Hero Sky: Epic Clash Review

Ang kasikatan ng Clash of Clans ng Supercell ay nagbigay-inspirasyon sa maraming developer ng laro na lumikha ng parehong run-of-the-mill na mga laro. Ngunit ang ilan ay gumawa ng magandang clone ng laro. Inilabas ng SKYWALK, ang mobile puzzle game na Cut the Rope: BLAST, na may mahigit isandaang libong downloads. Inilabas din nila ang role-playing game na pinangalanang Angel Stone RPG, at nakaipon ito ng humigit-kumulang limang milyong downloads. Ang kanilang larong Hero Sky: Epic Clash ay may katulad na gameplay sa COC, kung saan kailangang buuin ng mga manlalaro ang kanilang base at ipagtanggol ito mula sa mga kalaban. Maaari rin nilang atakihin ang mga base ng iba pang mga manlalaro, ngunit maaari nilang palabasin ang skill ng kanilang mga hero upang makapagbigay ng mas malakas na pinsala.

Nagsisimula ang laro sa pagbati sa iyo ni Lena sa mundo at pagpapakilala niya sa iyo sa Hero na si Thor. Nadakip si Aria at ikinulong sa Underworld. Sa tulong niya, kailangan mong iligtas ang dalaga sa pamamagitan ng pagsira sa base ng iyong kalaban. At agad na umalis si Thor pagkatapos ng iyong misyon. Dahil wala ka nang hero, kailangan mong mag-summon ng iyong sarili. Ang pangunahing layunin ng larong ito ay ang pagbuo ng isang malakas na base na makakatagal sa mga pag-atake mula sa invading na kaaway. Buuin ang iyong mga hero at sanayin ang malalakas na troops na talunin ang iyong mga kalaban at sirain ang isa pang base.

Bago magsimula ang laro, kakailanganin mong i-download ang resources. Dito ay kailangan mong mag-sign in sa iyong account. Upang simulan ang misyon, i-click ang button na may espada sa kanang ibaba ng home screen. Makakakita ka ng isang mapang may iba’t ibang mga icon, at ang mga walang mga selyo ay bago. Matapos nito ay i-click ang start button kapag handa ka nang magsimula. Maaari mong i-tap o pindutin nang matagal ang mga icon para i-deploy ang iyong mga troop at hero. Para i-activate ang mga skill ng mga hero, pindutin ang icon sa itaas nila at tingnan kung gaano kalakas ang kanilang atake.

Hero Sky: Epic Clash - Laro Reviews

Hero Sky: Epic Clash – Laro Reviews

Features ng Hero Sky: Epic Clash

Base-building – Ang pagtatayo ng mga gusali ang pangunahing gameplay nito. Mag-uumpisa ka sa mga basic, at maari mo rin silang i-upgrade. 

Mga Hero – Ang mas malakas na unit na may iba’t ibang mga skill, at maaari mo silang i-summon sa Hero Altar. Ang mga ito ay batay sa mga hero mula sa mga alamat at mga diyos mula sa iba’t ibang kultura.

Troops – Maaari mong sanayin ang mga ito sa Barracks at maaari ka ring mag-deploy ng maramihang mga troop sa labanan.

Hermes’ Scouting – Sa mode na ito, kailangan mong atakihin ang mga base ng ibang manlalaro. Makakakuha ka ng mga tropeo at resources kung mananalo ka. Ngunit mawawalan ka ng mga tropeo kung sakaling matalo naman.

Winning Streak Challenge – Oras na para subukan ang iyong mga kakayahan sa pamamagitan ng pagwawagi sa magkakasunod na laban. Makakakuha ka ng mga reward sa pamamagitan ng winning streaks.

Mission – Ang casual mode ng laro kung saan kailangan mong makipaglaban para sa mga resource. Ang mga kalaban ay magiging hukbo ng Underworld ni Hades.

Saan Pwedeng I-download ang Hero Sky: Epic Clash?

Pumunta sa Google Play gamit ang iyong smartphone kung Android user ka o sa App Store kung Apple user ka, at ilagay ang Hero Sky: Epic Clash sa search bar. Dahil libre ang laro, i-click at i-install ito at hintaying mai-download.

Narito ang mga link kung saan mo maaaring ma-download ang laro:

Hero Sky: Epic Clash - Laro Reviews

Hero Sky: Epic Clash – Laro Reviews

Download Hero Sky: Epic Clash on Android https://play.google.com/store/apps/details?id=com.innospark.herosky

Download Hero Sky: Epic Clash on iOS https://apps.apple.com/us/app/hero-sky-epic-clash/id880060162

Download Hero Sky: Epic Clash on PC https://www.mumuglobal.com/en/games/strategy/hero-sky-epic-guild-wars-on-pc.html

Kung nais mong laruin ito sa PC, i-download muna ang MuMu emulator mula sa kanilang https://www.mumuglobal.com. Kumpletuhin ang access na kinakailangan sa Google Play at mag-sign in gamit ang iyong account, at pwede mo nang i-download ang laro at maranasan ito sa PC.

Tips at Tricks sa Paglalaro 

Tulad ng iba pang mga strategy game, kailangan mong pamahalaan ang iyong base upang maprotektahan sila mula sa pagsalakay ng mga kaaway. Ngunit hindi ito nagtatapos doon dahil kailangan mo ring gumawa ng magandang build para sa iyong mga hero. Kaya sundin ang tips mula sa Laro Reviews para sa mas masayang paglalaro.

Related Posts:

Auto Heroes Review

Clash of Kings: The West Review

Maraming mga paraan upang makaipon ng mga gem. Nagbibigay ang Mission Board ng mga Daily Mission, at nagbibigay ito ng ilang piraso araw-araw. Maaari ka ring mangolekta ng mga daily bonus sa mailbox, kaya suriin ang mga ito nang regular. Ang mga bato at mga puno ay maaaring maging sagabal sa pagtatayo ng iyong base. Ngunit kung minsan, maaari kang makakuha ng mga libreng gem kapag inalis mo ang mga ito. At kung mayroon kang sapat na mga gem, huwag gugulin ang mga ito upang mapabilis ang iyong mga gusali. Gamitin ang mga ito para sa mas mahahalagang bagay tulad ng pag-summon sa mga premium hero o pagbuhay sa iyong mga namatay na troop.

Kapag umaatake sa isang base, laging hanapin ang mga kanyon at iwasan ang mga ito hangga’t maaari. Ngunit kung minsan, sila ang iyong unang target bago sirain ang ibang mga gusali. Kailangan mong gawin ito upang makaiwas sa mga karagdagang pag-atake mula sa kanila. Kung gusto mong magkaroon ng magandang base layout, protektahan ang iyong mga Gold at Nectar Storage sa pamamagitan ng paglalagay ng mga ito sa loob ng iyong base. Ilagay ang mga kanyon at iba pang artillery sa panlabas na bahagi. Ngunit siguraduhing suriin ang kanilang range at ilagay ang mga ito malapit sa mahahalagang gusali.

Hero Sky: Epic Clash - Laro Reviews

Hero Sky: Epic Clash – Laro Reviews

Pros at Cons ng Hero Sky: Epic Clash

Ang laro ay may magandang graphics at orihinal na mga sprite. Kinopya ng ilang mga Clash of Clans clone ang mga gusali at ang mga sound effect mula sa orihinal. Ngunit gumawa ang larong ito ng mga sariling version ng mga bagay. Walang masyadong hero mula sa CoC, at wala silang anumang special skill, ngunit hindi sa larong ito dahil ang mga skill ng mga hero nito ay maaaring maglabas ng malakas na pinsala sa isang malaking lugar. Mahihikayat ka pang maglaro para sa mga gem dahil maaari mong i-summon ang mga ito sa Hero Altar sa isang gacha system. Ang upbeat na soundtrack at background music, gaya ng huni ng mga ibon, ay nagbigay ng payapang kapaligiran. Ang pamamahala sa iyong base ay maaaring maging relaxing.

Ngunit ang downside ng larong ito ay may limitasyon ito sa pagkuha ng mga resource. Ang maximum capacity ng Gold at Nectar Storage ay limitado lang sa 2,500 sa early game. Makakatanggap ka ng welcome gift kapag nagsimula ka na sa laro. Ito ay higit sa sampung libong Gold at Nectar, ngunit ang mga ito ay mawawalan ng bisa sa isang linggo. Kapag nasa maximum capacity na ang mga Storage, hindi ka na makakatanggap pa. Dahil sa limitation, maraming mga pagkakataon ang masasayang upang makaipon ng mga resource.

Konklusyon

Ang Hero Sky: Epic Clash ay nagbibigay ng bagong twist sa isang real-time strategy game. Hindi tulad ng Clash of Clans, mas marami silang hero at dagdag na skills. Marami itong potensyal, ngunit ang huling update ay noong 2020 pa. Dahil dito, iisipin ng mga manlalarong inabandona ng developer ang laro. Ngunit para sa Laro Reviews, isa pa rin itong disenteng clone ng CoC. Masisiyahan ka sa paglalaro nito hanggang sa ma-summon mo ang lahat ng mga hero.

Laro Reviews

Leave a Comment

Categories
Latest Posts
Login
Loading...
Sign Up
Loading...