Ace Defender: Dragon War Review

Ang Ace Defender: Dragon War ay isang madiskarteng role-playing game na magdadala sa iyo sa isang kapanapanabik na sagupaan laban sa mga halimaw, dragon, orc, at iba pang sinaunang nilalang na nagbabantang lulupigin ang kaharian. Protektahan ang iyong mga kaibigan habang naglalakbay sila pabalik sa Sky City. Ilabas ang iyong mga mandirigma para labanan ang mga kalaban. May mga grupo ng mga halimaw ang gumagala sa kaharian at tungkulin mong ipagtanggol ito!

Ano ang Layunin ng Laro?

Ang pangunahing layunin ng mga manlalaro ay protektahan at huwag hayaang makapasok ang mga kalaban sa kaharian. Dapat mong pag-isipang mabuti kung saan mo ilalagay ang iyong mga hero sa mga active spot. Dapat kang bumuo ng mga diskarte upang matalo ang lahat ng mga halimaw na nagbabanta sa iyong mga kaibigan at sa kaharian. Upang matagumpay mong maprotektahan ang lahat mula sa banta ng mga kalaban, dapat mong isaalang-alang ang pagpapalakas ng iyong mga pwersa. Ang mga kalaban ay hindi magdadalawang isip na patayin ang iyong mga kaibigan, kaya gawin ang lahat ng iyong makakaya upang talunin silang lahat.

Ace Defender: Dragon War - Laro Reviews

Ace Defender: Dragon War – Laro Reviews

Paano Ito Laruin?

Narito ang Laro Reviews upang magbigay ng buod ng mekaniks ng laro. Sa totoo lang, ang laro ay simple at madali lamang makabisado. Sa unang bukas mo ng app, idadala ka mismo nito sa digmaan at mayroon kang isang cute na kaibigang engkanto na nagngangalang Angelia na tutulong sa iyo. Bibigyan ka lamang ng dalawa hanggang tatlong karakter na mapagpipilian sa mga unang yugto ng laro, ngunit habang umuusad ka, magagawa mong i-unlock at makakuha ng iba pang mga karakter.

Sa buong laro, makikita mo ang mga active spot na kung saan ay maaari mong ilagay ang iyong mga hero at dapat mayroon kang sapat na ginto para magawa ito. Sa una, maaari ka lamang maglagay ng isang karakter at habang ikaw ay nakikipaglaban, magkakaroon ka ng gintong maaari mong gamitin para makapaglagay muli ng mga hero sa mga active spot. Maaari mo ring palitan o alisin ang mga ito sa lugar na iyon. Ang mga kalaban ay patuloy na lalapit sa iyong mga kaibigan at sa kaharian at mapipigilan mo lamang sila kung matagumpay mong matatalo ang mga ito.

Mayroon ding mga misyon, achievements, at daily rewards kung saan maaari kang mag-claim ng mga karagdagang bonus at items. Kung gusto mong mabilis na mag-rank up, dapat ay madalas mo itong laruin. Kakailanganin mo ng sapat na Gold at Hero EXP para i-upgrade ang iyong mga hero, pati na rin ang Breakthrough Stone para patuloy mong ma-level up ang ang mga ito. Maaari kang makakuha ng mga item tulad ng mga armor, armas, at boots sa pamamagitan ng pag-clear ng mga level na maaaring magamit ng iyong mga karakter upang mapataas ang kanilang mga istatistika.

Paano I-download ang Laro?

Ace Defender: Dragon War - Laro Reviews

Ace Defender: Dragon War – Laro Reviews

Ang mga kinakailangan para matagumpay na mai-download ang Ace Defender: Dragon War sa Android devices ay dapat Android 5.0 o mas mataas pang bersyon ang gamit. Para sa iOS users naman, makukuha ito gamit ang iPhone 6s o mas mataas na iOS sa 10.0. Ang makukuhang space ng app para sa Android ay nag-iiba sa device at 306.5 MB naman para sa iOS.

Maaari ring i-click ang mga link sa ibaba upang mag-download:

Download Ace Defender: Dragon War on Android https://play.google.com/store/apps/details?id=hk.aceplaying.defender

Download Ace Defender: Dragon War on iOS https://apps.apple.com/us/app/ace-defender/id1556005348

Download Ace Defender: Dragon War on PC https://www.bluestacks.com/apps/role-playing/ace-defender-on-pc.html

Hakbang sa Paggawa ng Account sa Larong Ace Defender: Dragon War

  1. Hanapin ang anumang app store na makikita sa inyong mga device.
  2. Hanapin ang bersyon ng larong Ace Defender: Dragon War pagkatapos ay i-download at i-install ito.
  3. Buksan ang app at i-connect ito sa iyong Facebook, Email, o Google Play account.
  4. Ang data ng laro ay maiingatan o masi-save kung ili-link mo ito sa isang account.
  5. Maaari mo na ngayong umpisahan ang paglalaro ng Ace Defender: Dragon War!

Tips at Tricks sa Paglalaro ng Ace Defender: Dragon War

Gaya ng naunang nasabi, ang Ace Defender: Dragon War ay isang madiskarteng role-playing game kung saan dapat kang gumawa ng mahusay at madiskarteng paraan upang talunin ang lahat ng kalabang lumalapit sa iyong base. Ang mga kalaban dito ay patuloy lamang na susugod at dadaan sa iyong mga hero, at mapipigilan lamang kung sila ay ganap na matalo mo. Kaya, ang Laro Reviews ay naghanda ng ilang payo o ideya para sa iyo upang manalo sa mga yugto.

Ace Defender: Dragon War - Laro Reviews

Ace Defender: Dragon War – Laro Reviews

Piliin at ayusin ang iyong mga bayani sa mga kritikal na lugar dahil bibigyan ka lamang ng sapat na ginto para makabili ng isang hero sa umpisa at kailangan mo muna itong ilagay sa isang mahirap na lugar kaya mas mainam kung ilalagay mo ito sa gitna. Magagawa mong maglagay ng isa pa kung sapat na ang iyong ginto. Pagkatapos nito, kapag nakita mong nag-iilaw ang mga spot, ipinapahiwatig nito na maaari ka nang maglagay ng mga hero. Sa sandaling iyon, dapat kang magpasya kung aling karakter ang gagamitin at kung saan ito ilalagay. Dapat kang maglagay ng isang malakas na hero sa dulo upang maaari pa ring atakihin ito habang ito ay nasa saklaw nito.

Related Posts:

OPG: Treasure Island Review

Dark Nemesis: Infinite Quest Review

I-upgrade ang iyong mga hero stats para lumakas ang iyong team dahil habang umuusad ka sa laro ay lumalakas din ang mga kalaban. May mga item na maaari nilang i-equip para sa karagdagang kapangyarihan. Bukod dito, magpakawala ng mga special attack nang tama sa tamang oras dahil kailangan mong maghintay ng sapat na mana upang maisagawa ang mga ito. Huwag kalimutang tugunan ang mga task at mag-claim ng mga gantimpala para sa pagkumpleto nito.

Pros at Cons sa Paglalaro ng Ace Defender: Dragon War

Ang larong Ace Defender: Dragon War ay tinutugunan ng maayos ang pagbibigay ng mga kapanapanabik at kamangha-manghang labanan ng mga kakaibang nilalang. Hindi lamang ito isang karaniwang strategic role-playing game. Mayroon itong ilang features na maaari mong tuklasin, at habang pinag-aaralan mo pa ang mekaniks nito ay mas lalo itong nakakaengganyong laruin. Ang visual animation effects at audio effects ay mahusay na nailapat sa maliit na screens ng smartphone devices, na nagbibigay ng mas makatotohanang karanasan para sa mga manlalaro. Ang mga visual na kontrol ay maayos at madaling gamitin. Kapag naging mahirap ang sitwasyon, maaari kang umasa sa iyong mga special attack. Kapuri-puri ang galaw ng mga karakter lalo na kung paano sila umatake laban sa mga halimaw.

Maraming iba’t ibang mga karakter na maaaring pagpilian sa buong laro. Maaari mo ring i-upgrade ang kanilang mga istatistika at makakuha ng mga armor, armas, at bota na nakukuha sa pamamagitan ng pagkumpleto ng isang yugto. Ang pag-equip ng mga bagay ay nagpapataas din ng kanilang lakas sa pag-atake. Kahit na ang laro ay nakakatanggap o nakakakuha ng positibong feedback, ang ilang mga user ay nag-uulat ng glitches at isyu kapag naglalaro. Dapat suriin at subukan ng mga developer na lutasin ang problemang ito. Higit pa rito, nagiging mapilit ang laro at hinihimok kang gumamit ng mga in-app purchase para sa mga item na magpapalakas sa iyong account. Dapat mayroong iba pang paraan para sa mga mapagkukunan ng mga item na kailangan sa pag-upgrade sa halip na tumuon lamang sa pagkakakitaan ang laro.

Konklusyon

Ang larong ito ay karapat-dapat na makatanggap ng papuri para sa mga kamangha-manghang tampok at performance nito, gayunpaman, mayroon pa ring mga isyu na dapat matugunan sa lalong madaling panahon. Magiging kapakipakinabang din kung bubuo sila ng mga paraan para sa resources na kailangan sa pag-upgrade upang ang mga free-to-play na manlalaro ay hindi mawalan ng gana sa paglalaro.

Laro Reviews

Leave a Comment

Categories
Latest Posts
Login
Loading...
Sign Up
Loading...