Among Us! Review

Ang larong Among Us ay naging focus ng ilang meme at game streams sa internet na nakakuha ng mahigit 60 milyong users araw-araw at mahigit 100 milyong downloads ng app. Noong kalagitnaan ng Oktubre, nagsagawa pa nga ng Twitch stream ang United States of America Members of Congress Alexandria Ocasio-Cortez at si Ilhan Omar para hikayatin ang mga kabataan na magparehistro para bumoto sa 2020 na halalan. Ito ay nakakuha ng higit na atensyon sa online party game.

Ang Among Us ay isang multiplayer game online na may rating na PEGI 7 kung saan hanggang 10 tao ang maaaring lumahok bilang isang ‘Crewmate’ o isang ‘Imposter.’ Ang layunin ng laro ay para alamin ng Crewmates kung sino ang mga Imposter sa laro.

Paano laruin ang Among Us

Random na ibinibigay ang papel na ginagampanan ng mga manlalaro sa bawat round. Maaari kang maging isang masamang tao na tinatawag ding Imposter, at ang iba pang players bilang Crewmates. Alam ng mga Imposter ang tungkulin ng bawat manlalaro. Alam nila kung sino ang katulad nilang may masamang balak, ngunit lingid ito syempre sa kaalaman ng mga Crewmates. Dapat mapatay ng mga impostor ang lahat ng Crewmates nang hindi sila nabubuking upang manalo. Kung gusto ng Crewmates na manalo sa laro, dapat nilang alamin kung sino ang mga Imposter at ihayag ang mga ito sa pamamagitan ng botohan, o kaya naman ay dapat nilang makumpleto ang pag-aayos ng barko sa pamamagitan ng pagtapos ng mga simpleng gawain na lumilitaw bilang mini-games, bago pa sila mapatay ng mga Imposters.

Among Us

Among Us

Ang twist ng laro, maaari lamang makipag-usap ang players sa isa’t isa tuwing may biglaang pagpupulong na nagaganap pagkatapos matuklasan at naiulat na may natagpuang  bangkay, o kapag may pagtawag ng emergency meeting sa pamamagitan ng pagpindot sa isang button, na maaaring gawin ng bawat manlalaro nang isang beses sa bawat round, depende sa setting. Habang nasa isang pagpupulong, sinusuri ng mga manlalaro kung ano ang kanilang naobserbahan at magpapasya ang mga ito kung ang kahina-hinalang kasamahan ay dapat palabasin o magpapatuloy sila sa kanilang mga gawain nang walang pinapaalis. Ang mga impostor sa kabilang banda, ay gagawin ang lahat ng kanilang makakaya upang hikayatin ang iba pang mga manlalaro na sila ay mabubuting tao, kaya ang mga manlalaro ay dapat gumamit ng pangangatwiran upang makita ang panlilinlang at makapagdesisyon ng tama para sa ikakabuti ng crew. Hindi ba exciting?

Mayroong tatlong magkakahiwalay na mapa na dapat galugarin, bawat isa ay may kanya-kanyang hanay ng mga hamon.

Ano ang kailangan para makapaglaro ng Among Us?

Ang Among Us ay magagamit na at pwedeng i-download sa mobile phones (Android at iOS), Nintendo Switch, at Windows PC. Libre ang pag-download at paglalaro ng mobile apps, ngunit ang mga bersyon ng PC at Switch ay hindi; ang bersyon ng PC ay nagkakahalaga ng CAD$5.69 sa pamamagitan ng Steam, habang ang bersyon ng Switch ay nagkakahalaga ng CAD$6.30 sa pamamagitan ng Nintendo eShop. Hangga’t may access sa isang mobile phone o tablet, maaaring gamitin ang mga online feature nang hindi kinakailangang magbayad ng anumang pera.

  • Download Among Us on Android https://play.google.com/store/apps/details?id=com.innersloth.spacemafia&hl=en&gl=US
  • Download Among Us on iOS https://apps.apple.com/us/app/among-us/id1351168404
  • Download Among Us on PC https://www.bluestacks.com/apps/action/among-us-on-pc.html
Among Us

Among Us

Ano ang mga kalamangan at pakinabang ng paglalaro ng Among Us?

Ang Among Us, tulad ng iba pang sikat na mga laro, ay maaring makatulong sa mga bata upang makahanap ng mga kaklase o kaibigan na may parehong interes sa laro. Ang kaalaman sa mechanics at diskarte ng laro, pati na rin ang lingo sa laro tulad ng “venting” at “sus,” ay tiyak na mapapakinabangan habang nakikipagkwentuhan o nakikipag-usap sa grupong sumusubaybay din sa laro. Masasakyan mo ang bawat biro at hindi ka makakaramdam ng pagiging ‘out-of-place’.

Ang Among Us ay isang laro tungkol sa pakikipagtulungan, kung saan dapat magsanib-pwersa ang lahat upang matukoy kung sino ang hindi mapagkakatiwalaan sa grupo ng mga manlalaro. Maaari itong maging kapaki-pakinabang dahil tinutulungan nito ang mga bata na bumuo ng kanilang mga kasanayan sa pangangatwiran at komunikasyon, na higit na mahalaga lalo ngayong sila ay natigil sa bahay at nangangailangan ng kasanayan sa pakikisalamuha. Gayunpaman, dapat nating isaisip na ang laro ay tungkol din sa pagtataksil. Ang mga indibidwal na naglalaro bilang Imposters ay dapat na makabisado ang ilang hindi kanais-nais na skills tulad ng pagsisinungaling at pagmamanipula upang magtagumpay. Ngunit, hindi ito dapat ikabahala. Ang mahalaga ay maipaliwanag at maunawaan ng mga batang naglalaro kung kailan nararapat gamitin ang mga talentong hindi kanais-nais.

Ilang mga bagay na hindi kanais-nais sa laro

Ang bawat laro ay maaaring magkaroon ng apat hanggang sampung kalahok, kaya kung ang iyong anak ay sasali sa isang pampublikong laro online, tiyak na mga estranghero ang karamihan sa mga magiging kalaro. Bilang proteksyon sa mga bata, ang laro ay walang voice chat at hindi siya direktang makakausap ng iba pang naglalaro. Maliban na lang kung ang iyong anak ay gumagamit ng isang panlabas na serbisyo ng voice chat tulad ng Zoom o Discord. Ang laro ay may feature na text chat, ngunit gaya ng nabanggit, available lang ito sa panahon ng mga “emergency” na pagpupulong, na tumatagal lang ng humigit-kumulang 30 segundo. Gayunpaman, dahil ang mga talakayan ay hindi kinokontrol, maaaring makasaksi ang mga batang naglalaro ng mga eksena na may halong pambu-bully o kaya naman ay mga snide comments mula sa mga racist, sexist, o homophobic.

Related Posts:

Hide ‘N Seek! Review

Arrow Fest Review

Among Us

Among Us

Konklusyon

Ang Among Us ay isang multiplayer game online kung saan ang mga manlalaro ay dapat magtulungan upang ayusin ang lumalalang sira sa starship habang inaalam kung sino ang mga impostor. Isa itong game ng social deduction, na nagpapahiwatig na ang laro ay umiikot sa isang hindi pagkakaunawaan sa pagitan ng dalawang grupo: ang may kaalamang minorya at ang maling kaalaman ng karamihan. Bagama’t mahirap paniwalaan kapag kakaumpisa mo lang sa game, ito ay talagang madali lang laruin.

Makakapagdesisyon ka kung paano mo gustong maglaro! Baguhin ang dami ng mga Impostor, ang mga tungkuling ginagampanan nila, ang mga gawaing tinatapos nila, ang visibility ng mga manlalaro, at marami pang iba. Maglaro gamit ang sarili mong style sa pamamagitan ng pagpapalit ng kulay, visor, nameplate, damit, at cap ng iyong Crewmates. Marami pang mga pagpipilian sa pagpapasadya at pagko-customize ang inaasahang maibigay ng developers sa hinaharap.

Laro Reviews

Leave a Comment

Categories
Latest Posts
Login
Loading...
Sign Up
Loading...