap ka ng simpleng tips para makapagsimula rito, narito ang Laro Reviews para sa’yo.

Kung pagdating sa bawat labanan, isang matalinong aksyon ang gamitin lamang dahil ang mga special ability ay limitado lamang sa laro gaya na lamang ng laser. Mainam na gamitin lamang ito nang may kasiguruhan at hindi basta-basta lamang upang hindi ito mabilis maubos. Maging matalino rin pagdating sa bawat pag-atake. Hindi mo kailangang mag-panic kung nagkataong malapit ka sa malaking kalaban. Mainam na umiwas muna rito at kapag nasiguro mo nang hindi ka na maaabot ng kalaban, doon mo ibigay ang buong lakas mo upang umatake. Gamitin ang superpower na maaari mong gamitin hanggang sa unti-unti mong maubos ang buhay ng kalaban.

Related Posts:

Gem Planet Merger – Diamond Winner Review

Ultimate Legend: Six Paths Review

Poppy Rope Squid Playtime - Laro Reviews

Poppy Rope Squid Playtime – Laro Reviews

Dahil na rin isa sa mga feature ng larong ito ang pagkakaroon ng open world, may pagkakataong isang pagsubok din ang maglakbay ng maglakbay para lamang makarating sa destinasyon mo. Kaya naman, habang nasa eroplano pa, isang magandang gawin na agad na hanapin kung saang lugar ka kailangang mag-land. Sa ganito, maiiwasan mo na rin ang mahabang oras sa paglalakad at paghahanap bago makapagsimula sa aktuwal na misyon.

Pros at Cons ng larong Poppy Rope

 

Dahil inspired ang laro na ito sa Squid Game, sigurado mo na agad na puno ang larong ito ng pagiging brutal at marahas. Mapapansin mo agad iyon sa mga challenge na inilagay para rito. Wala naman sanang problema rito ngunit tunay na hindi talaga para sa mga batang may edad 13 pababa ang larong ito dahil para bang ipinopromote ng ibang quest dito ang pumatay ng maraming tao, pasabugin ang mga kotseng dumadaan maging ang magnakaw. Kung sana ay mayroon silang warning para rito ay maiiwas agad ito sa mga batang magtatangkang maglaro nito.

Maganda ang laro at talagang nakakaaliw ngunit nakakaagaw ng pagkalibang dito ang mga ad na para bang ang pinakamisyon sa larong ito ay paramihan ng mapapanood na ads. Sisimulan mo pa lang ang laro sa pagpili ng character na iyong gagamitin ay bubusugin ka na agad nito sa ads. Mayroong ads din pagkatapos ng isang level at kung naisipan mo namang pindutin ang iba pang button gaya ng setting habang naglalaro ay panibagong ads na naman. Isang bagay pa rito ay kapag natalo ka at nais mong balikan ang laro para manalo, kailangan mong manood muli ng ads na para bang hindi ka pinilit ng larong manood nang manood nito. Masyado ring lag ang laro na talagang mapipilitan ka na lang na i-uninstall ito.

Konklusyon

Pinakilala ang larong ito bilang isang larong maaaring maaliw, ma-relax, at posibleng kaadikan ng bawat manlalaro. Hindi naman nagkamali ang developer sa parteng iyon dahil hindi naman talaga maitatangging kaakit-akit ang larong ito. Gayunpaman, ang masasabi ng Laro Reviews ay may ilan pa ring mga bagay na nasa loob ng larong ito na talagang dapat pang pagtuunan ng pansin at baguhin kung ang nais nila’y kagiliwan pa ito ng ilang manlalaro.

Laro Reviews

Leave a Comment

Categories
Latest Posts
Login
Loading...
Sign Up
Loading...