Army Commander Review

Malamang ay maraming beses ka nang nag-download ng mga war game at nadismaya nang nalaman mong ang mga ito ay mga MMORTS game. Inaasahan mong magsasagawa ng mga digmaan gamit ang mga unit tulad ng mga sundalo at mga tanke, ngunit mas nangingibabaw ang pagma-manage ng iyong base. Ito ang dahilan kung bakit dapat mong basahin ng maigi ang laro bago ito i-download. Di tulad ng ibang mga laro, ang Army Commander ng Lion Studios ay isang casual game kung saan iba’t ibang mga kalaban ang iyong kakaharapin sa bawat stage. 

Ang iyong pangunahing layunin ay makuha ang bandila ng iyong mga kaaway sa larong ito. Gayunpaman, magagawa mo lamang ito kung patay na silang lahat. Ang unang stage ay magkakaroon lamang ng isang bandila, ngunit tataas ang mga ito habang sumusulong ka sa laro. Ang iyong mga kaaway ay maghuhulog ng mga tag kapag namatay, at kailangan mong kolektahin ang mga ito. Magagamit mo ang mga ito para magtayo ng mga tent, i-upgrade ang iyong commander, at higit pa.

Lalabas ang D-pad sa anumang bahagi ng iyong screen at gamitin ito para ilipat ang iyong karakter. Magkakaroon ng mga parihaba na may mga silver tag na nakalagay sa iyong base, at ang numero sa itaas ng mga ito ay tumutukoy kung ilan ang dapat mong ihulog. Magtatayo ito ng mga tent na maglalabas ng mga sundalo, tanke, medics, at higit pa kapag nailagay mo na ang kinakailangang bilang ng mga tag. Ang icon sa tabi ng iyong mga troop ay nagpapakita ng iyong rank, at maaari mo itong i-upgrade gamit ang mga gold tag. Makakakuha ka ng higit pang mga feature kapag mas nag-level up ka. Ilagay ang iyong commander sa rectangle na nasa harap at pindutin ang charge button para umatake.

Features ng Army Commander 

Commander – Ang iyong playable karakter na namumuno sa iyong mga troop. Ang bilang ng mga unit sa ilalim ng iyong kontrol ay dadami habang ikaw ay nagle-level up, at ang iyong mga posisyon ay batay sa mga nakatalang ranggo sa Army. Magbibigay din ito ng mga buff sa lahat ng mga sundalong nasa loob ng kanyang range.

Troops – Ang mga unit na ito ay susunod sa iyong order at aatake sa isang grupo. Lalabas sila sa loob ng tent, at lalakas sila kapag mas ina-upgrade mo ito.

Tags – Mayroong dalawang uri sa laro. Ang mga gold tag ay ginagamit upang i-level up ang iyong kumander, habang ang mga silver tag ay para sa pagtatayo at pag-upgrade ng mga tent.

Weaponry – Ang makina na gumagawa ng mga armas tulad ng mga shotgun at flamethrower. Maaari mong i-upgrade at gawin ang mga ito gamit ang mga silver tag.

Stages – Dito mo lalabanan ang iyong mga kalaban at kukunin ang kanilang mga bandila. Ang kanilang mga pangalan ay batay sa mga kaganapang nauugnay sa mga digmaan, tulad ng Bunker Hill, Westfront, at Hiroshima.

Nuke – Magpapadala ito ng nuclear bomb na nag-aalis ng lahat ng nasa loob ng sumabog na lugar.

Eroplano – Ito ay nagpapahintulot sa iyo na lumipad sa ibabaw ng iyong mga kaaway, at maaari itong maghulog ng hanggang labinlimang bomba.

Saan pwedeng i-download ang Army Commander?

Pumunta sa Google Play Store gamit ang iyong smartphone kung Android user ka o sa App Store kung iOS user naman, at ilagay ang Army Commander sa search bar. Dahil libre ang laro, i-click at i-install ito at hintaying mai-download ito.

Narito ang mga link kung saan mo maaaring ma-download ang laro:

Download Army Commander on Android https://play.google.com/store/apps/details?id=com.iu.armypioneer

Download Army Commander on iOS https://apps.apple.com/us/app/army-commander/id1607069246

Download Army Commander on PC https://www.bluestacks.com/apps/casual/army-commander-on-pc.html

Kung nais mong laruin ito sa PC, i-download muna ang BlueStacks emulator mula sa kanilang https://www.bluestacks.com. Kompletuhin ang access na kinakailangan sa Google Play at mag-sign in gamit ang iyong account, at pwede mo nang i-download ang laro at maranasan ito sa PC.

Tips at Tricks sa Paglalaro 

Hindi mahirap mag-progress sa larong ito, ngunit maaari ka pa ring ma-stuck kung lagi kang umaatake nang walang plano sa laro. Kaya gamitin ang mga tip na ito upang maiwasan ang ganitong sitwasyon.

Iwasan ang mga landmine.

Maaaring hindi ito gumagawa ng malaking pinsala, ngunit maaari kayong mamatay ng iyong mga troop kung ang iyong mga kaaway ay umaatake nang sabay-sabay. Hindi mo makokontrol kung saan sila pupunta, ngunit magagawa mo ito sa iyong karakter. Siguruhing maiwasan ito hangga’t maaari.

Palaging gumawa ng mga armas.

Ang mga bagong sundalo ay magkakaroon ng mga pangunahing sandata tuwing lalabas sila sa tent. Sayang kung hindi nila magagamit ang mga ito dahil wala ka pang na-produce, kaya siguruhing maglagay ng mga silver tag sa iyong armas.

Gamitin ang storage.

Maaari mo lamang iimbak ang mga silver tag, ngunit ito ay kapaki-pakinabang dahil maaari mong simulan ang susunod na stage nang may extra.

Manatili sa iyong mga troop.

Sa tuwing umaatake ka, may lalabas na bilog sa iyong karakter. Ang lahat ng troop sa loob nito ay magbibigay ng buff na magpapalakas sa kanilang atake. Maaari mo rin silang gamitin bilang iyong kalasag, kaya manatili sa kanila.

Hintayin ang lahat ng iyong mga sundalo

Huwag umatake ng may kakaunting sundalo lang dahil mamamatay sila sa huli. Ang mga numero ay magiging isang advantage sa laro, kaya hintayin silang lahat na mapunta sa posisyon.

Pros at Cons ng Army Commander 

Sa simpleng mechanics nito, hindi mahirap matutunan ang laro. Hindi kailangan ng mahabang instruction para malaman kung ano ang gagawin. Maaari ka ring maaliw, lalo na kapag nakapag-unlock ka ng mas maraming tent habang tumataas ang rank ng iyong karakter. Ang Army Commander ay may disenteng graphics at animation. Available rin ang laro offline, kaya maaari mo itong laruin kahit saan, anumang oras mo man gustuhin.

Palaging inaalis ng mga advertisement ang saya sa mga laro, lalo na kapag lumalabas ito sa gitna ng iyong gameplay. Inirerekomenda ng Laro Reviews sa developer na pamahalaan kung paano sila maglalagay ng mga ad dahil mas pipiliin ng mga player na i-uninstall ang laro kapag kailangan nilang manood ng advertisement bawat segundo. Palagi ring nagla-lag ang laro kahit pa high-end device ang gamit ko sa paglalaro, at maayos ang aking ram. Palagi kang madidismaya kung ang iyong karanasan sa paglalaro ay hindi maayos.

Konklusyon

Ang Army Commander ay isang casual game, ngunit kailangan nito ng depth sa pamamagitan ng pagdaragdag ng higit pang mga mode. Magiging masaya lang ang laro sa una, ngunit maaari itong maging monotonous dahil paulit-ulit ang mga kailangan mong gawin sa bawat stage. Para sa Laro Reviews, ang larong ito ay ginawa lamang upang kumita ng pera dahil sa mga simpleng mechanics nito at mga ad break sa gitna ng iyong paglalaro.

Leave a Comment

Categories
Latest Posts
Login
Loading...
Sign Up
Loading...