Ang Angrymals: Aim, Smash, Repeat ay isang larong binuo sa iisang ideya: magtapon ng basura at sirain ang mga bagay! Makokontrol mo ang tatlong magkakaibang karakter, bawat isa ay may kanya-kanyang natatanging hanay ng mga armas at kakayahan na magagamit mo upang puksain ang mga depensa ng iyong mga kalaban o palakasin ang iyong sarili. Maglaro laban sa mga random na kalaban mula sa buong mundo o kasama ang iyong mga kaibigan online. Para ipakita sa kanila kung sino ang may mas malaking chickengun, kumita ng mga premyo at mag-unlock ng mga skin, armas, at higit pa. Ngayon ay talakayin natin ang mga tampok nitong laro sa artikulong ginawa ng Laro Reviews.
Contents
Mga Tampok ng Laro
Ang Angrymals: Aim, Smash, Repeat ay isang competitive game na ginawa ng Sionera Entertainment. Ito ay mayroong classic style na graphics na tiyak na kahuhumalingan mo. Ngayon ay talakayin natin ang mga pangunahing tampok nitong laro.
REAL-TIME 1 VS 1 battle: Itigil ang paglalaro nang mag-isa at ikumpara ang iyong score sa iyong mga kaibigan sa pagtatapos ng laro! Sa Angrymals, nararamdaman ng iyong kalaban ang bawat pag-atake sa real-time.
Crazy Weapons: Carrot-shooting exhausts? Mga electric eels sa blender? Mga petunia na kung saan lumilitaw ang sperm whale? Ito ay ilan lamang sa mga unique at odd na mga weapons.
Mga kakaibang species at espesyal na pag-atake: Ang Angrymals Island ay tahanan ng iba’t ibang lahi o species ng mga hayop (fictional syempre), bawat isa ay may sariling espesyal na pag-atake. Mga lindol, bagyo, nagbabagang meatball shower, UFO na minamaneho ng mga seagull, at mga nakatutuwang sasakyan. Hindi ka mabibigo kung susubukan mo ang mga ito.
Iba’t – ibang Game Mode: Nagmamadali pero gusto pa ring maglaro? Ang Quick Brawl mode ay magagamit para sa mabilis na paglalaro. Gusto mo bang gamitin ang lahat ng iyong madiskarte at taktikal na kakayahan? Maaari mong gawin dito iyon.
Gumawa ng Sarili Mong Fortress: Maaari kang gumawa ng Fortress dito at gamitin ito upang maging depensa sa kalaban o ibenta ito para magkapera. Kaya pumili sa pagitan ng kagandahan, masaya, at dalisay na kahusayan, depende sa vibe na gusto mo, maaari mong gawin ito.
Skin: Sumasang-ayon ako na ang mga kambing sa kanilang pajama ay astig. Gayunpaman, napansin mo ba na sila ay nakadamit din bilang mga pirata? Paano ang mga baboy mula sa Middle Ages? Koala mula sa nakaraan, marahil? Maaari kang bumili ng mga bagong skin sa Angrymals para durugin ang mga kuta ng kaaway sa sarili mong makinis na istilo (dressed to kill).
Replay: Natalo mo ba ang kalaban nang mag-isa? Maaari mong sariwain ang iyong mga panalo pagkatapos ng isang match sa pamamagitan ng replay at maaari mo rin itong i-share sa iyong social media.
Paano I-download ang Angrymals: Aim, Smash, Repeat?
Hindi mo na kailangan gumawa ng log in account upang makapag-simulang maglaro nito ngunit maaari mong i-bind ang iyong Facebook account upang makalaban ang iyong mga kaibigan sa Facebook na naglalaro rin nito. Para i-download ito sa Android, buksan ang iyong Google Play Store at i-type sa search bar ang pangalan nitong laro pagkatapos ay i-click ang Install. Parehong proseso lamang para sa iOS ngunit maaari mo itong i-download mula sa App Store. Para naman sa PC, pumunta sa http://gameloop.comat hanapin itong laro sa nasabing website at i-click ang Download. Para sa mabilis na pag-access, maaaring i-click ang mga link sa ibaba.
Download Angrymals: Aim, Smash, Repeat on Android https://play.google.com/store/apps/details?id=com.sionera.angrymals.one
Download Angrymals: Aim, Smash, Repeat on iOS https://apps.apple.com/id/app/angrymals/id1513545169
Download Angrymals: Aim, Smash, Repeat on PC https://www.gameloop.com/game/casual/com.sionera.angrymals.one
Tips at Tricks para sa mga Baguhan
Narito ang ilan sa mga kaalamang ibabahagi ng Laro Reviews na makakatulong sa iyo bilang isang baguhan. Ang Angrymals ay isang turn-based action game na kung saan ang dalawang manlalaro ay nakikipag-kompetensya sa isa’t isa. Dahil ito ay batay sa Angry Birds, ang gameplay ay simple at madaling sundan. Ang bawat koponan ay binibigyan ng tatlong hayop sa kabuuan. Ang iyong layunin ay gawing zero ang HP ng mga hayop ng kabilang team. Tulad ng Angry Bird, i-swipe at i-drag ang screen upang umatake. Mayroong tatlong skill sets ang dapat mong pag-aralan at tatalakayin natin ang bawat isa nito.
Timing – Ang tamang tyempo ng pag-atake ay nakabase sa lakas o hina ng iyong pagbato. Halimbawa, kung ang kalabang koponan ay mas malapit, ibig sabihin nito ay kailangan mong i-timing ang pagbato kung saan ay matatamaan mo ang iyong kalaban.
Trajectory – Ito ay ang kakayahang tukuyin ang kinakailangang taas ng pagbato upang tamaan ang kalaban. Upang magawa ito, kakailanganin mong matukoy ang tamang anggulo ng pagbato upang direkta mong tamaan ang iyong kalaban.
Accuracy – Kapag kabisado mo na ang timing at trajectory sa pagbato, ngayon ay kailangan mong sanayin ang iyong accuracy o kakayahang patamaan ang kalaban ng magkakasunod. Samakatuwid, kailangan mong makabisado ang timing at trajectory upang maging accurate ang iyong bawat pagbato.
Kalamangan at Kahinaan
Kahit na ang gameplay nito ay hango sa Angry Birds, marami pa ring bagay ang natatangi sa larong ito, tulad ng customizable banners na maaari mong iangkop sa iyong istilo. Mayroon din itong push-to-talk at emoticon feature na maaring gamitin upang asarin ang iyong kalaban. Napakalawak ng posibilidad sa larong ito dahil sa kakaibang disenyo at anyo ng mga weapons, hindi mo malalaman ang mga kakayahan nito sa unang tingin. Kung mahilig ka sa caricature na istilo ng art, tiyak na magugustuhan mo ang character design nito bukod sa mga normal na mga hayop mayroon ding mga skins na maaari mong i-equip upang baguhin ang mga anyo ng iyong character kaya kung sakaling mabagot ka man dahil sa paulit-ulit na design ng iyong character, mangolekta ng mga skin upang mas marami kang mapagpipiliang design ng character.
Medyo mabigat ang file size ng laro, ngunit sa tingin ko ay maaari pa rin itong laruin sa low-specs phone. Ang problema sa larong ito ay matakaw ito sa internet connection lalo na kung gusto mong gamitin ang push-to-talk feature ng laro kaya hindi ito mainam na laruin gamit ang iyong mobile data. Medyo may kaunting delay din ang paggalaw ng mga character at minsan nagla-lag ang laro. Medyo naapektuhan ang gameplay sa tuwing nangyayari ito kaya naman sana sa mga susunod na updates ay maayos na ito.
Konklusyon
Sa kabuuan, itong laro ay nakatanggap ng star rating na 4.9 sa Google Play Store at 5.0 sa App Store. Maraming mga manlalaro ang talagang nahumaling dito dahil ito ay parang isang pagpapahusay ng all-time favorite casual game ng lahat noon, ang Angry Birds. Ito ay nagbibigay ng classic na vibe at nostalgia para sa mga manlalarong nahumaling din noon sa Angry Birds. Kaya ano pang hinihintay mo? I-download na ang Angrymals: Aim, Smash, Repeat ngayon!
- 0 Comment
- Casual Game Apps, Reviews
- July 25, 2022