Age of Z Origins: Tower Defense

Magandang araw, Kumander! Ang lungsod ay nasa mataas na alerto na ngayon, at ang sibilisasyon ng tao ay nasa bingit ng pagkalipol! Tungkulin mong ibalik ang sangkatauhan sa planetang ito. Bumuo ng mga alyansa upang palakasin ang kakayahan ng iyong mga tropa na ipagtanggol ang lupain at alisin ang anumang mga zombie na nagpupumilit na lupigin at ubusin ang sangkatauhan. Ang Age of Z Origins: Tower Defense game ay magdadala sa iyo sa isang makatotohanang 3D visuals ng metropolis na iyong ipagtatanggol at muling palalaguin. Maghanda upang salakayin ang mga zombies na sumasakop sa lupain upang mapanatili ang sangkatauhan!

Ano ang Layunin ng Laro?

Ang pangunahing layunin ng mga manlalaro ay ipagtanggol ang siyudad at ibalik ang sibilisasyon ng tao mula sa zombie invasion. Ikaw ay mapupunta sa isang lugar sa siyudad at matatalaga bilang pinuno ng mga pwersa. Mangunguna ka sa isang pulutong upang labanan ang mga mananakop at magsumikap na muling itayo ang lungsod. Gamitin ang mga armas at tank sa pinakamabisang pamamaraan at pigilan ang mga kalaban na maabot ang iyong mga base.

Age of Z Origins: Tower Defense - Laro Reviews

Age of Z Origins: Tower Defense – Laro Reviews

Paano Ito Laruin?

Narito ang Laro Reviews upang ibahagi ang mga pangunahing kaalaman at bigyan ka ng pangkalahatang impormasyon tungkol sa laro. Kapag sinimulan mo ang laro, sasalubungin ka ng isang magandang babae na nagngangalang Ginger. Ipapakita niya sa iyo ang mga features at mekaniks ng laro. Sa una, ipapakita niya sa iyo kung paano bumuo ng mga establisyimento na kailangan mo sa buong laro. Binubuo ito ng Main Hall, Tower Defense Post, Factory, Oil Refinery, at iba pang istruktura.

Upang mapalawak ang bilang ng mga tropa sa lungsod, kakailanganin mong mag-recruit ng infantry. Ang Tower Defense Post ay gumaganap bilang isang network ng mga defense tower na matatagpuan sa labas ng lungsod upang matiyak na ang lungsod ay hindi nababalot ng mga zombies. Mayroong dalawang mode ang laro: Classic at Infinite Zombies. Kapag pinindot mo ang Tower Defense Post, magagawa mong pumili sa pagitan ng dalawang mode at protektahan ang lungsod sa pamamagitan ng pagtatayo ng mga tore, baril, at tangke.

Maaari kang mag-recruit o kumuha ng mga sasakyan mula sa Factory. Maaari mo ring pagandahin ito pati na rin ang mga establisyemento ng lungsod. I-tap lang ang mga ito para makita ang mga opsyon. Dito, dapat kang gumawa ng Farm upang matiyak ang pagtustos ng pagkain sa lungsod. Mayroon ding mga misyon na maaari mong gawin upang makakuha ng mga gantimpala at kagamitan na makakatulong sa iyo sa muling pagtatayo ng lungsod at pagpapalakas ng iyong hukbo. 

Paano I-download ang Laro?

Age of Z Origins: Tower Defense - Laro Reviews

Age of Z Origins: Tower Defense – Laro Reviews

Ang mga kinakailangan para matagumpay na ma-download ang Age of Z Origins: Tower Defense sa Android devices ay dapat Android 5.0 o mas mataas pang bersyon ang gamit. Para sa iOS users naman, makukuha ito gamit ang iPhone 6s o mas mataas na iOS sa 9.0. Ang makukuhang space ng app para sa Android ay 49 MB at 964.6 MB naman para sa iOS.

Maaari ring i-click an mga links sa ibaba upang mag-download:

Download Age of Z Origins: Tower Defense on Android https://play.google.com/store/apps/details?id=com.camelgames.aoz

Download Age of Z Origins: Tower Defense on iOS https://apps.apple.com/us/app/age-of-z-origins-tower-defense/id1376515087

Download Age of Z Origins: Tower Defense on PC https://www.bluestacks.com/apps/strategy/age-of-z-on-pc.html

Hakbang sa Paggawa ng Account sa Larong Age of Z Origins: Tower Defense

  1. Hanapin ang anumang app store na makikita sa inyong mga device.
  2. Hanapin ang bersyon ng larong Age of Z Origins: Tower Defense pagkatapos ay i-download at i-install ito.
  3. Buksan ang app at i-connect ito sa iyong Google Play account.
  4. Ang data ng laro ay maiingatan o masi-save kung ili-link mo ito sa isang account.
  5. Maaari mo na ngayong umpisahan ang paglalaro ng Age of Z Origins: Tower Defense!
Age of Z Origins: Tower Defense - Laro Reviews

Age of Z Origins: Tower Defense – Laro Reviews

Tips at Tricks sa Paglalaro ng Age of Z Origins: Tower Defense

Ang Age of Z Origins: Tower Defense ay hindi lamang karaniwang turn-based na strategy game. Marami itong features na hindi lamang nakatuon sa pakikidigma kundi pati na rin sa muling pagtatayo ng lungsod! Ang Laro Reviews ay nabighani sa makatotohanang kapaligiran ng laro, kaya narito ang ilang mga payo na dapat tandaan kung magpasya kang i-install ito sa iyong devices.

Related Posts:

Design Home: Real Home Decor Review

Battle Warship: Naval Empire Review

Mayroong dalawang mga mode ang laro na maaari mong pagpilian: ito ay ang Classic at Infinite Zombie. Mula doon, maaari kang makipaglaban sa mga zombies na nagsisikap maabot ang iyong mga base. Ang kailangan mo lang gawin ay mag-isip ng isang diskarte para sa mahusay na pagpoposisyon ng iyong mga tore, armas, tanke, at ang kagamitan na iyong gagamitin. Mas mainam din na i-upgrade mo ang iyong mga base, sasakyan, at armament dahil nagiging mas mahirap ang laro habang umuusad ka. Bilang resulta, dapat mong palakasin ang iyong tropa. Maaari mong dagdagan ang iyong hukbo sa pamamagitan ng pagsali sa isang alyansa.

Pros at Cons sa Paglalaro ng Age of Z Origins: Tower Defense

Ang laro ay nakatanggap ng maraming positibong komento at pagkilala dahil mahusay nitong naisasaganap ang mga features ng laro. Ang makatotohanan at kahanga-hangang mga visual graphics, pati na rin ang mga acoustic effects ay umaakma sa kapaligiran at perpektong ipinapakita sa buong laro. Sasalubungin ka ng isang magandang babae na nagngangalang Ginger. Ipapaliwanag niya ang mga pangunahing kaalaman at magbibigay ng pangkalahatang impormasyon tungkol sa laro, kaya huwag mag-alala kung ikaw ay isang baguhang manlalaro nito. Maaari mo ring sikaping kumpletuhin ang mga misyon na itinalaga sa iyong squad upang makakuha ng mas maraming rewards.

Ito ay isang mahusay na libangan na nagbibigay ng pambihirang entertainment value sa karamihan ng mga manlalaro. Ang laro ay naa-access na ngayon sa mga smartphone devices, na mas komportable nang laruin. Maaari mo itong i-download sa Android, iOS, at PC hangga’t natutugunan ng iyong devices ang mga kinakailangan sa pag-install nito. Ito ay isang libreng app na maaari mong i-download, gayunpaman, naglalaman ito ng mga in-app purchases kung gusto mong mapabilis ang pag-level up ng iyong mga karakter maging ang mga bases.

Sa larong ito hindi ka lang nakatuon sa pakikipaglaban sa mga zombies kundi pati na rin sa muling pagtatayo ng lungsod. Maaaring ma-upgrade lahat kabilang ang mga sasakyan, base, armas, at iba pa. Ito ay dynamic at maraming maiaalok na features para sa mga manlalaro. Ang mekaniks ay basic at madaling makabisado. Maaari ka ring magtatag ng mga alyansa upang mapataas ang bilang ng mga tropang inihahanda mo upang ipagtanggol ang siyudad nang mas mahusay. Hindi ka mabibigo kapag sinubukan mo ang larong ito.

Konklusyon

Ang laro ay hindi maikakaila na nakakaengganyo at nakakalibang laruin. Binibigyang-diin nito hindi lamang ang digmaan laban sa mga zombie ang maaari mong gawin kundi pati na rin ang pagpapanumbalik ng lungsod at sangkatauhan. Naglalaman ito ng napakaraming features na maaari mong tuklasin hindi lamang ang Tower Defense Post na mayroon ito. Kaya subukan at laruin ito upang maranasan mo kung gaanong nakakalibang ang paglalaro nito.

Laro Reviews

Leave a Comment

Categories
Login
Loading...
Sign Up
Loading...