Maraming mga sumikat na first-person shooting game sa mobile. Isa na rito ang Standoff 2 ng AXLEBOLT LTD dahil nakaipon ito ng mahigit 50 milyong download. Kailangan mong pumanig sa terrorist o sa counter-terrorist at talunin ang iyong mga kalaban. Maraming mga kakumpitensya ang larong ito dahil sa kapareho nilang mga gameplay at mechanics. Magiging kasing ganda kaya nito ang iba pang FPS mobile game?
Dahil marami itong mga mode ng laro, magkakaroon sila ng iba’t ibang layunin rito. Gayunpaman, iisa lamang ang iyong magiging target. Kung pipiliin mong maging isang terrorist, kailangan mong barilin ang counter-terrorist at vice-versa. Ipaliliwanag ng Laro Reviews ang mode ng laro nito sa “Features of Standoff 2”.
Customizable ang mga kontrol sa larong ito. Ililipat ng joystick sa kaliwang screen ang iyong karakter sa anumang direksyon. Kapag pinili mo ang Free Touch, lilitaw ang button sa kung saan mo ito pindutin. Mananatili ito sa parehong posisyon kung gagamitin mo ang Fixed na opsyon, at susundan nito ang iyong hinlalaki kung pipiliin mo ang Floating na opsyon. Maaari mong i-double tap ang screen o pindutin ang nakatalagang button para tumalon ang iyong karakter. I-tap ang button na may icon ng bala o ang shooting zone sa itaas ng iyong joystick para barilin ang iyong mga kaaway. Panghuli, maaari kang yumuko sa pamamagitan ng pagpindot sa button sa kanang ibaba o piliin ang toggle na opsyon upang kusa itong gawin.
Contents
Features ng Standoff 2
Team Death Match – Magkakaroon ng dalawang teams na may hanggang limang miyembro sa mode na ito. Ang bawat manlalaro ay may sampung minuto upang pumatay hangga’t kaya nila. Ang koponang may pinakamaraming napatay ang mananalo.
Competitive Mode – Ito ay may parehong layunin ng defuse mode. Gayunpaman, kakailanganing bumili ng mga player ng kagamitan tulad ng helmet, vest, at defuse kit. Magkakaroon ng sampung round sa mode na ito at magpapalit sila ng team sa huling round.
Allies Mode – Mayroon lamang apat na manlalaro sa mode na ito, kaya may dalawang miyembro sa bawat team. Ito ay katulad ng Competitive Mode ngunit may 15 rounds.
Defuse – Bago simulan ang laro, maaaring piliin ng mga manlalaro ang kanilang panig. Gayunpaman, ang mga magkalabang koponan ay may iba’t ibang layunin. Ang Terrorist ay kailangang magtanim ng mga bomba mula sa dalawang site, ngunit kailangan nilang protektahan ang mga ito mula sa pag-defuse. Maaari rin silang manalo kung mapatay nila ang lahat ng players sa kabilang koponan. Kailangang pigilan ng counter-terrorist ang kanilang kalabang magtanim ng bomba. Ang iba pang paraan upang manalo ay ang pag-defuse ng bomba o patayin ang lahat ng mga Terrorist.
Training – Binibigyang-daan ka ng mode na itong mag-practice ng iyong pag-aim sa mapa ng Polygon. Dahil nagsasanay ka, maaari mong gamitin ang lahat ng mga baril nang libre.
Escalation – Ito ay magiging kapareho ng Defuse mode. Gayunpaman, ang mga bomba ay nakatanim na. Kailangang ipagtanggol ito ng mga Terrorist, habang ang kabilang koponan ay kailangang i-defuse ang bomba. Mapupunta sa mga Terorrist ang point kapag nabigo silang gawin ito. Maaaring piliin ng mga manlalaro ang kagamitan sa simula ng bawat round.
Arms Race – Mayroon pa ring dalawang koponan sa mode na ito, ngunit isa lamang ang maaaring manalo. Para magawa ito, kailangang patayin ng bawat isa sa kanila ang kanilang kalaban gamit ang bawat sandata sa laro.
Arcade – Sa mode na ito, paramihan ng mga napatay na kalaban ang labanan. Ang team na may pinakamaraming napatay ang siyang panalo. Ang pagkakaiba sa pagitan ng mode na ito at ng Team Death Match ay ang labanan ay nagaganap sa mga mapa ng Defuse.
Saan pwedeng i-download ang Standoff 2?
Pumunta sa Google Play Store gamit ang iyong smartphone kung Android user ka o sa App Store kung iOS user naman, at ilagay ang Standoff 2 sa search bar. Dahil libre ang laro, i-click ito at i-install, at hintaying mai-download ito.
Narito ang mga link kung saan mo maaaring ma-download ang laro:
Download Standoff 2 on Android https://play.google.com/store/apps/details?id=com.axlebolt.standoff2
Download Standoff 2 on iOS https://apps.apple.com/us/app/standoff-2/id1359706682
Download Standoff 2 on PC https://www.bluestacks.com/apps/action/standoff-2-on-pc.html
Kung nais mong laruin ito sa PC, i-download muna ang BlueStacks emulator mula sa kanilang https://www.bluestacks.com. Kumpletuhin ang access na kinakailangan sa Google Play Store at mag-sign in gamit ang iyong account, at pwede mo nang i-download ang laro at maranasan ito sa PC.
Tips at Tricks sa Paglalaro
Magiging mahirap ito para sa mga baguhang manlalarong hindi man lang marunong maglaro ng mga FPS game. Gayunpaman, ang Laro Reviews ay magbibigay ng ilang tips upang makatulong na maging mas mahusay dito.
Magsanay sa Training mode
Ang accuracy ang susi sa pagpatay sa iyong mga kaaway. Kaya mag-practice sa pag-aim sa lugar na ito, at pagalawin ang iyong mga target upang ma-emulate nila ang karanasan ng pagbaril sa iyong mga kaaway. Gamitin ang bawat baril sa mode na ito para malaman kung gaano sila kahusay sa labanan.
Related Posts:
LINE Rangers x RoR Tie-Up! Review
FOG – MOBA Battle Royale Game Review
Maging pamilyar sa mapa
Ito ang pangunahing bagay na dapat isaalang-alang kapag naglalaro sa arena. Ang alamin ang bawat sulok ng lugar ay magbibigay sa iyo ng isang advantage dahil alam mo kung saan pupunta. Maaari mo ring tingnan ang mapa sa kaliwang itaas ng iyong screen.
Laging sumama sa iyong team
Mapanganib sumabak sa laban nang mag-isa, kaya siguraduhing sundan ang sinuman sa iyong team. Dahil dito, maaari mong tulungan at alertuhin ang isa’t isa kapag may papalapit na kalaban.
Manatiling nakatago hangga’t maaari
Magiging mapanganib kung lagi kang nasa labas dahil makikita ka ng mga kalaban. Hindi mo kailangang magtago hanggang matapos ang round, ngunit kailangan mong maging aware sa iyong paligid kapag lumilipat sa ibang lugar. Maaari kang maging target ng sniper kung maglalakad ka sa open field, kaya mag-ingat sa mga paparating na mga bala.
Pros at Cons ng Standoff 2
Mayroon itong simpleng kontrol, at maaari mo ring i-customize ang mga ito. Bibihirang makakita ng nakatalagang shooting zone sa mga ganitong laro, ngunit hindi ito mahirap matutunan. Hindi ka maiinip sa laro dahil marami itong mga mode. Ang Arcade at ang Arms Race ang pinakanagustuhan ko rito dahil makakapag-shoot ka ng maraming kalaban hangga’t kaya mo, at ang mabilis na pace ng mga mode na ito ay nakakapanabik.
Dahil ito ay isang online game, hindi imposibleng makatagpo ng mga toxic player. Aatakehin ka ng ilan sa kanila sa pamamagitan ng pag-spam ng mga slur na salita at pagmumura. Maaaring makita at ma-censor ng ibang mga laro ang anumang hindi naaangkop na salita, ngunit hindi sa larong ito. Nakakita ako ng dalawang magkaibang cuss words na ipinadala ng isang tao dahil lang palagi akong namamatay sa laro. Maaari mong i-block ang mga ito, ngunit hindi ito sapat dahil hindi mo maaaring i-report ang mga manlalaro. Maaaring maging hindi balanse ang matchmaking, dahil hindi nito malilimitahan ang mga manlalaro kahit na ang ibang koponan ay nangangailangan ng higit pang mga miyembro. Halimbawa, magkakaroon ng 5 vs. 2 na laban. Hindi ito magiging patas dahil ang koponang may mas maraming bilang ay may advantage sa isang labanan.
Konklusyon
Ang Standoff 2 ay maaaring makipagkumpitensya sa iba pang mga FPS game dahil sa mataas na kalidad ng graphics nito at madali itong kontrolin. Ang mga manlalaro ay hindi magsasawa sa katagalan dahil marami kang mga game mode na pwedeng laruin. Gayunpaman, kakailanganin mong magkaroon ng high-end mobile phone para ma-enjoy ang maayos na gameplay. Kung naghahanap ka ng isa pang larong FPS, ito ay para sa iyo.
- 0 Comment
- Casual Game Apps, Reviews
- April 27, 2022