Among Us Review

Ang Among Us ay isang semi-coop online social deduction mobile game na nilalayong laruin ng 4-15 players. Ito ay isang sikat na laro na gawa ng Innersloth LLC na inilabas noong 2018. Gaya ng ipinahihiwatig ng pangalan, ang larong ito ay isang karaniwang laro ng pagtutulungan ngunit maaari ring may halong pagsisinungaling. Sa paggawa ng isang party, ang mga manlalaro ay sasakay sa isang nasirang alien spaceship kung saan sila ay bibigyan ng mga gawain – alinman sa pagiging isang Crewmate o isang Imposter. Dapat mahanap ng mga Crewmate ang Imposter na nakatago sa mga anino bago sila mapatay. Ang sikat na larong ito ay maaaring ma-download dito:

  • Download Among Us on Android https://play.google.com/store/apps/details?hl=fil&id=com.innersloth.spacemafia
  • Download Among Us on iOS https://apps.apple.com/us/app/among-us/id1351168404

Ang Kabuuan ng Larong Among Us

Sa pagsakay sa spaceship, dapat tapusin ng Crewmates ang iba’t ibang mga gawain at pag-isipan kung sino ang Imposter. Sa kabilang banda, ang Imposter ay may misyong ubusin at mapatay ang buong crew o hadlangan sila sa pagkumpleto ng mga nakatalagang gawain sa loob ng 15 minuto. Ang Imposter ay maaari ring magpanggap na isang crewmate upang maiwasan ang paghihinala ng kanyang mga kasama. Pagkatapos ay maaari na silang patayin kapag nakuha na ang kanilang tiwala!

Ang bawat laban ay binubuo ng tatlong rounds. Maaaring kontrolin ng mga manlalaro ang kanilang makukulay na ‘meme’ avatar sa pamamagitan ng paggamit ng buttons para sa mga pangunahing direksyon – pataas, pakaliwa, pababa at pakanan. Dapat tapusin ng mga manlalaro ang mga gawain at lumipat sa iba’t ibang panig ng spaceship. Para sa Crewmates, ang pagkumpleto ng mga gawain ay kinakailangan upang hindi sila maging suspek. Kapag ang isang Crewmate ay namatay at naiulat, ang natitirang mga manlalaro ay maaaring tumawag ng isang agarang pagpupulong para malaman kung sino ang Imposter. Ang pagiging mahusay na pagganap bilang isang Imposter ang mas nagpapasaya at nagpapa-excite sa larong ito.

Among Us

Among Us

Roles, Tips at Tricks sa Larong Among Us

Maraming pagkakaiba-iba na makikita sa larong ito. Ang difficulty ng laro ay nakadepende sa bilang ng mga manlalaro sa isang party, sa bilang ng mga Imposter, at kung gaano kahusay na ginagampanan ng bawat manlalaro ang kanilang mga tungkulin. Narito ang ilang tips at tricks para sa mga Crewmate at para sa mga Imposter:

Para sa mga Crewmate:

  • Tapusin ang mga nakatalagang gawain

Laging tandaan na ang pagkumpleto ng mga gawain ay magpapanalo sa Crewmates. Para maiwasan ang paghihinala na ikaw ang Imposter, dapat matapos mo agad ang mga gawain. Mainam din na sumama sa iyong kapwa Crewmates. Ang pagkumpleto ng mga nakatakdang gawain ay mas madali kaysa sa pagmamanman kung sino ang mga Imposter.

  • Magtrabaho ng sama-sama

Ang mga gawaing nakatalaga sa iyo ay maaaring tumagal ng maraming oras at maaaring naka-flash sa iyong buong screen kaya may mga pagkakataong hindi mo makikita ang mga nagkukubli sa isang silid. Samakatuwid, dapat laging magtrabaho kasama ang mga kagrupo upang may magsilbing bantay para sa isa’t isa. Ang paglalakbay at pagsasagawa ng mga gawain kasama ang ibang mga miyembro ay isang mabisang paraan para maprotektahan ang mahihinang Crewmates.

  • Mag-usap!

Kung ang laro ay magtatapos sa isang emergency na pagpupulong at tatawagin ang lahat ng mga manlalaro para bumoto, tandaan na hindi ka dapat magpadala sa mga pawang akusasyon lamang. Sa halip, dapat kang makipag-usap nang mabuti sa mga miyembro ng partido. Tiyak na gagawa ng pain ang Imposter at kakasuhan ang isang crewmate na hindi nakatapos ng task. Kapag ikaw ang naakusahan, maaari mong ipagtanggol ang iyong sarili sa pamamagitan ng mga nabanggit na tips. Ang isang maayos na pag-uusap ang makapagbubunyag ng tunay na Imposter. Maaari mo ring laktawan ang isang boto kung hindi sigurado kung sino ang tunay na Imposter.

Among Us

Among Us

Para sa mga Imposter:

  • Magpanggap na isang Crewmate

Kung ikaw ay isang Imposter at alam mo kung paano kumilos bilang isang Crewmate, mahihirapan ang mga tunay na Crewmate na matukoy ang iyong pakay. Kaya naman habang ginagawa nila ang kanilang gawain, dapat mo ring subukang gawin ito. Maglakbay kasama sila. Ang paggawa nito ay magbibigay sa iyo ng perpektong alibi na hindi ikaw ang Imposter. Palagi ka ring magkakaroon ng pagkakataon na patayin o isabotahe ang kanilang mga gawain.

Para malaman mo ang tungkol sa mga gawain, maglaro ng ilang round gamit ang practice mode. Ang pagmamanman kung anong mga gawain ang ginagawa ng mga Crewmate sa pamamagitan ng pagsama sa kanila sa isang silid ay isang magandang kasanayan para sa isang beteranong Imposter.

  • Mag-akusa!

Isang magandang pagkakataon na ipakita ang iyong husay na pagsasalita kapag tinalakay na ng mga Crewmate kung sino ang Imposter. Huwag basta magturo ng kung sino, sa halip ay bigyan sila ng makatwirang pagdududa upang akusahan ang ibang tao. Palaging may mga pagkakataon na ang isang Crewmate ay magbibintang sa iba. Maaari mong gamitin ang pagkakataong ito para sumang-ayon sa akusasyon at dagdagan ang pagdududa para sa manlalarong iyon.

  • Maging strategic

Tandaan na ang pinakalayunin ng Crewmate ay malaman kung sino ang Imposter o makumpleto ang kanilang mga gawain. Samakatuwid, maaari ka ring gumawa ng mga paraan upang masabotahe ang kanilang mga gawain bukod sa pagpatay. Dapat kang maghanap ng mga pagkakataon na maaaring lumabas sa bawat sitwasyon.

Among Us: Pros and Cons

Walang sinuman ang hindi sasang-ayon na ang Among Us ay masaya at napakadaling laruin. Ang gameplay ay napakasimple at madaling maunawaan. Bilang karagdagan, ang random grouping ng mga manlalaro ay nagpapalitaw ng variations sa bawat laro. Ang bawat manlalaro ay may kanya-kanyang paraan ng paglalaro batay sa kanilang tungkulin kaya asahan mong mayroon bagong pangyayari sa bawat yugto ng laro. Maaari kang maglaro hangga’t gusto mo pero siguradong hindi ka magsasawa rito.

Related Posts:

Kingdom Rush Frontiers TD Review

Metamorph M Reviews

Ang karagdang Imposter para sa isang party na hindi bababa sa 10 manlalaro ay mas nakakapagbigay ng challenge para sa Crewmates. Kung iisipin nga naman ay napakahirap para sa isang solong Imposter na gawin ang kanyang trabaho sa isang masikip na espasyo, lalo na’t marami ang kailangan nitong linlangin. Ang mga Crewmate na mauunang mamatay ay magiging spectating specters. Manonood lang sila hanggang sa matapos ang round.

Among Us

Among Us

Sa kabilang banda, ang larong ito ay hindi nag-aalok ng state of the art visuals o cool na musika at sound effects. Gayunpaman, ang minimalistic na disenyo nito na kasabay ng pag-usbong ng kultura ng ‘meme’ ay lumikha ng paggalang at pag-akit sa mga manlalaro, anuman ang edad, sa buong mundo! Para kang naglalaro ng retro vibe gaya ng mga arcade. Ang musika ng laro ay nagbibigay ng elemento ng suspisyon na angkop para sa simpleng visuals nito.

Ang isa sa mga hindi nagustuhan tungkol sa laro ay ang may katagalang proseso ng match making. Marami ang nagdidismaya dahil kakaunti lang ang available na lobbies na maaari mong salihan. Ang mga lobby na ito ay karaniwang puno dahil sa dami rin ng bilang ng mga manlalaro sa buong mundo na na-hook sa larong ito. May mga pagkakataon din na maghihintay ka ng matagal para lang mapuno ang lobby. Ang isa pang puna para sa laro ay hinahayaan lang nito ang pagku-quit kahit nasa kalagitnaan ng round. Syempre pa, hindi nakakatuwa ang pakikipaglaro sa mga basta-basta na lang sumusuko.

Konklusyon

Ang Among Us ay isang napakasaya at challenging na online social deduction at survival game. Puno ang laro ng aksyon at thrill sa loob lamang ng 15 minuto. Dapat gawin ng mga manlalaro ang kanilang makakaya sa loob ng itinakdang oras, dahil kung hindi ay matatalo sila sa laro. Ang ‘meme’ culture vibe sa larong ito ay minamahal ng maraming manlalaro sa buong mundo. Samakatuwid, kung naghahanap ka ng isang masaya at challenging na laro na hindi nakakasawa kahit na ilang oras at ulit mo pa itong laruin, ano pa bang hinihintay mo? Sumampa na sa spaceship at sumali sa umaatikabong hulaan sa Among Us!

Laro Reviews

Leave a Comment

Categories
Latest Posts
Login
Loading...
Sign Up
Loading...