Mobile Royale MMORPG – Build a Strategy for Battle Review

Inilabas ng IGG.COM ang isa sa mga kilalang strategy game tulad ng Lords Mobile: Tower Defense, Castle Clash: Guild Royale, at Clash of Lords series. May iba’t ibang pangalan at gameplay ang mga ito ngunit may mga magkatulad na base-building mechanics, ngunit ang kanilang role-playing game na Mythic Heroes: Idle RPG ay nakatuon sa mga hero at mga auto-battle. Ang kanilang iba pang strategy game na Mobile Royale MMORPG – Build a Strategy for Battle ay may katulad na gameplay ng pagbuo at pag-develop ng iyong kaharian gamit ang mga resource. Ito ay naging isang MMO dahil maaari mong tipunin ang mga ito, salakayin ang iyong mga kalaban, o kahit na mag-hunt ng mga halimaw sa isang napakalaking mundo kasama ng iba pang mga manlalaro.

Tungkol ang kwento ng laro sa paglalakbay ng iyong mga hero sa pagtatatag ng diplomatikong relasyon sa iba’t ibang clan, ngunit palagi silang ina-ambush ng mga ito. Kahit na palagi silang nagpapakilala at sinasabi ang kanilang intensyon na lumikha ng isang alyansa, ang unang galaw ng bawat clan ay umaatake sa sinumang tumuntong sa kanilang teritoryo. Habang pinamumunuan ng iyong mga hero ang iyong mga troop, kailangan mong alamin ang dahilan ng poot ng bawat clan upang gawin ang iyong diplomatikong relasyon sa kanila.

Para sa base-building, ang castle ang magiging puso ng iyong city. Maaari ka lang mag-unlock ng mga bagong gusali kapag na-upgrade mo ito. Upang magawa ito, i-click ang gusaling ito at pindutin ang upgrade button. Ngunit gawin lamang ito kung nakumpleto mo na ang lahat ng kinakailangang kondisyon at may sapat na resource. Sa mga tuntunin ng pag-atake sa malawak na mundo, maaari kang mag-click sa base ng iyong mga kaaway, at mayroon kang opsyon na salakayin sila o i-scout ang lugar. Maaari kang magkaroon ng hanggang apat na slots para sa mga hero at tatlo naman para sa mga troop bago pumasok sa labanan sa campaign mode. Maaari mo ring piliin kung anong uri ng atake ang maaaring gawin ng iyong dragon. I-click ang hero upang i-activate ang kanilang skill kapag napuno na ang kanilang mana, o maaari mong piliin ang auto mode at makita ang kanilang potensyal sa labanan. Ang pagpindot sa icon sa kaliwang ibaba ay magpapagana sa kapangyarihan ng dragon.

Mobile Royale MMORPG - Laro Reviews

Mobile Royale MMORPG – Laro Reviews

Features ng Mobile Royale MMORPG – Build a Strategy for Battle

Mga Hero – Sila ang mas malalaking yunit na may mga active at passive skill. At maaari lamang silang makilala bilang cavalry, infantry, o ranged. Maaari mo silang i-summon at i-promote gamit ang kanilang mga soulstone.

Troops – Ito ang mas maliliit na unit na lumalaban sa isang grupo, at sila ay nakilala rin bilang cavalry, infantry, o ranged. Maaari silang gumawa ng formation depende sa kung aling mga uri ang pinakamarami mong ide-deploy. Halimbawa, Shield Wall para sa karamihan ng infantry, Charge para sa karamihan ng kabalyeryo, at Barge kung karamihan ay nasa range.

Dragon – Lumilikha sila ng isang malakas na pag-atake na tinatawag na Dragonstance. Bawat isa sa mga ito ay may iba’t ibang mga buff na nagbibigay ng mga benepisyo sa alinman sa ekonomiya o militar.

Saan pwedeng i-download ang Mobile Royale MMORPG – Build a Strategy for Battle?

Pumunta sa Google Play gamit ang iyong smartphone kung Android user ka o sa App Store kung iOS user ka, at ilagay ang Mobile Royale MMORPG – Build a Strategy for Battle sa search bar. Dahil libre ang laro, i-click at i-install ito at hintaying mai-download.

Narito ang mga link kung saan mo maaaring ma-download ang laro:

Download Mobile Royale MMORPG – Build a Strategy for Battle on Android https://play.google.com/store/apps/details?id=com.igg.android.mobileroyale

Download Mobile Royale MMORPG – Build a Strategy for Battle on iOS https://apps.apple.com/us/app/mobile-royale-kingdom-defense/id1442047697

Mobile Royale MMORPG - Laro Reviews

Mobile Royale MMORPG – Laro Reviews

Tips at Tricks sa Paglalaro 

May dalawang paraan upang lumikha ng isang makapangyarihang city. Maaari mong piliin ang Pay-to-win at gamitin ang iyong totoong pera sa isang larong pagsasawaan mo rin balang araw. Ang iba pang paraan ay sa pamamagitan ng pag-grind ng mga resource at paglikha ng isang strategy. Narito ang ilang tips mula sa Laro Reviews para sa mga free-to-play player na ayaw gumastos ng pera sa paglalaro.

Related Posts:

Stick War 3 Review

Bloons TD Battles Review

Mag-invest sa mga tamang hero

Hindi ka laging magkakaroon ng sapat na resources para sa pag-level up ng iyong mga hero, at kakailanganin mong maghintay ng maraming oras upang i-promote ang mga ito. Kaya unahin ang mga hero na may mga kapakipakinabang na buff kaysa sa magagandang disenyo ng karakter.

Gamitin ang lahat ng mga welcome item

Ang mga bagong manlalaro ay makakatanggap ng mga item na magbibigay sa iyo ng isang libo hanggang isandaang libong resources. Kaya palaging suriin ang iyong bag at i-click ang mga resource at gamitin ang mga ito.

Bonus sign-in

May isang gusali sa iyong city na may treasure icon sa ibabaw nito. Tiyaking suriin ang mga ito pagkatapos ng ilang minuto dahil maaari kang mag-claim ng mga libreng reward.

Lokasyon ng city

Ang paglalagay ng iyong city malapit sa mga resource ay isang malaking advantage dahil mas kaunting oras lang ang aabutin para i-deploy ang iyong mga hukbo.

Pagsali sa guild

Maraming benepisyo ang guild. Maaari kang mag-request sa mga miyembrong pabilisin ang iyong pagbuo o pag-upgrade ng iyong gusali at kunin ang mga guild box. Siguraduhing sumali sa mga aktibong guild upang makuha ang mga ganitong benepisyo.

Mobile Royale MMORPG - Laro Reviews

Mobile Royale MMORPG – Laro Reviews

Pros at Cons ng Mobile Royale MMORPG – Build a Strategy for Battle

Ang laro ay maaaring may katulad na gameplay ng base-building at hero-collecting, ngunit mayroon itong namumukod tanging graphics. Ang Mobile Royale MMORPG – Build a Strategy for Battle ay nagmumukhang isang high-end computer game dahil sa mataas na kalidad na disenyo ng city at ng iyong mga hero. Masisiyahan ka pa sa panonood ng cinematic cutscene ng labanan sa pagitan ng paladin at beastkin (ang terminong ginamit para sa kanilang mga kaaway). Gayundin, kung cutscenes ang pag uusapan, magagandahan ka sa idle at summoning animation ng mga character. Maaari mo ring makuha ang mga ito sa pamamagitan ng soulstones at hindi sa pamamagitan ng gacha system. Ibig sabihin nito ay hindi mo kakailanganin ang swerte para makuha ang iyong mga hero ngunit sa pamamagitan ng pag-grind o pera. Nakakabilib din kung gaano sila ka detalyado sa pagpapakita ng impormasyon ng mga manlalaro. Maaari mong suriin ang lahat ng mga boost sa City Effects. Ang laro ay mapagbigay din sa mga bagong manlalaro dahil makakatanggap ka ng mga item na magbibigay sa iyo ng food, woods, at stones. Dahil dito, nakakuha ako ng isang milyong pagkain at mahigit sa daang libong iba pang resources.

Ngunit ang ilan sa mga feature nito ay inconvenient. Ang susunod na season ng arena sa ibang mga laro ay palaging nagsisimula tuwing natatapos ang una. Ngunit sa larong ito, hindi laging available ang arena. Magtatagal din ang pag-promote ng mga hero. Ngunit sa iba pang mga laro, kailangan mo lang ng mga sapat na soulstone at resources upang agad na mai-promote ang mga ito.

Konklusyon

Inirerekomenda lamang ng Laro Reviews ang larong ito para sa mga player na may mga high-end device. Kung walang sapat na RAM ang iyong telepono, asahan ang maraming pag-crash. Ang larong ito ay maaaring makipagsabayan sa iba pang base-building at MMORPG at mahigitan ang mga ito gamit ang mga de-kalidad na graphics, ngunit hindi gaano sa originality. Masisiyahan ka sa larong ito sa una. Ngunit kung hindi ka fan ng pagga-grind ng mga resource at pagkolekta ng mga hero, maaaring hindi ito para sa iyo. Gayundin, kung ikaw ay mahilig sa ganitong genre, maaari mong i-download ang laro nang libre ngunit asahan ang maraming in-app purchases.

Laro Reviews

Leave a Comment

Categories
Latest Posts
Login
Loading...
Sign Up
Loading...